Matapos ang eksena kanina ay hindi makatulog si Red iniisip niya ang dalaga. Nabigla din siya sa ginawa niyang iyon kay Sky. Dahil damang dama nito ang kaba ng nobya. Paikot ikot ito sa higaan, maya maya lang ay tumatama na ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Dali daling inabot ang cellphone at tinignan kung anong oras na. Bumangon ito at gumayak sa pag pasok sa trabaho. Kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan at lumabas. Tumingala sa kalangitan at dinama ang lamig ng sariwang hangin habang nakapikit ang mga mata. Maganda ang araw ni Red ngayon. Pagdating nito sa trabaho ay binabati ang bawat maka salubong. "Bro, tawag ka ni Boss" ani Jim katrabaho ni Red, nakaturo sa opisina ng Manager Ngumiti lang ito at dumiretso sa opisina ng Boss niya. "Sir?" ani Red "Oh, about pala sa binigay ko sayo kagabi. Tatawagan ka nila upang ibigay ang mga requirements sa para sa pag proseso ng visa mo" ani Kuya Sir Nahihiya man si Red sa Boss niya subalit hindi niya pa rin maiwasan hindi magpasa
Nagising si Sky mga ilang oras ng makatulog ito. Habang naka titig sa kanya ang nobyo. Nagba blush ang mukha nito ng makita niyang naka tingin pala ang nobyo habang siya ay natutulog. Napa takip tuloy ng mukha ito. Hindi ito uwi si Red sapagkat naka unan sa kanyang braso ang dalaga. Kung aalis ito ay maaaring magising ang dalaga kaya hinintay na lamang magising ni Red ang nobya bago ito umalis. "Mahal yung binigay pala ni Kuya Sir sa akin, nais ko sanang isama ka sa pag-alis kung ok lang sa iyo" ani Red na nakatingin sa dalaga "Ngunit pag dating ba doon ay may trabaho ka na?" tanong ni Sky "Opo meron na, agency na ang bahalang mag asikaso ng mga papel ko - natin kung gusto mo nang sumabay sa akin. Maaari ka naman daw sumunod kung iyong gugustuhin pero mas gusto ko sana kasabay na kita umalis at baka maagaw ka pa ng iba, marami pa naman lalaki sa trabaho mo" pag bibirong salita ni Red Subalit alam naman ni Red na hindi mag hahanap ang nobya ng iba dahil hanggang ngayon ay hininta
"Mahal gumayak ka ng maaga, ihahatid kita sa trabaho mo" ani Red sa kabilang linya. Pagkatapos nang bilin na iyon ay pinatay na nito ang tawag saka naligo. "Ang aga naman magpakilig ng lalaking ito" ani Sky habang iginagayak ang gamit papunta sa trabaho. Ilang minuto pa ay dumating na nga ang kanyang sundo. Naka backride ito sa motor ng nobyo. Feel na feel naman ni Sky ang pag yakap sa nobyo sapagkat na a-amoy na naman nito ang halimuyak ng pabango ni Red. Ayaw na niya matapos ang sandaling ito, naa-adik siya sa amoy ng nobyo. Sino ba naman ang hindi maa-adik dito parang amoy laging bagong ligo ang scent ng Davidoff Cool Water. Tuwi ngang napupunta si Sky sa Mall kasama ng kanyang mga katrabaho ay dumidiretso ito sa Men's Perfume section para lang amuyin ang pabangong iyon. Kilig na kilig siya dahil iyon din ang suot na pabango ng nobyo. Pag datingn nila sa trabaho ni Sky. Bumaba ang dalaga at inalis ni Red ang helmet nito. Subalit pagkatapos maalis ng helmet nito ay nag paalam na
Schedule na ng Biometrics nina Red at Sky. Maaga sinundo ni Red ang nobya upang magtungo sa VFS Global kung saan sila sila magpapa biometrics. Lumiban ang dalawa sa trabaho upang sadyain ang pagpapa biometrics. Nagulat naman ang boss ni Sky sa nalamang dahilan nito na pag migrate sa Canada. Subalit ayaw niya na pigilan ang dalaga dahil career growth ito para sa kanya. Dalawampung Minuto lang ang itinagal ng pag poproseso ng biometrics ng mag-kasintahan. Sinulit na nila ang araw na iyon sapagkat buong araw ang paalam nila na mawawala sila sa trabaho. "Mahal pasyal tayo?" ngiting tanong ni Red sa nobya Matamis na ngiti naman ang sinagot sa kasintahan at hinawakan ang kamay ng nobyo upang tugunin ang tanong nito. Gusto niya ito, sapagkat ilang taon niya din hinintay na maging magkasama sila lagi, ilang taon muna ang sakit na naramdaman niya bago nangyari ang ganito sa buhay ni Sky. Tuwang tuwa ang dalaga na nakayap sa likod ng nobyo. Nais niyang wag ng matapos ang sandaling iyon. N
Nasa kolehiyo pa lamang si Red, laking Lola kaya naman sobrang mahal na mahal ito ng kanyang Lola kumpara sa ibang apo nito. Sunod sa luho, bigay ang gusto. Laking Probinsya bagamat may bahay sila sa Maynila at may kakayanan ito mag-aral sa mamahaling paaralan ay mas pinili nito makasama ang Lola sa Probinsya ng Laguna at doon mag tapos ng pag-aaral nya. Mataas na ang sikat ng araw. Humahalik ang init sa matipunong braso ni Red. Nagising ito sa pagsayaw ng kurtina sa malakas na hangin habang humahampas sa kanyang mukha. "Ah, tanghali na pala!", aniya. Habang hawak ang ulo at iniinda ang sakit nito dahil sa hangover. Tumayo ito, kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo. Dali dali sya nagbihis at pumasok dahil malapit na naman siya malate. Dahan dahan nitong binuksan ang pinto sa classroom para hindi sya mapansin ng kanyang professor. "Red!, umalingangaw ang boses ng babae sa buong classroom at napatingin ang mga kaklase sa kanya. "Late ka na naman!" Ngumiti lang ito at
FLASHBACK
Subalit sino ba naman ang hindi ma fall kay Sky, nung mga oras na down na down si Red siya ang nag comfort dito. “Kumusta ka na?” ani Sky “Kumain ka na ba?” anito “Wag mo lang isipin ang nangyari dahil may dahilan ang lahat kaya nangyari iyon, mabuti nga at nalaman mo na rin kaysa mag tagal pa ang relasyon niyo tapos niloloko ka lang rin pala” Ilan lang ito sa mga mensahe na nag comfort kay Red.Matapos ma-aksidente si Red si Sky ang bukod tanging tao ang nag-alala sa kanya na hindi niya kaano-ano. Isang taong matigas ang ulo puro problema ang bigay sa magulang, mabarkada at bisyo may isang taong handang dumamay at nag paramdam ng halaga na hindi dapat niya sayangin ang buhay sa walang kwentang problema. Kaya naman nang gumaling ito matapos siyang maaksidente, napag pasyahan niyang pumasok ng seminaryo. Iniisip niya na ito lang ang magiging paraan upang makalimutan niya ang lahat ng sakit. “Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan Red?” tanong ng ina nito nawala din naman nagawa s
Pero mukhang naka isip na naman ng pagpapa cute si Red kay Sky. Nag memessage ito sa kanya na hindi na ito tutuloy mag-aral. Bagamat hindi nag rereply si Sky sa message niya alam niyang nababasa lang ito ng dalaga. Gustong maramdaman ni Red kung mahalaga talaga siya kay Sky o talagang kapatid lang ang turing nito sa kanya. Isang araw, “Lalabas kami mag-iinom kasama barkada” message sa kanya ni Red “Ade lumabas ka pakealam ko ! ” ani Sky “talaga lalabas ako magpapaka lasing ako” sabe ni Red “Wala ako pakealam” reply naman ng dalaga Para silang aso’t pusa mag away. “May kasama kaming babae, si Yel may gusto sa akin” aniya Tila natigilan si Sky ng bahagya. “Ganyan naman talaga ang ginagawa mo una pa di sundin mo gusto mo” ani Sky “Sige wala ka talagang pakealam ha” pag babanta ni Red Subalit may parang kurot na nararamdaman sa puso dahil parang hindi nga siya pipigilan ni Sky “Ano ba, yan inaatupag mo halip na mag-aral ka” galit na si Sky May kilig naman naramdaman si Red, da