“Akrivos!” mabilis na tugon ni Director Nikolaus Levidis. Lumikha ng kaunting ingay ang naging tugon na iyon ng direktor. Hagen and Helga nodded their heads as a sign of agreement. Hinagod naman ni Rigor ang sariling baba habang matamang nag-iisip. Nagpahayag naman ng pagsang-ayon din ang ibang matatandang doktor na naroroon.
Nanlumo naman si Matthaios sa narinig na tugon ng direktor. Agad na sinakmal ng lungkot at panghihinayang ang kanyang damdamin. Paanong ang isang babaeng may mala-anghel na mukha ay nagtataglay ng ganoong kasamaan para sa buong sangkatauhan?
“But if that woman is the virus carrier, she could be dead also by this time, knowing that her likes are being hunted by the police and military,” wika ni Matthaios habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig kay Ava. There was something in her charm that he couldn’t understand. Bumibilis pa rin ang pintig ng puso niya habang nakatingin sa magandang mukha ng babae.
“Her name is not yet included in the list of the mutants that were killed by the Philippine police and military. At sabi nila, himalang nawala ang babaeng iyan nang magkasakit si Wilson at nang nagsimulang magsulputan ang mga nocturno,” mahinahong tugon ng direktor.
“She might be using other names. Ava Taylor could be a screen name only...” singit ni Helga.
“Pithanos,” sang-ayon ni Direktor Levidis sa sinabi ng doktora. “And that is the reason why you are here today. The Philippines is in bad shape and hopeless now. Oo nga’t maraming nocturno ang napapatay ng mga pulis at sundalo araw- araw, pero patuloy at mabilis naman silang dumadami. Araw-araw ay nadodoble ang bilang nila kung kaya karamihan sa mga tao maging ang gobyerno ay nawawalan na ng pag-asa. Three days ago, their president ordered the lockdown of some heavily infested areas. Nagresulta ito ng kawalan ng transportasyon, marami ang hindi nakakapasok sa trabaho, ilang kumpanya ang pansamantalang nagsara, nagkukulang na ang mga pagkain at gamot, unti-unti na ring bumabagsak ang kanilang ekonomiya. Kung kaya nang mag-alok ng tulong ang ating institusyon ay agad nila itong tinanggap.”
“So, we will go there to kill all the mutants?” sarkastikong tanong ni Rigor.
“Not really. You will go there to save them. They are still humans. Hangga’t maaari ay huwag ninyo silang papatayin.”
“Jesus!” Rigor sighed. “How could we do that? We all know that killing all the carriers will stop the virus. Without a new host, it will die naturally. As simple as that.”
Ang direktor naman ang napabuntong-hininga. Halatang sanay na rin ito sa magaspang na pag-uugali ni Rigor. “Dr. Lundgren, don’t forget that you are not only a soldier, you are also a doctor. Same with you, Matthaios, Hagen and Helga. You are raised and trained in this institution not to kill but to save human lives.”
“Pero paano namin ililigtas ang bansang iyon mula sa kumakalat na virus kung hindi papatay ng mga infected?” giit ni Rigor.
“Papatay kayo kung kinakailangan. But as much as possible, avoid killing the nocturnal mutants. Hindi nila kagustuhan ang nangyayari sa kanila. What they need is an antidote that will kill the virus in their body.”
Biglang pumormal ang kanina ay naiinis na si Rigor. “Sanay kaming tumuklas ng mga bagong gamot at bakuna, you know that, Director Levidis. But we can’t make a miracle in just one night. It will take time considering that we still lack genetic information of the virus. By the time na naimbento na namin ang antidote, baka ubos na ang mga tao sa lugar na iyon at maaaring kumalat na ang virus sa buong mundo.”
“Still, killing is not an option,” buntong-hininga muli ng direktor. “The more you worry, the more you should be in a hurry, Dr. Lundgren. Kailangang magmadali kayo. Walang oras na dapat masayang. Inayos na ng institusyon ang lahat ng kailangan ninyo papunta sa Pilipinas. Bukas na bukas din ay lilipad na kayo papunta roon. The Philippine government also prepared everything for you, ang hotel na pansamantala ninyong tutuluyan at ang laboratory na gagamitin ninyo including a team of Filipino doctor-scientists that will assist you.”
“Are you serious?” paniniguro ni Matthaios.
“Yes. I’m dead serious.” Lumipat sa kanya ang mga mata ni Director Levidis. “Eksaktong ika-sandaang taon na matapos ang pagsulpot ng isang plague noong 1921 na kumitil sa halos sampung milyong mga tao sa buong mundo, ang virus na nakapag-transform sa mga infected person into a zombie. Ibig sabihin, ipinanganak na ngayon at naghahasik na ng lagim ang mga bagong tagapagdala ng sumpa ng mga Illyrian.”
Tila may bara ang lalamunan niya nang muling magsalita. “Si Ava Taylor ba ang tinutukoy mo, lolo?”
“Akrivos.”
“Adynato,” palatak ni Rigor. “Paanong mapapapunta sa malayo at maliit na bansa ang descendant ng mga Illyrian?”
Hinarap ni Dr. Levidis si Rigor. “Nakalimutan n’yo na bang bahagi ng taktika nila ang paglipat sa iba’t-ibang bansa upang lituhin tayo? Remember Nigeria, Mexico, Colombia and Great Britain? Sa mga bansang iyon sumulpot ang mga naunang virus na kumitil ng milyun-milyong tao sa buong mundo sa loob ng ilang daang taon. Mabuti na lang at maaagap at matatalino ang ating mga ninuno kung kaya agad nilang nahanap at napatay ang mga Illyrian descendant na nagpalaganap ng mga virus na iyon.”
Helga butted in. “First, it was Africa, next was North and South America, and the last was Europe. Posible nga na Asia ang pinaka-latest destination ng Illyrian curse.” Bahagyang tumigil sa pagsasalita ang babae. “Wow! Nililibot ng Illyrian curse ang buong mundo at pinupuntahan ang bawat kontinente. At wala silang pinipili, kung mayaman o mahirap man ang bansa. Ang mas malupit, sa bansa pa ng ating mga ina napili ng kung sinong Illyrian descendant na iyon na maghasik ng lagim.”
Ipinagkibit-balikat lang ni Matthaios ang sinabi ni Helga. Hindi pa rin nawawala ang pagdududa niya. “Kahit na yata ano ang sabihin mo, lolo, hindi pa rin ako kumbinsido na ang Ava na iyan ang carrier ng sumpa.”
“Giati? Mahinang tumawa si Director Levidis. “Dahil ba maganda siya? Remember, beautiful women are more dangerous.”
“Because they can use their beauty to easily lure us. Marurupok pa naman tayong mga lalaki pagdating sa magagandang babae,”nangingiting sambot ni Hagen.
Saglit na nagtawanan ang mga naroroon. Kahit papaano ay bahagyang gumaan ang emosyon ng bawat isa.
Muling nagseryoso si Direktor Levidis at pinindot muli ang button ng hawak na gadget. Isang bagong larawan naman ni Ava ang lumabas sa screen kasama ang ilan pang impormasyon tungkol dito, twenty-three years old, high school graduate, a fashion and ramp model for less than a year , parents’ name are unknown, no permanent address, no social media account.
Matthaios dropped his lower jaw. Ava Taylor was really damn beautiful. Paanong sa likod ng napakagandang mukhang iyon ay nakatago pala ang isang kadiliman?
“Sang-ayon pa sa natuklasan ng ating investigation team, this Ava Taylor is not a pure Filipina. Sang-ayon sa isang article na nasulat sa kanya sa isang fashion magazine, isa raw siyang half-Filipina, half-British. Her mother is a Filipina domestic helper na naanakan ng anak ng amo noong nagtrabaho ito sa Great Britain more than twenty years ago,” paliwanag ng direktor.
“Etsi?” nakataas ang kilay na tanong ni Helga.
“Remember that the carrier of the Illyrian curse in 1921 was a British, right?” si Director Levidis uli.
“Are you saying that Ava Taylor could be a descendant of Jacob Evans? The carrier of zombie virus who was killed by one of the Levidis one hundred years ago?” pagkukumpirma ni Hagen.
“Yes. Jacob Evans was killed by Diomedes Stavros Levidis, my father.” May pagmamalaki sa tinig ni Director Levidis. “Maaaring lingid sa kaalaman ng ating mga ninuno ay may naiwang binhi si Jacob Evans. At mula sa binhing iyon, posibleng nanggaling ang Ava Taylor na iyan. But anyway, that was only a speculation, but who knows?” Suddenly, there was silence. Nagkatinginan silang apat palatandaan na iisa ang tinatakbo ng mga utak nila ngayon. “Now, do you get my point?” dugtong ng matandang doktor.
“Nai,” halos sabay-sabay nilang tugon.
“Poly kala!” nasisiyahang sabi ng doktor. “Siguro naman ay malinaw na sa inyong lahat kung bakit kailangan ninyong pumunta sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. This one will be more than a medical mission, but rather a quest to find and kill the possible newest carrier of the Illyrian curse and carry on the noble tradition of our clan.” Pagkuwa’y mabilis na nagpalipat-lipat ang tingin ni Dr. Levidis sa kanilang apat. “Any question?”
“Kanenas,” sabay-sabay nilang tugon.
“Kala,” nasisiyahang sambit ng direktor. “Now, this meeting is adjourned. You only have few hours to prepare your personal things. You will fly to the Philippines early in the morning tomorrow.”
Halos sabay-sabay na tumayo silang apat at nagpaalam sa isa’t isa. Naunang lumabas ng conference room si Rigor, kasunod si Hagen at Helga.
“Maiwan ka, Matthaios!” utos sa kanya ni Dr. Levidis nang humakbang na rin siya patungong pinto. Dahan-dahang lumapit sa kanya ang direktor. Bakas ang lungkot sa mga mata ng matanda. “Pasensiya na, aking apo, kung sa iyong mga balikat nakaatang ngayon ang isang napakahalagang misyon. Isa ka sa mga napili at hindi iyon maitatanggi ng katibayan na taglay mo sa iyong palad.”
“Einai entaxei”, lolo.” Matipid na ngumiti si Mattahios sabay lahad ng kanang palad. Sabay pa sila ng kanyang lolo na sumulyap sa birthmark na naroroon. “Kung tutuusin ay hindi naman ako dapat nabigla sa mga nalaman ko ngayon. Bata pa ako ay iminulat na sa akin ng ating pamilya na isa ako sa mga nakatakdang humanap at pumatay sa isa sa mga carrier ng Illyrian curse balang araw. Walang dahilan upang tanggihan ko ito.”
“Efcharisto,” natutuwang sambit ni Direktor Levidis sabay tapik sa kanyang braso. “Tunay ka ngang isang Thracian. Nananalaytay sa iyong mga ugat ang dugo ng isang mandirigma, ang dugo ng ating ninuno na si Haring Tereus.”
“The blood of King Tereus,” natatawang ulit ni Matthaios.
“Sosta. The blood of King Tereus. The blood that makes you special and extra ordinary. Isang katangian na wala ang ibang nilalang.” May pagmamalaki sa tinig ng matandang doktor.
“Efcharisto, lolo.”
Ipinatong ng direktor ang isang palad sa balikat niya. “Carry on with this mission, Dr. Matthaios Levidis. Find and kill the carrier of the Illyrian curse and save the human kind, sapagkat iyan ang nakatakda para sa iyo.”
“Tha sas,” taos-pusong tugon niya.
“Aasahan ko iyan.” Pagkasabi noon ay mahigpit siyang niyakap ng kanyang lolo na ginantihan naman niya ng yakap din. “Gawin mong madali ang pagtupad sa iyong misyon, Matthaios, sapagkat napakahalaga ng panahon sa labang ito. And please, do come home safe and unharmed, my grandchild.”
“Tha sas,” muli niyang tugon na sinundan ng marahang tango.
Pagkatapos noon ay dahan-dahang siyang kumalas mula sa pagkakayakap ng kanyang lolo at mabilis na tumalikod upang hindi makita ng matanda ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.
Jesus! At paano naman niya papatayin ang isang napakagandang babae?
Paano niya papatayin ang isang katulad ni Ava Taylor?
Pasado alas-onse na ng gabi ngunit patuloy pa rin si Nica sa paglalakad sa kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway sa Cavite sa pagbabakasakaling may pampasaherong bus pa siyang masakyan bago abutan ng total lockdown pagsapit ng hatinggabi. Hindi niya alintana ang matinding hirap at pagod dahil sa kagustuhang makauwi sa kaniyang nayon sa Tagaytay City. Ang alam niya ay nasa state of community quarantine lamang ang Maynila at mga karatig-lugar dahil sa isang deadly virus na kumakalat. Ngunit biglang may kumalat na balita na mamayang alas-dose raw ng hatinggabi ay idedeklara na rin ng pangulo ng Pilipinas ang total lockdown kung kaya tanghali pa lang ay ipinagbawal na sa mga pampasaherong sasakyan na maglabas-pasok hindi lamang sa Maynila kungdi maging sa buong Calabarzon. Ang sabi ng mga pulis na nasa check point ay aarestuhin na ang mga taong mahuhuli pa ring naglalakad sa kalsada pagsapit ng alas dose ng hatinggabi kung kaya umaasa siyang may mabuting pusong magpapasak
Naalimpungatan pa si Nica nang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Ginising siya ng tinig at mahinang pag-alog ni Matthaios sa kanyang balikat. “Papasok na tayo ng Tagaytay, Nica,” mahinahong sabi ni Matthaios. Sukat sa narinig ay napabalikwas siya. Pagdungaw niya ng bintana ay napatunayan niyang totoo ang sinabi ng lalaki. Sa wakas ay muli niyang nasilayan ang malalaking puno ng narra na nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada, ganoon din ang halos dikit-dikit na mga hotel, resort at restaurant at maliliit na kainan tanda ng maunlad na turismo sa lungsod. Ilang buwan din siyang hindi nakauwi sa lugar na ito dahil sa mga modelling projects kung kaya hindi niya maitago ang sayang nararamdaman. Ngunit taliwas sa nakasanayan niya na dati ay buhay na buhay ang turismo sa lungsod kahit dis oras ng gabi, ngayon ay sarado na ang lahat ng establishments at wala na ring tao sa paligid. Wala rin halos bumibiyahe maliban sa ilang private vehicles at mga tru
“Ang buong akala namin ay hindi ka na makakauwi dahil sa pinaiiral na lockdown, ate Nica,” tuwang-tuwang sabi ni Jen, pinsang buo ni Nica na siyang tumitingin sa kanyang lolo’t lola kapag wala siya. Hawak nito ang pasalubong niyang make up kit. Bata si Jen o Jenevie ng tatlong taon sa kanya, anak ito ng pinsang buo ng kanyang ina. Katulad niya, ay maganda rin ito bagamat may kakulitan. “Ano ka ba, Jen,” nakangiting wika niya. “Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi talaga ako kahit harangan pa ako ng sibat.” “Sus! Ang sabihin mo, kung hindi ka pinasakay ng guwapong doktor na ikinukuwento mo, siguradong wala ka pa rito sa mga oras na ito,” pang-aasar ni Jen sa kanya. “Kungsabagay…” Lumuwang ang ngiti ni Nica pagkaalala kay Matthaios. “Ikuwento mo pa siya, dali,” pangungulit ng pinsan niya. “Ano ka ba, Jen? Wala na akong ibang masasabi tungkol kay Matthaios maliban sa pagiging guwapo niya kahit ubod siya ng presko.” Of course, w
Isang galit na galit na Rigor ang nadatnan ni Matthaios sa pinto ng laboratory room ng Research Institute of the Philippines kinaumagahan.“Where have you been? Halos magdamag kang nawala kahit alam mo na kailangang-kailangan ka dito?” pasikmat na tanong ng lalaki sa kanya. “I just visited my relatives here,” kalmadong tugon niya habang pumapasok sa laboratory room. Nilampasan niya ang nakatayong si Rigor. “At inuna mo pa ang pamamasyal kaysa sa trabaho natin dito? Remember, we are running out of time. Konting panahon lang ang ibinigay sa atin ni Directo Levidis upang i-solve ang problema natin sa buwiset na virus na ito,” gigil ni Rigor habang sinusundan siya. Kalmado pa ring hinarap ni Matthaios ang nanggagalaiting lalaki. “I know why you’re upset, Rigor. Hindi mo gusto ang sitwasyon mo ngayon. Sa halip kasi na nasa Athens ka at inaasikaso ang sarili mong kasal ay naririto ka ngayon upang hanapan ng solusyon ang problema ng bansang ito.”
Naaalimpungatang inabot ni Nica ang cell phone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng higaan niya. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang caller. Si Khid Morales, ang kanyang handler. “Ava? Pasensiya na kung napatawag ako. May problema tayo,” balisang sabi ni Khid sa kabilang linya. Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nica. Mabilis siyang sumulyap sa orasang nasa dingding. Alas-diyes na pala ng umaga. Tinanghali siya ng gising dahil sa malagim na mga pangyayari kagabi. “Khid, bakit ka tumawag? Hindi ba’t ang usapan natin ay magla-lie low muna ako sa modelling at kung maaari ay wala muna tayong komunikasyon habang hindi pa normal ang lahat?” pupungas-pungas niyang sabi pero nagsisimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi tatawag sa kanya si Khid ng walang matinding dahilan. “May naghahanap sa iyo, Ava,” kandautal na sagot ni Khid. “May tatlong lalaki na pumunta sa condo ko kanina, pulis ‘yong isa at pilit akong hini
Walang pagsidlan ang tuwa nina lolo Marcial at lola Henya sa salaping ipinakita ni Nica sa mga ito. “Totoo ba ito? Matutubos na natin ang bahay at lupa natin na nakasangla sa bangko?” bulalas ni lolo Henya habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa mga salaping papel na nasa loob ng bag pack. “At makapagsisimula pa tayo nang maliit na negosyo, lola,” masayang tugon niya. “Ipagpapatuloy ko rin ang naudlot kong pag-aaral sa kolehiyo. Alam naman ninyong gustong-gusto kong makatapos ng pag-aaral. Ayoko kasing matulad sa ilang taga-rito sa ating baryo na sinikatan at nilubugan na ng araw sa bukid. Gusto kong kahit papaano ay umasenso sa buhay.” Hindi lingid sa dalawang matanda na mula pagkabata ay pinangarap na niyang yumaman sapagkat ayaw niyang matulad sa kanyang ina na namasukang domestic helper noon sa Great Britain na kalaunan ay naanakan at iniwan ng nakarelasyon nitong anak ng amo. Dulot ng kahihiyan at depresyon, kinitil ng kanyang ina ang
“Dalian n’yo nga ang paglalakad. Aabutin na tayo ng dilim dito sa kahuyan, eh!” sikmat ng nagmamadaling si Marlon. Hindi ito magkandaugaga sa pag-ahon mula sa matarik na lupa habang sinusundan ito nina Nica, Garreth, Jen at Glenda. “Ano ba? Bakit ka ba masyadong nagmamadali?” sigaw ni Jen, bitbit nito ang basket na nilagyan ng mga prutas kanina. Si Garreth naman ang may dala ng mga ginamit na kaldero, plato at mga kubyertos. “Oo nga,” sang-ayon naman ni Glenda, isa rin sa mga kaibigan at kababata ni Nica. “Ikaw nga itong ayaw pang umahon sa tubig kanina kahit panay na ang tawag ko sa iyo,” natatawang dugtong pa nito. Bahagyang tumigil sa paghakbang si Marlon at nakapamaywang na lumingon sa kanila. “Eh, paano naman, ang buong akala ko ay maaga pa. Malay ko ba na mag-aalas sais na pala? Bago tayo makarating sa atin ay malamang madilim na.” “Eh, ano naman kung abutin tayo ng dilim dito?” natatawa ring tanong ni Jen. “Palagi naman tayong
Nang matiyak na ang kaligtasan ay saka pa lang naihakbang ni Nica ang mga paa sa nakahandusay pa rin na si Garreth. Humahagulhol na niyakap niya ang binata. Saka pa lang dumating ang humahangos na sina Jen at Glenda. Humalo sa kanyang iyak ang sigaw at panaghoy ng dalawang babae nang makita ang bangkay ni Marlon. Nang bahagya siyang kumalma ay saka pa lang lumapit sa kanya si Matthaios at iniabot ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. “Are you alright?” Puno ng pag-aalala ang tinig nito habang inaalalayan siya. Ang binatilyong kasama nito na agad niyang namukhaan ay si Garreth naman ang inalalayan. “Paano ka nakarating dito? I mean, paano mo nalaman ang lugar na ito?” nagtatakang tanong niya kay Matthaios nang makatayo na siya. “Inihatid kita dito sa Tagaytay kagabi, hindi ba?” nakangiting sagot ni Matthaios. “Oo nga. Pero sa highway ako bumaba. Paano mo nalaman ang eksaktong lugar ko?” “May imposible ba kung des