Share

CHAPTER 18 Revelation

Nagpipiglas si Nica nang sinimulan na siyang kaladkarin ng isang matangkad na lalaki habang ang walang malay na si Matthaios naman ay bitbit ng dalawa pang lalaki. Parang mga hayop silang isinalya ng mga ito sa loob ng isang van.

Nagsisigaw siya upang humingi ng saklolo. Wala silang kapitbahay pero umaasa siyang may makakarinig sa kaniya kahit papaano. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng isang lalaki sabay tutok ng baril sa kanya. Agad niyang nakilala kung sino ito. Ito ang lalaking kasama ni Borris sa Villa Constancia noong isang araw na pinuntahan niya ang lalaki.

Sa takot ay mas pinili niya ang manahimik. Ngayon ay alam na niya kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanila ni Matthaios. Ang hayop na si Borris Ivanovich.

Binaybay ng itim na van ang makipot at matarik na daan upang makarating ng highway. Pagdating nila sa may arko ay nakita niya ang isang itim na suv na nakatigil sa gilid ng kalsada. Dalawang lalaki ang nakatayo sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status