Share

CHAPTER 48 "THUNDERSTORM AND FIRE"

Itinulak ng malakas ni Vincent ang pintuan ng treehouse at gumawa iyon ng malakas na ingay. Maging ang tunog ng knob lock ay narinig ni Isla, ngunit hindi pa rin natinag ang binata sa mariing paghalik nito sa kanya.

"Vince," nagkaroon ng pagkakataon si Isla na bigkasin ang pangalan ng binata nang bumaba ang mainit nitong labi sa leeg niya habang ang mga kamay nito ay abala sa pagtanggal ng butones ng suot niyang blusa.

Nang tila mainip si Vincent ay noon walang sabi-sabi nitong sinira ang kanyang pang-itaas. Dahilan kaya agad na nagtalsikan sa loob ng silid ang mga butones niyon.

"Don't tell me magiging rough ka na sa akin ngayon?"

Sinundan ni Isla ang kanyang sinabi ng isang mapang-akit na tawa at saka binigyan ang binata ng makahulugang na titig.

Tumawa lang si Vincent saka siya muling marahas na hinalikan.

"Kakainin kita ng buhay, sweetheart, gusto mo ba yun?" tanong nito saka hinubad ang t-shirt nito at inihagis iyon sa sahig."Come here you," anito at hinila siya pababa sa kama.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status