Share

Chapter 9

Author: RIDA Writes
last update publish date: 2026-04-06 14:37:13

NAPADAAN si Tony sa pinto ng kuwarto ni Reese. Parang may naririnig siya sa loob. Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Natigilan siya nang makita ang nasa loob ng kwarto niya. Napangiti siya nang wala sa loob.

Nakahiga si Reese sa kama habang mahimbing na natutulog. Yakap nito ang paborito nitong stuffed toy. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ni Tony ay ang babaeng nasa tabi nito.

Nakatulog din si Lyka.

Nakahiga ito sa gilid ng kama habang bahagyang nakatagilid
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 9

    NAPADAAN si Tony sa pinto ng kuwarto ni Reese. Parang may naririnig siya sa loob. Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Natigilan siya nang makita ang nasa loob ng kwarto niya. Napangiti siya nang wala sa loob. Nakahiga si Reese sa kama habang mahimbing na natutulog. Yakap nito ang paborito nitong stuffed toy. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ni Tony ay ang babaeng nasa tabi nito. Nakatulog din si Lyka. Nakahiga ito sa gilid ng kama habang bahagyang nakatagilid kay Reese. Hawak ng bata ang isang kamay niya, na para bang natatakot itong mawala ang presensya nito. Tahimik na pinagmasdan ni Tony ang dalawa. Hindi niya maalala kung kailan huling nakatulog nang ganoon kahimbing ang anak niya. Simula nang mawala ang ina nito, halos gabi-gabi ay umiiyak si Reese o kaya naman ay ayaw matulog mag-isa. Ilang yaya na ang kinuha niya noon? Pero wala ni isa ang nagtagal. Lahat sila ay pinaalis mismo ni Reese. Pero ngayon, sa unang gabi pa lang ni Lyka sa mansyo

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 8

    ANG bilis-bilis ng mga pangyayari. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin makapaniwala si Lyka na magkakaroon siya ng instant na asawa at may anak pang bonus. Hindi tuloy siya dalawin ng antok sa sobrang pag-iisip. Nakahiga siya sa maliit na kama sa silid na ibinigay sa kanya sa loob ng mansyon. Nakatingin lang siya sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari kanina sa opisina ni Tony. Parang panaginip lang ang lahat. Hindi alam ni Lyka kung magiging bangungot ba ito ng buhay niya. Napabuntong-hininga siya at bahagyang umupo sa kama. Kinuha niya mula sa maliit na mesa sa tabi ng kama ang folder na ibinigay sa kanya ni Tony. Ang kontrata. Ilang beses na niya itong binasa kanina, pero tila may kung anong humihila sa kanya na basahin muli ang bawat nakasulat doon. Dahan-dahan niyang binuksan ang folder. Marriage Contract Agreement. Kinagat ni Lyka ang ibabang labi habang sinusundan ng mga mata ang bawat linya ng dokumento. Rule #1: Ang kasal ay lihim.

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 7

    “AS in ngayon na po? Ikakasal na tayo?” nabibiglang tanong ni Lyka.Paano ang requirements nila sa kasal? Hindi pa naman naayos iyon.“Yes. Habang andito ka sa pamamahay ko, gusto kong gampanan mo ang pagiging isang ina sa anak ko,” kalmadong sagot ng lalaki.Natigilan si Lyka. Para siyang nabingi sa narinig. Ilang segundo siyang nakatingin lang dito habang pilit inaayos ang magulong isip.“H-Hindi po ba masyadong mabilis?” maingat niyang tanong.Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki. “Mabilis? Lyka, ikaw mismo ang pumayag sa kasunduan natin.”“Opo, pero hindi ko naman po inakala na ganito kabilis…” mahina niyang sagot habang napakagat sa ibabang labi.Lumapit pa ng kaunti ang lalaki sa kanya. “Wala namang magbabago sa usapan. Kasal lang ito sa papel. You will stay here, and you will follow the rules in this house.”Napayuko si Lyka. Hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni Tony. Ramdam na ramdam niya ang bigat ng mga salitang iyon.“K-Kung iyon ang gusto ninyo…” halos pabulong ni

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 6

    "I mean, Sir, bakit ako? Marami kasing puwedeng makuha diyan na puwede ninyong pakasalan... Alam ko kung gaano kayo kasikat sa buong bansa. Baka nga po pati sa labas ng bansa," lakas loob na paguulit ng tanong ni Lyka.Ilang segundo siyang tinitigan ni Tony, tila sinusukat kung gaano katatag ang loob ng babae sa harap niya."Because you need something from me," malamig nitong sagot. "At kailangan ko rin ng isang tao na mapagkakatiwalaan para sa aking anak.Napakunot ang noo ni Lyka. "Mapagkakatiwalaan?"Hindi niya maintindihan kung bakit siya. Sa dinami-raming babae ng isang Ray Tony Bautista. Siya talaga ang naisip nitong i-kontrata na asawa.Tumayo si Tony at naglakad patungo sa malaking bintana ng opisina. Nakatanaw ito sa malawak na hardin ng mansyon."Kung ibang babae ang pakakasalan ko, iisipin nilang may dahilan ako. Pera, pangalan, o negosyo," sabi nito. "Magiging usap-usapan lang iyon."Muling lumingon si Tony kay Lyka. "Pero ikaw, ibang usapan. May kasalanan ang Papa mo sa

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 5

    KINAGABIHAN ipinatawag ni Tony si Lyka sa kanyang opisina sa loob ng mansyon. Kabado si Lyka na kipkip ang mga kamay. Kasisimula lang niya ngayong araw at parang ang dami nang agad na nangyayari sa loob ng mansyon.Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon ng kanyang amo. Tila hinuhubaran siya sa tuwing matutuon ang mga mata nito sa kanya.Marahang kumatok si Lyka sa pintuan."Come in," malamig na utos mula sa loob.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip. Nakaupo si Tony sa likod ng malaking mesa, abala sa pagbabasa ng ilang papeles. Nang maramdaman nito ang presensya niya, iniangat nito ang tingin."Ako na po, Sir Tony," mahina niyang sabi.Saglit siyang tinitigan ng lalaki mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri kung may mali sa kanya. Dahil doon ay lalo siyang kinabahan."Lumapit ka," utos ni Tony.Sumunod si Lyka at tumigil sa harap ng mesa nito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang lumalakas ang tibok ng puso niya."Ikaw si Lyka Lopez," ani

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 4

    HINDI nakagalaw si Lyka. Hindi niya alam kung bakit, ngunit ang mga mata ng lalaking ito ay tila may kakayahang hubarin ang lahat ng depensang itinayo niya sa sarili. "Kung ganoon..." dugtong ni Tony. "Mas magiging madali ang lahat." Napakunot ang noo ni Lyka. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" Hindi agad sumagot si Tony. Sa halip, lumingon ito sa batang nasa likuran ni Lyka. "Reese." Agad na lumapit ang bata at hinawakan ang kamay ni Tony. "Yes, Papa?" Papa. Nanigas si Lyka. Iyon siguro ang anak ni Tony na sinasabi nila. Bakit siya tinawag nitong Mama? Lumuhod si Tony sa harap ng bata. Ang malamig na lalaki kanina ay tila naglaho, napalitan ng isang ama na puno ng pag-aalaga. "Reese, hindi siya ang Mama mo," mahina nitong sabi. Parang may kumurot sa puso ni Lyka sa narinig. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit mas masakit iyon kaysa sa inaasahan niya. Nalungkot ang mukha ng bata. Parang nadudurog ang puso niya sa nakikita sa batang si Reese. "Pero sabi niyo, babalik siya,"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status