Share

CHAPTER 8

“INTINDIHIN mo na lang, Matt at bruha nga talaga iyan,” wika ni Aling Mila nang makitang hindi pa rin siya nilalabas ni Maliyah. Kani-kanina lang niya nalaman na Maliyah pala ang pangalan nito at talaga namang maganda katulad nito. Pero kung ibig sabihin ng pangalan nito ang pagbabasehan ay talagang bagay rito na parang laging galit sa mundo. 

Tinawid niya ang kalsada pabalik sa karinderya kung saan siya madalas tumambay at sobrang init. Ang tigas ng puso ng babaeng ito para tiisin siya na hindi labasin sa ganito kainit na panahon. Imposibleng natutulog ito na ang sabi ni Aling Mila ay kakarinig lang niya ng tili nito. 

“Hindi kaya…” Ilang hakbang na lang ay aabot na siya sa karinderya pero pinili niyang bumalik sa loob. Mas mabuti nang makasiguro kung talaga bang okay lang ito o hindi. 

“Saan ka pupunta? G*go! Trespassing ka!” sigaw ni Aling Mila nang wala anu-ano`y inakyat niya ang bakal na gate ng matandang mag-asawa. “Matt!” ulit ni Aling Mila. 

Tila wala siyang narinig sa naging sigaw nito. Imposibleng walang pakialam ang babae sa cellphone nito na ang sosyal  ng dating at kung tutuusin ay halos ayaw magpahawak o makipag-usap sa iba. Ang tanga niya para isiping wala itong pakialam at hinayaan siya sa labas na mainitan. 

Ilang segundo lang ay tinatahak na ni Matt ang hagdan paakyat ng bahay at ang tanging naabutan niya sa itaas ay ang tahimik na bahay. Sofa at maliit na mesa sa ginta. May malaking salamin sa kaliwang bahagi ng sala na malamang ay doon nag-aayos ang mga tao sa loob ng bahay. Ito ang unang beses na nakaakyat siya sa bahay na `to kahit pa matagal na siya sa lugar. Malinis nga ito lalo pa at sobrang kintab ng sahig na gawa sa kahoy at ang puting pintura ng kabuuan ng lugar. 

Sinubukan ni Matt na mangupahan sa bahay na ito pero wala nang kwarto na available kung kaya’t sa bahay-paupahan siya ni Aling Mila tumungo. Mabait ang ginang na mag-isa na rin sa buhay dahil namatay ang asawa at nag-iisang binatang anak nito ilang taon na ang nakakaraan. 

“Maliyah!” sigaw ni Matt sa gitna ng sala. His voice echoed in the whole place but no one answered him. Gawa lang sa kahoy ang buong bahay na kahit sabihing makapal iyon ay hindi sapat para hindi siya marinig. Dalawang hakbang ay may hallway sa kanan at may hallway sa kaliwa kung saan naroroon ang mga kwarto. But upon looking at both hallways, there are no slippers outside the rooms and that means, there are no people inside of those. 

“Nasaan kaya iyon?” Inisip niya na baka nasa banyo ito kaya naman inuna niyang puntahan ang kanang hallway, hanggang sa dulo ay tatlong malalaking banyo ang naabutan niya at sampayan. Lakad-takbo niyang tinungo ang kaliwang hallway at nakitang ganoon din ang sitwasyon doon pero mas una niyang nakita ang malapad na kusina. Sa kanan noon ay may tatlong banyo rin at labahan…

“Maliyah!” sigaw niya nang makitang nakahandusay ito sa madulas na sahig palabas ng sala. Nasa labahan pala ang babae at narinig niya ang impit na hikbi nito. Nakapikit ang mga mata ng babae kaya mas lalong nakaramdam ng kaba si Matt. 

“Ano`ng nangyari sa `yo?” nag-aalalang tanong niya at unang iniangat ang ulo ni Maliyah. Tiningnan niya kung may dugo ba na kailangang agapan pero wala. Doon lang siya tuluyang nakahinga na kanina pa pala siya nagpipigil. Matt just doesn’t understand why he is feeling this way when he doesn’t even know her aside from her name. She’s a witch for people and yet, here he is helping and saving her life for Pete’s sake. 

“Halika, kailangan kitang dalhin sa ospital. Five minutes lang mula rito.” Dahan-dahan niyang binuhat ang babae at sinikap na dalhin sa pinakamalapit na ospital. 

MATT looked at the woman’s face carefully and smiled. She’s indeed gorgeous and even looks like an angel when her eyes are closed. How can she be so blunt and mean when her eyes are open? If she’s a fallen angel, would it be possible for him to like her? He’s used to the demure type of women here in Iloilo. 

Maliyah has these natural thick eyebrows that women want. If talking about a pleasant face, this woman is really blessed, and apart from that, her full lips and pointed nose makes her more attractive. Kung tutuusin, wala ka ng maipipintas sa babaeng ito. Kung perfection ang pag-uusapan, she got everything!

Her family is wealthy based on what he heard, she’s pretty, and… that’s it. Wala nga talagang perperkto sa mundo kahit ano`ng pilitin ng isang tao. 

Muntik na siyang bumaliktad sa inuupuang plastic chair. Nagbukas kasi ng mga mata bigla ang babae. “Why the hell did you bring me here?” mataray na tanong ng babae sa kanya. Gising na pala ito at hindi man lang niya namalayan. He was too busy looking at her peaceful face. 

“Excuse me? Kinakausap kita,” istorbo ng babae sa kanyang iniisip. “Nagkabukol lang ako at wala akong pambayad sa ospital—” 

“Ako na ang magbabayad. Hindi naman masyadong mahal iyan,” aniya. Saka lang ito tumahimik. 

Sandaling tumingin sa kisame ang babae, may bandage ito sa ulo since malaki nga ang naging bukol nito. Buti na lang din at hindi dumugo ang ulo nito na malamang ay hindi ganoon kalakas ang impact. 

“Babayaran na lang kita kapag nagkapera na ako. Bukas mababayaran na ako ni Jake,” saad ng babae na ang tinutukoy ay ang anak-anakan ng matandang mag-asawa. “Bakit kasi ang hirap buksan ng washing machine, hindi ako marunong.” 

Kumunot-noo siya at tiningnan ang babae. “Hindi ka marunong mag-on ng washing machine?” tanong niya. Mayaman nga naman talaga ang pamilya ng babae pero kahit kailan ba ay hindi ito naglaba ng sariling damit? At bakit ito tila nagiging katulong sa bahay ng dalawang matanda?

Mahinang hinampas ng babae ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng kama. “Alam ko na ang laman ng isip mo at oo. Kahit kailan ay hindi pa ako gumagamit ng washing machine dahil hindi ko kailangan iyon. May pera ang mga magulang ko at kahit kailan ay hindi ko kailangang magtrabaho.” 

“Naka-graduate ka ba ng college?” Ayan na naman ang mataray na mukha ng babae at mabilis itong bumangon na para bang kanina ay hindi ito naiiyak nang abutan niya. “I mean, kadalasan ng mayayaman ay walang pakialam sa trabaho kasi nga may pera ang mga ito.” 

“Hindi ako naka-graduate, oo na. Busy ako sa ibang bagay.”

“Tulad ng?” 

At dahil nga mataray ang babae ay malamang na hindi siya nito sasagutin sa mga katanungan niya. Prenteng umupo na lang si Matt sa plastic chair na nasa kanang bahagi ng hospital bed. At ngayon lang napansin ni Matt na iilang single beds pala ang nasa linya nila at maging sa mga katapat pero halos walang mga tao roon. 

Ayaw ni Matt ang amoy ng ospital lalo na sa mga public dahil ibang-iba ang amoy nito kaysa sa private hospitals. Public hospital ang mas malapit sa lugar nila dahil nataranta na rin siya at naisip niyang mabuti na maagapan muna. This hospital doesn’t look clean but not too dirty, too. Paints are ripped and it’s so obvious that the place is too old because it looks more yellow than white. 

Maging ang ilaw ay hindi maayos dahil sa ilang parte ng ward na iyon, may mga ilaw na hindi gumagana at kaya madilim doon lalo na sa kama kung nasaan si Maliyah. Iniisip niya kung paano nagagawa ng mga nurses nang maayos ang kanilang mga trabaho lalo na sa pagtutusok ng karayom kung ganoon kadilim ang lugar. It isn’t actually good for a person’s well-being but people with nothing would definitely still grab the chance to be in this place rather than try to step into private hospitals. 

Kaninang pumasok sila ng ospital ay halos hindi sila mapansin ng mga nurses at doktor dahil andaming pasyente lalo na sa emergency room. May nadaanan pa silang namatay na kararating lang doon. 

“Hindi pa ba tayo aalis? Ayoko ng amoy rito,” reklamo ng babae. Wala itong dextrose since nawalan lang ito ng malay dahil sa pagkakabagok ng ulo nito. “Halika na at magbayad ka ng bills ko.” 

“Wala ka bang PhilHealth?” tanong niya sa babae na blangkong tingin ang ipinukol sa kanya.

“Wala akong alam sa phil-phil na sinasabi mo. Wala ako niyan kasi ang alam ko para sa mga mahihirap iyan.” 

Napakamot siya ng kanyang ulo. “May ganyan nga lolo ko, e,” aniya at sinundan ang babae na unti-unting tinatanggal ang bandage sa ulo. 

Nilingon siya nito at inihampas sa kanya ang bandage. “Why the hell did they put this on me? Wala akong sugat! Nakakainis, ah?” Siya na ang nahiya sa sinabi ng babae dahil tiningnan sila ng mga nandoon na kararating lang sa ward. Sana man lang ay hindi muna ito magtaray sa harap ng maraming tao. Magpapaliwanag pa sana siya pero huli na dahil may kailangang dumaan. 

“Dito ka.” Mabilis niyang hinila ang babae dahilan para mapayakap ito sa kanya. May stretcher na dadaan sana at kung hindi niya hinila si Maliyah ay malamang na nabangga ito. She’s a careless witch indeed. Sunod-sunod na nagsidatingan ang mga stretchers at mukhang may aksidente na nangyari ang ilan sa kanila ay may mga paso sa katawan. Huli na nang ma-realize ni Matt na sobrang higpit ng kanyang yakap sa babae na naamoy niya ang buhok at perfume nito. She even smells great. Can he just hug her for a long time? Is he even allowed to do that? Baka masapak siya nang wala sa oras. 

“You like hugging me that much?” saad ng babae habang nandoon pa rin ang mukha sa kanyang dibdib. “I like your scent. You almost smell like Jake-- f*ck!” bulalas nito na agad niyang tinakpan ang bibig. Masasamang tingin ang ipinukol sa kanila ng mga taga ward sa kanila. 

Inilayo niya nang dahan-dahan ang babae. “Lumabas na tayo rito at pinagtitinginan tayo ng mga tao. Saka mo na isipin iyang bukol mo kapag nasa bahay ka na ninyo,” aniya at hinila ito palabas ng ward area. 

When they reach outside the hospital, all they can hear are screams of patients covered with burns.  Nagkalat ang mga ito sa hallway ng ospital at ang iilan ay bumbero na nasa stretcher. Halos aabot sa kinseng mga katao ang isinugod at natulala lang sa gilid si Matt. Pamilyar ang ganitong eksena sa kanya na halos hindi niya maikhakbang ang kanyang mga paa paalis sa lugar. Kung saan man siya nakatingin ay hindi niya alam. 

He can even hear volunteers talking on their walkie-talkies and people murmuring around the area. Matt wonders how he can’t hear the shouts and screams of the doctors and nurses. 

Nakikita niyang sumisigaw sa mismong harap nila ang iilang nurses at doctors pero wala siyang naririnig. Hindi niya marinig ang mga ito. He smells antiseptic and blood all over the place mixed with perfumes that almost made him vomit. 

Mayamaya ay naramdaman niya ang dalawang mainit na kamay sa kanyang magkabilang tainga. And there, he heard his own heart beating faster. When Matt lowered her head, he saw Maliyah’s calm face, her eyes are just looking straight right through him. 

“Are you okay now?” 

Nakakarinig na siya. Naririnig niya ang boses ni Maliyah na klaro. She doesn’t sound angry or what and he likes the feeling of her palm on his ears. Matt suddenly feels safe because of her and now, she’s something that matters. Habang titig na titig siya sa mukha ni Maliyah ay naramdaman niya ang dahan-dahang paghila nito sa kanya paalis sa lugar na iyon. Pilit nitong iniwasan ang mga nakaksalubong nila at maging siya ay iniiwas nito para hindi mabangga. 

Maliyah did her best to get Matt out of the scene. Nagtaka siya sa inakto nito nang makita ang mga pasyenteng biktima ng sunog. She saw him with horror in his eyes, he even grabbed her tightly like he’s scared. She knew what it was and did her best to calm him. He saved her when he barely knew her. For some reason, he’s the first person who saved her from something, and so Maliyah thought it’s a good thing to pay for a good deed that she received from the same person. 

“You’ll be fine,” aniya at hawak-hawak ang kamay ng lalaki paalis ng ospital. Nang makalabas sila ay saka lang niya naalalang hindi pa sila nagbabayad ng bill kung kaya’t siya na ang nag-prisintang magbayad at iniwan na lamang sa labas si Matt. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status