Share

MAKING MR. HEARTLESS FALL
MAKING MR. HEARTLESS FALL
Author: ZANE

CHAPTER 1

Author: ZANE
last update Last Updated: 2025-11-12 07:36:07

Maaga pa lang ay parang fiesta na sa terminal ng bus sa Laguna. May batang babae na halos sumakay ng maling bus sa sobrang kabog ng dibdib—si Gabriela “Gavine” Gutierrez, 22 years old, ambisyosang writer na may energy ng tatlong kape kahit isa pa lang ang nainom.

“Manong! ‘Yung pa-Makati po ha, hindi pa-Montalban!” sigaw niya habang habol ang bus na paalis na.

“Miss, hindi ako manong—konduktor ako!” reklamo ng lalaki pero natawa rin sa ngiti ni Gavine.

Habang nasa biyahe, naka-headset siya at nakatingin sa phone, tinitingnan ulit ang company profile ng ARANETA MEDIA GROUP, ang top lifestyle magazine sa bansa. Si Cesar at ang pamilya nito ang cover ng page. “CEO: Cesar Araneta, 35. Bachelor, former award-winning columnist.”

“Hay… siya na talaga. Ang diyos ng journalism! Ang lalim ng mata, parang may sariling nobela!” bulong niya habang kinikilig mag-isa. Nilingon siya ng mga pasahero—akala tuloy baliw siya dahil sa ingay niya.

Pagdating sa Makati, halos matulala siya sa laki ng building. Glass walls. Receptionist na parang beauty queen. Aircon na mas malamig pa sa puso ng ex mo.

“Good morning, Miss! Purpose of visit?” tanong ng receptionist.

“Mag-a-apply po as writer… kahit janitress, basta makapasok lang ako sa company ni Sir Cesar!” sagot niya ng sobrang bilis.

Napahagikhik ang receptionist. “Okay ka lang, Miss?”

Habang hinihintay ang interview, lumabas mula sa elevator ang isang matangkad, gwapo, at my mukhang could launch a thousand ships  and sank a thousand hearts. si Cesar Araneta mismo. Tahimik, Suot ang mamahaling suit. Lahat ng tao biglang tumahimik.

Pero si Gavine, hindi napigilan. “OH MY GOSH! SIYA NA YON!”

 Si Cesar Araneta ang CEO ng Araneta Media Group, at kilalang heartless bachelor sa buong industry.

“In the flesh! Lord, ang gwapo! Para siyang walking novel!” Habang nakikipag-usap siya sa receptionist, biglang napahinto si Gavine sa kakatingin.

Lumapit si  Cesar at may tinanong sa receptionist habang ang receptionist habang si Gavine ay lumakad upang magbigay daan dito. At dahil distracted, hindi niya napansin ang basang spot sa sahig. Isang madulas na destiny moment. Diretso siya sa dibdib ni Cesar.

“AAAAH! Sorry! Sorry po!” sigaw niya habang nakahawak sa suit nito.

Napatingin si Cesar, seryoso at halatang nainis. “Miss, are you trying to get yourself fired before you’re even hired?” malamig pero baritonong tanong niya.

“Uh—no, sir! Gravity lang po ‘yung kalaban ko! Promise, hindi po ako stalker!”

Tahimik ang buong lobby. Si Cesar ay napabuntong-hininga, tinitingnan ang talsik ng kape sa mamahaling coat niya. 

“My God… this is Italian fabric.”

“Eh di wow… este, sorry po talaga, sir!” sagot ni Gavine sabay tawa ng nahihiya.

Si Cesar ay tumingin sa receptionist.

“Is she one of the applicants?”

“Yes, sir. For the writer position,” sagot ng receptionist habang pinipigil ang tawa.

Bumaling siya kay Gavine. “Name?”

“Gabriela Gutierrez, sir. But everyone calls me Gavine.”

“Gavine?” itinaas ni Cesar ang kilay. “So..."

Ngumiti si Gavine. “Short for Gavi-ne-your-heart, sir.” sabay kindat.

Tahimik. Napatigil pati guard. Ang receptionist muntik nang malaglag sa upuan sa kakapigil ng tawa.

Si Cesar, diretso ang tingin sa kanya, walang emosyon.

 “Miss Gutierrez, if your sense of humor is part of your resume, please—delete it.” At naglakad itong palayo, bitbit ang dignidad at ang kape niyang tumapon.

Pag-alis niya, napahawak sa dibdib si Gavine, nangingiti. “Grabe… kahit galit, ang gwapo pa rin. Kung pako siya, ako na lang ang martilyo.”

Pag-upo niya sa waiting area, kinuha niya ang notebook niya at nagsulat: “Dear Future Boss-slash-Crush: Today, I didn’t just bump into you… I made contact with destiny—and your Italian suit.”

Sa loob ng boardroom, seryoso ang lahat — parang may exam sa langit.

“Sir, the latest data shows our readers dropped by 37%,” sabi ng marketing head, halos pabulong.

Tahimik si Cesar habang nakasandal sa leather chair niya, hawak ang tablet. “Thirty-seven percent? That’s unacceptable. We used to be number one. What happened?”

Tahimik ang lahat. Walang gustong sumagot. 

“Speak,” dagdag ni Cesar, sa malamig na tono. “Or do you want me to fire everyone and start over?”

Nagkatinginan ang mga staff. Isa-isa nang yumuko. Hanggang sa biglang pumutok ang boses ng isa —“Sir… maybe people find the magazine too formal. Too… serious. Gen Z readers want something light, witty, and relatable.”

“Relatable?” kunot-noong tanong ni Cesar. “We’re not writing for kindergarten, we’re shaping culture. Luxe life is the future of this country.”

“Exactly, sir,” singit ng isa, “but culture now has memes.”

Napasinghap si Cesar. “Memes? Are you suggesting I put memes beside a feature on global economics?”

Tahimik ulit. Hanggang sa pumasok ang HR head, pawis na pawis. “Sir, I need your signature. About the resignations.”

“Resignations?” tumaas ang kilay ni Cesar.

“Yes, sir. Three senior editors just quit.”

Cesar napapikit ng mata. “Of course they did. Perfect timing.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MAKING MR. HEARTLESS FALL   CHAPTER 32

    Malungkot ang lakad ni Gabriela Gutierrez sa lobby ng Luxe Life Magazine. Kasama niya sina Joshua, Zoila, Miggy, Nicolas, at Amanda, ngunit kahit maingay ang mga kaibigan niya, parang wala siyang energy.“Ang tagal ng araw ko… at ang sama ng pakiramdam ko,” bulong niya habang hawak ang bag.“Gab, ano nangyari?” tanong ni Zoila, agad nakasuporta.“Buong araw ko siyang tinatawagan… Love, Love, Love… at hindi siya sumasagot! At kung magre-reply man, tipid lang… two words lang… parang nagagalit pa sa akin o busy sa business,” sabi ni Gabriela, halos maiyak sa frustration.“Uy… baka naman naumay na sa’yo si Sir Cesar,” hirit ni Joshua, tumatawa habang pinupuno ang drama niya.“O baka bumalik na siya sa pagiging… business-minded na CEO? Wala nang kilig moments?!” dagdag ni Miggy.“Baka!” sabay tumili si Nicolas, “Baka masyado siyang busy sa Opulence Hotel, at nakalimutan ka.”“Hay naku… alam niyo ba… pakiramdam ko… wala na siyang pakialam sa akin,” malungkot na sambit ni Gabriela, bitbit a

  • MAKING MR. HEARTLESS FALL   CHAPTER 31

    “Hala kayo,” singit ni Miggy. “Guys, umuusok na social media oh! Dati Boss galit na galit ka kapag na post ka ngayon okay na okay na saiyo. Nag iba ka na talaga!"Pinakita nito ang trending list. Naka-top ang hashtag na: #TheWomanWhoOwnsTheHeartlessCEOSumunod: #OpulenceQueen #CesarAndGavAt mas nakakapraning pa… may thread na:“REAL NAME OF GAVINE IS GABRIELA GUTIERREZ?!”“Wait—HOW DID THEY KNOW MY REAL NAME?!” bulalas ni Gavine.Umangat ang kilay ni Zoila. “Girl, may nag-comment! Kaklase mo raw sila noong senior high. Proud sila sa’yo.”Lalong namula si Gavine.Pero tumawa lang si Cesar.“Don’t worry, Gav.” He laced his fingers with hers. “They can call you whatever they want.”He squeezed her hand.“Because I know exactly who you are.”She softened. “And who is that?”Cesar leaned in, forehead to hers.“The only woman who owns the heartless CEO.”Trending sa social media ang viral photo nila sa airport.#TheWomanWhoOwnsTheHeartlessCEO#OpulenceQueen#CEOIsInLovePero may isang t

  • MAKING MR. HEARTLESS FALL   CHAPTER 30

    Pagbalik niya sa maliit niyang desk, nag-vibrate bigla ang phone.Pagtingin niya, nag-pop up ang name: Love Incoming video call…Napa-upo siya agad nang diretso.“OH MY GOD OH MY GOD OH MY GOD—”Nag-aapura siyang nag-ayos ng buhok kahit alam niyang gabi doon at baka nasa hotel room lang si Cesar. Binuksan niya ang camera.“Love!!”On screen, nakita niya si Cesar naka-white shirt, medyo messy ang hair, hawak ang laptop sa kama. Naka-glasses pa. That alone nearly killed her.“Hi, Love,” malamig-sarap na boses nito, pero halatang pagod.“Love! Miss na miss na kita!”Hindi niya na napigilan.Cesar chuckled softly. “I miss you too.”“Promise?”“Yes. Very much.”Ngayon talaga siya nalusaw.“Anong oras na d’yan?” tanong ni Gavine.“Almost midnight.”“Ha?? Ba’t gising ka pa? Di ba sabi ko mag-rest ka? Tigas ng ulo mo.”“Because,” sabi ni Cesar, “I was waiting for you. I know Its your break, so I can call you.Napatakip siya ng mukha.“Love… stop. Kinikilig ako.”Napangiti si Cesar. “That’s t

  • MAKING MR. HEARTLESS FALL   CHAPTER 29

    Nakangiti si Gavine habang hawak ang kamay ni Cesar papasok sa fine dining restaurant. Ang ilaw ay dim at elegant, bawat mesa ay maayos na inayos, parang nasa isang magazine spread. Ngunit habang papalapit sila sa table ng pamilya Araneta, napansin ni Gavine ang kaunting tensyon sa paligid.“Love… you look stunning tonight,” sambit ni Cesar, tinitingnan ang dalaga na naka-simple pero eleganteng damit.“Salamat, Love,” sagot ni Gavine, medyo kinakabahan.Ngunit bago pa man siya makapag-relax, napansin niya ang matalim na tingin ni Zandra. “Gavine… what are you wearing? This is a fine dining place, not a cocktail party,” sabi ni Zandra, halatang inis sa kanya.Hindi pinansin ni Cesar ang kapatid. “Love, ignore her. You look perfect to me,” sabi ni Cesar, mahigpit na hinawakan ang kamay niya.“Ah… okay naman po siguro itong damit hindi naman ako pinagbawalang pumasok,” pilit na sagot ni Gavine, medyo nahihiya. Ngunit napansin niyang napatawa si Cesar at dahan-dahan ay napangiti rin si Za

  • MAKING MR. HEARTLESS FALL   CHAPTER 28

    Magkahawak kamay silang lumabas ng lobby, tahimik, naglalakad sa gabi. Ang ulan ay huminto na, mga ilaw ng lungsod kumikislap. Sa sandaling iyon, tanging ang kanilang presensya ang mahalaga.Habang naglalakad palabas ng Opulence Hotel, nakangiti si Gavine kahit medyo pagod na sa buong araw. “Love, selfie tayo,” sabi niya, sabay taas ng phone.Cesar, na medyo naiilang sa camera pero alam niyang masaya si Gavine, tumango. “Alright, just one. But only if you promise not to flood my pictures on your social media account." sabi niya, halata ang ngiti sa ilalim ng maskara ng pagiging bossy.“Huwag kang mag-worry, Love. Para lang sa atin, ito.” sagot ni Gavine, sabay hawak sa phone. Lumapit siya kay Cesar, bahagyang nakasandal sa kanya.Cesar ay nakatingin sa kanya, hawak ang kamay ni Gavine sa ilalim ng selfie frame. “Okay, say cheese… or whatever you say,” biro niya, pilit nagpapatawa.“Cheese!” sabay tawa ni Gavine, tinitigan ang kamera. Kinuha niya ang ilang selfies — isa na nakangiti si

  • MAKING MR. HEARTLESS FALL   CHAPTER 27

    Lumipas ang ilang araw, at dumating na si Zandra Araneta sa Luxe Life. Mabilis niyang pinuntahan ang opisina para ipakita na siya ang bagong boss. Kaagad niyang sinalubong si Gavine, at ramdam ang tensyon sa hangin.“Gavine… I hope you understand. You won’t get any special treatment just because of your… relationship with Cesar,” malamig at direktang sabi ni Zandra, sabay tingin na halatang may bahid ng pagsuway.Napangiti si Gavine ng pilit, pero halatang nahirapan. “O-okay po, Ms. Zandra. I’ll do my best,” sagot niya, habang pinipilit kontrolin ang kaba at disappointment.Tahimik lang si Cesar sa tabi, nakamasid sa interaksyon, habang hawak ang kamay ni Gavine nang marahan. Alam niyang mahirap ang unang araw para sa nobya, lalo na’t masungit ang ate niya.Pagkatapos ng maikling pulong, nilapitan niya si Gavine sa tabi ng elevator. “Love… don’t let her get to you. Come with me. I have something to show you,” sabi ni Cesar, mahina ngunit puno ng lambing.Hinawakan niya ang kamay niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status