Miguel Felix Montemayor, anak ng isang bilyonaryo, gwapo, at pinapangarap ng lahat. Pero ang totoo, isa lang ang laman ng puso niya: si Serenity Delavega. Isang gabi ang magpapatindi ng pagtingin niya sa dalaga. Subalit nagbago ang lahat nang malaman niyang may boyfriend na si Serenity, at ito ay walang iba kundi ang kanyang pamangkin. Anuman ang gawin ni Miguel, hindi niya pa rin makalimutan si Serenity. Labis-labis ang pagmamahal niya sa dalaga, at kahit lumipas man ang mga taon, mas lalo pa itong lumakas, naging isang masidhing obsesyon. Ano ang handa niyang gawin para makuha ang puso ni Serenity? Handa ba siyang itaya ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado, at kahit na ang ibig sabihin nito ay pakikipag-agawan laban sa sariling pamangkin? Matagumpay ba niyang mapapaibig si Serenity, o masisira ang lahat dahil sa kanyang matinding obsesyon sa dalaga?
View More“Ugh, bakit ba ang hirap mag-focus?” bulong ko sa sarili ko, sinusubukan tapusin ang art project ko. Simple lang naman dapat yung portrait ng sunflower, pero parang ang hirap-hirap kong gawin. Gusto ko na lang ihagis yung lapis ko sa sobrang inis!
Biglang tumunog ang doorbell. Siguro si Tito Azriel yun. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto. Pumasok ang sikat ng araw, may mga alikabok na lumilipad. “Nandito na kami, Serenity! Nandiyan na ba si Ate Mildred?” Ang malakas na boses ni Tito Azriel ang bumalot sa pasilyo. Malapad ang ngiti niya, kumikinang ang mga mata niya. Pero hindi ko siya tinignan. Nakatingin lang ako sa lalaking nasa likod niya. Si Kuya Miguel. Parang tumatagos sa buto ko ang titig niya. Parang may alam siya na hindi ko alam. "Baka mamaya pa 'yon, Uncle," sagot ko, feeling a little flustered. Hindi ko maintindihan, pero lately, napapansin kong nakatingin siya sa akin lagi. Five Years na rin ang nakaraan mula nang una kong makita si Kuya Miguel and I was just 12 years old that time and he was 17 I guessed. Magkaklase sila ni Tito simula pa noong Senior High sila until ngayong graduating na sila sa college. Tahimik lang siya, may pagka-introvert at nakikipag-usap lang kay Kuya Azriel. Bihira lang kaming nagkakausap since napakatahimik nga n'ya and napakamisterious type. Hindi mo alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isip n'ya. Ngayong 16 years old na ako at mag tu twentwo na sya parang biglang nagbago lately ang pakikitungo n'ya sa akin parang lately nakikipag usap na s'ya sa akin. Ang porma niya talaga, parang "anak mayaman." Sinabi ni Kuya na milyonaryo ang mga magulang niya, kaya nagugulat pa rin ako na sumasama sya kay Tito. “Ipaghanda mo nga kami ng meryenda, mahal kong pamangkin,” sabi ni Tito, with a smirk. Inis na inirapan ko siya and went to the kitchen. Pero habang naglalakad ako palayo, hindi ko maiwasang lumingon kay Kuya Miguel. Nakatayo siya sa may bintana, nakatingin sa akin. Ang titig niya, parang tumatagos sa buto. Mabilis akong bumalik sa kusina, naguguluhan. Ano ba ang meron sa kanya na nagpapagulo ng ulo ko?Umiling ako, pinipilit kong ayusin ang mga iniisip ko. Kailangan kong mag-focus sa meryenda. Kailangan kong kumalma. Nakaupo sila sa sofa, nakaharap sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Kuya Miguel. Ang gwapo niya talaga, ang tangkad, ang lapad ng balikat. He was wearing a simple white tee, perfectly fitted, accentuating his broad shoulders and lean build. His dark jeans were slightly faded, adding to his effortless cool. He had a slight stubble on his chin, giving him a look that was both charming and mysterious. Marahil, kung wala pa akong boyfriend, hanggang ngayon ay crush ko pa rin siya. Bigla namang nag-notify ang phone ko, kaya chineck ko kung sino ang nag-message. (From: Kaiser) Love, I missed you, sana Monday na ulit para makita na kita. Napangiti naman ako nang mabasa ko ang message ni Kaiser. Kakasagot ko lang kahapon sa kanya, at talagang sobrang kinilig ako, baka nga kung may makakita sa akin, isipin na nababaliw na ako. (To: Kaiser) I missed you too. Nang maisend ko na ang mensahe, ibinaba ko ang phone sa mesa at tumingin sa kinaroroonan nila Tito.Pero natigilan ako nang makita kong nakatitig sa akin si Kuya Miguel. Ang mga mata niya, parang nag-aapoy, nakatitig nang diretso sa akin. Napaigting niya ang kaniyang mga panga, at parang naramdaman ko ang init ng kanyang titig na tumatagos hanggang sa kaloob-looban ko. Nalipat naman ang atensyon ko ng magsalita si Tito Azriel. “Hoy, pamangkin, kanina ka pa namin tinitignan ni Miguel, mukhang kinikilig ka riyan. Bakit, nag-chat ba ang crush mo?" nakangisi pang sabi ni Uncle. His eyes, usually warm and twinkling, held a glint of something else—a hint of caution, maybe even a touch of warning. Inirapan ko si Tito Azriel at tinapos na ang pag-aayos ng mga sandwich. "Tch," bulong ko sa sarili ko, feeling a little flustered even though I knew Uncle was just teasing. Nag-init ang pisngi ko, a mix of embarrassment and irritation. Dinala ko sa kanila ang meryenda at inilagay sa center table. Habang umuupo ako, hindi ko maiwasang mapatingin ulit kay Miguel. Nakatingin siya sa akin, madilim at matalim ang mga mata niya. May bahagyang ngiti sa labi niya, parang natutuwa siya sa pagkailang ko. "Miguel," seryoso na ang boses ni Tito Azriel, "alam mo naman na si Serenity, she’s just a kid, right? Just a little girl. You’re a grown man, and you need to remember that." Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kailanman nagsasalita si Tito ng ganyan, lalo na tungkol sa ganitong mga bagay. Dalaga na ako, hindi na ako bata. Sinulyapan ko si Miguel, pero hindi ako tinitingnan. Nakatingin lang siya kay Tito Azriel, ang mga mata niya ay madilim at hindi mabasa. Patuloy na nagsalita si Tito Azriel, malalim ang boses niya, "May bro code tayo, Miguel. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, tama ba? Hindi mo gugustuhin na makasakit sa kanya, lalo na... alam mo na, na baka masira ang pagkakaibigan natin.” Nakatingin lang sa amin si Tito Azriel na para bang maraming naglalaro sa isip niya. Pero relax lang si Miguel at parang hindi nag-aalala at hindi apektado samantalang parang nagdududa na si Tito sa kanya, pero napaka-asyumera ko naman para isiping may gusto sa akin si Kuya Miguel, pero napansin yon ni Tito. Bakit ba ganyan ang sinasabi ni Tito? Ano ba ang iniisip niya? May gusto ba talaga si Miguel sa akin? Pero imposible. Six years ang agwat namin, graduating na siya sa college, at ako high school palang. Malamang may girlfriend na siya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may kumukulo sa tiyan ko sa tuwing nakikita ko siya? Bakit parang nag-iinit ang mga pisngi ko sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin?Serenity's POV Unang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals. “Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha. “Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis. “I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala. Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila. “Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel. “Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa. “Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya. “Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede nam
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments