Share

2. VENUS CLUB

Bonifacio Public Hospital

Maja

Pinuntahan kami ng doktor sa silid dala ang biopsy result ni lola.

“Ms. Lynn, ayon sa biopsy report ay may Stage 1 Ovarian Cancer si lola,” saad ng doktor.

Nanginig ang katawan ko at napaupo sa gilid ng kama, mabuti na lamang at tulog si lola na hindi narinig ang sinabi ng doktor.

“Ms. Lynn, ‘wag ka matakot,” wika ni dok na nahalata ang nararamdaman ko, “Maaari natin malunasan ang sakit ni lola.”

“P-paano po?”

“Aalisin ang matris ni lola, pagkatapos ay mag-undergo siya ng Chemo at iba pang kailangan na therapy for cancer patient.”

“Magkano naman po ang magagastos?”

“Tatapatin na kita,” wika ni dok na inayos po ang collar ng suot na damit, “may kalakihan ang magagastos na maaaring umabot ng isang milyon.”

Namilog ang mga mata ko sa narinig dahil hindi inakala ganoong pera ang kakailanganin, “Bakit ganoon po kalaki dok?”

“Sa ibang ospital kailangan gawin ang operasyon ng pag-alis sa matris ni lola. Ganoon din ang ibang kailangan na therapy dahil kulang pa sa pasilidad ang ospital na ito,” paliwanag ng doktor.

“Kailan po ba dapat gawin ang operasyon?” tanong ko.

“Sa lalong madaling panahon habang hindi pa laganap ang cancer cells ni lola. Huwag mo sanang ipagsawalang bahala ito, Ms. Lynn,” makahulugang tugon ng doktor.

Pamilyar ako marahil sa doktor dahil siya rin ang unang tumingin kay papa noong dinala namin siya rito.

Manila City

Wala na ako mahiraman pa na pera at sinangla ko na ang bahay sa probinsya na tanging naiwang alaala ng mga magulang ko. Mula kaninang umaga ay naghahanap ako ng trabaho ngunit walang gusto tumanggap sa akin.

Pasado alas kwatro na ng hapon ay naglalakad pa rin ako sa kung saan mapadpad ng akin mga paa rito sa lungsod ng Manila. Nakakaramdam na rin ng pagkahilo dahil wala pa laman ang sikmura mula ng umalis sa ospital. Pinakiusapan ko si Belle na siya muna magbantay kay lola upang makahanap ng pera.

Lumalabo na ang paningin ko at pilit na hinahakbang ang mga paa, napansin ko ang isang pintuan na may nakasulat na Venus Club. At saka tuluyan ng mawalan ng malay.

Nagising ako sa isang lugar na kung tawagin ay Venus Club. Nakilala ko si Madam Imee na may-ari ng lugar, dinala ako nito sa kanilang kusina upang makakain.

“Ano nga kasi ang pangalan mo?” tanong ni madam na madalas mapatingin sa kabuuan ko na nakaupo sa isang silya ng maliit na dining table.

Napatingala ako sa kanyang mukha na may makapal na make-up. Nakasuot ng makintab na maikling damit na sobrang hapit sa kanyang katawan. Bakat pa ang bilbil nito na parang gusto kumawala.

“M-Maja po,” sagot ko na kamuntik pa ako mabulunan dahil puno ng kanin at karne ng adobong manok ang bibig.

“Bakit ka ba nawalan ng malay kanina? Buntis ka ba?”

Tuluyan na ako nabilaukan sa huling tanong ni madam kaya kaagad ko ininom ang tubig sa baso.

“H-hindi po ako buntis, gutom lamang ako dahil kanina umaga pa ako walang kain,” depensa ko sabi, ngunit halata sa kanyang tingin na hindi naniniwala ito, “Virgin pa po ako at kaka-eighteen ko pa lang last month.”

“Bakit mo naman ginugutom ang sarili mo?” tanong nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

“Naghahanap po kasi ako ng trabaho simula kaninang umaga at nalimutan mag-almusal,” naiilang ko sagot.

“Ano ba klase ng trabaho ang hanap mo?”

“Basta po marangal at malaki ang kita.”

Nagsindi ng sigarilyo si madam at nakailang hithit ito bago muli nagtanong ng, “Nakatapos ka ba ng kolehiyo?”

Umiling ako ng sunud-sunod sa kanya at alam ko na ang pinupunto nito.

“Ineng, mahirap maghanap ng marangal na trabaho na may malaking suweldo sa panahon ngayon. Kahit na nga mga nakatapos sa pag-aaral ay bumabagsak sa paglilinis ng banyo. Tayo pa kayang walang natapos?”

Napaiyak ako dahil tama ang sinabi niya. Napapatingin na rin sa gawi namin ang mga nagtatrabaho sa kusina.

“Kailangan po kasi mapaoperahan ang lola ko may sakit. Siya na lamang po pamilya ang mayroon ako dahil kakamatay lang ni papa last week.”

“Jusko bata ka, huwag ka umiyak at pati ako nahahawa mo,” wika ni madam at pinitik-pitik pa ng kanyang hintuturo ang gilid ng mata upang hindi tumulo ang luha, “Magkano ba ang kailangan mo?”

“Isang milyon po.”

“Isang milyon? Ang laki naman niyan at ano ba sakit ng lola mo? Cancer?!”

“Opo, Ovarian Cancer.” Pumalahaw na ako ng iyak.

Halatang nataranta si madam kaya dinamayan ako at panay ang haplos sa likuran ko. Iniabot pa nito ang basong may tubig upang inumin ko.

“Ang laki naman kasi ng kailangan pera. Kahit isangla ko itong club ay baka hindi paabutin ng ganoong halaga. Kung bakit ang daming puwede sakit ay cancer pa. Puwede naman almuranas na lang.”

Natawa ako sa huling sinabi niya kahit may luha pa rin sa mga mata. Kaya pinunasan ang mukha ko ng sariling mga palad, “Matutulungan niyo po kaya ako makahanap ng pera?”

“Jusko, kita mo naman kung anong klase lugar ito. May marangal na trabaho lang dito ‘yan,” wika ni madam sabay turo sa mga trabahador sa kusina, “mga naglalampaso at taga hugas ng plato. Aba’y, walang may isang milyon ang sahod sa kanila.”

“Wala po ba pag-asa, ale?”

“Aray!”

Hinila niya ng bahagya ang mahaba ko buhok pababa at lumayo sa akin.

“Madam! Mamang! Mamasang! Mamita! ‘Yan lang ang puwede mo itawag sa akin at hindi Ale,” wika ni madam na may pagkairita sa boses.

“Sige po, mamasang,” sambit ko, upang hindi na ito magalit sa akin. Pakiramdam ko ay siya ang ipinadala ng langit upang tulungan ako.

“Mabalik tayo sa pag-asang sinasabi mo, maaari makuha mo ang malaking halagang kailangan. Ngunit, malaki rin ang kapalit.”

“Ano po?” Napatayo ako upang lumapit sa kanya.

“Ang sabi mo ay virgin ka pa, tama?”

“Opo,” mabilis ko sagot.

“Maganda ang mukha mo, mestiza,” wika ni mamasang na itinaas pa ang baba ko at paikot na kinapa ang hubog ng katawan.

“Mamasang may kiliti ako d’yan,” nakikiliti ko sabi habang pilit na nilalayo ang kamay nito.

“Maganda rin ang hubog ng katawan mo, parang noong kabataan ko lang. Kaso nga lang, may kaliitan ang hinaharap mo.” Nakatayo na ito sa harapan ko at minamasdan ang aking dibdib na kahit may suot pa na blouse ay alam niya maliit ang mga ito.

“Ano na po, mamasang?” naiintriga ko tanong.

“Puwede natin ibenta ang virginity mo sa halagang isang milyon.”

“Ano?!” gulat ko sabi na hindi makapaniwala sa narinig mula kay mamasang. Ngayon lamang ako nakarinig na puwede ibenta ang virginity ng tao. At naiinis ako dahil isang milyon lang ang halaga ng sa akin.

“Payag ka ba?”

“Ganoon lang po ba ang halaga ng virginity ng isang babae?” kinakabahan ko tanong.

“Kaya natin ibenta ng mas mahal, sampung milyon o higit pa. Pero, sabi mo kasi ay kailangan mo na ang pera kaya mabilis sa isang milyon ito,” paliwanag ni mamasang.

“Puwede po ba pag-isipan muna?” tanong ko.

“Oo naman.”

Pagkalipas ng ilang araw ay bumalik ako sa Venus Club. Dumugo na naman si lola kanina at namilipit sa sakit, hindi ko matiis ang ganoong kalagayan niya. Kaya naman, pikit matang tatanggapin ang magiging tadhana ko para kay lola. Wala na ako ibang maisip na mas madaling pagkakitaan ng malaking halaga kun’di ibenta ang virginity ko. Tama lamang na hindi na maghintay pa ng matagal, upang hindi maulit ang pangyayaring namatay si papa dahil sa kakulangan ng pera.

“Napakaganda mo,” wika ni Marikit na dinadagdagan ang blush on sa mukha ko.

Nakikita ko ang sarili sa salamin na may make-up. Hindi ako makapaniwala na ganito ang hitsura ko kapag naaayusan.

“Handa ka na ba?” tanong ni Marikit sa akin habang inaayusan ako.

Napalunok ako bigla at parang gusto ko tumakbo palabas ng dressing room, “K-kinakabahan ako.”

“Natural lang ‘yan sa umpisa. Heto, isuot mo upang hindi makita sa labas ang hitsura mo,” wika ni Marikit sabay abot sa isang black masquerade mask.

“Kailangan ko ba talagang isuot ito?”

“Ikaw bahala, ang sa akin lang ay baka ayaw mo may makakilala sa iyo. Makakabuti ‘yan, lalo na at napakabata mo pa. Labing walo ka pa lang, ‘di ba?”

Tumango ako bilang tugon at saka isinuot ang mask. Inalalayan ako makatayo ni Marikit dahil sa nanginginig ko tuhod.

“Sandali.” Pigil sa akin ni Marikit nang palabas na kami ng pinto, “Kailangan mo ito.”

“Ano yan?” tanong ko habang minamasdan ang maliit na puting bilog na nasa kamay niya.

“Pill, baka kasi panggigilan ka ng sino mang nakabili sa ‘yo sa gabing ito. Mabuti na ang nakakatiyak na ‘di ka mabuntis.”

Kinuha ko kaagad at isinubo ang pill, “Ang pait!”

“Oh, ito. Inumin mo, dali.” Iniabot ni Marikit ang isang bote.

“Alak ito.”

“Oo nga, pampalakas ng loob.”

Tiniis ko ang pait ng alak na gumuguhit sa lalamunan ko. Ngayon pa lamang ako nakatikim ng alak sa tanang buhay ko.

Pagdating namin sa likod ng casa ay naroroon si mamasang na naghihintay. May malapad na gift box dito na hanggang baywang ko ang taas at may puting L300 van.

“Madali, pumasok ka na rito. Hindi dapat pinaghihintay ng matagal ang kliyente,” utos ni mamasang sa akin, “Bakit ka umiinom? Baka malasing ka.”

“Pampalakas ng loob, mamasang,” tugon ko.

Kinuha ni Marikit ang boteng hawak ko upang maalalayan ako ng dalawang lalaking tauhan ni mamasang, na makapasok sa gift box. Ngunit bago nila maisara ang box ay tinawag ko si Marikit upang maibalik ang bote ng alak sa akin. Naupo ako ng tahimik sa loob habang naririnig ko may kausap si mamasang.

“Pag-alis ng van ay transfer mo kaagad ang pera sa account ni Maja.”

Habang nasa sasakyan ay naririnig ko ang usapan ng dalawang lalaki na nasa driver seat at katabi nito.

“Pare, akala ko ba sa Diamond Hotel ang delivery natin?” tanong ng isa sa kanila na may matapang na boses.

“Baka nagkamali ka lang ng dinig kanina na pupuntahan,” sagot naman ng isa.

Makalipas ang ilang sandali ay tumigil ang sasakyan at ramdam ko ibinababa ang kinalalagyan ko gift box. Wala ako ideya kung sino ang nakabili sa aking virginity.

“Pare, ito na ang numero ng condominium. Ang nakalagay dito na remarks ay umalis kaagad tayo pagka-doorbell ng dalawang beses.” Ito ang huling dinig ko sa usapan ng dalawa at mga yabag ng mga paa ang sumunod.

“Oh my gosh! Nandito na ang hinihintay natin, girls!!!” hiyaw ng may matinis na boses.

“Ano ‘yon? Bakit boses bakla?” bulong ko sa sarili at nilagok ang natitirang lamang ng bote.

Muli ko naramdaman na kumikilos ang kinalalagyan ko box at bigla itong tumigil.

“Bakit naka-box ‘yan? ‘Di ba, cake ang order natin?” tanong ng malamyos na may kulot ang boses.

“Baka nasa loob ng box ang cake,” wika naman ng kung sino.

Parang may mali, sabi ni mamasang ay isa lang ang lalaki makikita ko sa loob ng silid. Pero, parang ang dami nila. At saka, kakaiba ang mga boses na parang mga binabae.

“Faolan… come here baby girl. Nandito na ang surpresa namin para sa iyo,” boses ng isang may katandaan na.

Naghiyawan ang lahat na marahil dumating ang tinawag na Faolan, kakaiba ang pangalan.

“There you are. Dapat naman baby girl ay nagpaka girlalu ka sa gabing ito,” wika ulit ng may matandang boses.

“No, mamaaa! Alam mo naman na mahirap takasan ang mga tauhan ni father. Baka makahalata na rito ang punta ko,” marahil boses ito ng tinatawag nilang Faolan. Masarap sa tainga ang boses nito, ‘yon lamang ay may pagkakulot sa dulo.

“Buksan na ‘yan!”

Hiyawan ng mga kasama nila. Bigla ako napa-krus dahil sa pagsalakay ng kaba. Nagsimulang tumugtog ang isang sexy at mabagal na musika.

“Open it, baby girl,” boses ng tinawag na mama.

Bumuntong-hininga ako at inalala ang lahat ng itinuro ni Markit kanina. Maging mga payo ni mamasang ay pilit ko isinasaksak sa utak.

Nakikita ko bumubukas na ang takip ng box at nagpikit ng mga matang tumayo upang sumayaw ng malaswa. Biglang tumahimik ang mga naghihiyawan kanina. Ngunit wala ako pakialam, patuloy lang sa paggiling ang balakang ko. Ilang saglit lang ay hinubad ko ang manipis na robe at inihagis sa kung saan.

Tinanggal ko na rin ang hook ng suot na bra. Itinakip ko sa dibdib ang kanang braso at gumiling ng ilang ulit. Nang tatanggalin na ang aking bra ay bigla silang natatarantang nagsisigaw at may yumapos sa akin. Kaya napamulat na ako ng mga mata.

“S-sino ka?!” bigla ko tanong sa guwapong lalaki nakayakap sa akin at itinakip sa katawan ko ang inihagis na robe kanina.

“I-I’m... Faolan,” sagot ng lalaki na napapalunok pa. Habang ang mga kasama nito ay nagkakagulo.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Switspy
ahahha pasaway talaga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status