LOGINKABANATA 004
Lahat sila ay nakatayo na. Para bang sasakyan nila ako dahil sa ginawa kong pagsampal sa kapatid ko. “Lahat Vhea, pinapaubaya ko sa’yo. Pinagtatakpan kita kapag may ginagawa kang mali. Pinagbibigyan kita sa mga bagay na gusto mo. Hinahayaan kita sa lahat, pero bakit? Na sa sa’yo naman lahat ah… Pati fiance ko aahasin mo?” "How dare you talk to her like that?” Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula kay Kuya Vincent. "Don't you ever talk to your sister like that, Veronica. Babae ka rin,” igting pangang salita niya. "Really?” I sarcastically said. "So, okay lang sa inyo na may manloloko kayong anak at kapatid? What a mess! Okay lang sa inyo na inahas ng sarili niyang kapatid ang fiance ng Ate n’ya? Sa bagay ganyan ka rin naman diba? Kuya Vincent? Manloloko ka rin naman kaya relate na relate ka? Hindi ba?” I grin. Hindi nakasagot si Kuya Vincent sa akin. Kaya silang lahat na ang binalingan ko ng tingin. Hindi ko alam kung bakit sila pa ang naging pamilya ko. Nakakaputangina!! “Ate naman. Kasalanan ko ang lahat, and I am sorry. I didn't mean it. Mahal lang talaga namin ni David ang isa't-isa.” “Mahal? Ang pagmamahal na ‘yan ay hindi rin magtatagal, Vhea? Kasi pareho kayong manloloko. Hindi ba may boyfriend ka rin? Don't tell me you cheated on him?" nagulat si Vhea sa sinabi ko. She thought na wala akong alam sa mga ginagawa niya. “Vhea? Is it true?" gulat na tanong ni David. “N-No! She's just scheming," she said. “Ano ba Veronica, huwag ka ngang gagawa ng kwento? Hindi ganyan ang kapatid mo. Alam namin na masakit para sa'yo ang nangyari kagabi, pero masisisi mo ba sila? They loved each other," usal ni Mommy. “I can't believe you tolerate this! Alam na alam niyo naman na mali pero pinaglalaban niyo pa rin. Hindi niyo na ako ni-respeto bilang anak niyo man lang sana. Mom and Dad, pinangarap ko rin ang maikasal sa taong mahal ko. Pero kahit sana sa maayos na paraan, kung ayaw naman sa akin ng tao bakit pa manloloko? Bakit hindi na lang makipaghiwalay ng maayos, edi sana hindi ako ganito nasasaktan ng sobra.” Mahina kong salita. "Just stop the act, Veronica. Let's talk about this sa maayos na usapan.” Kuya Vince said. "Sige na Veronica. Mag-usap tayo ng masinsinan.” Segunda naman ni Kuya Vinson. Wala talaga akong kakampi sa bahay na ‘to. I really need to go. Hindi ko na kaya. Parang sasabog na ang puso ko. "Isa laban sa lahat? Wow! Amazing! You're the main character now, Vhea. I think, dito na lang ‘to. Sana'y hindi na tayo magkita pang muli,” I said and turned my back on them. "Saan ka pupunta?” tanong ni Dad. "Why? Why do you ask? May pakialam ka ba sa akin?” "Bastos ka talaga. Hindi ka namin pinalaki ng ganyan Veronica para maging bastos,” galit na salita ni Mommy. Huminga ako ng malalim dahil nasasakal na ako. “Mom, Dad, mga Kuya, Vhea and you too, David. Sanay maging masaya kayo!" Tinalikuran ko na silang lahat dahil ito na ang huli na aapak ako sa bahay na ‘to. Let karma do the work. .... PAG-ALIS ko sa bahay ay dumeretso ako sa isang sikat na bar dito sa lugar lang namin. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko. Gusto kong magpakalasing at nakalimot man lang sa lahat ng sakit at panloloko nila sa akin. Hindi ako makapaniwala na niloko nila ako. Pati mga magulang at kapatid ko ay hinayaan lang ang bagay na ‘yon. Mahal na mahal talaga nila SI Vhea. “One tequila, please?” “Coming right up!” Ilang sandali lang ay nasa harapan ko na ang tequila na agad ko rin naman nilagok. “Two more, please?” I said. Hindi ko na mabilang kung nakailang baso na ako ng tequila. Nahihilo na ako at umiikot na rin ang paningin ko. Nakaulirat pa naman ako pero nahihilo na talaga ako. Kinuha ko ang cellphone ko at binigay sa bartender. “Call my best friend, and tell her to get me here," utos ko. Agad naman na sinunod ng bartender ang sinabi ko at tinawagan na nga SI Cathy. "Yes, Ma’am.” Narinig kong sabi ng bartender. "Here's your phone,Madame. She said someone will get you tonight,” he said. Ngumiti ako sa kanya at magbayad na rin. Binigyan ko rin siya ng tip for being polite. Lumabas na ako ng bar na wala naman nangyari, walang bastos na humaharang sa daan ko kaya agad akong nakalbas sa bar. Kailan kaya darating ang sundo ko? Nahihilo na talaga ako at gusto ko ng humiga sa malambot na kama. Naglakad pa ako ng ilang hakbang sa gilid ng daan habang hindi pa dumarating ang sundo ko. Dahil sa sobrang Hilo at natalisod ako at natumba, hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng daan dahilan upang kamuntikan na akong mabangga.Parang huminto ang tibok ng puso ni Xander nang sabihin ni Inigo na nasa ospital si Cathy. "Hospital? W-why? What happened? Is something wrong with Cathy and my baby?" sunod-sunod na tanong niya, kinakabahan habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Inigo. Napapikit si Inigo at pilit na hindi ngumiti dahil sa ekspresyon at pag-aalala ng amo niya. "Calm down. They're fine. Mrs. Mercedez just gave birth tonight," sabi ni Inigo sa kalmadong tono. Bumuga ng malalim na hininga si Xander at niyakap si Inigo. "Thank goodness. I thought something happened," he said. "But—" "But, what?" "Before we came here, Mr. Mercedez, called..." seryosong nakikinig si Xander sa sasabihin ni Inigo. Kung kanina ay nakahinga na siya nang nasa maayos lang si Cathy. Ngayon naman ay kinakabahan na naman siya sa sasabihin ni Inigo. "And, what did he say?" Xander curiously said. "A's gang went to your home and almost kidnapped your child, good thing the Nanny hid the baby," Inigo explained.
UMUWI si Hugo sa Mansyon upang ipaalam sa pamangkin na malapit nang makakauwi na si Xander, ngunit nang dumating siya sa bahay ay wala si Cathy at ang bata. Pati na rin ang asawa niyang si Veronica. He was so frustrated and scared. Hinanap siya sa buong bahay ang dalawa, wala talaga. He keeps calling Veronica's phone pero walang sumasagot hanggang sa marinig na lang niya ang tunog ng cellphone at iyak ng bata. Dumadagundong ang kanyang puso sa kaba, takot, na baka kung ano na ang nangyari sa asawa lalo pa't manganganak na ito. Mabilis na hinanap ni Hugo kung saan nanggaling ang tunog ng baby. Medyo malapit lang ito sa kinatatayuan niya. Nasa likod siya ngayon ng bahay sa may pool area, at garden area. He keeps calling Veronica's phone, ang followed the sounds. "Shit!" bulalas niya ng makita ang anak ng pamangkin na nasa damuhan, nakabalot ng puting tela. "Poor baby," maluha-luhang sabi ni Hugo dahil sa awa n kanyang nadarama. "Where's your Mommy?" dahan-dahan niyan
MARIÁ went to Cathy’s boutique, and she found out na wedding day pala ni Cathy and Xander. Matapos niya itong malaman, labis ang inis na naramdaman niya kaya mabilis niyang tinawagan ang ama ni Xander na si Alexander Martin. Kinausap muna ni Mariá ang staff at naglakad-lakad sa loob tinitingnan ang mga naka-display. She was amazed by the displays. Kahit naiinis siya kay Cathy ay nakuha pa rin niyang bumili. "Hey, can I ask?" tanong niya sa isang staff. "Yes, Madame," magalang na wika ng staff. "Are you familiar with this brand?" Showing the bag that was not included in the display. "Yes, Madame. Fearless Femme Co. was owned by Cathy's mother. She is the famous bag designer and owner of Fearless Femme Co. Company. She also owned the Fearless Femme Hotel in Venezuela." Mariá was surprised upon hearing it. Because she is a big fan of Fearless Femme Co. Power with Kindness — quote of Fearless Femme Co. Matapos malaman na may ibubuga pala si Cathy ay mas lalo pang nagalit
Mabilis na hinawakan ni Xander ang kamay ni Cathy. Gulat ang mga mata nitong hinarap ang kanyang mapapangasawa. Hindi niya lubos maisip kung paanong humantong sa ganitong sitwasyon — kung paano pumasok sa isipan ni Cathy ang pasukin ang magulong mundong ginagalawan niya. "No! No, no, no. Hindi mangyayari ‘yan. You’re not gonna do that, Love. Ako na ang bahala sa lahat. Gagawin ko ang lahat para sa atin. Magpapakasal tayo nang hindi nila alam. Ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko, dahil ikaw lang ang may hawak nito," mariing sabi ni Xander sabay turo sa kanyang dibdib, sa pusong tanging kay Cathy lamang tumitibok. "Biro lang. As if naman magagawa ko 'yon no. Hindi ako gagawa ng hakbang na maari mong ikapahamak. Mahal kita at handa akong maghintay sa iyo. Magpapakasal ako sa iyo." Malumanay na sabi ni Cathy, sabay haplos sa pisngi ni Xander. Malalim at puno ng pagmamahal ang mga matang nakatitig sa isa't-isa. Pagmamahal na hinding-hindi magbabago. Pagmamahal na may tiwala sa isa't
Hindi masaya ang itsura ni Xander nang makita ang hindi inaasahang bisita. Wala na siyang sinabi at tinalikuran ang Ama at ang babae na si Mariá. Aalis na sana siya nang tawagin siya ng kanyang Ama. Galit naman niyang hinarap ang mga ito. "Dad, if you're going to force me to marry that woman, I apologize for saying this, but I will cut ties with you and this family," galit na sabi ni Xander at lumabas ng bahay. Wala nang nagawa ang Ama ni Xander kundi hayaan lang siyang umalis. "He hasn't changed at all, Uncle. He is still the same," sabi ni Mariá, sabay kagat ng kanyang labi sa isang sidaktibo na paraan. Habang nakadungaw sa bintana at sinusundan ng tingin si Xander palabas ng gate ng mansion. "Still the hard-headed man who refuses to marry you. I don't know what to do, Mariá. I like you for my son," wika ng Ama ni Xander. "Don't worry, Uncle. I will try to convince him," sabi ni Mariá, puno ng kumpiyansa. "I am counting on you." "For the family, Uncle! I won't stop unt
Umuwi kami ni Xander sa bahay na walang kibuan. Nang makita kami ni Manang Susi ay sinalubong niya kami. Ngumiti si Manang at nginitian kami, kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya saka ako dumiretso sa kwarto namin kung saan natutulog si baby. Nasa iisang kwarto lang kami dahil ayaw kong mahiwalay sa anak ko. May sarili naman siyang higaan kaya kung iiyak man siya, madali namin siyang makita at malapitan. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang pamilya niya—masyadong mataas ang tingin sa sarili. Kung tutuusin, kaya ko naman silang tarayan, pero hindi ko iyon gagawin dahil hindi ako pumapatol sa mga katulad nila. Hindi man nila sabihin, alam kong mababa ang tingin nila sa akin. Because I’m just a mere designer? Hello, excuse me, sikat rin kaya ang CATHVERO PASSION sa Pinas! At sa ibang bansa dahil sa kalidad ng amping produkto. Mayaman rin kami no! Atsaka independent woman ako. "Are you okay? I apologize for my family’s behavior earlier," mahina ang sabi ni Xander nang makapasok si

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





