Share

Chapter 2

Mabilis akong nag para nang taxi at isinakay kaagad rito ang asawa kong malapit ng mawalan ng malay..

Habang nasa byahe kami panay ang kausap ko rito. Para hindi siya pumikit, dahil takot na takot ako nang sandaling 'yon lalo na't buntis pa ito.

"Hon, laban. Please!" sambit ko habang hawak ko ang kamay niya at hindi ko talaga binibitawan ito kahit na mangalay pa ako..

Nang makarating kami ng ospital, hindi kaagad na assist ang asawa ko, dahil hinihingian kami ng pera.

"Miss baka pwedeng i-admit niyo muna ang asawa ko. Mamaya na ako magbabayad." paki usap ko rito..

"Sir, pasensya na po hospital policy." sagot niya..

Biglang nag panting ang tainga ko sa sinabi nito. Kaya naman napalakas ang boses ko bigla..

"A-ano! Hihintayin niyo pang mamatay ang asawa ko, bago niyo i-admit. Anong klaseng ospital 'to." hysterical na sigaw ko.

"Sir, kung mag e-eskandalo lang kayo dito umalis na po kayo. Guard! Guard!" sigaw nito..

"Hindi kami aalis rito." pagmamatigas ko. Halos magmakaawa na ako sa'kanila, dahil nakikita kung nahihirapan na ang asawa ko sa kalagayan niya..

"Ano ba! Tumawag kayo ng doctor," malakas na sigaw ko..

"Sir, hindi talaga pwede..

Natahimik ang lahat ng dumating si Tita Marga..

Binalingan niya ako ng tingin sabay bulong na; "Anong ginagawa mo, nakakahiya ka..

Lumapit ito sa staff at pinag sabihan ito.

"Miss, hindi mo ba nakikilala yang pasyente niyo. Gusto mong mawalan ng trabaho???" galit na wika ni tita Marga.

"Ho! Sorry po, bago lang kasi ako dito. Ano po bang pangalan ng pasyente?! tanong nito..

"Tamara Wilson Beni--- naputol ang pag sasalita ko ng sawayin ako ni tita Marga..

"Pwede ba. Get lost! Hindi ka kailangan dito. Shut! Up!" sigaw nito.

"She is Tamara Wilson, the granddaughter of Queen Eliza the owner of this hospital.. Pagka rinig ng staff sa sinabi ni tita Marga, kaagad naman silang nagsi-kilos para i-admit ang asawa ko.. Sa kadahilanang marami ng dugo ang nawala sa asawa ko diretso na siyang emergency room..

Lalapit pa sana ako, ngunit hinarangan ako ni tita Marga..

"Oops! Saan ka pupunta?" naka taas ang kilay na tanong nito.

"Sa asawa ko tita," naka yukong sambit ko.

"Huh! Anong gagawin mo roon. Umuwi ka na, hindi ka naman doctor." ani nito.

"Hindi po ako aalis, kailangan ako mg asawa ko rito. Kayo na lang po ang umalis." sagot ko.

"Aba! Bastos ka! Lumayas ka dito, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guard." banta nito, pero kailangan kung mag matigas. Hindi ako pwedeng umalis rito.

Nanatili akong naka tayo at hindi ko siya pinansin kahit anong sabihin niya.

"Ano hindi ka talaga aalis. Nagmamatigas ka pwes tatawag ako ng security. Guard! Guard!" sigaw nito.

"Tita! Hwag naman." ani ko sabay takip ng bibig niya.

"Nyard! Nyard!" wika nito.. Na pilit inaalis ang kamay ko hanggang sa kagatin niya ang kamay ko at nabitawan ko siya..

"Kadiri ka! Guard! Guard!" sigaw nito at nang makita kung lalapit na ang guard nag tatakbo ako kaya hinabol nila ako, mabuti na lang naka tago ako agad. Hingal na hingal ako kakatakbo. Nang makita kung lumihis ang dalawang guard mula sa butas lumabas na ako kung saan ako nag tatago. Nagpalinga linga muna ako sa kaliwa at kanan, nang masigurado kung naligaw ko na ang mga ito mabilis akong tumakbo pabalik ng room ng asawa ko.

Kasalukuyang inaasikaso siya sa E.R at wala man lang akong magawa sa ngayon, tanging dasal lang ang magagawa ko sa ngayon.

"Hwag niyo pong hahayaang may mangyaring masama sa mag-ina ko. Sainyo na lang po ako kakapit, Lord. Kayo na pong bahala sa mag-ina ko." taimitim kung panalangin.

Habang nag hihintay ako sa labas ng E.R panay buntong hininga ko ng malalim, hanggang sa may lumabas na doctor sa E.R at nilapitan ito.

"Doc, kumusta na po ang asawa ko?" tanong ko rito.

"Name of patient?" baling na tanong nito sa'akin.

"Tamara Wilson Benetiz po..

"She's fine, hintayin niyo na lang po siya sa recovery room. I have to go." wika nito bago umalis..

"Salamat po, doc." sagot ko.

Medyo naka hinga ako ng maluwag sa narinig ko. Hindi man ganon ka ginhawa, ngunit sapat na sa'akin na malamang ligtas ang mag-ina ko.

Habang hinihintay kung ilipat siya sa recovery room siyang balik naman ng matapobreng tita nito.

"Nandito ka na naman. Hindi ba sinabi ko na sayo, hindi ka kailangan dito. Umalis ka kaya sa harapan ko." masungit na sambit nito.

"Akala mo naman kung sinong mayaman e' sampid rin lang naman," bulong ko, kahit papaano man lang naka ganti ako rito.

"Anong binu bulong bulong mo r'yan? Aber!" pasigaw na tanong nito.

"W-wala po."nauutal na sagot ko. Alangan namang kasing ipahamak ko ang sarili ko sa'kaniya.

"Good! Hwag kang haharang harang sa dinaraanan ko, kasi naalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Gets?" maarteng sambit nito.

Tumango na lang ako at baka topakin na naman ang evil na 'yon..

Paglabas nang asawa ko sa E.R habang tulak tulak ng nurse ang strecher bed nito patungong recovery.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong nito..

Sasagot na sana ako ng nag salita ang bida bidang tita nito.

"Yes! She's my niece. How's my niece? she's fine?" tanong nito.

Nakitang kung kumunot ang noo ng nurse staff at maging ako ay pasimpleng naubo sa pagiging trying hard ng tita niya magsalita ng english.

Lumapit ako at nag salita..

"Ako po ang asawa ng pasyente," ani ko.

Tumingin muna ito sa'akin bago nag salita.

"Please! Follow me." saan nito.

Naka alis na ang nurse nang biglang bilahin ng tita nito ang kamay ko.

"Anong nakakatawa?" tanong nito.

"Ha? Wala po tita, ang galing niyo nang mag salita ng wikang english." plastik na papuri ko, pero ang totoo namamatay ako sa katatawa sa loob-loob ko. Hindi man ako nakapag patuloy sa pag-a-aral ko, ngunit batid kung mas malawak ang kaalaman ko sa pagsasalita ng wikang english kumpara sa tita nitong trying hard lang naman. Akala niya yata hindi ko alam ang tunay na kwento ng buhay niya.

Tumakbo na ako para makasunod sa nurse kanina, iniwan ko ang tita niyang matapobre. Bahala siya, pero hindi ko siya susunding sa ngayon. Mag-ina ko ang pasyente, mas may karapatan ako sa'kanila..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status