Share

CHAPTER 22

“COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball. 

Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa. 

One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. No one would dare to talk to someone who wears earphones because that would mean that the person is not in the mood to talk. 

Isang tungga pa lang ng kanyang canned beer ay agad nang nangalahati ito. Pilit ding iniwasan ni Maliyah ang mga asong nakakalat lang sa kalsada. Magmula kasi sa dulo ng kalye nila, mga store ng pintura ang nandoon at iba pang tindahan na sarado. Sa luma at alikabok ay halatang matagal nang inabandona ng mga may-ari. Ang tahimik talaga na kung matatakutin siya ay baka tumakbo na nang mabilis. Good thing at maraming street lights. Mga limang minuto pa ang kanyang lalakarin bago makarating sa bahay kung kaya’t sinikap niyang sulitin ang oras mag-isa lalo pa at sumasagi sa isip niya ang taong iyon na hanggang ngayon ay wala ng paramdam. She wants to know what is happening to his plans since he’s helping her. 

At dahil nga wala sa isip ni Maliyah ang layo ng nilalakad ay namalayan na lamang niya ang sariling nakatayo sa hindi kalayuan ng bahay. She can still see the same people and they have finally put the Christmas decorations in their places. Christmas lights with different bulb colors and a big red parol with a big light inside of it. It feels unreal. Maliyah can’t even remember making a Christmas tree with her parents. They were always gone and came back like they didn’t miss a celebration with her. 

Nagbago bigla ang kanyang mood nang maalala ang nakaraan habang nandoon siya sa bahay ng kanyang mga magulang. 

“The reason why I don’t miss you is because I never felt like a part of your lives,” mahinang sambit niya at inilaglag sa paanan ang lata ng beer na walang laman at mabilis na sinipa ito. Wala rin siyang pakialam kung saan na napunta ang lata at malamang na walang natamaan dahil walang nagreklamo. 

“Okay ka lang ba?!” Doon na naagaw ang kanyang atensyon nang simula niyang makita na nagtitipon-tipon ang mga taong kanina ay tulong-tulong sa pagkabit ng decorations. 

May kutob na siyang doon nga tumama ang lata. Kung sino man swerteng natamaan ay bahala na. Ang dami niyang iniisip na halos wala nang mapaglagyan ang laman ng kanyang utak. 

"May tumama pong lata sa ulo ko, e," dinig niyang sabi ni Rezel. At sa iilan ang mga itong nandoon pero ito pa talaga ang tinamaan. 

Tumayo siya ilang dipa mula sa mga ito pero ni isa ay walang nakapansin sa kanya. They are all busy looking at Rezel's face if it is bleeding or something. It was just an empty can of beer. Maliyah saw Jake hastily running up the house to get Rezel a glass of water. Daniel and Alden are together with her grandparents and still checking up on the woman. They are all nice after all. But maybe not to her. 

Iiling-iling at diretso siyang dumaan sa gilid ng mga ito. Noong una ay hindi pa rin siya napansin pero nang mismong doon na siya ay nagsilingon ang mga ito at diretso tingin sa plastic bag niyang dala. And they saw the canned beer inside of it. They now know that it was her. And so what? It was unintentional.

"I didn't mean to harm anyone," she said calmly and walked past them. "You can get some ice cubes for the queen," Maliyah added and didn't even bother to turn around and check their reaction. It is true. If she is the princess, Rezel is the queen. Walang nagsalita matapos niyang tumalikod at umakyat. As if naman may pakialam siya. Maliyah already knows Rezel’s hidden agenda and why she is here in her grandparent's house. 

That woman likes Joacquin and went there just to get him. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailangan pa siya nitong idamay sa pag-arte nito ngayong malinaw naman na sa kanila na walang makikialam sa buhay ng isa’t-isa. 

“Maliyah.” Ganoon na lang ang gulat niya nang habulin siya ni Jake paakyat ng hagdan at hinawakan sa kaliwang kamay. Nanlalaki ang mga matang niyuko niya ito dahil nandoon ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya. 

Mabilis niyang iniwaksi ang kamay nito. “Sino ka para hawakan ako? Ano`ng kailangan mo?” aniya at naglakad na. Kung gusto siya nitong kausapin ay susunod ito sa kanya. 

“You don’t have to be this rude,” umpisa nito na nagpatigil sa kanya. “We understand that you lost your parents not too long ago and you have no right to punish us—”

“Punish you? Pagtungtong ko pa lang sa bahay na ito ay ganito na ako, mister. At may lagnat ka ba? Bakit ganyan ka magsalita?” 

“Tutulungan ka naman naming mabawasan ang sakit na nararamdaman mo sa pagkawala ng mga magulang—”

“I don’t care about them! I never cried for my parents’ death! They were never a parent to me!” sigaw niya. Maliyah felt like she’s running out of breath. She was just there, standing in the middle of the hallway, holding the plastic bag with canned beers and staring at Jake’s serious face. He is looking at her blankly.  Mayamaya ay ganoon na lang ang sunod-sunod na pagtakbo ng mga nasa baba at umakyat para malaman ang nangyayari. Huling umakyat ang kanyang lolo’t-lola na magkahawak pa ang mga kamay. 

Pumagitna ang kanyang lolo at dumiretso sa kwarto. He never even looked at her face. Inihatid nito ang kanyang lola sa kwarto. At sa pag-aakalang papasok na ito ay bumalik nga ang matanda at tumayo sa kanyang gilid. Maliyah tried to avoid everyone’s stares and tried to suppress her tears by looking up. She can’t cry! And why is she being emotional right now? 

“Ano pa ba ang kailangan naming gawin, Maliyah? Lahat naman kami iniintindi ka, ah? Bakit kailangan mo pang saktan itong kaibigan mo na wala namang ginagawa?” litanya ng kanyang lolo na naglakad at naupo sa sofa. Nandoon lang sila malapit sa sala pero lahat nakatayo. She looked at Alden, who is concerned right now, and Daniel who doesn’t even know where to look. Rezel, she is just there, standing in the middle of two men. Si Jake naman ay nasa harap niya mismo, nakakunot ang noo pero hindi niya alam kung naiinis ba ito sa inasal niya o concern din. Mas malabo ang pangalawa. 

“She was once a friend of mine, not anymore,” mataray niyang sabi at matalim na tiningnan si Rezel. Kung gaano siya nagpapakatotoo ay ganoon naman ang pagda-drama ni Rezel. She is still maintaining her innocence through expressions. It annoys her so much! 

“So, hindi ka talaga sincere sa pag-welcome sa akin dito?” mahinahong tanong ni Rezel na tila naiiyak pa. “Akala ko ba okay lang sa `yo? Na masaya kang makita tayong tatlo na magkakasama?” Umalis ito sa gitna nina Daniel at Alden at hinarap siya. Nakayakap ang dalawang braso nito sa sarili na tila ba nilalamig. Maliyah can see the woman’s tears that are waiting for the right moment to fall. Gusto na lamang hablutin ni Maliyah ang mukha nito sa sobrang inis. 

“E, ikaw, Rezel? Akala ko rin ay masaya ka na makita ako. You even told me that the reason why you are here is because of me!” sigaw niya. Nagulat ang lahat dahil sa pagtaas ng kanyang boses. “Akala mo ba hindi ko malalaman ang tinatago mo?” 

Mahinang natawa si Rezel na tila ba hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa kanyang bibig. Kung hindi pa aksidenteng narinig ni Maliyah ang lahat sa mismong kwarto ni Rezel ay malamang sa ngayon, wala pa rin siyang ideya. 

Lumapit si Rezel sa kanya na may paawa-effect at tinangkang hawakan siya sa kamay pero mabilis siyang umiwas.

“Maliyah, ano ba ang pinagsasabi mo?” tanong nito na napaatras bigla dahil sa paghawi niya ng kamay nito. “Sana kinausap mo na lang ako para alam ko na—” 

“Para malaman mo kung paano ako titirahin patalikod?” 

“Maliyah!” saway ng kanyang lolo. Mas lalo lang siyang nagalit dahil sa mga tingin na ibinabato sa kanya. They don’t look angry but it seems like they are judging her. 

She looked at her grandpa’s angry face. “Hindi ko lubos maisip kung bakit mas kinakampihan ninyo ang mapagpanggap na babaeng iyan. Ako ang apo ninyo!” aniya at ibinalik ang tingin kay Rezel. “Alam ko na ang lahat, Rezel. Ikaw ang nagkakalat na bruha ako sa lugar na `to? Oo, baka nga bruha ako. Ayaw ba matanggal ng inggit diyan sa katawan mo? As if hindi ko alam na mga bata pa lang tayo, lagi mong sinisikap na pantayan ako sa lahat ng bagay.”

“Hindi totoo iyan, Maliyah!” tanggi nito at biglang umiyak. Agad namang nandoon sina Alden at Daniel para pakalmahin ang babae. Jake is still looking at her with no reaction. But she doesn’t care. What happened between them was just a kiss and she had kissed men before.

“You came here knowing that I would take Joacquin away from you.” 

Doon na nga bumadha ang gulat sa mukha ni Rezel. Ang akala siguro nito ay hindi niya malalaman ang lahat. Maliyah tends to keep quiet but she is able to hear everything. Nagduda na siya noong nagtungo rito si Rezel at sinabing dahil sa kanya. They never talked for years and suddenly want to meet her? They were only friends at the age of seven. Hindi ganoon kahaba ang kanilang pagkakaibigan bago sila nagkahiwa-hiwalay kaya doon pa lang ay hindi na siya naniwala. 

And the way Rezel looked at Joacquin, she knew then and there that she likes the man. Maliyah never imagined herself kissing Joacquin as she did with Jake. 

“What the hell? Why do you have to think about it?!” sigaw ng kanyang isip. Her mind still can’t get over the kiss. 

Joacquin is just someone she knew back then and maybe she is comfortable around him knowing how he helped her the moment she stepped her feet in the house. 

“A-ano`ng ibig mong sabihin?” nauutal na tanong ni Rezel. 

Dahan-dahang siyang umabante para pantayan ito. “Na kahit noong mga bata pa tayo, hindi mo talaga ako gustong maging kaibigan. Sumasama ka lang dahil nandoon si Joacquin. Ni ayaw mo nga pumasok sa bahay namin kung yayayain kita at wala siya.” 

“Maliyah, tama na iyan,” seryosong sabi ni Jake at hinila si Rezel palayo sa kanya. Ang iba ay nakatayo at hindi nagsalita since wala namang kinalaman ang mga ito sa nangyayari sa kanila ni Rezel. If Maliyah knew that Rezel is still into that plan, she would’ve done everything to throw her out of the house. Mukhang dito pa magce-celebrate ng pasko at bagong taon ang babae. Iniisip pa lang ni Maliyah ay parang gusto na niyang umalis na lang. 

“Mukhang kailangan mo nang umalis ng bahay na ito, Liyah,” mahinang sabi ng kanyang lolo at hindi man lang siya hinintay na makasagot bago tumalikod. Nang mapatingin siya kina Daniel at Alden ay nandoon ang awa sa mga mata ng mga ito pero hindi niya iyong pinansin. Maliyah decided to turn her back at them and slowly walked towards her room. Matapos makapasok sa kanyang kwarto ay saka lang niya napansin ang grabeng pamamawis sa kanyang kamay habang hawak ang plastic bag na may lamang beer. She was just thinking of leaving the place and her grandpa must really know her very well that he read what she was thinking. Maybe it is the best choice for her. She doesn't have the money from her grandparents and finally, there is a progress with her plans and all she needs is to look for a job just to get by. 

Maliyah realized that maybe she made the wrong decision of living with them. She had the choice but chose to do this and now, she is regretting it. 

Isa-isa niyang binuksan ang cabinet na pinaglalagyan ng kanyang mga damit. “It is time to leave this place, Maliyah,” she muttered and took out all her things. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status