Share

CHAPTER 7

“HINDI ka ba nagtataka bakit nandito ang witch na iyan?” Kunot-noong nilingon ni Jake ang katabing si Daniel na abala sa kakakuskos ng mga damit nito pero kung anu-ano ang lumalabas sa mga bibig. Ang totoo ay sandaling napaisip siya sa sinabi nito. 

Ang sabi ni Maliyah ay mayaman ang pamilya nito at walang ibang ginawa ang dalaga kundi gumastos ng pera ng mga magulang ngunit bakit nga ba ito nandito sa Iloilo na walang makukuha sa mga matatanda? Ang wirdo nga at bakit hindi niya naisip iyon?

“Bakit ang sungit mo kay Maliyah, Jake? Nagbago ka nang dumating siya rito.” 

“Ano`ng sinasabi mo?” tanong niya. 

Hinakot ni Daniel ang bula mula sa palanggana nito at inihip ito dahilan para mapunta sa mukha niya ang iba. “Ikaw ang pinaka-maingay araw-araw sa tuwing nagigising tayo, Jake. Ikaw ang maingay sa grupo at pakanta-kanta ka pa sa tuwing naliligo at lalabas ka ng banyo,” litanya ni Daniel. “Huwag mong sabihin na na-love-at-first-sight ka sa kanya? Sa witch na iyon?” 

“Sino`ng witch?” Halos mapatalon sa kinauupuan si Daniel at agad na nagpanggap na walang narinig. “Malamang ako `di ba? Ako lang naman ang babae rito,” dagdag pa nito at mataray silang tiningnan. Pati siya ay nadamay na naman. 

Naka-itim na tanktop ang babae at itim gray na leggings. Sa init ng panahon, nag-leggings pa ito. Kung wirdo siya sa pagsusuot ng sweatshirt, ano ito? 

“May kailangan ka?” baling sa kanya ni Maliyah. Bigla siyang napaiwas ng tingin. “Titig na titig ka naman sa akin.”

“Stop assuming that I—”

“And please stop defending yourself, Mr. Lavender. You’re making it so obvious.” Nakita niya ang pagrolyo ng mga mata nito. 

Ibinaba ni Jake ang damit na kanina ay kinukusot niya para lang kausapin ang malditang prinsesa na napadpad sa kanilang bahay. “May problema ka ba sa mundo at lagi kang ganyan?” tanong niya. “Kung tutuusin, dapat nga magpasalamat ka sa amin kasi kumakain ka ng libre, natutulog ka ng libre sa bahay na ito at kahit ambag mo na lang na pagluluto ay binabayaran ka pa.” 

Nakataas ang kaliwang kilay ng dalaga na hinarap siya. “Kung babayaran ninyo ako, magluluto ako. Kung hindi, hindi rin. Hindi kasama iyon sa usapang magiging mabait tayo sa isa’t-isa. You left a bad impression on me the first night we met, Mr. Lavender. I am not asking you to be nice. Magsama kayo ng chismoso mong kaibigan.” 

Bigla ay wala siyang masabi matapos silang iwan nito sa lababo na naglalaba. At ano raw? Did he leave a bad impression on her? Was he wrong for not trusting her since it was the first time they met? She just showed up in the middle of the night, looking so pretty and sexy, and looked for a room to sleep on, claiming that she’s the granddaughter of the oldies. 

He never met her not until that night. Dahil lang doon ay mainit na ang ulo nito sa kanya o talagang ipinaglihi ito sa kamyas? Pinilit na kinalma ni Jake ang sarili niya sa kabila ng mga sinabi ni Maliyah. He can control himself. 

“Nag-iba ka na nga, Jake. Lagi ka na lang parang may iniisip simula nang dumating iyan dito. Huwag naman sana, pare.” 

“Linisin ko po ba pati ang kwarto ninyo… Lo?” Halos hindi lumabas sa mga labi niya ang huling salitang iyon. Isang linggo na siyang nandito sa bahay ng matatanda at ni minsan ay hindi niya nabanggit ang mga salitang iyon. Hindi siya kumportable? Hindi niya alam. Nasa sala siya ngayon kasama ang dalawang matanda. Ang kanyang lola ay patingin-tingin sa kanya pero madalas ay tinatarayan siya. 

Gulat na lumingon sa kanya ang matanda at unti-unti ay ngumiti ito. Sa hindi malamang dahilan ay nagtataka si Maliyah bakit may kung ano`ng saya na hatid iyon sa kanya. Her grandma and grandpa never smiled at her even the first day she came into this house. It was Joacquin and Daniel. The grumpy one was Jake who thought she might be a burglar. 

Akmang sasagot na ang kanyang lolo ay sumulpot mula sa hallway. “Hindi na kailangan. Ako ang taga-linis nila ng kwarto at ako na ang bahala roon,” seryosong sabi nito habang inaayos ang damit na suot. Gwapo sana ang isang ito kung hindi suplado. Parang siya, sinasabi ng iba na maganda sana siya kung hindi mataray. 

Tumango ang kanyang lola. “Si Jake lang ang tanging papasok sa kwarto na iyon. Hindi ka papasok doon.” May diin ang pagkakasabi nito na natahimik siya. Maliyah was wrong when she thought that the oldies will embrace her tight when she reach their house. It was the opposite. She never felt welcomed in this household. They didn’t even bring up her parents’ death like her mom is not their daughter. 

Pilit-ngiting tumango rin siya sa naging pahayag ng kanyang lola at tumayo. “Sige po, lo, la. Sa kwarto na lang muna ako at magpapahinga,” paalam niya sa mga ito. Galit na sinulyapan niya mula sa repleksyon ng salamin si Jake na nakatingin na rin pala sa kanya. 

Siguro masaya ito na mas mahal ito ng kanyang lolo’t-lola kaysa sa kanya na totoong apo. How fun is that for him? Mapapel masyado at halata naman. 

Mamaya na siya lalabas kapag umalis na ang mga tao sa loob ng bahay na ito. Ang mga tauhan ni Jake ay hindi na bumalik ng bahay at pinagbawalan muna nito. Why did he have to do that? Ayos lang naman sa kanya iyon. E `di sana may nakakasama siya sa loob ng bahay kahit isa man lang sa mga ito. Kaunti na lang at sasamahan na niya ang lalaking babe ng babe sa kanya. 

Kating-kati na si Maliyah na maumpisahan ang kanyang plano pero hindi umaayon dahil lagi siyang nagagalit lalo na kapag nandiyan si Jake. Hindi niya tuloy makuha-kuha ang loob ng dalawang matanda. She can’t stop herself from being a mean person when Jake is in the picture. 

“MALIYAH, ako nga na nagluluto, sawang-sawa na sa luto ko pero ikaw bakit araw-araw kang kumakain dito? Wala ka pang nababayaran, ah?” saad ni Aling Mila. Hindi naman ito galit pero nagtataka ito bakit sa tuwing tanghalian ay doon siya kumakain imbes na sa bahay. 

“Babayaran naman po kita. Bukas pa ako babayaran ni Jake sa pagluluto ko sa umaga at gabi, e.” 

“Ah, si Jake pala ang su-sweldo sa `yo? Kuu! Napakabait ng batang iyan. Kung ako ay dalaga, sisiguraduhin kong mapapakasalan ko siya,” tila kinikilig na sabi ni Aling Mila. “Maganda ang pangangatawan at gwapo. Matitigan ko lang ang mukha ng batang iyan ay natutuwa na ako.” 

Tahimik na kumain si Maliyah. Pangalawang lumpia na siya at kailangan ubusin niya ang kinakain kasi may kailangan siyang kontrahin sa mga sinabi ni Aling Mila. 

Matapos ibaba ang kanyang kubyertos ay saka niya tiningnan ang ginang na nakatingin sa kanya habang kumakain. “Sino`ng mabait? Si Jake po? Seryoso kayo?” sarkastiko niyang tanong at uminom ng tubig. Isang lagok lang niya ang isang baso dahil sa init ng panahon ay nauuhaw na rin siya. Hindi mapili si Maliyah sa pagkain dahil kahit maraming pera ang kanyang mga magulang, may mga kaibigan siya sa paaralan noon na payak ang pamumuhay at natuto siyang tanggapin ang nakagawian ng mga ito. 

On that thought, she can always think of her ex-friends every time she’s eating in Aling Mila’s eatery. It reminds her of the days she’s still at school and had a reason not to see her parents. 

Nagpaypay gamit ng abaniko ang ginang. “Hindi ba? Inaaway ka ba ni Jake?” 

“Mismo! Mataray ako pero suplado rin kasi siya!” depensa niya kahit hindi naman niya dapat gawin ang bagay na iyon. Iniisip pa lang ni Maliyah ang mukha ni Jake ay umaakyat na sa ulo ang lahat ng inis na nararamdaman niya para sa lalaki. Because of him, she had to do things she’s never done in her life! 

On the contrary, she’s at fault too for being too comfortable knowing that her parents had lots of money. When the two died, she found out that her bank account is empty and the money that they saved just for her are all gone! Maliyah almost burned their house due to anger but she did not. May tamang oras at maibebenta niya ang bahay na iyon pero sa ngayon kailangan niyang gumalaw at nang mabilis niyang mahanap ang kanyang sadya sa lugar na ito imbes na huthutan ng pera ang kanyang nobyo. 

Speaking of, Joseph is still blocked in any of her social media accounts. 

“Hija, hindi kaya gusto ka ni Jake?” Umarte siyang naduduwal sa sinabi ni Aling Mila. “Huwag mo akong artehan ng ganyan. Wala kang lugi kay Jake kaysa naman kay Matt na panay papansin, e wala kang mapapala riyan.” 

Nagtaka siya. “Sino`ng Matt?” aniya at napabuntung-hininga ang ginang na tila hindi makapaniwala. 

“Si Matt iyong panay pa-cute sa iyo! Apo ng mayor iyon dito. Hindi lang halata dahil katulad mo, wala rin itong alam sa buhay kundi gumastos ng pera. Alam mo, mas bagay nga kayo. Huwag na si Jake.” 

Maliyah scoffed. She felt insulted. “Kung isa lang din sa kanila, huwag na lang, oy!” wika niya at pinaypay ang sarili gamit ang dalawang kamay. 

Matt pala ang pangalan nito? Apo ng mayor kaya malamang na maraming pera at malamang na hindi bigay ng pinsan nito ang sapatos na suot. Bakit ito magsisinungaling sa kanyang kung sakali? 

“Bayaran mo `ko bukas, Maliyah at mamamalengke ako. Hindi uubra sa akin iyang pagiging mataray mo.”

“Opo. Iaabot ko na bukas dito sa inyo,” sabi niya at uminom pa ulit bago nagdesisyong lumabas. Talaga nga namang lagi na lang niya makakasalubong ang sinasabi ni Aling Mila na si Matt. Ganoon pa rin ang porma; jersey shorts, sando, naka-medyas na itim at tsinelas. So, hindi lang si Jake ang wirdo sa ganitong mainit na panahon at may mas malala pa nga. 

Agad na rumehistro sa mukha ng lalaki ang tuwa. “Nandito ka pala? Hindi ka nanood ng laro namin noong nakaraan nang niyaya kita,” sabi nito na may halong pagkadismaya. 

Nagkibit-balikat siya. “I am not gonna waste my time watching some wannabe famous basketball players. Sorry, not sorry.”

Napatulala ang lalaki sa kanya. "O-okay. Sorry," halos pabulong nitong sabi at pilit-ngumiting nilampasan siya. Hindi uubra sa kanya ang mga ganoong reaksyon. Maliyah is not a weak person and will never be. 

Nawala ang magandang mood ni Matt matapos marinig ang naging pahayag ng babaeng apo ng mabait na mag-asawa. Wannabe famous basketball players? Ito lang ang unang tao na nagsabi sa kanya nang ganoon. Tama nga ang mga kwentong lumabas lalo na sa naninirahan sa bahay at kung bakit ‘witch’ ang tawag dito.

Akala niya noon napagdidiskitahan lang ang dalaga o baka nami-misinterpret lang ng iba since bago lang sa lugar at nag-a-adjust ba. Witch nga ba o nagpapanggap lang? Mas lalong umubsong ang kuryosidad sa kanya na makilala ang babae at baka mali lang ang iba. 

Matt always looked at the brighter side of everything. It doesn't cost him any money and at the same time, fewer regrets. 

"Matt! Buti at nandiyan ka," saad ni Aling Mila na pumapaypay pa gamit ang abaniko. Bitbit nito ang isang cellphone na pamilyar. "Kay Maliyah ito," sabi nito sabay abot. 

Nagtaka siya. "Sino'ng Maliyah?" tanong niya. 

Natawa ang ginang at hinampas siya ng abaniko sa kaliwang balikat. "Bagay nga kayo ng bruhang iyon. Ganyang-ganyan din tanong niya sa akin nang banggitin ko ang pangalan mo, e." 

"Ah, siya ba iyong taga-riyan na binayaran ko ang pagkain niya?" 

"Siya nga. Sa kanya itong cellphone na mukhang mamahalin. Ibigay mo nga sa kanya at naiwan niya," utos nito at bigla siyang nagdalawang-isip. "Bilis na at nandiyan lang iyan. Kakarinig ko lang ng tili niya, e," sabi nito at walang nagawa si Matt kundi ang mapakamot sa kanyang ulo. Ano na namang mga salita ang matatanggap niya mula rito? 

Sa huli ay sumuko na siya. "Sige na nga. Gumagana naman ang doorbell nila?" tanong niya sa ginang. 

"Ay, ayan ang hindi ko alam at hindi ko rin matandaan kung kailan ko huling nakita na may gumamit niyan." 

"Sige, sisigaw na lang ako at bukas naman ang bintana."

"Gitara na lang ang kulang at mukhang manghaharana ka na," natatawang sabi ni Aling Mila. Napaikot naman siya ng tingin at baka nakaagaw iyon ng pansin ng iba. Nakakahiya iyon. Sana naman ay hindi siya awayin ng bruha na ito. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status