Teilen

Chapter 4

last update Zuletzt aktualisiert: 08.02.2026 15:16:54

Pababa na sana si Celestine sa kusina upang nang matigilan siya sa may hagdanan. Narinig niya ang boses ng isang matandang babae na tila may seryosong itinatanong kay Conrad.

“Mukhang nahulog ang loob mo sa babaeng ’yun kaya mo siya pinakasalan?” tanong ni matanda, ang boses ay puno ng pag-aalala.

Hindi nagtagal ang katahimikan dahil agad na sumagot si Conrad, ang boses ay malamig at walang pag-aalinlangan.

“Manang, wala na akong ibang mamahalin pa bukod kay Aime.”

Aime.

Nagpaulit-ulit ang pangalan na iyon sa tainga ni Celestine.

Sino si Aime? Bakit parang ang bigat ng pangalang iyon sa pandinig niya?

Hindi niya kilala kung sino ang babaeng tinutukoy ni Conrad at wala siyang anumang ideya sa nakaraan ng lalaki, pero hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kirot na gumuhit sa kanyang dibdib. Parang may mapait na lasa sa kanyang lalamunan na hindi niya malunok.

Dahan-dahan siyang umatras at bumalik sa kwarto. Isinuot niya ang kanyang wedding gown. Nakita niya ang kanyang purse sa ibabaw ng mesa at mabilis itong dinampot.

Deri-deritso siyang lumabas ng mansyon. Pagdating sa garahe, agad niyang nakita ang kanyang sasakyan. Nagulat pa ang lalaking naglilinis doon nang makita siyang nakasuot ng pangkasal at tila nagmamadali, pero hindi niya ito pinansin. Pumasok siya sa loob at malakas na binuhay ang makina.

“Buksan mo ang gate,” mariin niyang utos sa lalaki habang nakatingin nang diretso sa unahan.

“Po?” alinlangan ng lalaki, bakas ang pagkalito sa mukha.

“Sabi ko, buksan mo ang gate!”

Hindi na nakipagtalo ang tauhan at dali-daling binuksan ang malaking bakal na pinto. Mabilis na inapakan ni Celestine ang silinyador, ngunit bago pa man tuluyang makalabas ang sasakyan sa malawak na mansyon ni Conrad Savage, narinig niya ang isang pamilyar at baritonong boses na sumigaw mula sa veranda.

“Celestine!”

Ramdam niya ang awtoridad sa tawag na iyon, pero hindi siya lumingon. Hindi niya hininto ang sasakyan. Deri-deritso niyang pinatakbo ang kotse palayo.

Mabigat ang dibdib ni Celestine habang minamaneho ang sasakyan patungo sa mansion ng kanyang ama. Paghinto sa tapat ng driveway, huminga siya nang malalim bago pinatay ang makina.

Hindi niya alam kung paano sila haharapin. Paano niya sasabihin sa kanyang ama na ang sarili niyang kakambal ang mismong sumira sa kanya? Siguradong madudurog ang puso ng matanda. Pero wala na siyang ibang pagpipilian.

Bago bumaba, hinubad niya ang singsing ni Conrad at itinago iyon sa compartment ng kotse. Pagpasok niya sa bahay, sinalubong siya ng pamilyar na eksena: ang kanyang ama, si Emma, si Daniel, at ang ilang mga bisita na tila naghihintay ng balita.

Agad na tumayo ang lahat nang makita siya. Mabilis na lumapit si Emma at niyakap siya nang mahigpit.

“Celestine, where have you been? We’ve been looking for you all this time.”

Nanatiling tuwid ang tayo ni Celestine at hindi gumanti sa yakap. Nagtataka siya kung paano nakakaya ng sarili niyang kapatid na magkunwaring nag-aalala gayong alam naman nito ang katotohanan.

Lumapit ang kanyang ama na bakas ang galit sa mukha.

“Celestine, who took you away on your wedding day? There are rumors you were seen with that monster, Conrad Savage. If I find out he hurt you…”

“Hindi, nakita ko—” hindi natapos ni Celestine ang sasabihin dahil bigla siyang pinutol ni Daniel.

Inakbayan siya ng kanyang fiancé.

“I thought something terrible happened to you.”

Nang lumayo ito nang kaunti, nakita ni Celestine ang mga luhang umaagos sa pisngi ni Daniel. Napakagaling talagang umarte ng manlolokong ito para iyakan pa siya sa harap mismo ng kanyang mukha.

Umalis na rin ang ibang mga bisita para bigyan sila ng privacy. Inalalayan si Celestine paupo sa sofa, habang pilit niyang iniisip kung paano ilalantad ang kanyang kakambal nang hindi pinapatay sa sama ng loob ang kanilang ama.

“Tell us what really happened,” sabi ni Emma habang hinahaplos ang likod ni Celestine. “Because there’s something we need to confess too.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Celestine.

Tumikhim si Daniel.

“We had no choice. We thought no one would ever find out, but the truth came out anyway. Don’t worry. It’s already annulled.”

Nalito si Celestine. “Ano ba ang pinagsasabi niyo?”

Bumuntong-hininga si Emma.

“I married Daniel in your place when we couldn’t find you. But during the reception, your photos spread, and when they realized there were supposed to be twins, they found out the bride was fake.”

Natigilan si Celestine. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

“You married him in my place?” halos pabulong na lang ang kanyang boses.

Tumango si Emma at hinawakan ang kamay ni Celestine.

“There were cameras everywhere. Calls nonstop. You weren’t there, Celestine. We had to do something.”

Gusto nang sumigaw ni Celestine.

“And you allowed it, Dad?”

“Para lang pagtakpan ang kahihiyan,” sagot ng kanyang ama.

Nagngitngit ang kalooban ni Celestine. Gusto na niyang isumbat ang nakita niya sa shower kagabi, pero pinigilan niya ang sarili. May mas magandang plano siyang naisip.

May tattoo na butterfly si Emma sa kaliwang braso, at sa video na nakuha ni Celestine, kitang-kita iyon. Alam ng lahat na takot sa karayom si Celestine kaya wala siyang tattoo. Iyon ang tanging paraan para mapag-iba silang dalawa.

“Umalis ako dahil sa sobrang nerbyos,” pagsisinungaling niya habang nagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. “Hindi ako natutuwa na pinakasalan mo ang fiancé ko, pero naiintindihan ko. Let’s just have a small gathering tonight and officially marry Daniel there.”

Ngumiti si Daniel.

“I’m glad you understand.”

Pilit na ngumiti si Celestine habang tuloy-tuloy ang daldal ni Emma tungkol sa kasal. Sa loob-loob niya, nagsisimula na ang kanyang paghihiganti.

**

Tinitigan ni Celestine ang sarili sa salamin. Wala siyang ngiti sa labas pero nag-aapoy ang kanyang puso. Suot niya ang isang pulang dress na may malalim na neckline at naka messy bun ang kanyang buhok. Para sa iba, isa lang itong dinner para ulitin ang panata nila ni Daniel. Pero para sa kanya, ito ay giyera.

Pagpasok niya sa hall, hinarang siya ni Mrs. Abante, ang pinakasikat na tsismosa sa bayan.

“Balita ko, may relasyon daw kayo ni Conrad Savage,” bulong nito. “If that’s true, be careful. That man has no mercy.”

Napatawa na lang si Celestine.

“That’s not true. And he’s not a monster. He saved me.”

Tumango ang matanda.

“I’m just reminding you. Your late mother would’ve wanted the same.”

Bago pa siya makasagot, biglang tumunog ang kanyang phone. Lumayo muna siya para sagutin ang tawag.

“Sino ’to?” tanong ni Celestine.

“Your husband,” sagot ng isang malamig na boses mula sa kabilang linya. Si Conrad.

“Conrad, why are you calling? This isn’t the right time.”

“Where are you?” tanong nito.

“Why should I tell you? Don’t call me again. I’ll contact you when I’m ready for the divorce,” sabi ni Celestine bago pinatay ang tawag.

Tumunog uli ang kanyang phone pero hindi na niya ito pinansin at bumalik sa mesa ng kanyang pamilya.

“Magsisimula na tayo sa vows sa loob ng ilang minuto,” sabi ni Daniel habang hinahawakan ang kamay ni Celestine.

Ngumiti siya.

“I’m excited.”

“Naiinggit ako sa inyo,” ani Emma. “I hope you and Daniel will be happy together.”

Huminga nang malalim si Celestine bago tumayo.

“Sandali lang, may kukunin lang ako.”

Pumunta siya sa DJ booth at iniabot ang USB.

“Please play this video on the main screen once the vows start.”

“Sige po, Ma’am,” sagot ng DJ.

Pagbalik niya sa upuan, may pumasok na text mula sa unknown number.

"Naka red dress ka, messy bun, red lips that look tempting to kiss. Step outside and meet me in five minutes. Or I’ll walk in there myself."

Galing kay Conrad ang text.

Napalunok si Celestine.

“Celestine, oras na para sa panata,” tawag ni Daniel.

Ngumiti siya at umakyat sa stage kung nasaan ang pari.

“Mga kaibigan at kapamilya, nandito tayo para ipagdiwang ang pag-iisang dibdib ng dalawang kaluluwa,” panimula ng pari.

Umatras si Celestine at tumango sa DJ. Ilang segundo ang lumipas bago biglang lumabas sa screen ang sex tape nina Daniel at Emma.

Napa singhap ang buong hall.

“Daniel… please…” ungol ni Emma sa video.

“You like that, Emma?” sagot ni Daniel.

Namutla si Daniel. Laglag ang panga ni Emma.

Eksakto namang bumukas ang pinto ng hall at pumasok si Conrad Savage.

Lalong nagkagulo ang mga tao.

Lumapit si Conrad kay Celestine, hinawakan ang kamay nito, at mariing isinuot ang singsing sa daliri niya.

“Don’t ever take off my ring, Mrs. Savage.”

At sa harap ng lahat, hinalikan siya ni Conrad.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE DADDY   Chapter 4

    Pababa na sana si Celestine sa kusina upang nang matigilan siya sa may hagdanan. Narinig niya ang boses ng isang matandang babae na tila may seryosong itinatanong kay Conrad.“Mukhang nahulog ang loob mo sa babaeng ’yun kaya mo siya pinakasalan?” tanong ni matanda, ang boses ay puno ng pag-aalala.Hindi nagtagal ang katahimikan dahil agad na sumagot si Conrad, ang boses ay malamig at walang pag-aalinlangan.“Manang, wala na akong ibang mamahalin pa bukod kay Aime.”Aime.Nagpaulit-ulit ang pangalan na iyon sa tainga ni Celestine.Sino si Aime? Bakit parang ang bigat ng pangalang iyon sa pandinig niya?Hindi niya kilala kung sino ang babaeng tinutukoy ni Conrad at wala siyang anumang ideya sa nakaraan ng lalaki, pero hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kirot na gumuhit sa kanyang dibdib. Parang may mapait na lasa sa kanyang lalamunan na hindi niya malunok.Dahan-dahan siyang umatras at bumalik sa kwarto. Isinuot niya ang kanyang wedding gown. Nakita niya ang kanyang purse sa ibabaw n

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE DADDY   Chapter 3

    Nagising si Celestine kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Mula sa malalaking bintanang salamin ng silid, malayang pumapasok ang nakakasilaw na liwanag na tumatama mismo sa kanyang mukha.Napapikit siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Saglit siyang nalito kung nasaan siya, hanggang sa isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi, ang pagtataksil, ang bar, ang banggaan.Napadaing siya nang tangkaing bumangon. Pakiramdam niya ay may martilyong pumupukpok sa loob ng kanyang bungo sa tindi ng hangover. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, hinihintay na kumalma ang kanyang paligid, pero hindi ito nangyari.“Gising ka na pala,” wika ng isang boses. “You look more peaceful when you’re asleep. Hindi katulad kagabi na mukha kang lasinggerang nananalasa ng kotse.”Gulat na napadilat si Celestine, pero napaigtad din nang muling tamaan ng liwanag. Lumingon siya sa pinagmulan ng boses at agad na bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.Ang estranghero kagabi ay nakat

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE DADDY   Chapter 2

    Matikas ang tindig ng lalaki at ramdam ang bigat ng kanyang presensya sa buong paligid. Dahil dito, tila kusang lumuwag ang pagkakahawak ng bouncer sa braso ni Celestine. Kahit mahinahon at mababa ang boses nito, bakas ang awtoridad na hindi matatanggihan ng sinuman.“I’m with her,” wika ng lalaki habang inilalapag ang isang makintab na black card sa counter. “List down everything she drank.”Napakurap ang bartender. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Celestine at sa estranghero. “Sir, kasi po siya ay—”“Didn’t I say she’s with me?” ulit ng lalaki. Sa pagkakataong ito, mas malamig na ang kanyang tono.Mabilis na umatras ang bouncer at tumango. “Naiintindihan ko po, sir.”Doon lang nagtagpo ang mga mata nila ni Celestine. Malalim at tila yelo ang asul niyang mga mata, na mas lalong pinalutang ng suot niyang mamahaling black suit na saktong-sakto sa kanyang pangangatawan. Bahagyang maluwag ang pagkaka-knot ng kanyang kurbata at ang ilan sa mga hibla ng kanyang madilim na buhok ay naka

  • MARRIED TO THE BILLIONAIRE DADDY   Chapter 1

    Humarap si Celestine sa salamin at dahan-dahang uminog, hinahayaang humawi ang laylayan ng kanyang wedding dress habang may malawak na ngiti sa mga labi. Sa wakas, ikakasal na siya sa lalaking pinapangarap niya. Wala na siyang mahihiling pa. Simula nang magkakilala sila isang taon na ang nakararaan hanggang sa gabing lumuhod ito para mag-propose, naging tila isang perpektong panaginip ang buhay niya.“Wow, Celestine, that’s the most beautiful wedding dress I’ve ever seen,” malambing na wika ni Emma, ang kanyang kakambal, na tila bumali sa malalim niyang pag-iisip.Ngumiti si Celestine sa kanya. “Thank you, Emma. Pakiramdam ko talaga nananaginip lang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari na ’to.”“You’re too good for Daniel, sister,” seryosong sabi ni Emma habang tinititigan siya. “Look at you. No man is ever enough for someone like you.”Natawa lang si Celestine sa tinuran nito. “Salamat talaga, Emma. Ikaw na ang pinakamabuting kapatid na mahihiling ko. Alam mo ’yan, ’di ba?”Sila

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status