Share

CHAPTER 24 "A PROMISE TO HOLD ON"

"Ma’am Ruby, sinabi po sa akin ni Aida na pinapatawag ninyo ako?” iyon ang bungad na tanong ni Artemio kay Ruby pagpasok nito ng library ng mansion.

"Take a seat," ang sa halip ay isinagot ni Ruby saka itinuro ang upuan na nasa harapan ng mesang gawaan nito. “Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa dahil marami akong kailangang asikasuhin na mas importante,” anitong iniabot kay Artemio ang isang tseke. “Isang milyon, sabihin mo lang sa akin kung hindi pa sapat iyan,” aniya sa lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Artemio na pinaglipat-lipat ang paningin sa kaniya at sa tseke na ngayon ay nakapatong sa ibabaw ng mesa.

“A-Ano pong ibig sabihin nito, Ma’am Ruby?”

Nang marahil makabawi sa pagkabigla ay iyon ang naitanong sa kanya ng matanda nilang katiwala.

“Gusto kong ilayo mo ang anak mo sa anak ko. Hindi siya nababagay kay Vincent!” aniya sa pormal na tano at pagkatapos ay tinitigan ang lalaking nakatayo sa

Jessica Adams

“Ang totoong pagmamahal minsan parang panaginip. Gaano man ito kaikli ay nag-iiwan ito ng pangako na pwede mong panghawakan kaya kumapit ka lang sa pangakong iyon,”-ARTEMIO-

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status