LOGIN
Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang unti-unti akong magmulat. It feels like there’s smoke in my head, and every movement sends tremors through my whole body. Mainit, at malambot sa pakiramdam. Amoy na amoy ko ang mamahaling halimuyak ng linen na hindi ko kilala.
Pag-ikot ng paningin ko, napagtanto kong hindi ito ang aking silid. The walls were a deep, elegant shade of grey, with gold trimmings na para bang kinuha mula sa pahina ng isang luxury magazine. Isang malaking window ang natatakpan ng heavy blackout curtains, at sa gilid ay nakasindi ang dim light ng isang bedside lamp. Then my heart froze. I was naked. Hindi basta-basta hubad, wala akong saplot na kahit anong pwedeng kumubli sa balat ko. Agad kong kinuyom ang kumot at niyakap ito nang mahigpit, para bang iyon lang ang tanging depensa laban sa malamig na katotohanang gumuguhit sa utak ko. And that’s when the memories started to crawl back, mabagal pero unti-unting lumilinaw. The welcoming party. Si Dasha, ang kaibigan ko, nakangiti habang iniabot sa akin ang baso ng champagne. Naalala ko ang tunog ng mga baso, the music, the swirl of unfamiliar faces. Too many drinks. A deep, masculine scent na ngayon ay hindi pamilyar sa ilong ko. Mariin akong napapikit, pilit pinipigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. Oh God… Mula sa kabilang bahagi ng silid, narinig ko ang tunog ng tubig mula sa banyo. Parang sinampal ako ng katotohanan. Hindi na ako nag-isip pa. Mabilis akong tumayo hawak pa rin ang kumot, nagmamadali sa paghahanap ng kahit anong maisusuot. Nakita ko sa isang armchair ang damit ko, amoy alak at pabango na hindi akin. Dinampot ko iyon habang nanginginig ang mga daliri at isinuot. Bawat paggalaw ko ay may kirot na gumuguhit sa maselang bahagi ng aking katawan, isang mapanlinlang na sakit na nagsasabing may nangyari. At kahit ayaw kong tanggapin hindi ko kayang ipagkaila sa sarili ko. Napasulyap ako sa pinto ng banyo. Nakasarado 'yon pero malinaw ang lagaslas ng tubig. This was my only chance. Humigpit ang hawak ko sa bag, at nagmamadaling lumabas ng silid. Tahimik pero mabilis ang bawat hakbang ko sa kahabaan ng hallway na para bang may humahabol sa akin. Hanggang sa makalabas ako ng condo building, doon lang ako nakahinga. The early morning air slapped my face pero hindi sapat para burahin ang init ng hiya at takot sa dibdib ko. Sumakay ako ng unang taxi na nadaanan ko. Pinilit kong huwag umiyak, pero sa dulo ilang patak ng luha ang hindi ko napigilan. Pagdating ko sa bahay, halos sumubsob ako sa kama ko. I was safe now. Pero sa likod ng isip ko, isang tanong ang paulit-ulit na kumakagat. What exactly happened last night? Isang katok ang nagpamulat sa akin. “Miss Solar, ipinapatawag kayo ni Sir Eduardo sa opisina niya,” sabi ng kasambahay mula sa labas. Napabalikwas ako. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Tahimik ang buong opisina ni Daddy. Tanging mahinang ugong lamang ng air conditioner ang maririnig, pero kahit iyon hindi kayang tunawin ang tensiyong nakabibingi sa opisina ni Dad. Ito ang silid kung saan madalas siyang magdesisyon para sa kumpanya at sa pamilya. Pero ngayong araw, I felt like a condemned prisoner sitting in front of a judge. Umupo ako sa leather armchair. Ang malamig na balat ng upuan ay tila nanunuot sa likod ko. Daddy stood on the other side of the desk, which looked like a king’s throne. Nakatitig siya sa akin, at sa bawat tikas ng kanyang panga alam kong may masamang balitang paparating. “Do you know why you’re here, Solar?” kalmadong tanong niya. Umiling ako kahit may kutob na. Hindi ako basta-bastang pinapatawag dito kung hindi importante. Huminga siya nang malalim. “You’re twenty-four now. It’s time you start contributing to this family.” The word ‘contributing’ felt like a slap to my face. Para bang isa lang akong investment na kailangang magbigay ng tubo. “Hindi ko maintindihan, Dad. What do you mean by contributing?” maingat kong tanong. Bago pa man siya makasagot, marahang hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Mainit ang palad nito pero may bahagyang panginginig. “Sol, darling,” malumanay nitong sabi, pilit akong pinapakalma. “Your father and I have been doing everything to secure the future of our company. Pero may mga challenges. And we’ve found a solution.” Nagkatinginan silang dalawa ni Daddy. Napakuyom ang mga kamao ko. Alam ko na agad kung saan papunta ‘to. “What kind of solution?” Dad cleared his throat, at sa bawat salitang lumabas sa bibig niya parang may gumuguhit na linya sa pagitan namin. “We’ve arranged for you to marry Caellune Santorre,” ani Daddy sa mababang tinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na tinitigan ko siya. “You’ve what?!” hindi ko mapigilang tumaas ang boses. “Arranged for you to marry Caellune Santorre,” ulit niya. I let out a sharp, bitter laugh. “This is a joke, right? Some kind of test?” “It’s no joke,” sagot niya agad. “The Santorre family is one of the wealthiest and most powerful in the country. This marriage will secure a partnership and save Ledesma Capital Holdings.” Pabalang akong tumayo na kamuntikang ikatumba ng upuan. “You can’t be serious, Dad! Buhay ko ang pinag-uusapan dito! My future!” sigaw ko. Ito ang unang beses na napagtaasan ko siya ng boses. I respect my father, but what he did now isn’t right. Kailangan ko ng ipaglaban ang karapatan kong pumili ng mapapangasawa. At saka hindi pa ako handang ikasal. Marami pa akong pangarap na gustong abutin. “This isn’t just about you, Solar. This is about our family. Our legacy.” Nanginginig ang tinig niya pero puno ng awtoridad. “Legacy? So you’re selling your daughter for business?” Napailing ako. Anong klaseng ama siya? Tahimik lamang si Mommy sa gilid ko. Hindi ko alam kung nahihiya o dahil tanggap na nito ang lahat. Tiningnan ko ito, desperado para sa kahit kaunting awa. “Mom, please, tell him this is insane. Ayaw ko pang ikasal.” Hinawakan ko ang kamay nito. She looked up, and for a few seconds, nakita ko ang bakas ng lungkot sa mga mata nito. Pero mabilis ding nawala. “Darling, this is what’s best for everyone. Caellune is a good man. You’ll be taken care of,” mahinang sabi nito. Tuluyan ng gumuho ang pag-asang makakatakas ako sa desisyon ni Daddy. “Taken care of? Like what some business asset that needs management?” “Solar,” singit ni Daddy. “You’ve met him before. At the Santorre’s charity gala last year.” I swallowed hard, trying to remember. Pero wala talaga akong maalala. Maliban sa lalaking iniwan ko sa kama. Mabilis na iwinaksi ko sa isip ang nangyari kagabi. May mas malaki akong problema kaya hindi dapat 'yon ang iniisip ko. “I don’t know Caellune Santorre. Pero marami akong naririnig tungkol sa kanya. At lahat 'yon ay puro negatibo.” “Caellune is a disciplined man. You could learn from him,” sabi ni Daddy. Bigla akong napatawa ng mapakla. “Learn? Anong matutunan ko sa lalaking parang kinamumuhian ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya?” “This isn’t up for debate. The wedding is in two weeks,” aniya sa malamig na boses. Para akong nawalan ng hangin. “T-two weeks? You can’t do this to me.” “This isn’t about force,” sabi ni Mommy. Sa wakas nagsalita na rin. “It’s about responsibility. You’re a Ledesma, Solar. With that name comes duty.” “Duty?” halos mapasigaw ako. “Paano ang mga pangarap ko, Mom? Hindi na ba 'yon mahalaga sa inyo?” “Your dreams won’t save this family,” mariing sabi ni Dad. Napasinghap ako. “What do you mean? What’s happening to the company?” Nagkatinginan silang dalawa. Kita sa mukha ni Mommy ang takot, pero pinilit nitong ngumiti. “Huwag kang mag-alala. Just trust us, anak. This marriage is for the best.” For the best. Paulit-ulit ‘yong tumunog sa isip ko habang tinitingnan silang dalawa. Mga magulang ko sila pero kailanman ay hindi ako tinanong kung ano ang gusto ko. I turned around, didn’t bother to say goodbye, and quickly walked out of the room. Humampas ang pinto kasabay ng panginginig ng aking dibdib. Pero bago pa man ako makalayo. Narinig ko ang sinabi ni Mommy. “This will make or break our family.” Parang sinaksak ako sa dibdib. So that’s it. Hindi pala tungkol sa akin. Tungkol lang sa kanila. Naglakad ako papunta sa silid ko habang nanginginig pa rin ang mga kamay. When I got to my room, I closed the door and took a deep breath. What used to be my quiet sanctuary now felt like a prison. Two weeks. Dalawang linggo para ikasal sa lalaking hindi ko mahal. Sa lalaking halos hindi ko kilala. Napaupo ako sa kama at hinawakan ang sentido ko. Mainit ang mata ko pero pinigilan kong umiyak. Hindi ako iiyak. Hindi para sa kanila. Kung akala nila kaya nila akong diktahan, nagkakamali sila. Because if this marriage was really the only way to save them. Hahanap ako ng sariling paraan.I sat in the dimly lit room, cigarette smoke curling lazily toward the ceiling. Ang hangin ay amoy abo at whiskey. Pero nabasag ang katahimikan nang bumukas ang pinto. Brent stepped inside, a stack of documents clutched in his hands.Dinurog ko ang sigarilyo sa glass ashtray at nagsindi agad ako ng isa pa. Habang binabasa ko ang mga papeles, umigting ang aking panga. Every page was a record of Reginald’s crimes, embezzlement, extortion, and blood on his hands.“Good,” bulong ko, habang binabasa ang bawat linya ng kahayupang ginawa ni Reginald. “I’ve got everything on him now, except for that video he’s been using to blackmail me. Pero pwede na 'to. Sobra pa para makulong siya.”Tumikhim si Brent. “Boss, nakahanap din kami ng mga witness. Mga taong nakakita sa kanya noong pinatay niya ang batang lalaki dahil may utang sa kanya ang tatay nito.”I froze, cigarette halfway to my lips. My chest burned, not from the smoke but from the rage clawing its way up my throat.“Where are they?” I a
Nakatayo ako sa labas ng mansyon, kinakabahan na pinipilipit ang strap ng aking bag, naghihintay kay Mr. Johann. Nangako siyang susunduin ako ngayon dahil makikipagkita si Mr. Meyers sa amin.Lumipas ang mga minuto, at wala pa ring senyales ni Mr Johann. Gumalaw si Via sa tabi ko.“Ma'am, bakit hindi na lang po tayo maghintay sa loob? Kanina pa kayo nakatayo dito. Huwag niyong masyadong i-stress ang sarili niyo.”“Hindi,” bulong ko, nakatuon ang mga mata sa driveway. ”Gusto kong maghintay dito.”Bumuntong-hininga si Via. “Ma'am, isipin niyo po ang baby.” She gestured toward my stomach.Kusang gumalaw ang kamay ko sa aking tiyan, isang tahimik at protektadong kilos. Huminga ako nang dahan-dahan at sa wakas ay tumango. Papasok na sana kami nang tumunog ang isang matinis na busina ng kotse.Nagmadali ang gatekeeper na buksan ang gate. A sleek black car rolled in, tires crunching against the floor. Mr. Johann parked in front of us and stepped out, his usual calm expression tinged with ap
Pagkatapos ng engagement party, umalis agad ako kasama si Brent. Pagpasok namin sa mansyon, sumabog na ang galit na kanina ko pa kinikimkim. I turned on him, my voice sharp and cold.“Why didn’t you check it? Do you realize you ruined everything?”Napangiwi siya habang namumutla ang mukha. “B-boss, pasensya na po. Hindi ko alam na trap pala 'yon.”I stepped closer, my voice dropping to a dangerous whisper.“Hindi mo alam?” My fists clenched. “You were supposed to know everything. 'Yon na lang ang tanging pagkakataon natin, Brent. Palpak pa!”His eyes darted away, guilt written all over his face.“Sinuri ko lahat, Boss. May nagbigay siguro sa kanila ng impormasyon kaya hindi natuloy ang plano natin.”Natigilan ako. That single sentence sliced deeper than his apology. “Sinasabi mo bang mayro'ng traydor?”He hesitated, then nodded. “Wala na akong maisip na ibang dahilan. Alam na alam nila ang bawat kilos natin.”I paced the living room, anger simmering beneath my skin. Nawala na ang ta
Today is Nathalie’s and my engagement party. At ito rin ang araw na sisirain ko siya at ang kanyang ama. Ang ebidensyang akala nila na magagamit nila para takutin ako. Ang mga kasinungalingang ginawa nila para ipagbintang sa akin ang pagkamatay ng biological brother ko ay nawasak na. No more threats. No more weakness to be used against me. Now it’s my turn to act.Galit pa rin sa akin si Czyrene. Halos hindi na ito tumatapak sa mansyon. Alam kong babalik lamang ito kapag nahanap ko na si Solar. At saka kapag natapos na ako sa mga Gallardo, hahanapin ko si Solar. I'll tell her everything. I'll beg for forgiveness. She deserves to know the truth. Sabik na akong makita siyang muli. I miss her so much. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. “Sir, handa na po ang sasakyan,” tawag ni Brent mula sa labas. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. “Is everything ready?”Tumango si Brent. “Inimbitahan na po ang mga bawat bisita. Kinumpirma na ang bawat reporter. Kapag nagsalita na kayo,
The sound of voices pulled me out of the darkness. At first, it sounded muffled like it was underwater, soft and hazy. Pero habang tumatagal ay lumilinaw sa pandinig ko.“Blood pressure is stabilizing… keep her on fluids… baby’s heartbeat is steady.”It felt like my world stopped for a moment. Ang mga mata ko ay pilit bumuka. Ang puti at malamig ng hospital room ang unang sumalubong sa aking paningin. The monitors beside me beeped quietly, in sync with my heartbeat, which felt like it was about to explode. May tubo sa kamay ko, at ang mahinang amoy ng antiseptic ay pumuno sa ilong ko.Kumilos ako ng bahagya. I felt pain in my back, and fear rushed through my chest. I reached out and touched my stomach. Ang pabilog at mainit na hubog ng baby ko ay naroroon pa rin. Isang ungol ng ginhawa ang lumabas sa bibig ko. Akala ko may nangyari ng masama sa anak ko.“She is awake!”Agad akong napalingon sa sulok ng kwarto. Nakaupo doon si Mr. Johann na medyo gusot ang damit at halata ang puyat sa
I was in the living room, holding a paintbrush, lost in the gentle strokes of color on the canvas when the doorbell suddenly rang. Napasinghap ako, inilapag ko ang palette at dahan-dahang tumayo. Out of habit, I gently touched my belly before I started to walk. Medyo nahihilo ako na parang may kumikirot sa ulo ko habang naglalakad.Pagbukas ko ng pinto, bumungad si Via na bahagyang hinihingal. Agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita ako.“Ma’am,” she greeted, her voice filled with relief and a hint of happiness.Pinipilit kong ngumiti. “Pasok ka.” She followed me, a bit hesitant, as I walked back to the easel. Napatingin siya sa kalahating tapos kong painting. Ang langit na unti-unting nagiging liwanag.“I’m sorry kung na-stress ko kayo kanina, Ma’am. Hindi ko kasi dala ‘yong spare key,” mahina niyang sabi.“It’s okay,” sagot ko, dahan-dahang umupo sa upuang katabi ng canvas. “Hindi mo naman ako naistorbo. Kailangan ko rin ng pahinga.”Tahimik niyang pinagmasdan ang mga kulay sa







