Share

11. WAR OF WORDS

Faolan

Hindi ko inasahan na mawawalan ng malay si Maja kanina sa faculty. Sa pagkabigla ay natawag ko ito sa kanyang palayaw na kahit kailan naman ay hindi kinalimutan ng aking isipan. Binuhat ko siya papunta sa klinika upang matignan ng doktor na naka-duty sa araw na ito.

Dahil sa nararamdamang guilt ay nagpasya ako na bantayan ito at balak na iwanan sakaling magising na. Sinabi ng doktor na walang dapat na ipag-alala dahil over fatigue si Maja na marahil naaabuso ang katawan nito sa trabaho. Naupo ako sa silyang katabi ng kama at pinagmamasdan ang mukha ni Maja, maganda pa rin ito. Sa palagay ko ay hindi pa niya iniiwan ang dating trabaho.

Napatingin ako sa nakapikit niyang mga mata at napagmasdan muli ang mahahabang pilik-mata nito na noon pa man ay hinahangaan ko na. Nang bigla ko napansin na gumalaw ang mga ito, alam ko nagtutulug-tulogan lamang at marahil kanina pa gising. Kinurot ko ang pisngi nito na kinainis niya, tama nga ako na gising ito.

“Bakit ba kayo nandito?” tanong
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status