Chapter: Chapter 9"Saan ka galing?" salubong ni Ibrahim sa pinsang si Red na kadarating lang sa Villa. "Kanina ka pa nila hinihintay," tukoy nito sa mga kamag-anak na bumyahe pa galing Manila papunta rito sa Villa para sa isang importanteng diskusyon.Magkakaroon ngayon ng pagpupulong lahat ng executive ng Blanc Group patungkol sa magiging desisyon ni Donya Rosalia Blanc kung sino ang magiging kapalit niya bilang CEO habang may sakit ito. Nandito lahat ang apat niyang anak, kasama sina Ibrahim at Red para pag-usapan ang nasabing desisyon.Matagal na nilang hinihintay ang pagkakataong ito kung kaya’t ayaw nilang palagpasin ang pagpupulong na ito."May kailangan akong sabihin sa iyo—""Ipagpaliban mo na muna iyan. Ayaw mo namang paghintayin ang mga bisita natin, hindi ba?" pagputol ni Ibrahim at hinila siya papunta sa study area kung saan magaganap ang pagpupulong."Masyadong walang galang ang pagpapahintay sa lahat ng ganito," malamig na salubong ni Faustino Blanc pagkapasok nila.Si Faustino Blanc, ang
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 8"Nagsasabi ako ng totoo, Sebastian. Buhay si Red." Kanina pa pinagpipilitan ni Sue sa asawa na nakita nito ang dating namatay na asawa, pero ayaw naman nitong maniwala.Abala ngayon si Sebastian sa trabaho habang abala din ang asawa sa panggugulo sa kanya. Talagang sinadya pa ng asawa ang puntahan siya rito sa opisina."Naka-move on na ang lahat, Sue. Patahimikin mo na siya." Sabi na lang ni Sebastian habang patuloy sa pagbabasa ng mga dokumento.Minsan naisip ni Sebastian na baka si Red pa rin ang iniisip ni Sue tuwing magkasama silang dalawa ng asawa. Napaghahalataang hindi pa rin nakaka-move on kahit ilang taon na ang nakalipas."Ano ba, Sebastian? Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Nakita ko nga siya kahapon sa airport. I even bumped into her daughter!" Iritableng hinampas ni Sue ang table ng asawa para tingnan siya nito at hindi nga naman siya nabigo."Oh, yeah. Late na ako makakauwi mamaya kaya ikaw na lang ang sumundo kay Sabina," bilin ni Sebastian na mas lalong kinairita ni
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 7"Manang Pacita, ikaw na po muna ang bahala sa mga bata. Si Nelson ang gagabay sa inyo sa magiging kwarto nila," bilin ni Red sa katulong at tumango naman ito bilang sagot.Pagkapasok nila sa villa, kaagad silang sinalubong ng mga katulong at kinuha ang dala-dala nilang mga luggage. Lumapit naman ang assistant ni Ibrahim na si Mister Henry kay Red at binati ito sa kanyang pagbabalik."Nasaan siya?" tukoy ni Red sa kanyang lola."Nasa master’s bedroom. Ilang araw na siyang hindi lumalabas," malungkot na sagot ng kausap at iginiya siya papuntang master’s. "Tinawagan ko na rin si Sir Ibrahim at sinabi sa kanya na kararating niyo lang mula sa States. Pauwi na rin siya," pagbibigay alam niya kay Red habang tinutungo ang lokasyon kung nasaan ngayon ang lola nito.Hindi na sumagot pa si Red hanggang sa tuluyan na nga nilang marating ang master’s bedroom. Binuksan nila ang pinto at nakita niya ang lola niyang nakaupo habang tulalang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana.Maya-maya ay n
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 6Pagkababa nina Red at ng kanyang kambal sa eroplano, sinalubong sila ng mabilis na daloy ng mga tao.Sa gitna ng abalang pulutong, biglang hinila ni Erin ang manggas ng kanyang ina, at bakas sa mukha nito ang pagmamadali. "Mom, I really need to pee," bulalas nito.Mabilis na nalinga si Red sa paligid para maghanap ng mga restroom sign. "Nelson, mauna na kayo ni Eros sa kotse. Susunod na lang kami ni Erin.""Sige po," sagot ni Nelson habang bitbit ang luggage, hawak niya sa kabilang kamay si Eros at saka umalis.Matiyagang naglakad si Red para hanapin ang restroom. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas noong huli siyang makapunta rito sa airport. Marami ang nagbago at masyadong malawak ang airport dahilan para mahirapan siya sa pasikot-sikot at maghanap sa hinahanap niya."Diretsuhin mo lang po iyan, at sa may bandang dulo, lumiko lang kayo sa kanan at makikita niyo ang restroom." Sagot ng isang security guard na napagtanungan niya."Thank you."Mabilis nilang tinahak ang direksyon na s
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 5Naramdaman ni Red ang pagbabago ng atmospera habang papalapit ang Disyembre sa United States. Ang hangin ay naging presko at malamig, dala ang pahiwatig ng pagdating ng taglamig. Nabuhay ang mga kalye at tahanan sa maligayang espiritu habang ang mga kumukutitap na ilaw, makukulay na dekorasyon, at mga palamuti ay nagpapaganda sa bawat sulok. Ang tanawin ng mga bahay na may mga wreath, garland, at mga pailaw ay nagdagdag ng engkantong pakiramdam sa paligid."Mommy, kailan po tayo pupunta sa Christmas Market? Gustung-gusto ko na pong makita si Santa Claus!" masayang tumatakbo si Erin papuntang kusina para kitain ang kanyang ina."Tumawag po si Vaseline at sinabing pumunta raw sila para makita si Santa. Gusto ko rin pong pumunta doon, mommy." Sabi pa nito habang nakayakap sa bewang ng kanyang ina. Tumingala pa ito, at puno ng panunuyong tinitigan ang ina.Marahan na tinanggal ni Red ang maliliit na braso na nakapulupot sa kanya saka umupo para pantayan ang tangkad ng anak. "Dapat ko bang
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 4Nang dahan-dahang idilat ni Red ang kanyang mga mata, ang kanyang paningin ay lumingon sa buong silid, pinagmamasdan ang hindi pamilyar na paligid. Nag-adjust ang kanyang paningin sa liwanag, at naging malay siya sa isterilisadong kapaligiran na bumabalot sa kanya. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang kamay at napansin ang malinaw na plastic tubing na patungo sa isang bag ng fluid.“I’m glad you’re finally awake. You’ve been receiving IV fluids and medications to support your body’s needs while you were comatose for six months. It’s a standard procedure to ensure your well-being and aid in your recovery.” Paliwanag ng doctor na nakatayo sa gilid niya.Napatitig si Red sa doctor at hindi pa makapagsalita, pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanya.The doctor gently placed a hand on Red’s arm, his touch conveying both care and professionalism. “I’m going to check your condition and monitor your vital signs,” sabi nito. “I just want to ensure that you’re stable and responding w
Last Updated: 2026-01-25
Chapter: Chapter 4Pababa na sana si Celestine sa kusina upang nang matigilan siya sa may hagdanan. Narinig niya ang boses ng isang matandang babae na tila may seryosong itinatanong kay Conrad.“Mukhang nahulog ang loob mo sa babaeng ’yun kaya mo siya pinakasalan?” tanong ni matanda, ang boses ay puno ng pag-aalala.Hindi nagtagal ang katahimikan dahil agad na sumagot si Conrad, ang boses ay malamig at walang pag-aalinlangan.“Manang, wala na akong ibang mamahalin pa bukod kay Aime.”Aime.Nagpaulit-ulit ang pangalan na iyon sa tainga ni Celestine.Sino si Aime? Bakit parang ang bigat ng pangalang iyon sa pandinig niya?Hindi niya kilala kung sino ang babaeng tinutukoy ni Conrad at wala siyang anumang ideya sa nakaraan ng lalaki, pero hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kirot na gumuhit sa kanyang dibdib. Parang may mapait na lasa sa kanyang lalamunan na hindi niya malunok.Dahan-dahan siyang umatras at bumalik sa kwarto. Isinuot niya ang kanyang wedding gown. Nakita niya ang kanyang purse sa ibabaw n
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 3Nagising si Celestine kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Mula sa malalaking bintanang salamin ng silid, malayang pumapasok ang nakakasilaw na liwanag na tumatama mismo sa kanyang mukha.Napapikit siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Saglit siyang nalito kung nasaan siya, hanggang sa isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi, ang pagtataksil, ang bar, ang banggaan.Napadaing siya nang tangkaing bumangon. Pakiramdam niya ay may martilyong pumupukpok sa loob ng kanyang bungo sa tindi ng hangover. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, hinihintay na kumalma ang kanyang paligid, pero hindi ito nangyari.“Gising ka na pala,” wika ng isang boses. “You look more peaceful when you’re asleep. Hindi katulad kagabi na mukha kang lasinggerang nananalasa ng kotse.”Gulat na napadilat si Celestine, pero napaigtad din nang muling tamaan ng liwanag. Lumingon siya sa pinagmulan ng boses at agad na bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.Ang estranghero kagabi ay nakat
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 2Matikas ang tindig ng lalaki at ramdam ang bigat ng kanyang presensya sa buong paligid. Dahil dito, tila kusang lumuwag ang pagkakahawak ng bouncer sa braso ni Celestine. Kahit mahinahon at mababa ang boses nito, bakas ang awtoridad na hindi matatanggihan ng sinuman.“I’m with her,” wika ng lalaki habang inilalapag ang isang makintab na black card sa counter. “List down everything she drank.”Napakurap ang bartender. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Celestine at sa estranghero. “Sir, kasi po siya ay—”“Didn’t I say she’s with me?” ulit ng lalaki. Sa pagkakataong ito, mas malamig na ang kanyang tono.Mabilis na umatras ang bouncer at tumango. “Naiintindihan ko po, sir.”Doon lang nagtagpo ang mga mata nila ni Celestine. Malalim at tila yelo ang asul niyang mga mata, na mas lalong pinalutang ng suot niyang mamahaling black suit na saktong-sakto sa kanyang pangangatawan. Bahagyang maluwag ang pagkaka-knot ng kanyang kurbata at ang ilan sa mga hibla ng kanyang madilim na buhok ay naka
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 1Humarap si Celestine sa salamin at dahan-dahang uminog, hinahayaang humawi ang laylayan ng kanyang wedding dress habang may malawak na ngiti sa mga labi. Sa wakas, ikakasal na siya sa lalaking pinapangarap niya. Wala na siyang mahihiling pa. Simula nang magkakilala sila isang taon na ang nakararaan hanggang sa gabing lumuhod ito para mag-propose, naging tila isang perpektong panaginip ang buhay niya.“Wow, Celestine, that’s the most beautiful wedding dress I’ve ever seen,” malambing na wika ni Emma, ang kanyang kakambal, na tila bumali sa malalim niyang pag-iisip.Ngumiti si Celestine sa kanya. “Thank you, Emma. Pakiramdam ko talaga nananaginip lang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari na ’to.”“You’re too good for Daniel, sister,” seryosong sabi ni Emma habang tinititigan siya. “Look at you. No man is ever enough for someone like you.”Natawa lang si Celestine sa tinuran nito. “Salamat talaga, Emma. Ikaw na ang pinakamabuting kapatid na mahihiling ko. Alam mo ’yan, ’di ba?”Sila
Last Updated: 2026-02-08
Chapter: Chapter 3Mabilis ang tibok ng puso ni Alexi, tila ba gusto nitong kumawala sa kanyang dibdib.Hindi. Hindi maaari ito.Nanghina ang kanyang mga tuhod at bigla siyang dinaluyong ng matinding hilo at pagsusuka. Nanginginig ang buong katawan niya habang nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan.Si Marco Villafuerte.Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit siya pa?Ang malamig at tila walang emosyong kakambal ng kanyang dating asawa. Ang pinakamakapangyarihan at kinatatakutang bilyonaryo sa buong bansa.“I-ikaw,” pabulong niyang sabi, halos hindi lumalabas ang boses. “Are you saying… the embryo is yours?”Sandaling tumingin si Marco sa doktor bago ibinalik ang paningin sa kanya. “Yes,” malamig nitong sagot. “You’re carrying my child, Alexi."Napaigtad siya. Hindi agad nagproseso sa utak niya ang mga salitang iyon. Nanatili itong nakabitin sa hangin, mabigat at nakakapanghina.Humarap siya kay Dr. Rosales, punong-puno ng galit at kalituhan ang kanyang isipan. “How could you mix up something this se
Last Updated: 2026-02-10
Chapter: Chapter 2Bumuhos ang ulan mula sa langit na tila ba walang katapusan, basang-basa ang mga damit ni Alexi habang naglalakad siya nang walang direksyon sa madilim na kalsada. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang sarili dahil sa panginginig, ngunit tila humahagupit pa rin ang ginaw hanggang sa kanyang buto. Ang mga luha ay humalo na sa tubig-ulan, kaya naman malabo na ang kanyang paningin at halos hindi na niya maaninag ang dinadaanan.Hindi na niya alintana ang lahat. Gusto niyang hayaan ang ulan na hugasan ang kanyang pagkatao, na pawiin ang hapdi sa kanyang dibdib at ang tindi ng pagkakanulong nararamdaman na unti-unti nang nagiging manhid.Ang tanging lalaking minahal niya, ang kaisa-isang pamilyang natira sa kanya matapos mamatay ang kanyang ina, ay tinalikuran siya. Hindi lang asawa ang turing niya kay Martin, ito rin ang dahilan kung bakit pumanaw ang kanyang ina. At sa kabila ng lahat, itinapon pa rin siya nito na parang walang kwentang bagay.Sumikip ang kanyang lalamunan nang magsimulang
Last Updated: 2026-02-10
Chapter: Chapter 1“Please… let the result be negative,” bulong ni Alexi sa sarili. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang nanginginig na mga kamay habang taimtim na nagdarasal.Nasa loob siya ng klinika ng doktor, kung saan sumusulasok sa kanyang ilong ang matapang at tila ba nanunuot na amoy ng disinfectant. Ang malamlam na huni ng mga fluorescent light sa itaas ay nagbibigay ng masakit sa matang liwanag sa loob ng maliit na silid. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga palad, habang ang kaba sa kanyang dibdib ay tila karerang hindi matapos-tapos.Sa kanyang tabi, ang asawang si Martin Villafuerte ay tuwid na tuwid ang upo sa gilid ng silya. Naka-cross arms ito at kanina pa walang kibo. Mula nang dumating sila, hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin o binigyan ng kahit anong senyales ng pag-alo. Hindi na niya kailangang tumingin pa rito para maramdaman ang namumuong galit na nagmumula sa katawan ng lalaki.Bahagya siyang sumulyap kay Martin. Mariin ang pagkakatama ng panga nito, hanggang s
Last Updated: 2026-02-10