Share

Chapter 3 : Nobyo

Subalit sino ba naman ang hindi ma fall kay Sky, nung mga oras na down na down si Red siya ang nag comfort dito.

“Kumusta ka na?” ani Sky

“Kumain ka na ba?” anito

“Wag mo lang isipin ang nangyari dahil may dahilan ang lahat kaya nangyari iyon, mabuti nga at nalaman mo na rin kaysa mag tagal pa ang relasyon niyo tapos niloloko ka lang rin pala”

Ilan lang ito sa mga mensahe na nag comfort kay Red.

Matapos ma-aksidente si Red si Sky ang bukod tanging tao ang nag-alala sa kanya na hindi niya kaano-ano. Isang taong matigas ang ulo puro problema ang bigay sa magulang, mabarkada at bisyo may isang taong handang dumamay at nag paramdam ng halaga na hindi dapat niya sayangin ang buhay sa walang kwentang problema.

Kaya naman nang gumaling ito matapos siyang maaksidente, napag pasyahan niyang pumasok ng seminaryo. Iniisip niya na ito lang ang magiging paraan upang makalimutan niya ang lahat ng sakit.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan Red?” tanong ng ina nito nawala din naman nagawa sa kagustuhan ng anak

“Opo Ma” yun na lang nag narinig na sagot mula kay Red

Si May naman ay naging malungkot din sa naging desisyon ni Red, subalit inisip niya na baka nga ito ang makatulong sa kanyang kuya na nakakaranas pa rin ng sakit mula sa nakaraan ng dating kasintahan ng pinsan.

Ngunit matapos lang ang ilang Linggo ay pinalabas ng seminaryo si Red. Dahil siya ang tinuturong ama ng dinadala ng isang dalaga na si Ace. Kababata ni Red.

Tinanong si Red ng magulang niya kung totoo, agad naman tinanggi ito ng binata.

“Hindi po, kaibigan lang ang turing ko kay Ace, at hindi ko magagawa ang bagay na yun sa tinuturing kong parang isang kapatid” sagot ni Red

Tama nga si Red, marami nagkaka gusto sa kanya. Kahit bulakbol ay gustuhin ito ng kababaihan dahil sa lakas ng appeal niya.

Varsity player kasi siya sa kanilang paaralan sa larong basketball. Kaya hindi malabong magustuhan siya ng mga kababaihan dahil isang magaling na manlalaro ito.

May gusto sa kanya si Ace, noon pa man. Kaya siya ang tinurong ama nito dahil may pera sila Red. Natatakot si Ace sa mga magulang niya na aminin ang totoo. Kaya naman sa mga magulang ni Red ito nag sabi para matulungan siya nito mag paliwanag.

Nalinis ang pangalan niya.

Nai kwento niya ito kay Sky. Tawa naman ng tawa si Sky sa kwento niya.

Hindi inaasahan ni Sky na makakalabas ng seminaryo si Red ng dahil lang doon.

“So paano yan, babalik ka pa sa seminaryo?” tanong nito

“Hindi na siguro, pagagalitan na ako nila Mama, at na realize ko din ayaw ko doon. Nalulungkot ako, namimiss ko ang buhay sa labas” paliwanag nito

Pinangangaralan naman ni Sky si Red na para na niya itong kapatid kung ituring. Dahil nga sa pangyayari matapos ang aksidente ni Red hindi na ito naka pasok ng school kaya pinayuhan ni Sky na mag tapos ito at ituloy ang kurso.

Bumalik naman ito sa pag-aaral subalit bumalik na naman ito sa kanyang bisyo. Hanggang hindi na ito nakaka pasok dahil sa pag iinom. Na kinagalit naman magulang ni Red.

At syempre si Sky na para na niyang ate.

“Anong mangyayari sa buhay mo kung ganyan lagi ang gagawin mo?” tanong ni Sky

“Pumasok ka dahil sayang lang ang pinag papa-aral sayo ng magulang mo, maswerte ka nga at hindi mo pinag hihirapan ang ginagamit mo sa pag-aaral mo dahil may mga magulang kang kaya kang pag-aralin.

Hanggang hindi namamalayan ni Red na nahuhulog na ang loob niya kay Sky, dahil sa laging pag-aalala nito sa kanya. Yung palaging siyang pinagagalitan na parang bata, kaya habang nakikipag usap ito ay may pag-aalala na din sa kausap na si Sky.

Lagi siyang nag-papaalam kung lalabas siya. Kung papasok sa school, kapag maglalaro ng basketball kasama ang mga kaibigan. Hanggang nag pasya siya na iparamdam kay Sky na gusto niya itong maging kasintahan.

Ngunit may malaking problema si Red!!

Oh no!

May boyfriend si Sky.

Malaking problema nga ito.

Pero hindi basta basta sumusuko si Red, aba “si Red yata ako!”aniya

Lahat ng babaeng nagugustuhan ko nakukuha ko.

“Ang iba nga dyan kahit hindi ko nililigawan, tignan ko lang nagiging syota ko na!” ganyan ka kumpyansa sa sarili si Red

Isang taong walang alam sa buhay kundi mag happy happy kasama ang barkada. Uminom hanggat gusto niya, pumasok sa school di man.

Subalit, “Pupwede kaya ito kay Sky? Papasa kaya sa kanya ang ganitong ugali ko?” Yan ang malaking tanong sa isip niya

Parang first time niya napang hinaan ng loob. First time niya din kase naka encounter ng sobrang suplada kagaya ni Sky kaya na challenge sya.

Aba, kada message niya ba naman sasabihan ka ng

“May boyfriend na ako, wag ka ng mag tetext!”

“Bye busy ako!”

“Huwag ka na mag text pwede ba?” yan ang paulit ulit na sinasabe niya kapag nag sesend ng message sa kanya si Red. Bagay na hindi sineryoso ni Red dahil naniniwala siya walang boyfriend si Sky.

Isang araw, nag message si Red kay Sky

Aba himala may nag reply agad, binasa niya ito.

“Sino ito?” basa niya sa mensahe mula sa numero ni Sky

“Boyfriend niya ito!”

Muli siyang nag reply sa message nito,

“Boyfriend? Alam ko walang boyfriend si Sky” ito ang nabanggit niya. Subalit pano kung totoo nga, mag aaway si Sky at ang boyfriend niya dahil sa akin.

Nakonsensya ng bahagya ang binata. Kaya naman nag message siya muli dito.

“Wag mong sasaktan si Sky at hiling ko sayo ingatan mo siya” mensahe nito

Subalit hindi ito naging maganda para kay Sky sapagkat ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag kasintahan. Iniisip ng nobyo nito na niloloko siya ni Sky kung kayat nakipag hiwalay ito sa kanya na lubos na kinalungkot ni Sky. Kahit pa nag paliwanag ito at mag sabi ng totoo ayaw siyang paniwalaan ng nobyo.

Wala na ngang nagawa si Sky kundi ang umiwas sa nobyo nito. Wala naman siyang magagawa kung ayaw siyang paniwalaan. Masakit man para sa kanya ay kinakaya pa rin niya. Naging seryoso ito sa relasyon at hindi gumawa ng ano mang ikasisira ng relasyon nila habang noong silang dalawa pa. Subalit nagkataon naman na pinag bintangan siya na mayroong iba kahit hindi naman totoo.

Kaya naman ng mag message si Red sa kanya,

“Hi kumusta?” ani Red

“Anong kumusta? Nakaka kain ka pa ng nanira ng relasyon ng iba?’ galit na reply ni Sky

Nagulat si Red sa sinabi ng dalaga, subalit sa kabilang banda ay tuwang tuwa ito sapagkat may pagkaka taon na siyang dumiskarte sa dalaga.

“Halla sorry kasalanan ko ito, pero hindi ko naman sinasadya na guluhin kayong dalawa, nagka taon lang na hawak niya ang telepono mo” pag papaumanhin ni Red

“Wag ka ng mag paliwanag, sinira mo na lahat!” galit pa rin si Sky

“Wag ka ng mag memessage kahit kailan!” galit na salita ni Sky

Tuwang tuwa naman si Red sa balita niyang natanggap ngayon. Kahit alam naman niyang sa kabila nito ay mali siya dahil may isang nasasaktan dahil sa kanya.

Ano na naman kaya ang pina planong pag papapansin ni Red kay Sky para pansinin niya nito? Eepekto kaya ang pangungulit nito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status