Share

MC's Desirable Revenge
MC's Desirable Revenge
Author: Bratinela17

Chapter 1

Author: Bratinela17
last update Last Updated: 2022-09-28 21:19:08

Sa Mansyon nang mga Wilson, taong 2011. Nagkakasama sama ang buong angkan ng mga Wilson, sa twing darating ang kaarawan nang kanilang pinakamamahal na lola. Sapagkat bawat isa ay may kaniya-kaniya na ring buhay at tanging naiwan na lang sa Mansyon ang apo nito na si Tamara Wilson Benitez, na siyang asawa ni MC Benitez.

Maaga pa lang hindi na magka mayaw ang mga kasambahay at ang mga tauhan sa Mansyon, bawat isa ay aligaga sa pag-aayos para sa 70th Birthday ng matanda..

Habang nag-uusap ang mag-asawang Tamara at MC.

"Hon, sigurado ka bang dadalo tayo?" tanong niya sa'kaniyang asawa.

"Hmm! Hindi ba napag usapan na natin to, hon,..

"P-pero,-- natigil sa pagsasalita si MC ng sinaway siya ng kaniyang asawa..

"No, but hon. Kung iniisip mo sila tita at ang angkan ko, just forget about it hon, hayaan mo sila. Hindi naman sila ang may birthday. Pupunta tayo, hindi para maki party sa'kanila o makipag-plastikan, pupunta tayo dahil imbitado tayo ni Lola." sagot ng kaniyang asawa rito..

Napa buntong hininga na lamang si MC, wala naman siyang magagawa mahal niya ang asawa at dinadala na nito ang unang sanggol nila sa sinapupunan nito kaya ayaw niyang sumama ang loob nito sa'kaniya..

"Ikaw, bahala hon.." sagot niya.. Niyakap siya ng kaniyang asawa maging siya ay gumanti na rin ng yakap rito. Basta masaya ang asawa niya, masaya na rin siya.

Matapos makapag-ayos ni Tamara niyaya niya na ang kaniyang asawa..

Nar'yan na rin kasi ang sundo nila. Pinasusundo na sila ng lola nito. Mas pinili kasi nilang lumayo kaysa tumira sa Mansyon, para wala na ring masabi ang pamilya Wilson.

Inalalayan niya ang kaniyang asawa palabas ng barong-barong at tagpi-tagpi nilang bahay. Heto lang kasi ang nakayanan ni MC sa ngayon, hindi naman siya makapag patuloy ng Engineering course niya, dahil kailangan niyang humanap ng trabaho lalo na't buntis ang kaniyang asawa. Third-year College na sana si MC, kaso nga lang kinailangan niya munang isantabi ang kaniyang pangarap para sa asawa't magiging anak.

Nang makarating sila nang Mansyon. As usual, nangunguna na naman ang mapanuring tingin nang s****p na tita nito. Kulang na lang lamunin niya ako ng buhay.

Lumapit ito sa'amin at bumati sa pamangkin niya at bumulong na animo'y hindi ko naririnig ang kaniyang sinabi..

"Good evening hija," bati nito sa asawa ko sabay beso beso. Halata namang pina plastik niya lang ang asawa ko.

"Tsk! Tsk! Hija, nag dala ka na naman nang aso sa party." bulong nito na sinadyang iparinig pa sa'akin..

"Tita naman.. Nandito kami para kay lola, hwag niyo naman ho pag salitaan ng ganiyang ang asawa ko. Paki-usap lang po, ayaw namin ng gulo tita Marga.

"Hija, hindi naman ako nag hahanap ng gulo, sinasabi ko lang ang totoo. Anyway nar'yan ang mga pinsan mo, hindi mo ba sila pupuntahan. Matagal na rin kayong hindi nagkita kita, baka in two days lumipad na ulit silang Europa. Ikaw naman kasi sinasayang mo ang buhay mo sa--" hindi na nito natuloy ang sasabihin pa, nang sawayin siya ni Tamara.

"Tita, please excuse us. Puntahan lang namin si lola." ani nito sabay hila ng mga kamay ko.

Mabuti na lang rin hinila na niya ang kamay ko, kanina pa ako napipikon sa tita niyang yon. Pero, kahit papaano kailangan ko pa rin siyang galangin kahit hindi maganda ang tabas ng dila nito at puro basurang salita ang lumalabas sa bibig nito..

Habang naglalakad kami palapit sa'kaniyang lola, walang mintis ang pag tingin ng mga taong mapang husga sa mga kagaya kong dukha.

"Happy Birthday, Lola." bati ng asawa ko kay Queen Eliza Wilson.

"Thank you apo, mabuti at nakarating kayo.! ani nito. Sabay baling sa'akin..

"Hijo, bakit tila tahimik ka. Hindi mo ba babatiin ang lola mo?" biglang tanong nito kaya binati ko na rin siya kahit nahihiya ako sa itsura ko.

"Happy Birthday po, Queen Eliza..

"Naku! naman itong asawa mo, hindi na natuto. Pag sabihan mo nga yan Tamara." sambi nito..

Napatingin naman sa'akin ang aking asawa.

"Hon..,

"Ha! Bakit ano naman ba ang ginawa ko?" nagtatakang tanong ko. May mali ba sa sinabi ko. Totoo naman na Queen ito..

"Hmm! Wala!"

"Sige na po lola, punta muna kami sa mga pinsan ko. Happy Birthday po ulit lola." muling bati ng asawa ko..

Naglakad na kami ng sabay habang naka yuko ako. Kanina pa rin kasi ako naiilang sa mga tingin nila. Naligo naman ako, hindi naman butas butas ang suot ko at maayos naman ito.

"Hon.. pigil ko rito. Ayoko kasing sumama sa'kaniya, dahil alam ko na rin naman ang mangyayari.

"Bakit hon? tanong nito tila inaanalisa ang pag-iisip ko.

"Hintayin na lang kita dito." wika ko.

"Sigurado ka ba hon?" tanong niya.

"Okay! Saglit lang ako, hwag kang aalis r'yan." ani niya sabay halik sa labi ko nang mabilisan lang.

Pagka-alis nito ay nag hanap agad ako ng bakanteng table at naupo roon.

Nang biglang nag salita ang host..

"Good evening to all of you. We are here to gather and celebrate on the 70th Birthday of Queen Eliza Wilson." panimula nito.

Nakita kong tulak tulak ito ng wheelchair paakyat ng stage.

"All right. Let us give her a round of applause." sigaw ng host ng event ngayong gabi.

Lahat ng tao tumayo at nag bigay pugay sa kaarawan nito. Pawang

lahat nang mayayamang tao sa bansa ay naroroon at naki party. Maliban na lang sa'akin na isang dukha at sampid sa pamilya nila. Haixt!!

Ilang minuto na at hindi pa rin nakakabalik ang asawa ko. Medyo nag-a-alala na ako kaya tumayo na rin ako at sa pag tayo ko hindi ko inaasahan ang mangyayari.

Nabangga ko lang naman ang apo ni Mr. Jackson.

"Dam* you! Bitc*!" sigaw nito sa'akin sabay hawak ng collar ko.

"S-sir! Hindi ko naman sinasadya." pagpapaliwang ko, pero mukhang lango na rin ito sa alak kaya sayang lang ang laway ko rito.

"What the hell!" sigaw niya sabay;

Bogsh!

Tumama ang kamao nito sa mukha ko at napa luhod ako sa lupa. Hindi ko inasahan ang suntok niya kaya hindi man lang ako naka ilag..

"Stand up!" ani niya habang hinihila ang collar ko para tumayo ako.

Kanina pa ako napipikon rito kaya walang pasabing inundayan ko siya ng suntok sa sikmura niya..

"Bull sh*t! sigaw nito para maka agaw ng atensyon..

Hanggang sa lumapit na ang ilang bisita at pinag titinginan na kami. Ang hindi ko inaasahan ang isang sampal na matatamo ko sa kamay ng tita niya.

Pak..

Isang sampal pang muli ang ibinigay nito.

"Get out of here. Sinisira mo ang party ng Mommy." sigaw nito.

Nang biglang dumating ang asawa ko.

"Tita, ano na naman po ba ito. Aalis na lang kami. Mag-papa alam lang ako kay lola." anya.

"Mabuti pa nga. Tang* mo kasi!" pahabol na sambit nito sa asawa ko.

Sa galit ng asawa ko napabalik ito at nakipag sagutan sa tita niya.

"Aalis na nga kami. Ano pa bang gusto mo? Matagal na akong nagtitimpi sayo tita, dahil kapatid ka ng daddy ko. Pero, yong alipustahin mo ang asawa ko ibang usapan na yata to..

Pak..

Isang sampal ang nagpatigil sa asawa ko.

"How dare you to talk to me like that. Punyet* ka Tamara!" nang gigil na singhal nito sa asawa ko..

"I hate you, tita." sigaw ng asawa ko.

Dahil sa marami ng tao ang nakiki usyoso, biglang kinaladkad nito ang asawa ko.

"Aray! Tita! Bitawan mo ako." sigaw nito, pero hindi man lang ito natinag miski ako inaawat ko na ito at baka mapano ang asawa ko.

Hanggang sa sumigaw ng malakas ang asawa ko..

"Arayyy...

Nagulantang na lang kami nang biglang may tumatagas na dugo sa hita ng asawa ko..

"Ang baby ko.. Help!!!" sigaw nito.

Kaya nagmamadali na akong binuhat ito palabas ng Mansyon..

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 22

    Nang maka alis ako ng ospital at nakauwi ng bahay napag isip isip ko ang lahat lahat. Sabi nga nila lahat gagawin ng isang ina para sa kanyang anak. Kaya kahit nagkakasakitan kami ng Daddy ng anak ko hindi ko pa rin dapat kalimutan ang pagiging Ina ko sa kanya. Naidlip lang ako at pagod na pagod ako sa byahe. Hinayaan ko na lang ang mag-ama na makapag bonding dalangin ko na pagalingin niya agad ang anak ko at itatama ko na ang lahat lahat. Pumikit ako at natulog gusto kung bawiin ang ilang gabing wala akong halos natulog although may tulugan sa loob ng ospital kaso hindi pa rin sasapat ang tulog ko sa mga ganoong pagkakataon at lugar. Habang bantay pa ang daddy niya sa anak ko susulutin ko ang pagpapahinga ko sa bahay. Nag alarm naman ako kaya magigising ako ng maaga. Three hours later nang marinig ko ang pagtunog ng alarm clock hudyat na para gumising ako at mag asikaso, balak kung lutuan ng arozcaldo ang aking anak. Kaya nagsimula na akong magprepated ng aking sarili. Nag inat

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 21

    Samantalang sa loob naman ng emergency room himalang nagkamalay ang kanilang anak. Akala ni Tamara ay mawawala na ang kanyang pinakamamahal na anak. Nang sabihin ng doktor sa kanya na may heartbeat na ulit ang anak niya nakahinga siya ng maluwag kahit kaunti lamang. Katatapos lang rin niyang kumain at medyo inaantok na rin siya. Sa sobrang antok niya ay hindi niya namalayan ang sarili na nakatulog na pala siya. Nagising siya na parang may humahaplos sa kanyang ulunan hindi niya alam kung nanaginip nga ba siya o hindi. Nag unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata nakita niya ang kanyang anak na si Tyron. "A-anak! Gising ka na?" tanong niya sa pag-aakalang nanaginip lamang siya. "M-Mommy! O-Opo!!" nauutal na sagot nito sa kanya. Hindi man lang naisip ni Tyron na kahit hirap mag salita ay nagawa pa rin niya. "Salamat sa Diyos, gising ka na anak. Pinag alala mo ng sobra ang Mommy. Saglit lang at tatawag ako ng doctor." Ani niya. Ngunit ng tatayo na siya agad nitong hinaw

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 20

    Nabulabog ang Emergency room ng biglang tumigil ang paghinga ni Tyron. "Code blue! Code blue." wika ng doctor at sinimulan ng irevived ang bata. Paulit ulit ginagawa ng doctor at inoorasan ang bata. ilang segundo na nilang ginagawang isalba ang bata kaso wala man lang kitang nakikita indikasyon na buhay pa ito. Hanggang sa hindi tinigilan ng doctor na magkaroon ito ng hininga. "Oxygen!" utos ng doctor. Napalitan na ng bagong tangke ng oxygen. Samantalang nagugulat ang dalawa sa labas ng makitang maraming Nurses ang pumasok sa emergency. At nang silipin ni Tamara kung anong nangyayari halos gumuho ang mundo niya ng makitang sinasalba ang kanyang anak. "No! It can't be, huhuhu. Tyron, anak." palahaw na iyak niya mula sa labas ng emergency room.. Habang pinapakalma siya ni MC. "Let's do their job! We will wait here." aniya. "Ayokong tumanga dito na walang ginagawa para sa anak ko." bulyaw niya rito. "Alam mo kung wala kang sasabihin, umalis ka na lang! Hindi kita kailangan dito." sig

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 19

    At Benitez Mansion Saktong kakauwi lamang niya at pagod na sumalampak sa kama ng kanyang kwarto. Wala siya sa mood makipag usap na kahit kanino at sobra siyang natakot sa nangyari kanina lang. Hindi niya akalaing makikita niya sa ganong kalagayang ang kanyang anak. Sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang mga dugo na nagkalat sa sahig at kumapit sa kanyang balat. Habang naghihintay siya ng tawag ni Tamara kung ipapaalam ba nito sa kanya ang nangyari sa kanikang anak, ngunit inabot na siya ng alas dos ng madaling araw kakahintay ng tawag nito pero, wala man lang. Ganon nga ba katindi ang galit jiti sa kanya at ayaw siyang bigyan ng karapatan para sa anak nila. Kasalanan rin naman kasi nito kung naging tapat lang sana ito sa kanya baka naging okay pa sila. Kaso mas pinili nitong iwan siya at magpakasasa sa Barcelona. Ayon ang matinding ikinagagalit niya na habang siya ay nag aagaw buhay nagawa nitong tikisin siya na iwan at magpakasaya sa malayo.Ipinikit na niya ang kanyang mga mata hang

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 18

    Kanina pa siya pabalik balik sa emergency room. Hindi niya malaman ang gagawin ng mga oras na 'yon para siyang pinagsakluban ng mundo. Wala pa ring tawag mula sa emergency room kaya naman hindi siya mapakali sa kan'yang kinauupuan paroon at parito siya. Hindi niya rin natatawagan pa si Tamara ang Mommy nito hindi niya kasi alam ang sasabihin niya. Kaya nagpunta muna siya sa information section at nakiusap na tawagan ang number nito. Hindi pwedeng makita siya nito roon kaya tiniyak niya na magtatago siya sa oras na dumating ito. Matapos niyang maibigay ang cellphone nito umalis na siya agad at bumalik sa emergency room para makibalita kaso wala pa rin. Kaya nilalamon na siya ng kaba at pagkabahala. Pagod na rin siya kakaisip ng posibleng mangyari. Habang naghahanap naman si Tamara at nababaliw na nga kung saan niya hahanapin ang kan'yang nawawalang anak. At hindi talaga niya mapapatawad ang sarili niya kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa anak niya. Kasalanan niya kasi '

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 17

    "Mom, is this true??? Are you hiding something from me again? Kaya ba nagmamadali kang umalis ng bansa at bumalik ng Europa dahil alam mong nagkakalapit na kami ng biological father ko?" sunod sunod na tanong ng anak ko at wala akong maapuhap na sagot sa mga katanungan niya ngayon, miski ako ay nagulat ng malaman ni MC na may anak kami gayong hinarang ko naman ang naunang DNA test result niya. Pero, sadyang mautak siya at hindi na rin ako magtataka dahil hindi na siya ang dating MC na kilala at minahal ko. "Mom! Please answer me. I need to know the truth.." naiiyak na wika ng anak ko at sa mga oras na 'yon nanatili akong pipi at bingi sa harapan niya. Hindi ako pwedeng magsalita gayong mas lala ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa ng anak ko. "Tyron, son, go to your room and pack your things. Don't interrogate me now. We need to leave as early as we can." mariing utos ko. Tumingin lang sa akin ito sabay takbo. Mabuti naman naturuan ko ang anak ko noon pa man na makikinig pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status