(FRIEND)
TAMA nga ang sinabi ni Fiandro, dugo at pawis na pati na siguro kaluluwa ko maibubuhos ko na sa limpak-limpak na sketch works ang binungad samin ng teacher.Unang araw pa lang ng klase, pero parang nasa huling araw na kami ng klase. Bakla ang aming teacher at sobrang strikto. Ayaw niya ng maingay, galaw ng galaw sa upuan, dapat nakatingin ka lang sa kanya at dapat kapag tinawag ka ay may maisasagot ka kasi kung hindi sketch activity agad."Argh! Nakaka-imbyerna 'yang si sir Preto! Biruin mo nagpa-assignment agad ng grand living room?" pabagsak na higa ng ulo sa desk namin si Elly ng madismiss kami sa klase.Kaklase ko si Elly, dalawang section ang meron sa Interior Designing at nasa section 2 kami. Buti nga pareho kami ng section para may makasama ako dito sa school.Pagkatapos ng introduction namin eh kaagad kaming binigyan ng analyzation and creativity test sa isang empty living room na pinakita ni sir Preto sa isang malaking pHello readers!Sorry to disappoint you. Nasa isang reading plat form na itong story ko. It's Dreame app. You can search it on google play or apps store. Same pen name and same title din po ito. Nasa chapter 70 na po itong story. Hindi ko na po itu-tuloy dito ang story doon na po sa Dreame app.Sana po doon ma-suportahan ninyo ako. At hindi pa rin kayo magsa-sawang suportahan ako. Maraming salamat sa naghihintay sa update nito. Pasensya na sa paghintay at pag-dismaya sa inyo ng napaka-tagal.Salamat po sa inyong malalim na pag-unawa. Love you all po! 🫶🏻
(ENJOY)PINUNTA niya ako sa isa na namang mamahaling restaurant. I pursed my lips as I breathe out while looking outside the resto. Sa totoo lang hindi ako nag-eenjoy sa mga ganitong klaseng kainan. Namamangha ako sa itsura pati sa pagkain kaso bukod sa mahal na, hindi pa nakakabusog. Para sa akin."We're here." he said as we stopped in front of the resto.Tumingin ako sa kanya. Tatanggalin na sana ang seatbelt pero napansin niya ang aking itsura. "Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?"Inimpit ko ang bibig ko at tinaas ang mga balikat sabay sulyap muli sa kainan. Tumingin ako sa kanya at tipid ngumiti sabay iling."Wala." ani ko tsaka tinanggal na ang seatbelt para wala siyang maisip na ayaw ko rito.Nakakahiyang sabihin kung ayaw kong kumain doon. Tsaka baka nagreserve na din siya ng mauupuan namin. Mas nakakahiya na naman 'yon.Napatango si Fiandro at tuluyan na ngang tinanggal ang seatbelt. Sabay kaming lumabas ng kotse. Mabilis niya 'kong nilapitan para igiya sa restaurant. H
(OFFICIAL)AKALA ko sa pelikula ko lang makikita ang ganitong eksena, ngayon sa akin ko na nararanasan. Hindi ko aakalaing ganito sa pakiramdam kapag may taong umamin sayo na gusto ka.Nakaka-kaba, ang sarap sa feeling, na parang umaangat ka sa ere. Halo-halong emosyon ang mararamdaman mo pagkatapos umamin sayo. Ang tagal bago ako bumalik sa tamang katinuan kasi talagang na blangko ang aking pag-iisip nang sabihin ni Fiandro na gusto niya ako.Ang hirap paniwalaan at hindi ko rin 'to aasahan. Dahil inaakala ko noon na imposibleng magkaka-gusto siya sa isang katulad ko. Ang dami ko ring tanong sa isipan na bakit, paano, saan, ano, at kailan siya nagka-gusto sa akin. Na kahit sinong tao din naman ay mapapatanong ng ganito.Ngunit sa lahat ng aking mga katanungan ay nangibabaw ang sayang aking nararamdaman ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala na gusto niya ako. Grabeng kilig ang bumabalot sa buong katawan ko."I like you, Shawntina." ulit niya na para bang hindi ko narinig ang unang sa
(CONFESS)"I CAN'T believe it, Shawntina. Asawa mo si Fiandro? Bakit mo hindi mo sinabi sakin 'to?" pabulong na reklamo ni Elly. Nakayakap ang mga bisig niya sa braso ko at nasa likod namin si Fiandro habang sinusundan papasok ng bahay.Napasinghal ako. Sa totoo lang, hindi na nga importante na sabihin 'yon kay Elly. Never naging big deal sakin na kailangang sabihin na ako ang asawa ni Fiandro sa lahat ng kilala ko.Ang hindi ko pa maintindihan sa mokong na'to kung bakit sinasabi niya na asawa niya 'ko? Dapat walang nakakaalam ang tungkol saming dalawa. Dahil alam naming pareho ang mangyayari kung isa sa amin ang mag-bulgar.May binabalak ba siya? At kung anumang mga binabalak niya ay dapat ko ding malaman. Dapat ay pinag-uusapan namin ito kasi kapag malaman ng publiko ay husgahan siya at baka hindi na ibigay ang posisyon sakanya ng kanyang lolo."Paano kayo nagkakilala? Kasi noong nasa America ako, nabalitaan ko agad na ikakasal si Fiandro pero hindi binanggit ang pangalan. Ikaw pal
(WIFE)"SALAMAT po." magalang kong ani sa may-ari ng condo unit.Tinupi nito ang hawak na paypay at ngumiti. "Wala iyon. Ito lang ba muna ang ipupunta mo dito sa condo mo?" bahagya nitong tanong tsaka dinungaw ang iilang gamit na nasa aking likod.Nilingon ko ang gamit ko pagtapos tumingin ulit sa may-ari nitong condo."Opo. Pailan-ilan muna akong maglalagay dito ng mga gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit ko at iyong iba bibilhin ko nalang.""Bakit kasi hindi ka nalang maghire ng magbubuhat niyan? Isang bagsakan para di ka na mahirapan sana." suhestyon nito.Inilingan ko siya."Ayos lang po talaga. Salamat po." ngiti ko rito.Kumibit ito ng balikat sabay ngiwi."Ikaw ang bahala. Sige mauna na ako. Kung anong gusto mong ipabagong posisyon sa mga gamit na narito, bahala ka na. Tutal rent to own naman ang binayad mo." ani ng may-ari. Tumango ako bago ito umalis.Nilingon ko na ang buong condo unit. Sakto talaga 'to para sa akin. Isang master's bed, isang maliit na guest room. Sa salas
(DATE)PAGKABALIK ko sa cubicle ay bitbit ko pa rin ang malaking ngiti. Pag-upo ko napatanong si Harley."Ngiting-ngiti ka bakla? Anong sinabi ni sir Fiandro sayo?" usisyo ni Harley.Tumingin ako sakanya di mawala-wala ang ngiti ko sa saya."May bagong kliyente daw ako sabi ni sir. Imemeet namin mamayang lunch break." mahina kong ani.Kumurap ang mga mata niya at umawang ang bibig."Talaga? Ang tagal din noong huling proyekto mo kay sir Kurt ah? Congrats!""Salamat." tapos binaling ko na ang sketch ko tsaka pinagpatuloy iyon."Akala ko kung ano na ang sasabihin sayo. Kinabahan pa ako." sabay mahinang tawa.Nakitawa din ako ngunit hindi na sumagot.Di nako magkanda-ugaga ng sumapit na nga ang lunch break. Mabilis kong inayos ang mga gamit na nasa mesa ko at nag-ayos ng itsura."Grabe naman ang excited mo bakla." puna ni Harley ng mag-ayos din ng gamit."Ewan ko ba. Excited na e