Michelle's Point of View"How's your trip, Michelle?" tanong sa akin ni Robert nang kami pa lamang sa loob ng sasakyan. Hinihintay namin si Lucas dahil may naging aberya sa immigration. Pinauna na niya ako sa sasakyan at ngayon nga ay kasama ko si Robert habang hinihintay siya."Okay naman, Robert," sagot kong nakangiti. Totoo naman na okay ang lahat. Naging masaya ang bakasyon na iyon para sa akin dahil nakasama ko sila Nana."Buti naman at nag-enjoy ka. Biglaan ang plano na iyon ni Lucas para sa birthday mo. At least naging maayos naman ang kinalabasan...""Birthday?" kunot noong ika ko.Napatitig ako kay Robert. Hindi makapaniwalang para sa akin talaga ang trip na iyon. Natameme ako habang kumakabog na naman ang dibdib ko sa reyalisasyong gumawa talagang ng ganoong effort si Lucas para sa akin. Para sa birthday ko pa. Ibig bang sabihin ay hindi talaga ako dinadaya ng mga mata ko sa nakikitang pagbabago sa kanya?No... ayaw ko pa rin maniwala. Sa lahat ng mga nangyari sa pagitan na
Michelle's Point of ViewNanatili pa kami sa US ng isang linggo. Nagpapasalamat ako dahil minsan lang umatake ang sakit ko. Last day of our trip, naiwan na kami ni Lucas at nakauwi na sila Nana."Do you think Robert will like this?" Nagulat ako nang tanungin ako ni Lucas. May hawak siyang perfume na panlalaki. Pasalubong niya iyon kay Robert. Nasa isang sikat na store kami ng mga perfume ngayon. He just dragged me, and here we are, nasa isang luxury mall na kami ngayon. Ayaw ko sanang lumabas dahil wala kaming ibang ginawa noong narito sila Nana kundi ang mamasyal."Ah...siguro," alanganin kong sagot. Hindi naman kasi niya ako tinatanong dati. May sarili siyang desisyon. Wala akong anumang say sa lahat. Kaya talagang nagtaka ako na tinatanong niya ako ngayon. Naisip ko na lang na siguro, dahil para kay Robert iyon at medyo kilala ko naman si Robert."Smell it and tell me..." sabi niyang lumapit sa akin. Ipinaamoy niya sa akin ang perfume na hawak. Lumukot ang noo ko dahil hindi ko m
Lucas Point of View Sabi ko aalis ako kapag naihatid ko na siya. But no, I was there until she fell asleep. Nakatalikod siya sa kinaroroonan ko gaya ng lagi niyang ginagawa kapag magkasama kami sa iisang kuwarto. I know she was in pain, I want to ease that, pero halata ang matinding pag-iwas niya sa akin pagkatapos naming makababa sa elevator.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya kung saan siya nakaharap. She was peacefully sleeping now. Pero hindi maikakailang may nararamdaman siya. Her lips are pale as so the color of her skin. Gusto kong haplusin ang mukha niya pero half way, I turn away and back out. Sa side table ay nasagi ng mga mata ko ang gamot na ininom niya kanina. Kinuha ko iyon at binasa. Napaingos ako dahil naroon ang pangalan ng doctor na nag-prescribe ng gamot. Doctor Emmanuel Vistro."Who are you to her anyway?" anas ko habang nakatitig sa pangalan nito. Nakakairitang mabasa kahit pangalan ng lalaking iyon.Muli kong si
Michelle's Point of ViewMy heart was full and I was really happy. Akala ko kasi hindi ko na makikita pa sila Nana. Silang lahat. Pero heto, nasa harapan ko na sila at nayayakap. Binigyan ako ng pagkakataong makasama pa sila."Let's not stay here a little longer. Let's go..." sabi ni Papa Val na mukhang healthy at masigla ngayon. Bago sila umalis noon ay parang may sakit ito. Though they look older than it was before. Ilang taon na rin naman ang nakalipas. Kahit na nakakausap ko sila via FaceTime or sa telepono, iba pa rin sa personal. Iba pa rin na nahahawakan ko sila. Baka ito na nga rin ang huli. Sumakay kaming lahat sa sasakyan. Kaya pala malaki at seven seater ang kinuha ni Lucas dahil apat silang paparito."Oh wow, himala yatang nagmaneho ka, Lucas..."Bumaling ako kay Lucas dahil sa tanong na iyon ni Nana. Naalala ko nga, nabanggit niyang hinding hindi niya gusto ang pagmamaneho. Ayaw na ayaw niyang humahawak ng manibela. Pero nabanggit niya rin minsan na dahil sa akin ay nap
Lucas Point of View "Ilang araw ba tayo rito, Lucas?" tanong ni Michelle sa akin na para bang nayayamot. Tatlong araw din kami sa pamamahay ng mga Schutz bago kami lumipat sa isang hotel. I let her spend time with Leila and Georgia habang busy kami ni Scott sa pag-finalize sa business proposal. They want us to stay with them pero may plano ako. Though later tonight, ay babalik kami doon dahil they invite us for dinner with the persons we are going to pick up right now.Itong bakasyon na ito ang pinakamatagal sa lahat ng bakasyon na kinuha ko. Though the three days are more on business matter. Ito naman ang mahabang pagkawala ko sa kompanya. And I'm not worried at all. Parang hindi ko nga naiisip kung anong nangyayari ngayon sa kompanya. Maybe because I really trust Robert to run the company.I don't know. Wala sa isipan ko ngayon ang mga bagay na noon ay atat akong balikan.Nasa biyahe na kami ngayon going to the airport. May susunduin kami. They fly to where we are dahil gusto nilan
Lucas Point of View "Ganda!" Nagulat ako sa batang bigla na lang sumigaw at pumasok sa kuwarto namin. Mabilis itong tumakbo palapit at yumakap kay Michelle na agad na bumaba sa kama para salubungin ang bata. She's cute. Kulot ang buhok at mukhang gustong-gusto niya si Michelle. I always saw her when I visited to meet her father, pero aloof siya sa akin. Kahit pilitin ng ama na batiin ako ay ayaw niya. Magtatago lamang ito sa likuran ng kanyang ina. But this time it's different. Masigla ang batang bigla na lang pumasok. Hindi alintana na naroon ako. "Ganda, I miss you..." sabi ng batang babae. It's been years pero mukhang hindi nagkulang si Georgia sa pagkukuwento tungkol kay Michelle. Dahil mukhang magaan pa rin ang loob nito kay Michelle. I always hear their story. Kung paano sila nagkakilala ni Michelle at kung paano naging magkasundo ang anak nito at ni Michelle. A bond I never expected to happen. "I'm sorry, hindi ko napigilan si Leila." Mula sa pinto ay hinging paumanhi