Share

4. SWEET MEMORIES

Manila City

Faolan

“F-Faolan, gising!”

Narinig ko ang boses ni Joni na ginigising ako at halatang may kaba sa boses. Kaya nagmulat ako ng mga mata at nakita ang mukha ni Joni.

“Nasa labas ang mga tauhan ng daddy mo. Sinusundo ka,” nag-aalalang sabi ni Joni.

Napabalikwas ako ng bangon at napansing walang suot na damit. Nakatakip sa ibaba ko ang asul na kumot ni Mama Aileen.

“Nasaan ang mga damit ko?” tanong ko kay Joni.

“E-ewan ko,” nalilitong sagot nito.

“Pakihanap mo ako ng maisusuot, dali,” pakiusap ko na may pag-uutos kay Joni.

Kaagad itong naghanap ng damit sa kabinet ni Mama Aileen. Nakuha niya ako ng itim na jogging pants at gray na over size shirt, ipinatong niya ito sa kama. Lumabas na kaagad siya upang makapagbihis ako.

Naalala ko ang mga nangyari kagabi at ang babaeng kasama ko sa kuwarto. I can’t believe it happened to me. But, it still a sweet memories. Nagiging lesbian na yata ako dahil sa gagang ‘yon. Pero nasaan na kaya siya? Napapaisip ako, baka naman kasama nila Mama Aileen na nagkakape.

Napansin ko ang wallet na nakapatong sa side table at kinuha ito. Pagbukas ko sa wallet ay kaagad ko napansin na nawawala ang tanging tatlong tag iisang daan piso. Wala ako maalalang binigyan kagabi at saka nawawala ang mga damit ko, except, my underwear brief.

Lumabas ako ng kuwarto at nakita ang tatlong tauhan ni dad na kausap si Mama Aileen. Napatingin silang lahat sa akin at mabilis na nagpatay ng TV si Cheska. Tahimik ang lahat, hindi ako sanay na ganito sila.

“Is there a problem?” tanong ko. Walang sumagot sa akin kaya napatingin kay Mama Aileen.

“Faolan,” tawag ni Mama Aileen sa first name ko. Baby girl ang madalas tawag sa akin kapag kami-kami lang.

“Mama, ano bang nangyayari?” tanong ko.

“K-kailangan mo sumama sa mga tauhan ng daddy mo dahil nasa ospital ito,” nautal na sabi ni Mama Aileen.

Dahil sa pag-aalala ay nauna pa ako makalabas sa mga tauhan ni dad. Nasa labas ng gusali ang sasakyang dala ng mga ito at naghihintay ang driver. Hindi ko na hinintay ang mga tauhan at ako na ang nagbukas ng pintuan upang makapasok ako. Tahimik ang mga ito nang sumakay at ayaw magsalita sa nangyari kay dad.

Pagdating namin sa St. Luke’s Hospital, sinabi kaagad ni Neil, head security ni dad kung saang private room ito. Pagbukas pa lamang ng pintuan ay sumalubong kaagad si mommy. Naiwan naman ang mga tauhan sa labas ng silid upang magbantay.

“Faolan,” tawag ni mommy at yumakap kaagad sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala, hindi ko inasahan na dumating na ito mula Cotabato. Isa siyang missionary at kabilang sa isang Non Government Organization.

“What happened to dad?” tanong ko. Inakay ko si mommy palapit sa kama. Kita ko na nakabenda ang kanang binti at kamay ni dad, nakalagay naman ang suwero sa kaliwang kamay. May mga sugat din siya sa mukha.

“A car accident and it all over in the news,” sagot ni mommy na naiyak.

“Neil!” tawag ko gamit ang barakong boses dahil walang alam ang mga tauhan ni dad kung ano talaga ako.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Neil, “Bakit po, sir?”

Yuck! He called me sir.

“Bakit naaksidente si dad? Sinong kasama niya kagabi?!” galit ko tanong.

“K-kami po, sir. Pero, nagpaiwan po siya…” napapakamot sa batok na sabi ni Neil, halatang may tinatago, “sa ano po, sa-”

“Saan?!” napalakas ang boses ko sabi.

“S-sa Diamond Hotel.”

Nilapitan ko si Neil at kinwelyuhan, “Damn it! Bakit niyo siya iniwan doon?”

“R-request po niya na iwanan siya pagdating ng malaking cake na binili. Sabi pa po niya ay balikan siya ng maaga. P-please, huwag niyo po ako tanggalin sa trabaho. Sumusunod lang ako sa iniuutos sa akin.”

Nainis ako sa kanyang sinabi kaya itinulak ko siya. Lumabas naman ito kaagad ng silid dahil natakot mapagbuntunan ng galit. Napatingin ako kay mommy na umiiyak pa rin. Nilapitan ko ito at niyakap, “Stop crying, he’ll get well.”

Nagpunas ng luha si mommy gamit ang hawak na panyo at humiwalay sa akin. Hinimas niya ang ulo ni daddy, “See, Leopoldo? Maraming beses ko ng sinabi sa ‘yo na walang maidudulot na maganda ang pambababae. Look, what have you done to yourself.”

“Maupo muna kayo,” sabi ko sabay alalay sa kanya upang makaupo sa isang silya katabi ng kama.

“Saan ka ba galing?” tanong ni mommy.

“Sa mga friends ko,” sagot ko na nag-iwas tingin.

“Friends? Mga immoral mo kaibigan.”

“Mommy, hindi sila ganoong tao. Ilang beses ko ba dapat sabihin na mabubuting tao sila?” Nagagalit at nasasaktan ako sa tuwing sasabihan ng masama ang mga kaibigan ko.

“Huwag ka magalit. Hindi pa rin kami sang-ayon ng daddy mo na nakikihalubilo ka sa mga tulad nila,” wika ni mommy na nagpunas pa ng luha.

“Ang mga tulad nila ay katulad ko, mommy. Kailangan niyo tanggapin ni dad kung ano talaga ako.”

“Jusko, alalahanin mo si Sabrina. Malapit na kayong ikasal.” Ipinaalala pa talaga ni mommy ang bagay na malapit ko ng pagsisihan.

“Mommy, pumayag na ako magpakasal para lamang mapagbigyan kayo ni dad. I’m hoping hindi niyo na guguluhin pa ang buhay ng mga kaibigan ko,” sambit ko sabay tingin sa malayo.

Hindi na ako kinulit pa ni mommy tungkol sa mga kaibigan ko. Nangako naman ako sa kanila na pagkatapos ng kasal ay iiwasan ko na ang mga ito. Last night was also a farewell party for me.

Habang nakaupo ako sa itim na couch ay naalala ang mga naganap kagabi. Hindi mawala sa isipan ko ang mukha ng babaeng nakasama at ang mantsa ng dugo sa bedsheet. I’m sure, na ako pa lang ang unang nakakagalaw sa babae.

Napahilamos ako ng mukha gamit ang sariling palad. Yes, bakla ako. Hindi ko lamang maintindihan ang aking sarili na kayang makipagtalik sa isang babae. Mahirap ipaliwanag na nandidiri ako isipin na makakasama ko si Sabrina sa kama at parang masusuka. Ngunit ang babae kagabi na nalimutan ko ang pangalan ay walang pandidiri o kaartehan ako nararamdaman.

Ang mapungay niyang mga mata na para bang nangungusap. Ang labi nito na laging nakangiti na may dimples pa sa magkabilang gilid. Bagay din ang matangos niyang ilong sa hugis oval nitong mukha.

“What a sweet memories.”

“May sinasabi ka, hijo?”

“Wala ho,” nagulat ko tugon. Hindi ko inakalang maririnig ako ni mommy habang nagbabalat ito ng mansanas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status