Ilang sandali kaming natahimik nang biglang humagalpak sa tawa si Tito Azriel.
“HAHAHAHA! Nakakatawa talaga ang pamangkin kong si Serenity, para ka dyanh nanigas ah, wag kang mag alala pamangkin hindi magkakagusto sa’yo si Miguel you are out of his league. Ang mga gusto nito ay mga kaedaran n’ya at hindi siya pumapatol sa mga mas bata at lalo na sa 16 years old na tulad mo.” Sabi niya ng may pang-aasar. Tinignan ko ang mukha ni Kuya Miguel at wala itong anumang reaksyon, hinahayaan n’ya lang ang kalokohan ng kaibigan n’ya. Nakaramdam ako ng pagkainis at pagkadismaya. Wala ka talagang aasahan kay Tito puro kalokohan ang alam pero mukhang sanay na sanay na talaga si Kuya Miguel sa kanya kasi alam niyang nagbibiro lang si Tito kaya siguro hindi siya nag rereact kanina sa mga sinasabi niya. “Tito,” sinubukan kong panatilihing pantay ang boses ko, “ Bakit ka ba ganyan, lakas ng trip mo?” " Eto naman nagbibiro lang ako, masyado ka namang pikon, pamangkin ko," sa inis ko ay inirapan ko nalang siya. Bigla namang nagsalita si Kuya Miguel mula sa gilid ko. “Bata ka pa, hindi ka pa dapat nagbo-boyfriend, Serenity,” sabi ni Kuya Miguel. Mababa at malalim ang boses niya, parang isang malamig na hangin na dumaan sa akin, at nagkuryente ang buong katawan ko. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He’d barely spoken to me in years. Why was he suddenly so… opinionated? At bakit parang ang lamig ng boses niya? Napako ako sa kinauupuan ko, hindi alam ang sasabihin. Pakiramdam ko ay may malamig na kamay na humawak sa puso ko, at nagsimula itong magkarera. Hindi ko maintindihan, “Tama si Miguel, 15 years old ka pa lang, dapat pag-aaral ang inaatupag mo,” dagdag ni Uncle. Bumalik ang atensiyon ko kay Uncle dahil sa nakaiinis niyang pangaral. Nagsimula na silang kumain ng mga sandwich na ginawa ko. Binigay ko rin kay Uncle ang juice. “Malaki na ako, Uncle, and I’m 16 years old, not 15,” protesta ko. “Actually, I already asked Mommy if I could have a boyfriend, and she said it was okay, as long as I don’t get pregnant.” Napatingin ako kay Kuya Miguel, at nakita kong bigla siyang napaubo at parang nabulunan sa sinabi ko. His eyes narrowed slightly as he looked at me, and for a moment, I felt completely thrown off. It was like I’d said something completely unexpected, something that had caught him off guard. I didn’t understand why he was reacting this way "I have to admit, Serenity," Uncle said, "Miguel and I were just discussing how lucky the person you will choose to love. " He paused, then added, "Maganda ka, syempre mana ka sa akin and napakabait mo rin parang ako, nasa dugo kasi natin ang pagiging maganda at magandang lalaki " napairap nalang ako sa mga sinasabi nya dahil parang sarili naman nya ang pinupuri nya. "But you know, some guys aren’t as good as they seem." "Tito," sabi ko, sinusubukan kong magpanggap na hindi ako naapektuhan, "Don't you think you're being a little overprotective" "No, sweetheart," sagot ni Tito Azriel, kumikislap ang mga mata niya. "I'm just looking out for you. You're still young, and you need to be careful who you trust." Pero habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang makaramdam na may iba pa sa mga sinabi niya. Parang may gusto siyang sabihin, isang bagay na hindi niya masabi ng diretso. At nagsisimula akong matakot. Sinulyapan ko si Miguel. Nakatingin pa rin siya sa akin, ang mukha niya ay hindi mabasa. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, at may kakaibang init na dumaloy sa mukha ko. Imposible, alam ko, pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na mayroong something sa amin, isang bagay na naramdaman ni Tito Azriel, at sinusubukan niyang ipaalam sa akin sa biro. Ang mga salitang, "some guys aren’t as good as they seem" ay parang mga bulong ng pag-aalinlangan sa isip ko. May alam ba si Tito Azriel? Mayroon bang tungkol kay Miguel na hindi niya sinasabi sa akin? Mayroon bang tungkol sa mga intensyon niya, sa karakter niya, na hindi ko nakikita? Tiningnan ko ulit si Miguel, sinusubukan kong maghanap ng sagot sa mga mata niya. Pero parang maskara ang mukha niya, ang mga mata niya ay parang mga lawa ng madilim na misteryo. At nagsisimula na akong mawala. Nawala sa sariling pagkalito, nawala sa kawalan ng katiyakan ng puso ko, at nawala sa kakaiba, hindi masabi na tensyon na nakasabit sa pagitan namin ni Miguel.Serenity's POV Unang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals. “Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha. “Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis. “I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala. Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila. “Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel. “Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa. “Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya. “Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede nam
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy