ANMELDENMatikas ang tindig ng lalaki at ramdam ang bigat ng kanyang presensya sa buong paligid. Dahil dito, tila kusang lumuwag ang pagkakahawak ng bouncer sa braso ni Celestine. Kahit mahinahon at mababa ang boses nito, bakas ang awtoridad na hindi matatanggihan ng sinuman.
“I’m with her,” wika ng lalaki habang inilalapag ang isang makintab na black card sa counter. “List down everything she drank.”
Napakurap ang bartender. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Celestine at sa estranghero. “Sir, kasi po siya ay—”
“Didn’t I say she’s with me?” ulit ng lalaki. Sa pagkakataong ito, mas malamig na ang kanyang tono.
Mabilis na umatras ang bouncer at tumango. “Naiintindihan ko po, sir.”
Doon lang nagtagpo ang mga mata nila ni Celestine. Malalim at tila yelo ang asul niyang mga mata, na mas lalong pinalutang ng suot niyang mamahaling black suit na saktong-sakto sa kanyang pangangatawan. Bahagyang maluwag ang pagkaka-knot ng kanyang kurbata at ang ilan sa mga hibla ng kanyang madilim na buhok ay nakalaylay sa kanyang noo.
Sa bawat anggulo ng lalaking ito, tila may babalang nagsasabing mapanganib siya.
“Tara na,” mahina niyang sabi. Hindi ito pakiusap, kundi isang utos.
Dapat sana ay sinabihan siya ni Celestine na huwag makialam, pero sa dami ng pinagdaanan niya ngayong araw, wala na siyang lakas na makipagtalo. Habang bumababa siya sa stool, bahagyang umiikot ang kanyang paningin at muntik nang mahulog ang kanyang belo. Pero bago pa man ito sumayad sa sahig, mabilis itong nasalo ng lalaki nang hindi man lang tumitingin.
Napatalon nang bahagya si Celestine nang madama ang init ng katawan ng lalaki habang naglalakad sila palabas, pero tila wala lang ito sa estranghero. Paglabas nila, sinalubong sila ng nanunuot na lamig ng hangin sa gabi, kasabay ng malayo at mahinang ugong ng siyudad.
Humalukipkip si Celestine at masama siyang tinitigan. “Who do you think you are?”
Inalis ng lalaki ang tingin sa kanyang relo at tiningnan ang dalaga. Wala siyang mababakas na emosyon sa mukha nito. “Someone who just saved you from becoming viral for embarrassing yourself earlier.”
“Hindi ko hininging iligtas mo ako,” sagot ni Celestine.
“You didn’t have to.” Itinagilid ng lalaki ang kanyang ulo habang sinusuri ang hitsura ng dalaga. “You were standing in the middle of a bar, wearing a wedding dress, alone, smelling like vodka, and completely heartbroken. You needed someone to stop you before you did something stupid.”
“Nakagawa na ako ng katangahan,” bulong ni Celestine habang naninikip ang lalamunan. “Ang tanggapin ang proposal ng hayop na ’yon.”
Makahulugang napatawa nang mahina ang lalaki. “Looks like your wedding day turned into a disaster.”
Lalong sumama ang tingin ni Celestine. “Nahuli ko ang fiancé ko na nakikipagtalik sa kakambal ko sa loob mismo ng shower. Kaya hindi lang ito basta malas na araw. Ito ang pinaka-basurang araw sa buong buhay ko.”
Hindi nagbago ang ekspresyon ng lalaki, pero tila mas dumilim ang tingin nito. “That’s more than enough reason.”
Umiwas ng tingin si Celestine, pakiramdam niya ay biglang bumigat ang lahat ng sakit na kanina pa niya kinikimkim. “Makaalis ka na, mystery man. Hindi mo ako problema.”
“Lasing ka,” simpleng sagot nito.
“Tapos? Ano naman sa iyo?”
“I’m not leaving you here like this.”
“Bakit ba?”
Huminto ang lalaki nang ilang segundo, tila pinag-iisipan ang isasagot. “You’re right. Be careful.” Pagkasabi noon ay tumalikod na siya at naglakad palayo.
Napangisi na lang si Celestine. “Weirdo ng lalaling yun.”
Hinalughog niya ang kanyang bag para hanapin ang susi ng kotse at sumakay. Alam niyang lasing siya para magmaneho, pero wala na siyang pakialam. Sa loob lang ng isang araw, pinagtulungan siyang lokohin ng dalawang taong pinakamahalaga sa kanya. Ang masakit pa, pera at mana lang pala ang habol sa kanya ni Daniel.
Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa luhang nagbabadyang pumatak habang ini-start ang makina. Wala siyang ipinakita kay Daniel kundi pagmamahal, pero ito pa ang iginanti nito sa kanya? At kasabwat pa ang sarili niyang kakambal na si Emma.
Sa gitna ng kanyang pag-iyak, mabilis niyang iniatras ang sasakyan hanggang sa may maramdaman siyang nabangga sa likuran. Napatingin siya sa rearview mirror at nakita ang isang kotseng nasalpok niya.
“Lintek,” mura niya sabay labas ng sasakyan.
Naroon na ang driver ng kabilang sasakyan at tinitingnan ang sira.
“I’m sorry,” sabi ni Celestine habang pasuray-suray na lumalapit. “I’ll pay for the damage.”
Lumingon ang driver at agad na kumunot ang noo nito. “Ma’am, ayos lang ba kayo?”
“Ayos lang ako,” kaway niya rito. “Ano lang kasi—”
Hindi pa siya natatapos magsalita nang bumukas ang pinto sa likod ng sasakyan. Lumabas doon ang lalaking nakita niya sa bar. Wala na ang suot nitong jacket at nakatupi na ang manggas ng kanyang polo hanggang siko, dahilan para lumitaw ang mga ugat sa kanyang braso.
Siyempre. Dahil tila wala nang ititira ang tadhana sa kamalasan niya ngayong gabi. At heto siya, isang birhen, napapatitig sa braso ng isang estranghero habang iniisip kung ano pa ang kayang gawin nito. Mukhang binabago talaga ng matinding sakit ang pag-iisip ng tao.
“Ikaw na naman?” bulong niya.
Dahan-dahang lumapit ang lalaki habang tinitingnan ang nayuping bumper ng kanyang sasakyan. “You really shouldn’t be driving. Now my car’s involved too.”
Humalukipkip si Celestine kahit medyo gumigewang ang tayo. “Sabi mo aalis ka na, ’di ba?”
Bumuntong-hininga ang lalaki at hinawakan ang kanyang panga. “And you said you were fine. Clearly, we both lied.”
Tumingin ang driver sa kanilang dalawa, tila hindi alam ang gagawin. “Sir, maliit lang naman ang damage. Tatawag po ba ako ng pulis o—?”
“Huwag,” mabilis na sagot ng lalaki. “Bumalik ka na sa loob ng kotse.”
“Pero, sir—”
“Get back inside.”
Nag-alinlangan ang driver pero sumunod din agad. Lumapit pa nang husto ang lalaki kay Celestine, sapat na para maamoy niya ang bango ng mamahalin at nakakalasing nitong pabango.
“You almost got yourself killed,” malamig niyang sabi.
“Baka mas mabuti pa nga ’yon,” sagot ni Celestine. “At least I wouldn’t have to face this humiliation.”
Nagtagis ang bagang ng lalaki. “You’re not the one who should be ashamed. The people who betrayed you are.”
“Bakit ba ang dami mong pakialam?” singhal ni Celestine. “Hindi mo naman ako kilala.”
Matagal siyang tinitigan ng lalaki bago ito sumagot. “You’re right. But I know what it feels like to lose everything in one day.”
May kung anong lungkot sa mga mata nito na nagpahinto kay Celestine. Hindi iyon awa, kundi tunay na sakit.
“Come with me,” mahinahong sabi ng lalaki. “You’re not driving anywhere tonight.”
“Hindi ako sasama sa iyo,” matigas na paninindigan ni Celestine.
“You will.” Dinukot ng lalaki ang susi ng kotse mula sa kamay ni Celestine. “You can scream at me tomorrow. But tonight, you’re coming with me.”
“Tatawag ako ng pulis,” mahina niyang banta.
Tinaas ng lalaki ang kanyang kilay. “You’re drunk, your wedding dress is a mess, and you crashed into my car. Go ahead.”
Natahimik si Celestine.
“Sabi ko na nga ba,” bulong nito sabay turo sa pinto ng kotse. “Get in, Celestine.”
Natigilan si Celestine. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
“Mas marami na akong nasabi ngayong gabi kaysa sa buong linggo ko,” sagot ng lalaki. “I’m not telling you. Tara na.”
Tinitigan siya nang maigi ni Celestine. Sa puntong iyon, tila may kung anong udyok sa loob niya na gumawa ng isang desisyong hindi pinag-iisipan.
“Sa isang kondisyon.”
“Ano ’yon?”
Dinilaan ni Celestine ang kanyang nanunuyot na mga labi. “Pakasalan mo ako. Ngayon mismo.”
Pababa na sana si Celestine sa kusina upang nang matigilan siya sa may hagdanan. Narinig niya ang boses ng isang matandang babae na tila may seryosong itinatanong kay Conrad.“Mukhang nahulog ang loob mo sa babaeng ’yun kaya mo siya pinakasalan?” tanong ni matanda, ang boses ay puno ng pag-aalala.Hindi nagtagal ang katahimikan dahil agad na sumagot si Conrad, ang boses ay malamig at walang pag-aalinlangan.“Manang, wala na akong ibang mamahalin pa bukod kay Aime.”Aime.Nagpaulit-ulit ang pangalan na iyon sa tainga ni Celestine.Sino si Aime? Bakit parang ang bigat ng pangalang iyon sa pandinig niya?Hindi niya kilala kung sino ang babaeng tinutukoy ni Conrad at wala siyang anumang ideya sa nakaraan ng lalaki, pero hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kirot na gumuhit sa kanyang dibdib. Parang may mapait na lasa sa kanyang lalamunan na hindi niya malunok.Dahan-dahan siyang umatras at bumalik sa kwarto. Isinuot niya ang kanyang wedding gown. Nakita niya ang kanyang purse sa ibabaw n
Nagising si Celestine kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Mula sa malalaking bintanang salamin ng silid, malayang pumapasok ang nakakasilaw na liwanag na tumatama mismo sa kanyang mukha.Napapikit siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Saglit siyang nalito kung nasaan siya, hanggang sa isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi, ang pagtataksil, ang bar, ang banggaan.Napadaing siya nang tangkaing bumangon. Pakiramdam niya ay may martilyong pumupukpok sa loob ng kanyang bungo sa tindi ng hangover. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, hinihintay na kumalma ang kanyang paligid, pero hindi ito nangyari.“Gising ka na pala,” wika ng isang boses. “You look more peaceful when you’re asleep. Hindi katulad kagabi na mukha kang lasinggerang nananalasa ng kotse.”Gulat na napadilat si Celestine, pero napaigtad din nang muling tamaan ng liwanag. Lumingon siya sa pinagmulan ng boses at agad na bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.Ang estranghero kagabi ay nakat
Matikas ang tindig ng lalaki at ramdam ang bigat ng kanyang presensya sa buong paligid. Dahil dito, tila kusang lumuwag ang pagkakahawak ng bouncer sa braso ni Celestine. Kahit mahinahon at mababa ang boses nito, bakas ang awtoridad na hindi matatanggihan ng sinuman.“I’m with her,” wika ng lalaki habang inilalapag ang isang makintab na black card sa counter. “List down everything she drank.”Napakurap ang bartender. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Celestine at sa estranghero. “Sir, kasi po siya ay—”“Didn’t I say she’s with me?” ulit ng lalaki. Sa pagkakataong ito, mas malamig na ang kanyang tono.Mabilis na umatras ang bouncer at tumango. “Naiintindihan ko po, sir.”Doon lang nagtagpo ang mga mata nila ni Celestine. Malalim at tila yelo ang asul niyang mga mata, na mas lalong pinalutang ng suot niyang mamahaling black suit na saktong-sakto sa kanyang pangangatawan. Bahagyang maluwag ang pagkaka-knot ng kanyang kurbata at ang ilan sa mga hibla ng kanyang madilim na buhok ay naka
Humarap si Celestine sa salamin at dahan-dahang uminog, hinahayaang humawi ang laylayan ng kanyang wedding dress habang may malawak na ngiti sa mga labi. Sa wakas, ikakasal na siya sa lalaking pinapangarap niya. Wala na siyang mahihiling pa. Simula nang magkakilala sila isang taon na ang nakararaan hanggang sa gabing lumuhod ito para mag-propose, naging tila isang perpektong panaginip ang buhay niya.“Wow, Celestine, that’s the most beautiful wedding dress I’ve ever seen,” malambing na wika ni Emma, ang kanyang kakambal, na tila bumali sa malalim niyang pag-iisip.Ngumiti si Celestine sa kanya. “Thank you, Emma. Pakiramdam ko talaga nananaginip lang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari na ’to.”“You’re too good for Daniel, sister,” seryosong sabi ni Emma habang tinititigan siya. “Look at you. No man is ever enough for someone like you.”Natawa lang si Celestine sa tinuran nito. “Salamat talaga, Emma. Ikaw na ang pinakamabuting kapatid na mahihiling ko. Alam mo ’yan, ’di ba?”Sila







