Lucas Point of View "Lucas, change your clothes. Baka mabinat ka..." habol na sabi ni Cheryle nang maglakad ako para habulin si Michelle. "Lucas...""Robert, let's go!" sigaw ko kay Robert na agad na tumalima at humabol sa paglalakad ko. Hindi na pinansin si Cheryle dahil sa pagmamadali ko."Do you want to change in your car, Mr. Belleza?" Narinig ko ang tanong na iyon ni Robert pero hindi ko siya nagawang sagutin. My eyes were busy searching for Michelle in the promises. Pero mukhang nakasakay na siya at nakaalis. "Lucas...""Tell them to search for the ring, Robert. Drain the pool if they need to! Basta mahanap lang nila ang singsing!" utos ko kay Robert bago pumasok sa loob ng sasakyan. Wala akong pakialam kung mababasa ko ang upuan dahil sa mga basang damit ko.Agad na tumawag si Robert. Rinig ko ang usapan nila ng isa sa maintenance sa lugar. Pagkapatos noon ay muli siyang bumaling sa akin."Aalis na ba tayo, Mr. Belleza?"Tumango ako habang hindi maipinta ang mukha ko. I was
Michelle's Point of View Malapit na ako sa entrance nang mahipo ko ang aking mga daliri. Napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala ang singsing sa palasingsingan ko. Kinabahan ako at napalingon-lingon. Hinanap roon dahil baka nahulog lang dahil sa pagmamadali ko. Maging sa mga damit at bag ko ay hinalughog ko. Para akong pukis na nag-body search sa aking sarili. Pero wala doon. Naiyak na ako kahahanap dahil importante iyon.When suddenly something reminds me. Sa pool. Baka doon ko iyon nahulog.Naalala kong hindi ko pala iyon natanggal kanina dahil sa inis na inis ako kay Lucas. Hindi ko siguro napansin na nahulog iyon habang nakalublob ako sa tubig. Tama, maaaring doon nahulog iyon. Mabilis akong bumalik. Agad na tinungo ang pool. At kahit nakapang-opisina na ako ay sumulong ako sa tubig. Pilit hinanap ang singsing. Makailang ulit akong sumisid para hanapin iyon. Sumasabay na ang mga luha ko sa tubig. Wala roon ang singsing. Hindi ko makita. Ngunit hindi ako t
Michelle's Point of View "Get in, sumama ka sa amin!"Nahulog ang panga kong muling humarap sa kanya. Bakit?"Just get in, Michelle. We're late!" aniyang iritadong iritado na. Kaya naman napabalik ako ng mabilis sa sasakyan. Puzzled nga lamang dahil bakit ako sasama? Sumama nga ako sa kanila. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan kong sumama. Wala naman akong nakuhang paliwanang mula kay Lucas. Busy ang mga mata niya sa pagbabasa ng kung anong dokumento. Dahil doon ay pinagsalikop ko ang mga kamay ko. Naglaro ang mga daliri ko habang nakapatong sa aking mga hita."Why do you have Nana's ring?" nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila. Tiningnan niyang mabuti ang palasingsingan ko.Pilit kong hinihila ang kamay ko pero nanlisik lang ang mga mata niya sa akin. "She gave it to me!" sagot ko. Bigla niyang binitiwan ang kamay ko at biglang nagdilim ang awra ng mukha niya. Ewan ko kung bakit at ayaw kong alamin."Don't wear it!" Bigla niyang saad.
Michelle's Point of View Gaya ng isang gabi. Naglatag muli ako ng tutulugan ko sa sahig. Nakahiga na si Lucas at sa tingin ko'y tulog na siya dahil sa mahihina niyang paghilik. Dahan-dahan ang bawat galaw na ginawa ko para hindi siya magising. Baka kasi magalit na naman siya at ako na naman ang pagbuntunan ng galit na iyon. Medyo payapa sa pagitan namin na dalawa kaya ayaw kong masira iyon.Makapal-kapal naman ang kumot na nilatag ko. Bago mahiga ay nag-take na muna ako ng gamot para hindi na tumuloy ang sipon ko. Mahirap na talagang magkasakit. Lalo na kung sarili ko rin lang ang aasahan ko.Nagdasal muna ako bago mahiga. I was very thankful dahil sa dumating sila Nana sa buhay ko. Ang kakulangan ni Lucas ay napupunan nila. Hanggang kailan ay hindi ko alam. Basta thankful ako sa lahat ng ginagawa nila para sa akin.It was three am when I felt so cold. Kahit anong gawin kong yakap sa sarili ko at siksik sa kumot ay hindi nakatulong sa lamig na nararamdaman ko. But a chilling stare r
Michelle's Point of View Nang lumabas sina Lucas at Robert ay tinapos na rin namin ang laro. Nagpaalam na rin sila Nana na mauna nang papanhik pagkatapos naming iligpit lahat. Maging sina nanay Susan at Lea ay nagpaalam ng magpapahinga. Ako na lang ang natira sa sala at hindi alam kung mananatili ba roon para hintayin si Lucas o papanhik na rin para magpahinga na. Ang ginawa ko ay ang una. Naupo ako sa sala para hintayin si Lucas. Bigla akong napabahing. Naku po, mukhang tinamaan ako. Bakit kung kailan akala ko okay na ako ay heto naman ang sipon. Napasinghot ako.Sinalat ko ang leeg at noo ko. "Aw!" igik ko nang mahaplos ang noo ko. Medyo masakit sa bandang napitik. Sigurado akong namumula pa iyon dahil masakit talaga.Napatayo ako nang maramdaman ang pagpasok ni Lucas. Nilingon ko siya na may ngiti sa mga labi. Pero tinaasan niya lamang ako ng kilay. Pagkatapos niyon ay nilagpasan niya ako para pumanhik na sa kuwarto. Nakaingos akong sumunod na lamang sa kanya pagkatapos kong ma
LUCAS POINT OF VIEW Kakaiba talaga itong si Michelle. Sinasadya niya bang balewalain ako sa harap nila Nana? She even serves Robert food while I'm beside her. Am I a joke to her? Menudo is my favorite. But not anymore. Michelle makes me dislike my favorites. Lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya, I will not liking them anymore!Pagkatapos kumain ay nauna akong nagpaalam para magpahinga. Iniwan ko sila roon kahit na inaaya nila akong mag-tsaa muna. I even let Robert join them. Maaga pa naman, and it's his choice if he wants to stay. Nana and Papa Val were so good on him. Ibinabalik naman niya iyon sa mga ito sa pamamagitan ng pagiging trustworthy person sa akin at sa buo naming pamilya.As I was inside the room, hindi ko mapigilang maalala ang ginagawa kanina ni Michelle. So she's painting? Katulad ng hobby ko noon. Hobby that eventually, I dislike in the end. I saw it a while ago. Bago pa man siya dumating ay nakita ko na ang supot ng mga binili niya. It was the cheapest kind of
Michelle's Point of ViewUmawang ang bibig ko at mabilis na bumaling kay Robert."Anong ibig mong sabihin?" Tipid siyang ngumiti bago niya paandarin ang sasakyan."Lucas instructed me to get you some medicine..."Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ko. So, talagang napansin niya na masama ang pakiramdam ko kanina.Biglang may galak na yumakap sa puso ko. Hindi ko mapigilan ang multo ng ngiting sumilay sa mga labi ko. Concern din naman pala talaga siya sa akin. Nakikita din niya ako kahit papaano."Kumusta na ang pakiramdam mo?"Muling nagsalita si Robert kaya muli din akong napalingon sa kanya."Okay naman ako, Robert. Salamat pa rin sa pagdala mo ng gamot kahit inutos lang ni Lucas," sabi ko. Tumango lamang siya bago nag-focus sa daan.Medyo okay na ang lalamunan ko. Kumakati-kati pero maayos naman. Sana hindi na lang talaga tumuloy dahil ayaw ko na talagang magkasakit pa.Tahimik kami ni Robert habang bumabiyahe. Gusto ko sanang hindi pa muwi agad pero nangako ako kila Nana
Michelle's Point of View "Salamat Robert. Kita na lang tayo sa kompanya," paalam ko ay Robert nang muli ay bumaba ako bago pa man makarating sa kompanya. Ayaw kong may makakita sa akin na bumababa sa kotseng gamit ni Lucas. Iwas na rin sa mga tsismis na puwedeng mag-umpisa. Sa amin o sa kanino man."Sige, Michelle."Kumaway pa ako sa kanya bago tuluyan na umalis. Laging ganoon ang routine namin kapag sumasabay ko sa kanila. Naroon man si Lucas o wala."Don't speak even if you're hurting..." Napanguso ako nang muling maalala ang sinabi na iyon ni Lucas kanina. Ganoon talaga siya kamuhi sa akin. Akala ko ayos na dahil inalagaan ko siya pero, wala din talaga siyang puso!"Hmmmm." Tumikhim ako. Medyo masakit talaga ang lalamunan ko. Huwag naman sana akong magkasakit. Hindi dapat ako magkasakit. Kaya naman pagdating ko sa kompanya ay agad akong nagpunta sa pantry area sa opisina namin upang magtimpla ng tea. Ginger lemon ang flavor. Makakatulong iyon sa lalamunan kong parang nasusunog
Lucas Point of ViewMay kalituhan sa isip kong nakatitig sa saradong pinto ng banyo. Anong nangyari? Natakot ba siya sa akin? Bigla akong napaubo. Pagkatapos ay parang may kung anong umuugong sa teynga ko. Napahawak ako roon. It's tinnitus again.I know yesterday I felt so sick. Lumulutang ang pakiramdam ko kaya naman maaga akong uuwi. Sana...But Michelle makes us wait! Tapos magte-text lang kay Robert na hindi sasabay sa amin. Did I give her a cellphone just to contact others? Then sana hindi ko na lang siya binigyan.Padarag kong inalis ang kumot sa katawan ko nang maalala ang nangyari kahapon. I am still kinda dizzy and weak. Pero kailangan kong magtrabaho dahil wala akong ibang aasahan magpatakbo sa kompanya kundi ako. Robert's workload is full already. May mga pinapagawa ako sa kanya beyond his jon at the office. Naglakad ako papunta sa banyo. "Are you still not coming out? Michelle?" Kinatok ko ang pinto. Inilagay ko pa ang ulo ko palapit sa pinto upang pakinggan kung anong