Share

6. BEING ME

Venus Club

Maja

Pagkalipas ng tatlong buwan ay unti-unti ako nasasanay sa kalakaran dito sa club. Niyakap ko ang ganitong uri ng pamumuhay upang makalikom ng pera at maibalik ito sa isang politico na hangga ngayon ay hindi ko kilala. Ang usap-usapan ay hindi pa ito nagpapakita sa club, ngunit ang suweldo ko ay kinakaltasan na ni mamasang.

Suot ang tight crop top na pinatungan ng sparkling silver tassle na tela at silver hip scarf, habang nagsasayaw sa mababang dance floor ng club. Pinagsuot ako ng blonde wig at black masquerade mask ni Marikit upang manatiling sikreto ang pagkatao at mukha ko.

Inaakit ang mga manonood habang nagsasayaw upang magpabalik-balik ang mga ito. Hindi ko kayang sikmurain ang magpa-table o magpagalaw sa kung kanino lamang. Tama na ang isang pagkakamali sa buhay ko, ito ang laging inilalagay sa aking isipan. Ngunit pinaalalahanan ako ni Marikit na walang mangyayari asenso sa buhay ko kung mananatiling taga sayaw lamang. Marahil ay tama siya na baka habang buh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status