ANMELDENNagising si Celestine kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Mula sa malalaking bintanang salamin ng silid, malayang pumapasok ang nakakasilaw na liwanag na tumatama mismo sa kanyang mukha.
Napapikit siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Saglit siyang nalito kung nasaan siya, hanggang sa isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi, ang pagtataksil, ang bar, ang banggaan.
Napadaing siya nang tangkaing bumangon. Pakiramdam niya ay may martilyong pumupukpok sa loob ng kanyang bungo sa tindi ng hangover. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, hinihintay na kumalma ang kanyang paligid, pero hindi ito nangyari.
“Gising ka na pala,” wika ng isang boses. “You look more peaceful when you’re asleep. Hindi katulad kagabi na mukha kang lasinggerang nananalasa ng kotse.”
Gulat na napadilat si Celestine, pero napaigtad din nang muling tamaan ng liwanag. Lumingon siya sa pinagmulan ng boses at agad na bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.
Ang estranghero kagabi ay nakatayo malapit sa glass wall. Bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones ng polo nito at nakatupi ang mga manggas hanggang siko habang may hawak na tasa ng kape. Sa likuran niya, abot-tanaw ang nagtataasang gusali ng siyudad na kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw.
“Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito?” kabadong tanong ni Celestine.
Sumimsim ang lalaki sa kape, tila walang pakialam sa tensyon. “In one of my properties. Dinala kita rito.”
Napatingin si Celestine sa ilalim ng kumot at doon lang niya napagtantong wala siyang suot na damit. Parang nagliyab ang kanyang buong mukha sa sobrang hiya. Binigay ba niya ang kanyang pagkabirhen sa antipatikong estrangherong ito kagabi?
“Shit, anong ginawa mo?!” ungol niya sabay takip ng mukha gamit ang kanyang mga kamay.
“Relax. Nothing happened between us.”
“Yeah, that’s what men always say before the woman finds out something actually did happen.”
Bahagyang kumurba ang labi ng lalaki pero hindi ito umabot sa kanyang mga mata. “If I wanted to take advantage of you, I wouldn’t have bothered carrying you all the way up here just to let you sleep.”
Sumilip si Celestine sa pagitan ng kanyang mga daliri. “Binuhat mo ako?”
“Pinilit mo kasing kaya mong maglakad. Umabot ka hanggang elevator, then you passed out while leaning against the wall.”
Napabuntong-hininga nang malalim si Celestine. “Ayos. Sagad na ang kahihiyan ko.”
Nagkibit-balikat ang lalaki habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “You talk in your sleep.”
Agad na napaangat ang ulo ni Celestine. “Ano’ng sabi ko?”
Itinagilid nito ang kanyang ulo, walang mababakas na emosyon sa mukha. “Something about stabbing a twin and stealing a dog.”
Muling napaungol si Celestine at kinuha ang unan para itabon sa kanyang mukha. “Just kill me now, please.”
“I’d rather cook you breakfast,” sabi nito habang naglalakad patungo sa pinto. “You need food before that hangover finishes you off.”
Sumilip si Celestine mula sa ilalim ng unan. “Nagluluto ka?”
Huminto ang lalaki sa may pintuan. “I can make an omelet. And my coffee can wake the dead.”
Nag-alinlangan si Celestine bago bumuntong-hininga. “Sige. Pero hindi ako magtatagal.”
“I wasn’t expecting you to.” Bahagyang lumingon ang lalaki, may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. “But before anything else, you might want to get dressed.”
Tumingin si Celestine sa sarili at muling napaungol. “Paano ako naging hubad kung wala namang nangyari sa atin?”
Ngumisi ang lalaki. “Who said nothing happened? Look at your finger.”
Doon lang napansin ni Celestine ang kanyang kamay. May suot siyang singsing na may malaking bato. Isang wedding ring, at sigurado siyang hindi ito ang singsing na ibinigay ni Daniel.
Parang tumigil ang paghinga ni Celestine. “Ano ’to? Ano ’tong nasa daliri ko?”
Muling uminom ng kape ang lalaki habang pinapanood ang bawat reaksyon ng dalaga, tila aliw na aliw sa kanyang pagkalito.
“A ring. Pretty obvious, don’t you think?”
“Huwag mo akong paglaruan! Alam kong singsing ito!” nanginginig ang boses ni Celestine. “Ang ibig kong sabihin, bakit ako may singsing? Ano ba ito? Did we get married?”
Ibinaba ng lalaki ang tasa sa lamesa at isinubsob ang mga kamay sa bulsa habang dahan-dahang lumalapit. “You insisted.”
“Ano?”
“Hindi ka tumigil sa pag-iyak. Sabi mo, ikaw lang ang bride na hindi naikasal sa mismong araw ng kasal niya. You begged me to prove you wrong. Kaya pinilit mo akong pakasalan kita, and I did. Ikinasal tayo, masaya ka bago nawalan ng malaya kagabi.”
“Nagsisinungaling ka!”
“Am I?” Itinagilid nito ang kanyang ulo. “You signed the documents. May CCTV footage pa, with audio, if you want proof.”
Nanigas si Celestine sa kinauupuan. “You’re joking.”
Nagkibit-balikat ang lalaki. “The chapel was open. The officiant owes me a favor. You said ‘I do’ twice.”
Mas hinigpitan ni Celestine ang pagkakahawak sa kumot. “Baliw ka ba? Pinakasalan mo ang isang babaeng lasing?”
Yumuko nang bahagya ang lalaki, ang boses ay mababa pero matalim. “I didn’t force you into anything, Celestine. You asked me. You said you didn’t want to be alone on your wedding night.”
“You, asshole!” bulyaw ni Celestine.
Nanatiling malamig ang mukha ng lalaki. “I haven’t even told you the best part. You should be thanking me for not touching you, even when you begged.”
Nalaglag ang panga ni Celestine. “Hindi… hindi ko gagawin ’yon.”
“You did.” Inabot nito ang tasa ng kape sa kanya. “You took off your dress and begged us to consummate the marriage. I looked away. But from what I saw, I won’t deny I was impressed.”
Nanikip ang dibdib ni Celestine. “Oh God...”
“Napakabastos mo,” gigil niyang sabi. “You couldn’t touch me because I was drunk, but you let me marry you?”
Tinaas ng lalaki ang kilay. “Technically, you proposed. And a drunk woman can’t give sexual consent, but marriage is a different matter.”
“Huwag mo akong baligtarin!” sigaw ni Celestine sabay bato ng unan.
“Sinubukan kong tumanggi. Pero you were relentless.”
Napalunok si Celestine. “Hindi mo man lang ako kilala.”
“All I knew was that you were crying in a bar, wearing a wedding dress. I knew your fiancé and your twin betrayed you. And I knew you didn’t want to go home.” Napatingin ang lalaki sa singsing. “And now I know you don’t want to take off my ring.”
Mabilis na hinablot ni Celestine ang singsing at ibinato ito sa lalaki. “Ipawalang bisa mo ang kasal natin. Ngayon din.”
Sinalo ito ng lalaki nang walang kahirap-hirap. “Try.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
Tumingin ang lalaki sa kanya nang seryoso. “What you signed is real. The papers were filed. We’re legally married, Mrs. Savage.”
Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Celestine. “Savage?”
Dahan-dahang ngumiti ang lalaki. “Conrad Savage. Congratulations to us, wife.”
Nabulunan si Celestine. “Anak ka ng—”
Pinutol siya ng lalaki sa isang mahinang tawa. “You’ll thank me later. After breakfast.”
“Hinding-hindi mangyayari ’yan.”
“O baka gusto mo ng pancakes?” dagdag nito, tila hindi naririnig ang protesta.
Hindi makapaniwala si Celestine sa mga naririnig niya. Ang wedding dress niyang nakakalat sa sahig ang nagpapatunay na hindi ito panaginip.
“Welcome back to reality, wife,” malamig na sabi ni Conrad bago lumabas ng kwarto. “May painkiller at tubig sa nightstand. Breakfast will be ready in a few minutes.”
Nanuyo ang lalamunan ni Celestine. Ano bang pinasok niya? Seryoso ba talaga ang lalaking yun na ikinasal sila?
Pababa na sana si Celestine sa kusina upang nang matigilan siya sa may hagdanan. Narinig niya ang boses ng isang matandang babae na tila may seryosong itinatanong kay Conrad.“Mukhang nahulog ang loob mo sa babaeng ’yun kaya mo siya pinakasalan?” tanong ni matanda, ang boses ay puno ng pag-aalala.Hindi nagtagal ang katahimikan dahil agad na sumagot si Conrad, ang boses ay malamig at walang pag-aalinlangan.“Manang, wala na akong ibang mamahalin pa bukod kay Aime.”Aime.Nagpaulit-ulit ang pangalan na iyon sa tainga ni Celestine.Sino si Aime? Bakit parang ang bigat ng pangalang iyon sa pandinig niya?Hindi niya kilala kung sino ang babaeng tinutukoy ni Conrad at wala siyang anumang ideya sa nakaraan ng lalaki, pero hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kirot na gumuhit sa kanyang dibdib. Parang may mapait na lasa sa kanyang lalamunan na hindi niya malunok.Dahan-dahan siyang umatras at bumalik sa kwarto. Isinuot niya ang kanyang wedding gown. Nakita niya ang kanyang purse sa ibabaw n
Nagising si Celestine kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Mula sa malalaking bintanang salamin ng silid, malayang pumapasok ang nakakasilaw na liwanag na tumatama mismo sa kanyang mukha.Napapikit siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Saglit siyang nalito kung nasaan siya, hanggang sa isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi, ang pagtataksil, ang bar, ang banggaan.Napadaing siya nang tangkaing bumangon. Pakiramdam niya ay may martilyong pumupukpok sa loob ng kanyang bungo sa tindi ng hangover. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, hinihintay na kumalma ang kanyang paligid, pero hindi ito nangyari.“Gising ka na pala,” wika ng isang boses. “You look more peaceful when you’re asleep. Hindi katulad kagabi na mukha kang lasinggerang nananalasa ng kotse.”Gulat na napadilat si Celestine, pero napaigtad din nang muling tamaan ng liwanag. Lumingon siya sa pinagmulan ng boses at agad na bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.Ang estranghero kagabi ay nakat
Matikas ang tindig ng lalaki at ramdam ang bigat ng kanyang presensya sa buong paligid. Dahil dito, tila kusang lumuwag ang pagkakahawak ng bouncer sa braso ni Celestine. Kahit mahinahon at mababa ang boses nito, bakas ang awtoridad na hindi matatanggihan ng sinuman.“I’m with her,” wika ng lalaki habang inilalapag ang isang makintab na black card sa counter. “List down everything she drank.”Napakurap ang bartender. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Celestine at sa estranghero. “Sir, kasi po siya ay—”“Didn’t I say she’s with me?” ulit ng lalaki. Sa pagkakataong ito, mas malamig na ang kanyang tono.Mabilis na umatras ang bouncer at tumango. “Naiintindihan ko po, sir.”Doon lang nagtagpo ang mga mata nila ni Celestine. Malalim at tila yelo ang asul niyang mga mata, na mas lalong pinalutang ng suot niyang mamahaling black suit na saktong-sakto sa kanyang pangangatawan. Bahagyang maluwag ang pagkaka-knot ng kanyang kurbata at ang ilan sa mga hibla ng kanyang madilim na buhok ay naka
Humarap si Celestine sa salamin at dahan-dahang uminog, hinahayaang humawi ang laylayan ng kanyang wedding dress habang may malawak na ngiti sa mga labi. Sa wakas, ikakasal na siya sa lalaking pinapangarap niya. Wala na siyang mahihiling pa. Simula nang magkakilala sila isang taon na ang nakararaan hanggang sa gabing lumuhod ito para mag-propose, naging tila isang perpektong panaginip ang buhay niya.“Wow, Celestine, that’s the most beautiful wedding dress I’ve ever seen,” malambing na wika ni Emma, ang kanyang kakambal, na tila bumali sa malalim niyang pag-iisip.Ngumiti si Celestine sa kanya. “Thank you, Emma. Pakiramdam ko talaga nananaginip lang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari na ’to.”“You’re too good for Daniel, sister,” seryosong sabi ni Emma habang tinititigan siya. “Look at you. No man is ever enough for someone like you.”Natawa lang si Celestine sa tinuran nito. “Salamat talaga, Emma. Ikaw na ang pinakamabuting kapatid na mahihiling ko. Alam mo ’yan, ’di ba?”Sila







