Share

MAJA LYNN (MAJA-ROT) Venus Goddesses Series16
MAJA LYNN (MAJA-ROT) Venus Goddesses Series16
Author: Arkhate

PROLOGUE

Metro Manila

Maja

“Don't be surprised that we've here. I'd like to visit you and my brother's grave,” panimula ni Aunt Marione nang makaupo sa silyang kawayan.

“How did you find our location?” nagtataka kong tanong. Alam kong may mas importanteng sadya ito sa pagparito kasama ang kanyang anak.

“We hired an investigator to locate you. We're also here because your grandmother has decided to give you your father's inheritance. However, on one condition,” Aunt Marione said in calm tone.

Nalungkot ako sa narinig dahil kung nakuha sana noon pa ni papa ang kanyang mana ay marahil nadugtungan ang buhay nito.

“What condition?” tanong ko, na hindi mapakali sa kinatatayuan. Nararamdaman ko na nagsisimulang magpawis ang aking mga palad dahil sa tinatakbo ng usapan. Ni minsan ay hindi ko naisip na maaalalang bisitahin ako ng nag-iisang kapatid ng aking ama.

“You need to marry the only son of the Jensen family.”

Nanlaki ang mga mata ko sa diretsong sagot ni Aunt Marione. Kasabay nito ang paninigas ng buong katawan.

“Are you alright, Marjorie?” tanong ni Veriona.

“Y-yes,” utal ko tugon na hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla.

“What can you say about marrying the only son of the Jensen?” tanong pa ni Veriona.

“The Jensen is one of the richest family in Whiskey Belt. I’m sure you will love to live there,” saad ni Aunt Marione na parang nandidiring tikman ang kakanin na inihanda ko sa kanila na binili pa kay Aling Bebang.

“I’m just only 25, I hope you don’t mind Aunt Marione. Right now, marriage is not my priority,” tugon ko na malapit ng mairita dahil sa kaartehan ng bisita.

“What about your father inheritance?” nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Aunt Marione. Halata sa mukha nito na hindi gusto ang binigay ko tugon sa kanilang nais.

“I have other way to take my father inheritance, legally. I don’t need to marry a Jensen.”

“What to expect with an arrogant brat like you? Just like your father!” Galit na tumayo si Aunt Marione na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

“Aunt Marione, I’m sure Veriona is in the right age too to get married,” wika ko na kinagulat ng aking pinsan.

“No, I can’t marry the Jensen, because I already have a kid. They don’t allow an illegitimate child in their family,” malungkot na pahayag ni Veriona na dumako ang tingin sa malayo.

“I don’t understand. Why do I need to marry the Jensen?” nagtataka ko tanong.

“Because your grandfather wants to join the politics and the Jensen family can make his dream come true,” paliwanag na sabi ni Aunt Marione.

Nagkakalinaw na sa akin ngayon ang talagang dahilan ng mga ito. Hindi ko na napigilan pa na matawa ng pagak dahil ako ang gustong gawin kasangkapan upang matupad ang nais ng aking lolo. Samantalang, walang tulong silang binigay nang ako naman ang nangangailangan.

“If you agree, half of your father inheritance will be given this week,” dagdag pa ni Aunt Marione. Akala siguro nito na sabik ako sa kayamanan ng mga Lynn.

Naalala ko bigla ang laging sinasabi ni papa noong nabubuhay pa ito. Sinabi ni papa na kung papakasal ako ay siguraduhing sa taong mahal ko at mahal din ako.

“Still no, Aunt Marione. My father told me that I should marry the one I love.”

Lalong nagalit ang aking tiya at padabog na naglakad ito patungo sa pintuan. Nawawalan din pala ito ng class at kaartehan kapag nagagalit.

“Let’s go Veriona!” Utos nito. Palabas na siya ng pinto nang biglang binalingan ako ng tingin, “I’m hoping you change your mind. I know what kind of person you are. If I want to, I may destroy your reputation.”

Ewan ko kung dapat ako mangamba sa sinabi ng aking tiya. Ngunit isa lang ang sinisiguro ko… guguluhin nila ang buhay ko tulad ng ginawa nila kay papa nang nasa Denmark pa sila ni mommy.

Venus Club

Nakakailang mali ako ng steps sa pagsasayaw at halatang naiinis ang ibang kasama ko goddess na nasa stage. Para kami sexbomb dancers na kailangan sabay-sabay ang pagsasayaw.

Matapos ang tugtugin ay naunang nagsibaba ng stage ang mga kasama ko. Hindi nakaligtas ang masamang tingin ng mga ito sa akin.

“Sorry na, bawi ako sa susunod,” malambing ko sabi.

“Maja!”

Boses ‘yon ni mamasang na halatang galit sa tono nito at siguradong sesermunan ako dahil sa mga kapalpakan sa stage. Ngunit mabilis itong pakalmahin.

“Mamasang!” Lumapit ako kay Madam Imee at niyakap ko ito ng mahigpit, upang maalis ang galit. Inakbayan ko ito upang akayin palayo sa mga kasama ko dancer, ayaw ko marinig nila ang pagsesermon sa akin. Dinala ko siya sa gilid ng pintuan ng dressing room.

“Hindi ko gusto ang performance mo kanina. Lagi ko sinasabi sa inyo na iwan sa bahay ang problema. Puwedeng pag-usapan ito ngunit pagkatapos ng trabaho,” wika ni mamasang.

“Sorry na po, mamasang,” nakaakbay pa rin ako sa kanya at nilalaro-laro ang mahaba at kumikislap nitong hikaw.

“Pasalamat ka at isa ka sa mga goddess na malaki kung magpasok ng pera sa casa.”

“Palampasin mo na ang pagkakamali ko sa gabing ito, mamasang. Hindi naman ako madalas magkamali, ‘di ba?” Hindi ko pa rin binabago ang malambing ko tono.

“Oh siya, ayusin mo na ang sarili mo dahil nand’yan si Cong. Moran at hinihintay ka,” tugon ni mamasang at iniwan na ako.

Pagkatapos makapag-ayos ay diretso ako sa private room na laging nakalaan kay Cong. Moran. Tulad ng nakasanayan ay nagbabantay sa pintuan ang mga bodyguard nito. Paglapit ko ay binuksan kaagad ng isa sa kanila ang pintuan.

“Daddeee!” maharot ko tawag pagpasok sa maliit na silid. Kumandong kaagad ako sa kanya at ikinawit ang mga kamay sa kanyang leeg matapos alisin ang mask sa mukha ko.

Nakaupo kami sa mahabang red couch at ikinulong ako sa kanyang bisig upang papakin ng halik sa pisngi.

“Sweetie pie, nakita ko ang performance mo kanina at halatang may problema ka. Puwede mo ibahagi sa akin kung ano man ang pinagdadaanan mo,” wika ni congressman at pinisil ang dulo ng ilong ko.

Kumawala ako sa pagkakayakap nito upang makatayo at pakembot-kembot na lumapit sa massage bed para ayusin ito. Inubos  ni Cong. Moran ang brandy nasa baso at lumapit na rin ito sa massage bed.

Ibinahagi ko sa kanya ang problemang kinakaharap habang minamasahe ang likod nito at napapahalinghing pa siya sa sarap.

“Hindi ka naman nakikinig daddee, eh,” pagrereklamo ko at pinisil ng mariin ang kanyang batok.

“Aray! Aray! Sweetie, nakikinig ako kaya ‘wag mo ko saktan.”

“Sorry, daddee. Akala ko talaga ay hindi ka nakikinig dahil puro ka halinghing.” Hindi pa rin nawawala ang pagtatampo sa tono ko, “Matutulungan mo ba ako o ano?”

“Sweetie pie, magpakasal ka sa ibang lalaki upang hindi ka na guluhin ng mga kamag-anak mo.”

“Daddee, wala naman magpapakasal sa tulad ko.” Nagdadabog na paulit-ulit sinisipa ang sahig.

“Huwag mo sabihin ‘yan. Kung wala lang ako asawa ay papakasalan kita. Kaya nga lang..”

“Walang langit!” sabay pa kaming nagsabi.

“Ibig sabihin daddee, wala ka magagawa para sa problema ko?”

“Kung gusto mo, pumili ka sa mga bodyguard ko.”

“Eww, mga mukhang gangster naman sila!”

Tawang-tawa si congressman sa akin kaya sinimangutan ko ito at pinag-tripan paluin ang pisngi ng kanyang puwet kahit nakasuot ito ng mamahaling boxer short.

“Sweetie, huwag ka pikon. May naisip na ako solusyon sa problema mo.”

“Ano daddee?” excited kong naitanong.

Far Eastern University

Mabilis ang mga lakad ko na halos takbuhin na ang corridor papunta sa laboratory, kung saan madalas na mag-stay ang bago naming adviser. Habol hininga ako nang makarating sa pintuan ng laboratory at nagulat pa ang nasa loob sa presensya ko.

Tama nga ako na vacant time niya at mag-isa siya ngayon. Pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan.

“Ms. Lynn?” Hindi maipinta ang hitsura ni sir.

“Sir, we need to talk,” sambit ko nang makalapit sa kanyang mesa.

“I told you many times to address me as prof or professor, not sir,” wika nito na inipit ang maiksing buhok sa likod ng kanyang tainga.

Bumuntong-hininga ako dahil sa kaartehan nito.

“What do you want?” tanong nito na nagsimulang magbasa ng libro.

“I talked to your father last time.” I paused.

Nakita ko tumaas ang kaliwang kilay nito sa pagbanggit sa kanyang ama. Isinara ang librong binabasa at tumingin sa akin ng diretso.

“Continue.”

“Sabi ng father niyo ay kayo lang ang makakatulong sa akin,” wika ko na may pangamba sa dibdib, at saka ko inayos ang suot na makapal na salamin.

“What kind of help, Ms. Lynn?” seryosong tanong nito.

“Kailangan niyo akong pakasalan.”

“What?!”

“You heard me right, sir.”

“No!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status