Share

3. MISTAKES

Greenhills

Maja

Hindi ako makapaniwala na nagkakagulo sila ng dahil sa akin. Binuhat ako ni Faolan upang makalabas sa gift box.

“Faolan, ibaba mo ‘yan. Isa siyang mujer!” wika ni mama na nag-hysterical pa.

“Sige na, ibaba mo na ako,” bulong ko kay Faolan. Ibinaba naman niya ako na walang lumalabas na kataga sa kanyang bibig.

Ang guwapo ni Faolan para maging bakla. May kapayatan ang katawan ngunit napakakinis ng kutis nito na marahil isang anak mayaman. Matangos ang ilong at may manipis na labi, idagdag pa sa sex appeal ang kanyang cleft chin.

“I-ikaw.” Turo ni mama sa akin gamit ang hawak nitong pamaypay, “Sugo ka ni Amparo rito!”

“H-hindi po, si Madam Imee nagpadala sa akin,” nalilito ko sabi.

“Sino Madam Imeeeee?!” galit na tanong ni mama na itinirik pa ang mga mata.

Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya kamuntikan matumba. Mabuti na lamang at inakbayan kaagad ako ni Faolan.

“Mama, kumalma ka muna. Sa palagay ko ay may mali sa mga nangyayari rito. Halatang nakainom ang mujer na ito, kaya paupuin muna natin,” mungkahi ni Faolan at inalalayan ako maupo sa isang malambot na kulay pink na sofa.

May nagdala ng basong tubig at iniabot sa akin. Napansin ko ang kabuuan ng lugar, maluwang ang sala nito na halos kasing laki ng buong bahay namin ni lola. May dalawang nakabukas na pintuan sa kanan na marahil silid tulugan at may open kitchen sa bandang kaliwa.

“Ngayon, magtapat ka mujer. Saan ka galing?” biglang tanong ni mama habang nakatayo sa aking harapan. Tama ako kanina na may edad na ito at kahawig ng isang sikat na celebrity na may maraming salon, “Tinatanong kita.”

“S-sa Venus Club po,” sagot ko na napahawak ng mahigpit sa baso.

“Jusmeyo! Mga babaeng mababa ang lipad ang mga naroroon!”

“Hindi po, mama. May nagtatrabaho po ng marangal doon.”

“Joni!” tawag ni mama sa isang kasama. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

“Yes, mama,” tugon ni Joni na may katabaan.

“Hindi ba sinabi ko na kumuha ka ng lalaki sa Hosto? Bakit sa Venus Club ka kumuha at mujer pa?!” naiinis na tanong ni mama na hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang pamaypay.

“Mama Aileen, sa Hosto nga ako nagpunta at kasama pa sa Cheska upang pumili ng lalaki matambok na request niyo.”

Nagulat ako sa sagot ni Joni na lalaki matambok. Ngunit hindi ako nagpahalata at nakinig na lamang sa kanilang usapan. Napadako ang tingin ko kay Faolan na kanina pa nga pala ito nakaupo sa aking tabi at tahimik lamang.

“Mujer,” baling sa akin ni mama.

“B-bakit po?” kinakabahan ko tanong.

“Maaari ka ng bumalik sa Venus Club. Hindi ikaw ang taong kailangan namin para sa okasyon na ito. Isa pa, hindi ka rin nababagay sa lugar na ito.”

Napatingin ako sa paligid, tama naman si mama na hindi ako nababagay dito. Mga bakla sila, ang iba ay mukhang lalaki tulad ni Faolan. May mukhang babae rin ngunit kapag nagsalita ay parang matador namin sa palengke.

“Pero, mama. Kapag bumalik ako sa Venus Club ay baka hindi ako mabayaran,” tugon ko na nag-aalala na bawiin ang naibayad na sa akin.

“Wala naman ako magagawa para d’yan. Mga bakla kami at ikaw ay isang mujer,” wika ni mama.

“Sige na po, ‘wag na ako paalisin at gagawin ko ang lahat ng iuutos niyo. Nasa ospital ngayon ang lola ko at kailangan ko talaga ang gabing ito para sa kanya. Ipaglilinis ko kayo at ipagsasalin ng alak, basta ‘wag niyo muna ako paalisin,” pakiusap ko sabi sabay yuko ng ulo dahil naiiyak na ako.

“Naku, maraming palusot na ganiyan ngayon. Hindi mo ako maiisahan,” masungit na sabi ni mama.

“Mama,” tawag pansin ni Faolan. Tumayo ito upang lapitan si mama, “sa palagay ko naman ay nagsasabi siya ng totoo. Hindi naman siguro siya makakaabala sa atin if she stay here. It’s midnight, baka mapahamak ‘yan sa labas.”

“Okay, basta hindi siya gagawa ng kalokohan sa atin,” tugon ni mama at tumingin sa akin, “Bawal na bawal ang pagkuha ng picture sa condo ko. Ano nga ang pangalan mo?”

“M-Maja, wala po kayong dapat na ipag-alala dahil wala naman ako cellphone na dala,” sagot ko upang hindi sila maghinala.

Kinalaunan ay kasama na nila ako nagsasayaw at umiinom. Lagi ako dumidikit kay Faolan dahil sa kanilang lahat sa kanya ako walang hiya na nararamdaman. Palagi pa ang pagsalin nito ng red wine sa kopita ko.

“Halika,” biglang sabi nito, dala ang isang bote ng wine ay hinila ang isang kamay ko.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko na kanina pa nahihilo.

“Dito.”

Pumasok kami sa isang bukas na silid at ni-lock ni Faolan ang pintuan. Naupo kami sa sahig na katabi ng kama.

“Bakit ba nandito tayo?” tanong ko.

“Ang ingay kasi nila, hindi tayo magkarinigan ng maayos,” sagot ni Faolan at sinalinan muli ng wine ang kopita ko. Nilagok naman niya ang bote kaya natawa ako sa kanya.

“Hindi ba nila tayo hahanapin?” Sumandal ako sa kama.

“Hindi na mapapansin na nawawala tayo. Mamaya lang ay nagkukumpulan na ang mga ‘yan sa sahig para matulog,” natatawang tugon ni Faolan at napatingin sa akin.

Nahuli niyang nakatitig ako sa kanya, sa katunayan ay kanina ko pa ito tinititigan, “Artista ka ba?”

Tumawa siya ng malakas at biglang tinakpan ang kanyang bibig ng tatlo nitong gitnang daliri, “Sakali ba na artista ako, anong role ko naman?”

“Heartthrob!”

Muli na naman tumawa ito ng malakas, “Gaga! ‘Di ko pingarap ‘yon. Ang gusto ko ay maging isang leading lady.”

Tumabi pa ito sa akin at nag-pose ng sexy. Nilagok ko tuloy ng diretso ang laman ng kopita dahil sa pag-aakalang nagpapanggap lamang ito na bading.

“Maja.” Tawag nito sa akin at napatingin sa kanya, “Totoo ba ‘yang pilikmata mo?”

Ang seryoso ng mukha nito, akala ko naman ay sobrang importante ng tanong, “Totoo ‘yan, hindi extension.”

“Mukha ka mestiza, anak ka ng Amerikano?”

“Hindi, no.”

“Hindi na, no pa.”

Tumawa kami nang tumawa sa kakornihan namin pareho.

“Ang tatay ko ay isang Danish.”

“Nabuntis niya ang nanay mo, tapos… tinakbuhan na lang.” Muli siyang lumagok ng wine sa bote.

“Mali ka, grabe ‘yang pagka judgmental mo sa tatay ko ah. Mag-asawa na sila bago pa ako pinanganak. Dating katulong si mommy sa pamilya ni papa sa Denmark,” paliwanag ko.

“Ah, sigurado mayaman ang pamilya ng tatay mo. Pero, bakit ka napasok sa ganito trabaho?”

“Isa ka chismosang palaka,” biro ko sabi, “Wala na kasi sila. Lola ko na lamang natitira sa akin kaya pinasok ko na ang ganito trabaho. Tapos, may sakit pa siya.”

Napaiyak na ako sa pag-alala kay lola na siguradong malulungkot ito sa mga ginagawa ko ngayon.

“Tama na, Maja. Baka isipin ng mga nasa labas kinurot kita,” malamyang sabi ni Faolan sabay akbay sa akin na halos yakap na niya ako.

Isiniksik ko naman ang ulo sa kanyang leeg at naamoy ang mamahalin nito pabango.

“May ikukwento ako sa ‘yo, Maja,” sambit pa nito.

“Ano?”

“Ang party na ito ay para sa akin. Hard to explain but it seems like, it is my last night to be who I really am.”

“Nakakaintindi naman ako ng English. Pero, ‘di ko gets ibig mo sabihin.”

“Malapit na ako ikasal.”

“Sa lalaki?” pabigla ko tanong.

“Sa babae, gaga!”

“Ngek! ‘Di ba banding ka?”

“Oo nga, pero kailangan ko magpaka-hombre.”

“Kawawa ka naman.” Hindi ko maipaliwanag ang ikinilos ko dahil bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

“Ganoon siguro ang kapalaran ko,” malungkot na sambit ni Faolan.

“Hindi ka ba puwede magkagusto sa babae?” tanong ko sabay angat ng mukha.

Hindi ko inaasahan na sasalubungin ako ng tingin ni Faolan kaya halos magkiskisan ang mga ilong namin. Bigla ako kinabahan at naramdaman ko ang pintig ng puso ni Faolan dahil nakalapat ang palad ko sa dibdib niya.

Bigla ako napasinghap ng malalim at ipinikit ang mga mata dahil sa naamoy ko ang alak sa hininga ni Faolan. Hindi ko inasahan ang kasunod nito, naramdaman ko na lamang na naglapat ang mga labi namin.

Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang ulo at may kirot ang nasa pagitan ng mga binti ko. Napatingin na rin sa nakadagan sa aking tiyan, kamay ng lalaki. Namilog bigla ang aking mga mata. Ano nga ba ang nangyari kagabi?

Bigla ko naalala na magkasama kami sa silid ni Faolan at bigla na lang… hindi ko na kayang ituloy pa na alalahanin. Kaya dahan-dahan ko inalis ang kanyang kamay at maingat na bumaba sa kama. Hinanap ko lahat ng mga pirasong damit na suot ko kagabi, hindi ko mahanap ang panty.

Kinapa ko pa ang ilalim ng kama dahil baka nahulog dito. Ngunit, wala ito kahit sinilip ko na. Pagtayo ko ay napatingin sa side table at nakita ang hinahanap na nakapatong sa ibabaw ng lampshade. Naalala ko inihagis ito ni Faolan kagabi.

Nagmadali na ako isuot ulit ang mga ito. Nang bigla ko maalala na hindi puwede ganito lamang ang suot paglabas kung nasaan man lugar ako. Sinabi ni mamasang na may susundo sa akin ngunit sa palagay ko ay hindi na ito mahihintay pa. Isa pa, may pagkakamali sa lugar na pinagdalhan sa akin kaya siguradong hindi rin ako masusundo.

Kinuha ko ang shirt at jeans ni Faolan na nakakalat sa sahig upang isuot. Mabuti na lamang at may belt ito upang kumasya sa baywang ko. Nakapa ko ang wallet ni Faolan at binuksan ito. Marami siyang cash kaya kumuha ako ng 300 para may pamasahe at ipinatong ang wallet sa side table.

Paglabas ko ng silid ay nakita ko nakahiga sa sahig ang mga kasama ni Faolan. Maingat ko nilalampasan ang mga ito upang hindi magising. Hanggang sa marating ko ang pintuan upang buksan.

“Hoy, saan ka pupunta?”

Kamuntikan pa ako mapatili dahil sa narinig na boses ni Mama Aileen. Tumingin ako sa kanya, nakahiga ito sa mahabang sofa, “Uuwi na po, mama.”

“Oh sige, mag-ingat ka.” Muli itong natulog.

Sinamantala ko na ang pagkakataon na makalabas sa lugar.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Switspy
haha pasaway
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status