Share

CHAPTER 21

KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake. 

Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long? 

“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag ni Jake mula sa labas. Ang buong akala niya ay wala ito sa bahay dahil wala siyang naririnig na boses nito. Iyon pala ay nasa labas ng kanyang mismong pintuan ang lalaki. 

“Jake? Baka tulog si Maliyah. Tara sa baba? Dala na nina lolo’t-lola ang mga parol at ilaw,” malambing na sabi ni Rezel. Ganoon na rin lang ang pagsanib pwersa ng kanyang mga kilay nang marinig ang sinabi ni Rezel. Gising siya! Gising na gising na kahit naubos niya ang isang bote ng wine kagabi ay parang mas lalo lang siyang nainitan at hindi makatulog kahit pa nakabukas ang aircon sa kanyang kwarto. 

Iniisip niya na baka dinalaw siya ng kanyang mga magulang kaya nahirapan siyang makatulog. Siyempre, iyon na lang din ang choice niya para kumbinsihin ang sarili kung bakit hirap siyang matulog. 

“Let’s go,” sagot ni Jake. Hindi ito tunog galit o kung anuman. Nakakapagtaka. Matapos niyang tumbahin ang bookshelf nito at sirain ang painting na nag-iisa sa dingding ng kwarto ng lalaki ay parang halik lang ang naging kabayaran. Settled na ba sila dahil gumanti siya? Ibig sabihin ba no`n ay may chance na maging magkaibigan  na sila? Ayaw nga niya ng mga kaibigan! 

Pero paano nga iyon dahil hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang lalaki? Tulalang pinagmasdan na lamang ni Maliyah ang sarili sa salamin at tila hindi alam ang gagawin. 

Ilang segundo matapos umalis nina Jake at Rezel ay naririnig niya mula sa kwarto ang mga ingay sa baba. Mukhang marami ang nandoon na noon naman ay walang halos nadaan sa harap ng kanilang bahay maliban sa mga kumakain sa karinderya ni Aling Mila. 

Nagdadalawang-isip siya kung bababa ba o mananatili sa loob ng kanyang kwarto. If ever she decides to go down, that means she has to deal with them. And if she will stay, that would mean she’s letting Rezel be the queen of the day. Dito lang ulit iikot ang atensyon ng mga tao lalo na iyong mga taga-labas na laging binabanggit kung gaano kabait si Rezel. E, mas madalang pa nga itong lumabas kaysa sa kanya. Kung lumalabas ito ay malamang na may pakaway-kaway pa sa mga tao na para bang foreigner. 

“Bibili na nga lang ako ng beer,” pagkausap niya sa sarili at agad na bumaba ng kama. Hinanap ng dalaga ang puting hoodie jacket niya dahil may kalamigan na rin kapag hapon. Baka manatili na rin siya sa convenience store habang nag-iingay ang mga tao sa bahay na ito. Matapos maisuot ang hoodie jacket ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at baka may tao sa labas. Wait, is she expecting Jake to be outside waiting on her door? Nah! She must be out of her mind! 

Jake’s presence never mattered to her even though they often see each other as enemies. Maliyah never felt intimidated by him until that night when he was about to kiss her. It was… stupidly unforgettable! 

“You can’t let your guard down, Maliyah,” aniya sabay sampal sa sarili. Matapos gawin iyon ay mahinang dinama ang kanang pisngi. Kailangan niyang magising sa isang kahibangan at mas lalo siyang mahihirapan. Lahat ng mga plano niya ay masisira kahit pa hindi nasisimulan. Jake can’t be on her way.

At lumabas na nga siya ng kwarto. Tahimik ang magkabilaang hallway at nang nilakad niya ang papuntang sala ay halos mapatalon siya sa gulat nang maabutan si Jake na nakaupo sa armchair. Agad siyang napahawak sa dibdib dahil sa sobrang kaba. Bahagyang napaatras si Maliyah dahil doon. Nakaharap ito mismo sa kanyang direksyon, nakasalubong niya ang mga tingin nitong hindi niya mabasa. He was just there, sitting like a boss. His arms are crossed across his chest and studying her looks. 

“Akala ko balak mong magkulong sa loob ng kwarto mo. Saan ka pupunta?” chill nitong tanong na para bang magkaibigan sila. 

Maliyah tried to compose herself. Tumayo siya nang tuwid at tinarayan ito. “Five hundred. Hindi ka pa rin ba makaintindi na ayaw kong kinakausap ng iba?” aniya at nagsimulang maglakad. Nakailang hakbang pa lang siya nang tumayo rin si Jake dahilan para mas lalo siyang umiwas huwag lang silang magkasalubong. Nasa loob ng magkabilang bulsa ng hoodie ng jacket ang mga kamay ni Maliyah pero ramdam niya ang pamamawis nito. 

She can even hear her own heartbeat right at this moment! What in the world is happening to her? Jake is wearing surfing shorts and a white shirt. How can this man look so handsome by wearing this piece of clothing? Ang tanging nakikita lang niya noon sa kanila ay mga lalaking mayayaman, laging nakaporma at kung hindi man ay iyong mga naka-business suit na katrabaho ng kanyang mga magulang. 

"Sandali nga. Mukhang may nakakalimutan ka yata?" ani Jake at hinarangan siya. Lihim na napakuyom ng mga kamao si Maliyah dahil sa mga oras na ito ay wala siyang ibang makitang rason para umiwas maliban sa ang bumaba at tumulong sa mga nandoon. Pero nasa mismong daanan pababa ng hagdan nakatayo si Jake. 

"Mukha nga. Wala na rin sa isip ko na alalahanin pa iyon. Tabi!" pagtataray niya at nagpatirik ng mga mata. Kung iyon lang ang paraan para umalis sa kanyang daraanan si Jake ay gagawin niya. Hirap na siyang pigilan ang sariling paghinga! Maliyah is indeed uncomfortable being near Jake. And the fact that she is not annoyed by his presence is what annoys her actually. 

"Sige. Uuwi ka rin naman dito. Hihintayin na lang kita," kalmado at pinal na sabi ni Jake. Mabilis pa sa alas-kwartong nilakad niya ang hagdan pababa nang makitang umisod mula sa daan si Jake. Kung nagkamali siya ng tapak sa mataas na hagdanan ay malamang na pilay na siya ngayon. Her life is getting more insane! These things happened because of Jake! 

Kailangan niyang makaaalis kaagad at lumayo kay Jake. The man is giving her heart attacks! She can't focus. Hapong-hapo siya paglabas ng gate at ganoon na lang ang tinginan ng mga nandoon. May malaking parol na pinagtutulungan ng mga ito at mukhang isasabit sa mismong poste sa harap ng kanilang bahay. Iyon lang at iba pang maliliit na parol at christmas lights na sari-sari ang kulay. Si Rezel ang naka-toka roon para tingnan kung gumagana pa ba o hindi na. 

Mas madali sanang matatapos ito kung nandito sina Daniel at Alden. Si Joacquin naman ay mayamaya pa ang uwi dahil gabi na rin nagsasarado ng bookstore nito. Bookstore na kahit kailan ay hindi pa niya napasukan. Paano nga naman at wala siyang interes sa mga libro na iyan. Kung may perang nakatago sa bookstore ni Joacquin, baka iyon lang ang tanging panahon na papasukin niya iyon. Sa ngayon, malabo. 

“Aalis ka?” tanong ng kanyang lolo. Mukhang hindi na rin ito galit sa kanya. O baka lang din pilit siyang pinapalagpas. Matapos kasi ang nangyari ay ramdam niya ang pag-iwas ng matanda sa kanya kahit makasalubong siy nito sa loob ng bahay. Hindi naman sila sa isang mansyon nakatira para hindi magkita. And when the old man does that, Maliyah feels so uncomfortable and can’t accept the fact that she’s feeling guilty. Ang sa pagkakaalam niya ay wala siya sa lugar na ma-guilty lalo na at ang mga ito ang may kasalanan at pagkukulang. They should compensate after all. 

Tumango siya. “May bibilhin lang po ako,” aniya at mabilis na tumalikod. Bumalik na rin sa paggawa ang mga ito nang makaalis siya. Sakto nga lang habang binabaybay niya ang daan patungong convenience store na nasa labasan ay nakasalubong niya sina Alden at Daniel na nagtatawanan. May dalang pizza at iba pang take-out foods na naka-plastic. 

Maliyah did her best not to look at them, and so she took out her phone and pretended not to see them. Because of Jake, she can’t even handle talking to someone right now. Kung hindi lang din dahil kay Jenny na nakita niyang umiyak ay malamang na wala siyang nagawa buong araw kundi ang kumain at manatili na naman sa loob ng kwarto. 

Ayaw man niyang aminin, hinahanap-hanap niya ang dating buhay sa Manila. May mayamang mga magulang, sariling driver, at ang gagawin lang niya ay mag-shopping kahit hindi na pumasok ng school. Her parents didn’t know how she spent her days in bars and gate crashes at other people’s parties. And that was when she hadn't met Joseph. When her parents knew about not going to college, they didn’t mind. Binigyan pa rin siya ng pera, pinabayaan sa luho at hinayaan na lang. 

Nang malaman ng mga ito na nagkaroon siya ng boyfriend, tumango lang ang kanyang ama’t-ina na kasalo niya sa hapagkainan habang may kanya-kanyang tablet na hawak. The usual. Para siyang hotel guest na aalis, babalik, matutulog, aalis ulit. She had all the freedom but she wasn’t happy. The freedom that didn’t make her happy was someone else’s bliss. And that disappointed her even more.

“Hoy!” Bahagyang nagulat si Maliyah nang may sumigaw sa mismong harap niya. Nakarating na pala siya sa dulo ng kalye at kalsada na mismo ang kanyang kinatatayuan. Sinigawan siya ng driver ng jeep matapos makitang papunta na siya sa gitna at maraming sasakyan ang dumadaan. Walang traffic light doon sa mismong ruta kaya naman kanya-kanyang adjust at paunahan na lang. 

Ang maganda sa lugar na ito ay walang traffic. Tiningnan niya ang kalsada at kakaunti ang mga jeep. Hindi masyadong mausok ang kalsada na hindi katulad sa kanila na halos hindi mo na rin makita ang ibang tumatawid. Wala mang traffic lights ay maraming traffic enforcer at mas sumusunod ang mga tao sa patakaran. 

Maliyah looked around and she could hear the sound of jeepney horns and the passengers’ laughter inside it. Most of them are students and might be going home. She can also smell some pork barbeque near where she’s standing. Bigla tuloy siyang nagutom dahil doon. Pero mas hindi niya makalimutan ang aksidenteng muntik na niyang kasangkutan. 

Napahawak sa kanyang dibdib si Maliyah. Kung sakaling dumiretso siya ng lakad at mabilis ang takbo ng jeep ay malamang na nasagasaan na siya. This is why she is a bit scared when walking and thinking about things all of a sudden. Madalas na siyang natutulala at may malalim na iniisip. She was once about to cut her own finger while cooking just a week ago. Habang sinikap niyang ipagluto ang sarili ay namalayan na lang siyang natutulala siya habang naghihiwa. Sometimes she would think that she might be crazy. 

Matapos kalmahin sandali ang sarili ay lumingon sa magkabilang bahagi ng kalsada si Maliyah para tumawid na. She did her best by running while crossing the road. It is better than walking and getting hit by a car. If she dies, everything would be over. Para siyang nagsayang ng buhay niya sa mundong ito. 

Nagpakawala siya nang malalim na hininga at agad na pumasok ng convenience store. And again, the cold air from the air conditioner welcomed her. Galing sa kwartong may aircon, pasok pa rin sa store na may aircon din. 

Walang lingon-lingon sa kung saan at agad na nagtungo siya sa chillers kung nasaan ang canned beers. Kailangan niyang makatulog mamayang gabi. Kung hindi pa siya makatulog sa ilang canned beers ay hindi na niya alam. Kahit ang wine ay hindi siya napatumba. 

Habang sinisipat ang flavor ay may namataan siyang nakalagay sa isang chiller. Carton box na kasinglaki ng lunch box din. May kanin sa picture at fried egg. May iilang tocino ang nasa loob, ang iba ay tapa at hotdogs. 

“Kailan pa nagtitinda ng kanin sa convenience stores? Ako lang ba ang walang may alam nito?” tanong niya sa sarili at binuksan ang chiller. Kinuha niya ang green box na may tapa sa litrato. Tapsilog at kilala naman niya iyon. It’s just that no one told her about convenience stores selling microwaved breakfast. 

Pilit niya itong sinisipat at nang makarating sa counter, isang magandang ngiti ang sumalubong sa kanya. 

“What the hell are you doing here?” kunot-noo niyang tanong sa kaharap. 

“Nagtatrabaho. Libre ko na `to, ah?” Lintik na Matt na feeling close ulit sa kanya. 

“F*ck off, Matt! I-punch mo na at aalis na ako!” singhal niya. Well, as expected na ngiti ang natanggap niyang sagot. What kind of life does she have right now? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status