Share

5. MONEY

Manila City

Maja

“Saan ka galing? Bakit ganiyan suot mo?” tanong kaagad sa akin ni Belle.

“Saka ko na ipapaliwanag. Kailangan ko makaligo kaagad,” sagot ko sabay kuha ng mga damit mula sa bag na nasa paanan ni lola. Masakit ang ulo ko dahil sa dami ng alak na nainom kagabi. Mahapdi rin ang bahagi nasa pagitan ng mga hita ko. Naalala kong tignan ang online banking account ko gamit mula sa cellphone. Nanlaki ang mga mata ng makita ang isang milyon halaga ng pera at itinago na kaagad ang cellphone.

Mabuti na lamang at walang tao sa banyo kaya nagmadali ako pumasok dito. Pagkahubad ko ng damit ay kinapa ko kaagad ang bahaging mahapdi. Hindi ako makapaniwalang naibigay ko sa isang binabae ang aking pagkabirhen. Ngunit hindi na mahalaga iyon dahil pumasok na ang pera sa account ko at maaari ng ipaopera si lola.

Pagkatapos makaligo at makapagbihis ay nilagay ko kaagad ang mga maruruming damit sa plastic bag. Napansin ko kanina pa nakatingin si Belle sa akin at parang may nais sabihin.

“Belle, sasabihin ko sa ‘yo ang lahat matapos lamang ang problemang ito,” wika ko.

“Sana ay tama ang ginagawa mo,” tugon ni Belle na may pag-aalala.

“Tama lang naman, huwag ka ng mag-alala. Basta pagdating ni dok ay sabihin mo ililipat na si lola sa ibang ospital para sa operasyon.”

“A-apo,” biglang tawag ni lola. Nagising ito marahil dahil sa usapan.

“Nandito ako lola.” Lumapit ako upang halikan ito sa noo.

“Huwag ka ng mag-alala sa akin. Umuwi na lang tayo sa bahay,” wika ni lola.

“Hindi puwede, lola. Kailangan ay magamot muna kayo. Dapat ay magpalakas kayo bago tayo umuwi.”

“Malaki na ang babayaran natin sa ospital,” naluluhang sabi ni lola.

“Gagawan ko po ng paraan ‘yan. Basta ipangako niyo lang na magpapagaling kayo.”

Tumango lamang si lola sa huli ko sinabi. Nagpaalam na ako matapos ihabilin ang lahat kay Belle.

Bangko ang kaagad ko pinuntahan upang makapag-withdraw ng pera at saka ako namili ng ibang kailangan ni lola. Masakit pa rin ang ulo ko kaya nagpasyang maupo sa isang Milktea Shop.

Nag-order ako ng dalawang milktea, ang isa ay para kay Belle. Kinuha ko ang cellphone upang tawagan si Belle kung nakausap na ang doktor. Hindi ko inaasahan na makitang maraming miscalls si Madam Imee mula pa kanina. Kinabahan tuloy ako na baka kunin muli ang isang milyon ibinayad sa akin. Hindi ko pa kayang harapin si mamasang ngayon, kaya naman pinatay ko muna ang cellphone. Nagpasya ako bumalik na kaagad sa ospital dala ang mga pinamili.

“Mabuti naman at nakapabalik ka na, gusto ka makausap ni doktora,” salubong kaagad sa akin ni Belle.

Pinuntahan ko kaagad si dok sa Emergency Room. Nakiusap ako sa nurse na payagan pumasok upang makausap si doktora.

Nang magkaharap kami ni dok ay sinabihan niya ako na handa na ang lahat ng kailangan. May mga kailangan papeles lamang pipirmahan upang mailipat si lola.

Inilipat kami sa San Lazaro Hospital upang dito isagawa ang operasyon kay lola. Nagpakilala si Dra. Evangelista na isang OB-gyne na siyang naka-assign kay lola.

May ilang test ang ipinaulit para sa clearance ni lola. Mabuti na lamang ay walang naging problema at nai-scheduled kaagad para sa operasyon.

Walang patid ang pagdarasal ko nang araw ng operasyon habang nakaupo sa mahabang bench. Hindi ako makakain dahil sa pag-aalala dahil dalawang oras na ang nakakalipas ay nasa Operating Room pa rin si lola.

“Sigurado ako makakaya ni Lola Tanya ‘yan,” wika ni Belle na naupo sa tabi ko.

Isang oras pa ang lumipas ay lumabas si Dra. Evangelista sa Operating Room. Kaagad ko itong sinalubong.

“Dok, kumusta po si lola?” tanong ko.

“Successful ang operasyon ngunit under observation muna siya sa loob upang makasiguro. Kapag walang naging problema ay ililipat na siya sa kanyang silid,” paliwanag ni dok, “Maiwan ko muna kayo.”

Para akong nabunutan ng tinik nang makaalis na ang doktor.

“Mabuti na lang pinakinggan ang mga dasal natin,” wika ni Belle.

“Oo nga, sana naman ay walang komplikasyon sa naging operasyon,” tugon ko at muling naupo sa bench.

Pagkalipas ng ilang araw ay pinauwi na si lola. Dito na sa bahay siya magpapahinga hanggang sa araw ng schedule niya ng Chemotherapy.

Nagpasya na rin ako makipagkita kay Madam Imee. Alam ko galit na galit ito sa akin dahil hanggang ngayon ay nakapatay ang cellphone ko.

Bago magbukas ang casa ay pumunta na ako rito. Tulad ng inaasahan ay haharapin ko ang galit ng taong tumulong sa akin.

“Ang kapal naman ng mukha mo magtungo pa rito!” galit na wika ni mamasang. Nasa gilid kami ng mahabang bar counter.

“Sorry po talaga. Akala ko kasi ay may pagbabago sa napag-usapan niyo ng kliyente, kaya itinuloy ko ang pagsasayaw. Nang nalaman ko po na mali ang lugar na dinalhan sa akin ay nakiusap ako mag-stay,” nakayukong tugon ko. Wala ako pakialam pa kung naririnig ng ibang nagtatrabaho ang usapan namin. “Natakot kasi ako bawiin niyo ang pera.”

“Bakit hindi ka tumawag kaagad?” nakapamaywang na tanong ni mamasang.

“K-kasi po, naiwan ko ang cellphone sa ospital. ‘Y-yong bote ng alak lamang po ang nadala ko.” Hindi ako mapakali dahil sa matalim na titig ni mamasang ng mag-angat ako ng ulo. Kaya naman, ‘di ko mapigilan ang sarili na pisil-pisilin ang sariling palad.

“Sige nga, idetalye mo ang lahat ng nangyari nang gabi ‘yon.”

Ikinuwento ko ang lahat, mula umpisa hanggang sa bigla ako matigilan dahil may naalala. Kumunot ang noo ni mamasang dahil hindi ko na maituloy ang kuwento.

“Ano na?” naiiritang tanong ni mamasang.

Napayuko na naman ako dahil sa hiyang nararamdaman.

“Magsalita ka, may iba pang nangyari?!”

“Naibigay ko po sa bading ang virginity ko.” Gusto ko ng bumuka ang lupa at lamunin ako dahil sa kahihiyan.

“Haaay… tonta! Hindi ko alam kung maaawa ako sa iyo o maiinis,” sambit ni mamasang na nagsindi ng sigarilyo.

“Madam,” tawag ni Marikit na lumapit sa amin at inakbayan si mamasang. Kanina ko pa ito napapansin na nakikinig sa amin, “Pagpasensyahan mo na si Maja. Alalahanin mo na napakabata pa niya sa edad na disiotso. Natural lang na magkamali siya.”

“Ngunit malaking halaga ang involve na pera at isang politiko ang kliyente,” saad ni mamasang sabay hithit ng sigarilyo.

“Alam ko kaya mo solusyonan ‘yan, madam. Ilang beses na rin nalagay sa alanganin ang lugar na ito at nagagawan mo ng paraan,” pangungumbinse ni Marikit, “Kung gusto ng kliyente ay ako na ang gagawa ng dapat gawin ni Maja.”

“Hindi puwede!” masungit na tugon ni mamasang.

“M-mamasang, handa po ako magtrabaho sa inyo hanggang sa mabayaran ang isang milyon,” sabat ko.

Tinitigan ako mabuti ni mamasang na marahil sinusukat nito kung sinsero ang sinabi ko.

“Pagbibigyan kita. Magtrabaho ka rito hanggang sa mabayaran mo ang isang milyon. Ngunit sa isang kondisyon.”

“Ano po?” nagtataka ko tanong.

“Bawal ang tatanga-tanga rito.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status