Share

CHAPTER 3 : TRUTH AND TRAP

(TRUTH AND TRAP)

TAHIMIK kaming pumasok sa loob ng bahay ni Fiandro, sobrang nakakabinging katahimikan iyon. Tamad ang paglakad ko sa aking sapatos para marinig ang tunog ng takong non at magkaroon naman kahit konting ingay sa loob.

Unang sumagi sa isipan ko ang kama, gusto kong mahiga at maidlip kahit sandali manlang. Para kasing nalusaw ang utak ko ngayon at ayaw gumana ng maayos.

"Wala ka na bang ibang kwarto dito?" wala sa sarili kong tanong.

"Isa lang ang kwarto dito." agap niyang sagot.

Nasa likod ko lang siya kanina ng sumagot, nasulyap ko na dumiretso siya sa kusina nila at nilapag doon ang susi ng kanyang sasakyan sa island counter nito.

Tumigil siya sa gilid ng island counter saka sinampa ang isang kamay doon. Nilabas ang cellphone at may tinawagan.

Binalewala ko na iyon saka dumiretso na sa kwarto ni Fiandro. Pagpasok ko doon ay tinanggal ko ang aking stilettos at itinabi sa gilid ng pintuan sa labas. Pagod akong naglakad papunta sa kanyang kama, dahan-dahang umupo saka tumingin sa kawalan.

Kasasabi ko lang na gusto kong umidlip, pero biglang umayaw ang katawan ko na mahiga.

Saglit akong natunganga. Agad akong nabaling sa malaking salamin ni Fiandro na tapat lang ng kanyang kama. Tinitigan kong maigi ang aking sarili doon. Pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan.

Gusto ko lang ng tahimik na buhay, magtrabaho't, mag-ipon, mag-aral hanggang makapagtapos at magkaroon ng trabaho. Iyon lang naman ang natatangi kong hiling pag-apak ko dito sa Maynila eh, pero bakit umabot 'to rito?

Isa lang naman akong ordinaryong katulong na tumulong sa kaibigan para makamit ang pangarap. Pero ngayon, parang pasan ko na lahat.

Mahirap maabot ang pangarap kung may humahadlang na tao o bagay para hindi iyon makamit. Pero kahit na may humaharang sa landas mo, hindi iyon sukatan para tumigil ka sa gusto mong tahakin sa buhay. Para matamasa ang iyong pinapangarap.

Bumuntong ako ng hinga para mabawasan ang bigat na aking nararamdaman. Ngunit parang hindi talaga sapat ang paghinga kong 'yon at tila walang nabawasang bigat galing doon.

I'm so exhausted from frustration with that everything happened this day. Ang haba ng araw ngayon na sana matapos na.

Dumating si Fiandro pero hindi ako bumaling sa kanyang pwesto, nanatili lang akong nakatingin sa salamin.

Sa gilid ng mata ko sumandal siya sa hamba ng pintuan ng nakahalukipkip at ang isang kamay nito ay may hawak na brown envelope. Ramdam ko ang malalim na paninitig niya sa akin. Nawala tuloy ang mga naiisip ko kanina dahil nadistract ako sa kanyang presensya.

Tumingin na'ko sa banda niya, hindi na nito suot ang brown coat. Tinagilid niya kaunti ang kanyang ulo at ganoon pa rin ang tingin sakin pero mas matindi at mas malalim. Na para bang binabasa ang kung ano ang aking iniisip.

Ang kulay abo nitong mata ay masyadong mapanukso. Wala man akong makitang pag-aalab doon pero napapaso ako. Nakakalula ang lalim noon at hindi ko maatim na magtagal sa mga matang nakakapanghina. Nanghihina na nga ako sa nangyari kanina, dadagdagan pa sa paninitig niya.

Nag-iwas na'ko ng tingin dahil sa kakaiba kong naramdaman sa saglit naming titigan. God! Bakit ganito siya ka-grabe manitig? It's too piercing.

Hindi rin naman ako makakatulog nito ng maayos kung gugustuhin ko man. Bumabagabag din sakin na kung paano niya nalaman na hindi rin ako si Rebecca.

Kung bakit pa din niya ipinagpatuloy ang kasal gayoong hindi naman ako mismo ang kanyang pakakasalan?

Malaking himala na hindi umabot sa mga media at social medias ang kabulastugang naganap. Kung oo man, pinagpepyestahan na siya ng mga balita tungkol doon.

Suminghal ako at umulit na tumingin kay Fiandro, ngayon pormal na ang itsura niya kumpara kanina. "Papaanong, nalaman mo na hindi ako si Rebecca?" maingat kong tanong sakanya.

Una, hindi ba't hindi pa sila nagkikita? At napagkasunduan lang iyon sa pagitan ng magulang ni Rebecca at ng lolo niya? Wala din naging family gatherings o engagement party na naganap para makilala ang isa't-isa bago ikasal. Basta kasal agad. Kaya paano niya nalaman na hindi ako si Rebecca?

Pangalawa, hindi ko pinataas ang belo ko sakanya noong nasa simabahan kami. Dahil naroon ang mga magulang ni Rebecca at malalaman nila iyon kaagad. Kaya paano din niya nalaman na ako ang nagpapanggap?

Inangat niya ang kanyang ulo sa pagkakatagilid nito saka nagtaas ng kilay, para bang iyon ang kanyang hinihintay sakin. At alam din niyang hindi lang iyon ang aking tatanungin.

"Hindi ako ganoon ka mang-mang para magpakasal agad na hindi ko inaalam kung sino'ng babae ang pakakasalan ko." A small chuckle escaped from his mouth. Like he answered the most ridiculous question he has ever heard. "I saw her pictures and researched about her backgrounds, everything was clean. No issues, or scandals, has good characteristics, and passion for what she likes. I'm not interested in her but perfect backgrounds will do. That's why I agreed to marry her." he added.

Right. Ganoon din naman ang ginawa ni Rebecca noong una. Nagresearch tungkol kay Fiandro, and she doesn't like his attitude based on her research about him. But on top of that, she's not yet ready of getting married. Which explains more.

Sakim at makasarili lang talaga ang mga magulang ni Rebecca kaya naging dahilan ng pag-alis niya.

"I've doubted before na hindi ikaw si Rebecca dahil napansin kong wala kang tattoo sa left wrist mo. It's a small dreamcatcher tattoo, isn't it?" he said and didn't take his eyes off me.

Nabigla ako sa sinagot niya pero hindi ko iyon pinahalata at naging kalma lang.

Totoo, may tattoo si Rebecca na dreamcatcher maliit lang iyon at kasama niya ako nang magpa-tattoo siya noon. Ang itsura ng dreamcatcher nito ay hugis bilog, may linya-linya sa loob ng bilugan na parang itsura ng sapot ng gagamba. May tatlong buntot iyon na may iilang beads at balahibo ng ibon ang guhit non.

Sinabi niya pa noon na kung bakit iyon ang kanyang napiling ipatattoo, ay dahil sa paniniwala niya na sa bilog na mundo kahit na paiba-iba ang landas na natatahak mo ay sa dulo non makakamit mo pa rin ang pangarap na minimithi mo.

Sa lahat ng napagdaanan ni Rebecca, ngayon ay unti-unti na niyang matutupad ang matagal na niyang pinapangarap na walang humahadlang sakanya.

"Napatunayan ko ngang hindi ikaw si Rebecca ng ipareview ko ang cctv ng hotel noong tumakas ka." pumakla ang pagmumukha niya. "Sino ba namang tanga ang tatakas na hindi tinatakpan ang mukha?" he scoffed and sounds sarcastic.

Napapikit ako saglit saka napakagat ng labi. Bakit hindi ko nga ba agad naisip iyon? I didn't get the logic there. Tang* mo Tina!

"How did you find my location then?" I asked and my mind was still in the middle of nowhere. Trying to pull up my real thoughts.

Ang isang kamay ni Fiandro na walang hawak na envelope ay kanyang itinaas at ikinamot ang hintuturo non sa gilid ng sintido niya. Walang ekspresyon sa mukha nito, and based on his actions I feel like I have the dumbest question I have ever asked. Again.

"I have my ways, lady." tamad niyang sambit. Ngunit sa likod noon ay nahihimigan ko ang pagka-arogante nito.

Nagtaas ako ng kilay. Well, why I didn't notice that again? He has a lot of money to do anything he wants. And without money, no power. Period.

"At bakit mo'ko pinaharap pa sa mag-asawang Solomon?" my tone became serious, and I looked at him formally. Na sana hindi nalang niya iyon ginawa.

Sinagot na niya iyon kanina, pero hindi pa ako kuntento sa sagot niyang iyon. Alam kong may iba pa siyang rason bukod pa doon.

He tilted his head again and his eyes calculated my words and expressions. Like he knew I was unsatisfied with his answers recently.

He took a breathe before he speaks. "Aside from you're involved about what happened, I want to let them know that I married the wrong bride. At magiging reasonable sakin na bigyan sila ng mababang share dahil sa ginawa ng kanilang anak." katwiran niya.

Ibig sabihin hindi siya sang-ayon sa kalahating pursyento na ibibigay sa pamilya ni Rebecca? Kaya ba minadali na niyang makipagkita sa mag-asawa para matapos na ang kasunduan?

It makes sense after all... Karma wasn't it?

"Alam ko ang pinadala ninyong pekeng marriage contract pati na ang pagpalit ng driver at ng sasakyan." aniya na ikina-iwas ko ng tingin. Sa tono ng pananalita niya para niya'kong pinapagalitan.

Sabi na eh. May mali na sa una palang. Sinadya niya din sigurong ipapalit ng ibang hotel para hindi ako makaalis agad.

So, ano pang patutunguhan nito kung nalaman na rin niya ang lahat?

Ngumisi si Fiandro na parang may napagtagumpayan. "Nang puntahan kita, I'm glad na hindi ka na nagmaang-maangan pa na wala kang kinalaman dito. Dahil kung hindi, mapipilitan akong paaminin ka. Bakit? Guilty'ng-guilty ka ba sa ginawa ninyo?" he said mockingly.

Hindi ako sumagot at mas lalong hindi ko siya binalingan para bigyan ng sagot galing saking ekspresyon.

As I thought, everything went well according to Rebecca's plan. But it's not, and it's beyond my expectations.

Honestly, I got carried away by his presence and got shocked from that moment. That's why I became careless for not telling him and didn't defend myself anymore.

"Napaka-laki ng pagkakamaling ginawa ninyo. Hindi niyo naisip kung anong pwedeng mangyari kapag nalaman ng lahat na maling babae ang napakasalan ko at ang masama pa doon, niloko ako. You think this is easy for me to do this?" sermon ni Fiandro at pinanliitan ako ng tingin.

Nairap ako sa kawalan. Tss. Wala ka na kasing ibang pangarap kundi ang kompanya mo lang. May ibang pangarap iyong tao eh kaya hindi rin madali sakanyang magpakasal ng isang iglap lang.

Kung isang pagkakamali ang ginawa namin para lang suportahan ang pangarap ng isa, ay ikinalulugod kong magsakripisyo sa kung anong magiging kapalit para lang hindi magdusa sa hindi naman pinapangarap, at hindi pagsisisihan habang-buhay.

Walang taong gugustuhing magpagamit para lang sa pansariling kagustuhan. Hindi tayo ipinanganak para lang sumunod sa mga gusto nila. May sarili tayong boses para isatinig ang ating karapatan at desisyon sa buhay. Kaya kung hindi rin naging madali ang ipinagawa sakanya mas lalo na kay Rebecca kasi hindi lang iisa ang pangarap niya, marami pang iba.

Simpleng pairap kong binalingan si Fiandro. "Ngayong alam mo na ang totoo, wala ng patutunguhan 'to. Pwede na ba akong bumalik sa bahay ko?" tanong ko sa matabang na boses.

Nagawa pa niya akong tawaging Mrs. Arzadon samantalang alam na pala niyang peke talaga ang marriage contract namin. Hindi ko tuloy maiwasang manginig, ewan ko kung sa iritasyon o sa pandidiri.

Ginalingan niyang makipaglaro at sa tingin niya'y isa itong laro. Well, ikokonsidera ko na din iyon.

Konting guhit sa gilid ng kanyang labi ang aking nakita. Ngising hindi ko talaga nagugustuhan.

"Tingin mo, sa ginawa ninyo ay madali ko lang iyon isawalang-bahala?" nahimigan ko ang pait ng kanyang pagkakasabi. "Dahil sa ginawa niyo muntik ng masira ang reputasyon ng aming kompanya." aniya saka ipinakita sa akin ang brown envelope na kanina pa nito hawak.

Kinunotan ko lang iyon ng noo at hindi nagsalita. Bakit iyon?

"Nasakin ang deeds of sale ng bahay at lupa mo." sabay lahad sakin ng envelope.

Gusto ko sanang tanungin paano naka-abot sakanya ang titulong 'yon. Sa pagkakaalala ko ipapadala iyon ni Rebecca papunta sa address ng bahay ko pagkatapos ng kasal.

Ngunit sa kabilang banda, hindi na importante sakin na itanong iyon. Tumayo naman ako para tanggapin ang envelope.

Nang abutin ko na ay bigla niyang iniwas sakin. Kumunot ulit ang aking noo.

"Makukuha mo lang 'to kapag nakuha ko na ang posisyon ko sa kompanya." utas ni Fiandro, nakikita ko ang multong ngiti sa mga labi nito.

Bigla akong nainis, kanina lang hinang-hina ako ngayon nagsisimula ng kumulo ang aking dugo. "Anong kinalaman niyang titulo ko sa posisyon mo sa kompanya niyo?!" iritable kong tanong.

Humalukipkip siyang muli saka pinagtaasan ako ng kilay. "For causing damages." sambit niya. "Para lang sa mga isip-bata ang ganitong kasunduan, pero dito lang kita mapapapayag sa gusto kong mangyari." aniya na ikinalito ko naman.

Pinungay ko ang mga mata ko tila nagha-hamon. Humakbang ako ng isang beses para bawasan ang distansya naming dalawa. "Kahit anong sabihin mo, hindi mo'ko mapapa-sunod sa gusto mo. I*****k mo iyang titulo na 'yan sa baga mo." mariin kong tanggi.

Ano ka? Sinuswerte?

Hinakbangan din ni Fiandro ang natitirang distansya sa aming pagitan. Ngayon ay nakapasok na siya sa loob ng kwarto. "Oh really?" he sounds arrogant. Tinimbangan din niya ang tingin ko at parang hindi man lang siya natinag sa aking titig.

Lalo akong natingala dahil sa tangkad niya, pakiramdam ko mababali ang aking leeg ng wala sa oras. Hanggang balikat ko lang siya at tantya ko nasa 5'8 ang kanyang taas, pasok sa pagiging basketball player. Malapad ang mga balikat nito na parang ang dali lang isampa ang mga kamay roon. Sa pag-tindig ng kanyang katawan ay pumirmi lalo ang matigas nitong dibdib na mala-superman ang hugis.

Sa paglapit niya ay inangkin ng mapang-akit nitong panlalaking pabango ang aking pang-amoy. Pinigilan kong huminga sa ilong, at idinaan ko ang aking paghinga sa bunganga para hindi ko na malanghap pa ang nakakalilong bango niya. I like how inviting his scent was. And I hate how it could tempt me.

Kahit gaano katindi ang paninitig ko sa mga mata ni Fiandro ay hindi ko matimbangan ang bigat ng kanya. Sobrang misteryoso...

Hindi ko alam kung bakit sa kalagitnaan non ay nagtatalo ang aking isipan, ni hindi ko mawari sa anong dahilan.

"Under the presidential decree number 1529. Amending and codifying the laws relative to property registration and other purposes. It is required to update the Land Registration Act and to codify the various laws relative to registration of property." he said fluently.

Umawang ang bibig ko at natanga sa kung anumang law act na pinagsasabi niya. What the!?

"Chapter I, Section 3. Under the same presidential code that all the lands are not yet covered by the Torrens Title shall be considered as unregistered lands." mabagal niyang binanggit ang dalawang huling salita. Muli ay tinagilid nito ang kanyang ulo. "Without this, hindi mo masasabing sa'yo ang bahay at lupang naroon." nanunudyong bulong nito saka malapad na ngumisi sakin.

Punitin ko na kaya ang bibig nito? Ngisi ng ngisi. Nakakairitang tignan.

Sa mga sinabi niya tungkol sa lupa ay may gusto siyang palabasin sa diskusyong 'to. Oo nga naman, real estate ang kanilang negosyo. Natural dapat nilang alamin ang mga batas tungkol sa mga bahay at lupa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh ano naman ngayon? Hindi ko naman ikamamatay ng wala iyan." amok ko kay Fiandro.

"Hindi mo nga ikamamatay, mawawalan ka lang ng bahay at lupa." sabi niya sa mapaglarong tinig.

Ang daming mura ang gusto kong sabihin pero hindi ko mailabas sa aking bibig. Ni hindi ko din alam kung para saan ang mga murang iyon, kung kay Fiandro ba o sa sinasabing titulong kailangan.

Kumukulo na naman ang dugo ko sa mokong na'to! Halos mag-isa ang linya ng labi ko dahil sa iritasyong binigay sakin. Nambu-bwisit ba siya?

Sinubukan kong agawin ang envelope na hawak niya na nakapa-likod. Nabigo akong makuha iyon at itinaas sa ere kaya mas lalo kong hindi maabot ang envelope.

Mas yumakap ang knitted sleeve nito sa kanyang braso, dahilan para makita ko kung paano pumirmi ang mga muscles niya sa pag-taas ng kamay sa hawak na envelope. Mula sa kalahati ng bisig hanggang sa kamay ay sumisilip ang kanyang ugat na malalaki at pag-igting.

Sa kinatatayuan ni Fiandro ay lalo lang akong nanliit sa aking sarili dahil sa tangkad at malapad na pangangatawan. Sinasabing wala akong mapapala kahit anuman ang gawin ko.

Pinilit ko pa rin kunin sa pag-tingkayad ng mga paa, desperadong makuha ang titulo, na parang bata na ninakawan ng candy.

Tumalon ako ng dalawang beses, sa huling talon ko ay mali ang pagkasampa ko sa sahig kaya nasandal ako sa katawan ni Fiandro.

Bigla namang nahawakan ni Fiandro ang baba ng aking likod para masuportahan ang pagsandal ko at para hindi rin siya matumba sa pagka-dagan ko.

Nakahawak ang dalawang palad ng kamay ko sa kanyang matigas na dibdib, it's like a chiseled chest that's perfectly sculpted. Isang malutong na mura ang kumawala sa aking isipan.

Bigla kong napagtanto, para saan ang murang aking kinalas?

Sa sobrang dikit ng aming katawan ay parehong init ang naramdaman ko tulad ng nangyari sa sasakyan niya. Hindi ko maipaliwanag ang alab non, na parang kinukuryente ang maliliit na parte sa loob ng aking katawan.

Nakabukas ang aircon dito sa kwarto ni Fiandro, na kahit bukas ang pinto ng kanyang kwarto ay hindi nababawasan ang lamig sa loob.

Pero sa pagdikit ng aming katawan ay winala nito ang lamig na aking nararamdaman.

Sa init non ay siyang nagpatambol ng napaka-bilis sa aking puso. Ibang kiliti ang kumikiwal sa sikmura ko, at ang damdamin ko'y parang lumulutang sa alapaap sa sobrang gaan. Anong pakiramdam 'to? Hindi ko pa nasusubukang makaranas ng ganito. Sobrang kakaiba. Ibang sigla at kaba.

Nang maramdaman ko ang mainit at may halong mint na hininga niya na dumampi sa aking noo, ay bigla akong nalilo. Demn it! Why he's this so breathtaking? And my knees were already quivering.

Gumalaw ng bahagya ang kamay niyang nasa ibaba ng likod ko, ramdam ko ang konting paghapit nito doon para magkalapit kami lalo.

Tiningala ko siya sa naiinis na itsura, nagagawa niya pa akong molestyahin ng ganito?!

He looked at me intently with humor in his eyes. Napasinghap ako sa ginawa niyang iyon at sa misteryosong tingin na bumabalot sa mga mata nito.

He licked his dry lips and gave me an amusing stare down my lips. Sh*t. He is too much for me!

"Take it or leave it?" napapaos niyang tanong.

Bago pa ako tuluyang mawala sa huwisyo ay tinulak ko na siya para makaalis sakanya saka umatras para magkaroon ulit kami ng distansya.

Matalim na titig ang ginawad ko kay Fiandro. Sa kalahating parte ko, hindi ko kailangan ang titulo. At sa kabilang parte ko naman, ay kailangan iyon para sa legal na paninirahan. Kung susundin ko ang gusto niya magtatagal pa ako dito ng ilang araw, kasama siya.

"Fine!" suko ko.

Nagtaas ng kilay si Fiandro saka nag-ngising tagumpay. Pinaypa-paypay nito ang envelope saka inilagay ang isang kamay sa bulsa ng black slacks at tinalikuran ako. Kita ko ang angas ng presensya nito palabas ng kwarto.

When he left, I groaned in frustration. Idinikit ko ang mga palad ko sa aking mukha saka marahas na hinilamos pataas at dinaan sa buhok ko para masuklay ito gamit ang mga daliri ko.

Nameywang ako saka lumakad pakaliwa't kanan, problemado ang itsura ko at nag-iisip. Pero wala akong maisip na gagawin!

Padarang akong bumalik sa kama at pabagsak na humiga ng patihaya. Tinitigan ko ang kulay white nitong kisame, na kahit ganoong pwesto ay walang pumapasok sa aking isipan.

Idinikit kong muli ang mga palad ko sa aking mukha, pagkatapos ay mariin akong humilamos. Hilamos ng frustrasyon.

Para akong si Belle ng beauty and the beast na nakulong sa mansyon at si Fiandro ang halimaw na nagkulong sakin dito.

Bwis*t! Kung ano-ano nang mga pinag-iiisip ko. Mababaliw na ata ako dito.

One thing that popped up in my mind was that I hate him. And I'm starting to hate him more. For real!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status