Home / Romance / MGA TINIK SA KAMA / Chapter 44 - bedtime

Share

Chapter 44 - bedtime

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-09-02 13:50:40

Iniwan ko si Rex doon sa guest room at nagtungo ako ng kitchen. Naabutan ko pa si Ate Chona na natatawa. Hindi ako sigurado kung kami ni Rex ang pinagtawanan niya o may naisip siyang nakakatuwa. Nakasimangot na naupo ako sa bakanteng silya at nangalumbaba.

"Tama lang 'yong ginawa mo. Kung ako iyon baka sinipa ko sa puwet ang babae. Kalandi, eh. Siya pa talaga ang sumampa kay Sir at gumiling?" sulsol ng helper.

"Nakita n'yo rin, di ba? Tapos todo tanggi pa si Rex. Teka, Ate Chona, bukas pa 'yong pantalon niya noong gumiling 'yong babae sa kandungan niya?" pabulong niyang tanong.

"Hindi naman po yata, pero di ako sigurado. Narinig ko sila, mayroong tinatanong si Sir doon sa babae. Parang may impormasyon na gustong makuha si Sir."

"Ganoon po ba? Gagamitin kaya niya sa kaso?"

"Parang ganoon, kasi detalyado ang mga tanong niya. Parang nasa korte at nag-interrogate ng witness."

Ngumuso ako. Mali kaya ako ng akala? Baka strategy lang ni Rex ang nakita kong tagpo kanina at ang totoong layuni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Grace Dapatnapo Sucero
ay naku kapitan jan nagsisimula ang tukso. more update miss A. god bless
goodnovel comment avatar
Marilyn Oabel
naku captain umiwas k sa tukso at bka ang pangako m eh mapako ahaha
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Kung laging pagbibigyan at i-entertain kahit walang kinalaman sa trabaho, para mo na ring binigyan ng access na makalapit sa'yo at magkaroon ng chance na agawin ka.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 54 - debt and sex

    "Ano'ng sabi mo, Anikka? Diyan ka na mamamalagi? Hindi ba't may usapan tayo na kapag nakakuha ka ng pera sa ama ng anak mo, babalik ka rito at babayaran mo ang utang natin? Naisangla namin ang lupain nang magkasakit ang iyong ina, baka nakalimutan mo! Kung kailangang ibenta mo 'yang anak mo, gawin mo!"Nakagat ko na lang ang labi para supilin ang pagpatak ng luha. Kamag-anak ko si Tiya Vicky. Sa kaniya kami nanuluyan ni Mama pagkatapos ng trahedya sa Tacloban na ikinasawi ni Papa. Pero hindi naman libre ang pagtira namin doon. Nagtatrabaho si Mama. Ako naman ay tumutulong sa mga gawaing bahay. Sa madaling salita, katulong kami kaysa ituring na kapamilya.Okay lang naman sana iyon. Hindi nagrereklamo si Mama hanggang sa ipasok siya ni Tiya ng escort sa mga dayuhang bumisita roon sa isla. Doon niya nakuha ang sakit na ikinamatay niya pagkatapos ng mahabang gamutan.Nabaon ako sa utang at kalaunan ay pinasok na rin ang raket na naging dahilan kung bakit nawala sa akin si Mama. "Ano? Baki

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 53 - resolution

    "Relax, Langga." Marahang pinisil ni Ark ang aking kamay. Halata sigurong kabado ako. Sino ba 'yong guest na hinihintay niya? Hindi naman siguro siya gagawa ng underhanded tactic para malusutan ko ang paratang. Ayaw kong ilagay niya sa alanganin ang pangalan niya. Pulis siya at dapat batas at katarungan pa rin ang mangingibabaw sa priority niya."Sino 'yong hinihintay natin?" tanong kong nag-aabang sa pintuan ang mga mata."Si Aling Carol, utility siya ng condo at minsan kinomisyon ng mga unit owner para maglinis." May kumatok sa pinto. "Come in!" Tumayo si Ark at naglakad patungo sa desk nito. Kinalikot ang laptop na naroon.Bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nasa late forties ang edad, malinis na nakatali sa likod ang buhok at may maamong mukha sa kabila. Hinatid siya ng investigator doon.Pagkagimbal ang rumehistro sa mga mata ni Katricia nang makita ang panauhin. "Siya ang witness mo, Captain?" Sarcastic itong tumawa. "Ano'ng kasinungalingan ang pinagsasabi niya sa iyo? Tw

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 52 - lawsuit

    Nagisnan ko si Rex na hinihele ang anak namin. Madaling-araw na at hindi yata siya natutulog sa kababantay sa aming dalawa ng sanggol. Kahapon pa kasi ako inaapoy ng lagnat at nag-advice na ang pedia na huwag ko munang papadehin ang bata at baka mahawa sa trangkaso ko. Si Rex ang nagpupuyat sa pagtitimpla ng gatas at pagpapadede tapos inaalagaan pa niya ako."Nagugutom ka ba? Gusto mo ng gatas?" tanong niya."Bakit gising si baby?" tanong ko."Katatapos lang niya dumede kaya pinapatulog ko. Gusto yata niya diyan sa tabi mo." Bahagya siyang natawa at sinalat ang aking noo. "Mainit ka pa rin." Nanlumo siya at binalingan ang gamot.Nakatulog ang sanggol at agad niya itong ibinaba sa kuna. Lumabas siya ng kwarto at pagbalik ay may bitbit nang lugaw at gatas. May sliced fruits din. Kumain ako at naubos pati ang prutas. Uminom ako ng gamot at muling nakatulog.Magaan na ang pakiramdam ko pagkagising kinabukasan. Narinig ko mula sa may couch ang tawa ni Rex. Nasa harap siya ng laptop at mukh

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 51 - unsettled

    Tumawag sa bahay ang hospital at ipinaalam sa amin na nagising na si Katricia. Pero hindi ako umalis. Hinintay ko si Ark. Mahigpit niyang bilin sa akin na huwag akong pumunta mag-isa. Tanghali na siyang nakauwi ng bahay galing ng police station. Kaagad kaming tumulak patungong provincial hospital. Sinugod agad ako ni Mrs. Marquez pagpasok pa lang namin pero niyakap ako ni Ark at iniharang niya ang sarili."Mrs. Marquez, we came here to check on Katricia, hindi kami narito para maghanap ng gulo o para saktan mo ang fiancee ko. Like I said, she is innocent.""Cookies lang niya ang kinain ko, Ark!" palahaw ni Katricia. "You better tell the truth or I will personally investigate this matter. Oras na malaman kong may ginawa ka para i-frame si Zanaya, dadalhin ko sa korte ang kaso at hindi kita titigilan hangga't hindi ka nakukulong.""Ark," pigil ko sa kaniya. "Langga, nagsisinungaling siya.""How dare accused my daughter about lying, Capt. Columbus. You know, we are very disappointed of

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 50 - poison

    "Hindi ka ba nauuhaw, Anikka?" tanong ni Ate Chona sa akin pagkababa namin ng van."Careful." Kaagad akong sinaklot ni Rex sa baywang habang karga niya sa kanang bisig ang anak namin."Nagugutom ako," sabi kong tumingala kay Rex."Let's get inside, Chona, ipaasikaso mo na ang mga gamit sa back-ups ko," utos ni Rex kay Ate Chona. "And kindly follow-up the food I ordered from the restaurant. It should be here by now, umaga ko pa iyon na-book.""Sige po, Sir."Tumuloy kami sa loob ng bahay. Nasa high-end subdivision iyon sa karatig na lungsod ng Juan Luna. Lumipat na naman kami pagkatapos ng report tungkol sa kahina-hinalang mga tao na pumupunta ng hospital at doon sa bahay na dati kong tinitirhan."Rex, paki-check naman si baby, baka umihi," sabi kong naupo sa couch at minasahe ang kanan kong binti. Namimitig na naman. Mabigat pa talaga ang katawan ko at hindi pa ako dapat idi-discharge. Mabuti na lang at na-enroll ako for out-patient."How did you know she pee?" manghang tanong ni Rex

  • MGA TINIK SA KAMA   Chapter 49 - cookies

    Hindi ako makahinga sa kaba at pananabik habang humahagod sa tiyan ko ang ultrasound transducer. Nakatuon ang paningin ko sa monitor. Pigil ko ang hininga nang lumitaw doon ang images. "There's our baby," hinagkan ako ni Ark sa labi. Nag-ulap sa saya ang mga mata ko at hindi kumukurap habang nakatitig sa screen. "Ang baby ko," mahina kong usal. "Baby boy," anunsiyo ng doctor. "You have nothing to worry, malakas ang heartbeat niya at mahigpit ang kapit niya sa sinapupunan mo. Continue mo lang ang routine at doblehin ang pag-iingat para makaiwas sa panganib, okay? Bantayan din ang kinakain. I-konsulta lagi sa nutritionist kung may food kang gustong kainin. Dagdagan mo rin ng masa maraming veggies ang menu mo.""Thank you, Doc. Madalas nga pala akong nagkakaroon ng cramps.""Baka sobra ang iniinom mong malamig na tubig. Try lukewarm water sometimes. Very cold water may not affect the baby directly but your body will have reactions to it depending on the amount you take, cramps is one

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status