"HOW long do you plan to keep my son from me?" Vincent was in a tone of resentment and anger when he spoke to her shortly after.
“Sa ibang araw nalang natin pag-usapan ang tungkol diyan, Vince, may sakit ang anak mo ngayon,” she answered in a firm yet low voice habang isinasalin sa isang bowl ang niluto niyang soup para kay Matthew.“You should not have done this! Our son would have had a better life if I had known about him! Pero ipinagkait mo sa kanya ang tungkol doon dahil pinili mo siyang itago sa akin!” the young man hissed.She turned to Vincent with a sharp look. “Why, what can you give that I can't? Puro materyal na bagay na kayang bilhin ng pera mo? Katulad ng ginawa ng nanay mo sa tatay ko? Hindi ka naming kailangan ng anak ko!” she hissed back at Vincent.Umangat ang sulok ng labi ni Vincent nang magsalita ito. "Of course, kaya nga namang punuan ni Randy ang kahit anong kaya kong ibigay, hindi ba?”Mabili"THAT'S enough, Ruby!" saway ni Manuel nang makita nitong nakahanda na naman si Ruby para magasalita."Ginawa ko iyon dahil alam ko at naniniwala akong hindi siya ang tamang babae para sa iyo! Isa siyang b****a! Hindi kita pinalaki para lang mapunta sa isang katulad niya!” at ang plano niyang pakikipag-usap sa kaniyang ina ay nauwi na nga sa pagtatalo.“Ma!” ang galit niyang sigaw. “So totoo pala ang sinabi ni Isla! Sinira ninyo ang buhay niya! Ang buhay naming dalawa! Paano ninyo nagawa ang ganoon? Paano ninyo nagawang panoorin ang lahat ng paghihirap ko?” aniya sa tono ng puno ng hinanakit.“Lumaki ang anak ko na walang ama! Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin kanina? Na madalda raw siyang tanungin ng mga bagong kakilala kung nasaan ang tatay niya? Nanggaling iyon sa bibig ng isang batang wala namang alam at walang muwang sa mundo!” “Napaka inosente niya! Alam mo ba Ma, kung gaano kasakit sa akin na marinig iyon? Naisip ko nga, paano kung what if people laughe
PRESENT-DAY... PINUNTAHAN siya ni Ruby sa kwarto niya ilang minuto pagkatapos ng usapang iyon. Pero sa pagkakataong ito ay iba na ang aura ng mukha ng kanyang ina. He saw from the rim of the glass of wine he was holding that the contour of his mother's face had softened."Vincent," ang halos pabulong na sambit ni Ruby nang manatili siyang tahimik.Buntong hininga lang ang isinagot niya saka muling sinimsim ang alak sa kanyang baso. It was when Ruby gently touched his shoulder. “I’m sorry.”Mula sa kaibuturan ng kanyang puso ay naramdaman ni Vincent ang katapatan ng sinabing iyon ng kanyang ina.Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Vincent bago siya nagbuka ng bibig para magsalita. “Why did it all come to this? In fact, Isla and I did nothing wrong to anyone, we just love each other, that's all,” he said in a low voice. “Why does it take so long for me to realize my mistake? Maybe it’s the same reason why you are mad at me right now? Because you love you
Mabilis na lumipas ang mga araw, dalawang buwan pagkatapos ng nangyari nang inatake ng matinding pagkahilo at pagsusuka si Isla. Nasa Cavite na sila noon at laking pasasalamat niya na wala sa bahay ang kanyang ama at si Tita Aida nang mangyari iyon. Simula nang lumipat sila doon, nagtayo ng maliit na negosyo ang kanyang ama sa palengke. Nagtitinda sila ng bigas at groceries, dahilan kung bakit sila laging abala. Iniisip niya kung ano ang nakain niya na maaaring magparamdam ng ganito sa kanya, ngunit mabilis siyang natigilan matapos maalala na naantala nga pala ang kanyang buwanang dalaw. Noon niya napagdesisyunan na magsagawa ng test at muntik na siyang mawalan ng malay nang mag-positive ang resulta ng tatlong pregnancy kits na binili niya.Dahil sa nangyari, magkahalong emosyon ang naramdaman ni Isla. Natatakot sa katotohanan kung paano niya ipaliliwanag ang lahat ng ito sa kanyang ama? At masaya dahil nakakita siya ng dahilan para ma
"Tama na, hayaan mo na sila. Mahirap man kami, hindi ka namin pababayaan ng nanay ko," si Cherry na pandalas na humahaplos sa kanyang likod. Nasa treehouse sila noon dahil doon siya dinala ng mga paa niya kanina nang umalis sila sa mansyon ng mga Del Carmen"Paano na ako ngayon? Paano na ang anak namin? Tsaka bakit hindi niya ako hinanap? Mahal na mahal niya daw ako pero bakit ganito? Bakit niya ako iniwan?" ang maraming katanungang iyon ang talagang nagpapabigat sa damdamin ni Isla."Hindi ko rin alam, pero sigurado ako, darating ang panahon na magkikita pa kayo. Lalo na't may baby na kayo, siya na ang magbibigkis sa inyong dalawa, maniwala ka lang."Isang mapait na tawa ang pinakawalan ni Isla. "Hindi ko sigurado iyan, pero wala din akong planong sabihin sa kaniya ang lahat ng ito. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, masisisi mo ba niya ako kung pipiliin kong ilihim ang lahat? Lagi akong nasasaktan dahil sa kanya. Sin
TULAD ng dati, iniwan niya si Matthew kay Mama Selya. Nahirapan siyang maghanap ng damit na isusuot kaya napagpasyahan niyang manatili na lang sa kanyang smart casual attire. Kung alam niya lang, bumili sana siya kagabi ang damit na alam niyang kayang bilhin ng kanyang pera."Hi sir," bati niya kay Vincent. Pinapasok siya ni Mica, ang sekretarya ni Randy na papalitan niya.Tinitigan siya ng binata mula ulo hanggang paa at saka ngumiti at itinuro ang upuan sa harap ng mesa nito.“You look beautiful,” sabi ni Vincent kaya mabilis na namula ang magkabilang pisngi niya.“Thank you, sir,” kinakabahan niyang sagot at saka tipid na ngumiti sa binata.“Masyadong pormal, tawagin mo na lang akong Vincent? O ‘yung tinatawag mo sa akin noon? Vince, I prefer that,” napaangat ng ulo si Isla saka sinalubong ang nakangiting mga mata ng binata saka ngumiti ng matamis.Tumango siya. "Kung 'yan ang gusto mo," sabi niya, saka nagkibit ng
Nagsalubong ang kilay ni Randy dahil sa ginawa ni Vincent.Mabilis na nilamon ng selos ang dibdib niya dahil doon kaya nagpasya siyang umalis na lang sa selebrasyon. Hindi pa niya sinasabi kay Vincent na si Isla ang babaeng tinutukoy niya pero nakakaramdam na siya ng matinding inis sa kaibigan.Ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan ngunit hindi niya maiwasang magselos lalo na nang makita niya kung paano tumitig si Isla kay Vincent. Sa loob ng limang taon ay hindi siya binigyan ng ganoong sulyap ni Isla.Siguro nga kailangan niyang kumilos. Bago pa man maging huli ang lahat. Sisimulan niya ang panliligaw kay Isla sa natural na paraan. Sa isang paraan, alam niyang hindi masasakripisyo ang pagkakaibigan nila ni Vincent.*****DAHIL kailangan ni Cherry na pumasok sa trabaho kinabukasan, nauna na itong umuwi. At dahil pumasok si Isla sa party kasama si Vincent, alam niyang hindi tama na iwan ang binata kaya nanatili siya doon. Huwag pang i
HINDI masabi ni Isla kung gaano katindi ang paghahangad na nararamdaman niya para kay Vincent nang mga sandaling iyon. At iyon ang dahilan kung kaya nagawa niyang makipagsabayan sa paraan ng paghalik nito sa kanya."Oh sweetheart, I missed you, I missed you so much.”Nang pakawalan ni Vincent ang kaniyang mga labi at saka siya nito itinaas, walang kahit anong pagtanggi o pagpoprotestang naramdaman si Isla sa kanyang kalooban. Sa halip ay buong puso pa siyang nagpa-ubaya sa kahit anong gustong gawin sa kanya ng binata. Walang kahit anong pagtutol ang kumawala sa mga labi ni Isla. Sa halip ay boluntaryo pa niyang ipinulupot ang dalawa niyang binti sa baywang ni Vincent. Pagkatapos ay niyuko niya ang binata saka ito muling hinalikan. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi nang ihiga siya ng binata sa gitna ng malambot nitong kama.Alam ni Isla na ito rin ang gusto niya. Dahil ang totoo, wala naman siyang ibang lalaking minahal maliban kay Vincent. At ha
Ang boltahe ng kuryenteng dinala ng mga titig ni Vincent sa kanyang katawan ay hindi biro. At iyon rin ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya upang kabigin ang batok nito para muling halikan sa mga labi."Oh god, hmmm, Vince," d***g niya saka sinundan ang sinabing iyon nang isang naliligayahan pang pagsinghap. Pagkatapos ay muli niyang hinalikan ang binata saka banayad na kinagat ang pang-ibaba nitong labi.Gusto niyang maramdaman ni Vincent kahit man lang sa ganoong paraan kung gaano katindi ang pananabik niya para rito. Na wala siyang ibang hinangad kundi ang makatalik ito. Nang maraming beses pa, dahil ito lamang ang nag-iisang lalaking nanatiling minamahal niya sa loob nang napakahabang panahon. At walang ibang lalaking pwedeng umangkin sa kanya, hindi lamang sa katawan niya kundi maging sa puso niya, kundi ito lamang.Si Vincent ang nagpakilala sa kanya ng lahat ng masasarap na pakiramdam na pwede niyang maramdaman kahit sa simpleng paghaplos lamang ng kamay nito sa ka