Share

CHAPTER 24

“ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya. 

Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband. 

Biglang nagpitik ng kamay ang lalaki sa mismong mukha niya. “Kumain ka na at huwag kang matulala lang sa akin,” paalala nito. “Baka isipin kong may gusto ka sa akin.” 

She sighed. “E, ano naman kung sakaling gusto kita? Ayaw mo sa akin?” tanong niya na agad naman lumantad sa mukha ng lalaki ang pagkagulat. “Pero siyempre gusto lang naman kita bilang kaibigan. Oo na. Alam ko namang ayaw mo sa akin dahil masama ang ugali ko.”

Kumunot ang noo ni Joacquin. “At sino naman ang may sabi na masama ang ugali mo?” tanong nito. “Hindi ka nila kilala kung sakaling may nagsabi nga niyan. Sila ba nina Jake ang nagsabi? Pwede ka namang bumalik at tayo na lang ang mag-usap na dalawa.” 

“They don’t want me anymore, Joacquin. They never want me to be there since day one,” aniya at hinawakan ang kanyang maleta pati isang bag na nasa kanyang kandungan. “I need to go,” paalam niya at tumayo. May ibang napatingin sa kanya sa loob ng kainan. She never even touched a single food on her plate. Wala na siyang ganang kumain habang iniisip kung saan pupunta pagkatapos nilang maghiwalay ni Joacquin sa mismong kainan na ito.

“Maliyah…” tawag ng kanyang kaibigan, “I can give you a job,” pahabol nito na sadya niyang ikinatigil. She suddenly sat on her chair and looked at him intently.

“Ano`ng trabaho? Huwag lang iyong mahirap at hindi ako sanay magtrabaho.” Ano na lang ang iisipin ni Joacquin sa sinabi niyang iyon na siya na nga ang bibigyan ng trabaho, choosy pa. 

“BOOKSTORE? Ayoko.” Matigas niyang sagot habang nakatayo sa harap ng mismong store ni Joacquin. Walang kasama si Joacquin sa store at tanging ito lang ang nagma-manage ng sarili nitong negosyo. Joacquin used to tell her that he likes doing it all by himself. He can forget a lot of things when he looks at the piles of books inside his store. Joacquin grew up in a family where everyone is educated. His aunts and uncles are in the field of medicine and the other side is in law. 

Kaya naman si Joacquin, kahit hindi pressured ng parents, he did his best to be one of the best, too. Nag-aral nang mabuti, nakapagtapos sa magandang unibersidad sa kursong engineering. Malayo iyon sa mga trabaho ng mga tao sa kanilang pamilya pero since nag-iisang anak si Joacquin ay ganoon na lang ito ka-spoil sa mga magulang at walang tutol ang mga ito sa gustong gawin ng kanilang anak. 

And now, he is an owner of a small bookstore inside a mall. He doesn’t even earn that much and Maliyah cannot understand his decisions. Well, siya rin naman. Kung nag-aral siya nang maayos, baka nga may maayos na rin siyang trabaho sa ngayon kahit pa sarili na lang niya ang bubuhayin. 

Pumasok sa loob ng bookstore si Joacquin at tiningnan siya ng seryoso. “Hindi kita pipilitin, Maliyah. Pero pwede mo pa namang pag-isipan, e. Aalis na ako sa susunod na linggo,” sabi nito na mas lalong ikinainis niya. Aalis din naman pala ang lalaki pero bakit hindi man lang nagsabi? So, as in maiiwan na talaga siya sa Iloilo nang mag-isa? Wala sana sa kanya iyon pero nagdesisyon na siyang humingi ng tulong kay Joacquin sana kapag hindi pa niya nahanap ang taong iyon sa lalong madaling panahon. 

Namaywang siya. “Aalis ka? Like hindi na babalik?” naniniguro niyang tanong. 

“Kailangan ko nang maghanap ng matinong trabaho, Maliyah. Hindi na rin bumabata ang mga magulang ko. I need to stay with them, too.” 

Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Paano ako rito?” 

Sandaling napaisip si Joacquin. “Gusto mo bang sumama pabalik ng Manila? I can get you a condo. I mean, you can stay in my condo if you want,” offer nito sa kanya. 

“Sa condo mo kasama ka?” gulat niyang tanong. 

Natawa ang lalaki. “Hindi ako kasama. As I have said, mags-stay ako sa bahay ng mga magulang ko at ikaw na lang muna sa condo ko. My parents have known you since we were kids, Maliyah. They would love to see you again after a long time!” masayang pahayag ng lalaki na tila ba ginagawa ang lahat para makumbinsi siyang sumama na lang dito. 

Kung sana ay walang ibang sadya si Maliyah mismo sa Iloilo ay siya na ang magkukusa na sumama sa lalaki kahit pa ayaw nito. And if it weren’t for her purpose in Iloilo, she wouldn’t have met Joacquin at all. 

“I can’t. I will stay here even without you,” sambit niya at seryosong napatango si Joacquin na wari ay naiintindihan din naman ang kanyang naging desisyon na manatili sa lugar. “May kailangan lang akong gawin dito at babalik din naman ako sa Maynila.” 

“Pero pwede kang tumawag kahit na ano`ng oras pa. Iiwanan kita ng perang magagastos mo rito. Huwag ka nang tumanggi at wala ka rin magagawa dahil wala kang pera.” 

Hindi na siya sumagot at ibig sabihin ay pumapayag siya. Maliyah can pay him in the future as well. Sa ngayon, kung paiiralin niya ang pride ay mas lalong walang mangyayari sa kanyang mga plano. Her life isn’t like in the movies that sooner or later, the truth will come out even though she is doing nothing. 

Umirap siya. “Baka naman gusto mo `kong tulungan kung paano i-manage ang bookstore mo?” mataray niyang sabi at natawa si Joacquin. “Ubusin ko muna itong pagkain ko.” Ganoon na lang din ang pagtango ng kaharap niya at nakangiting tiningnan siya. 

“AKALA ko ba dadalhin mo `ko rito para turuan?” nagtatakang tanong niya nang makitang isinara ni Joacquin ang bookstore nito. Ganoon pa man ay biglang lumingon ang lalaki para ngumit ulit sa kanya. “Nagbago na ba ang isip mo?” dagdag niya. 

Agad na umiling si Joacquin. “Hindi. Kailangan mo munang maglibang bago ka sumabak sa trabaho. Aalis ako at walang ibang tutulong sa `yo maliban sa sarili mo. You have never explored Iloilo since you came here. So, I am willing to let you enjoy,” masayang balita nito na hindi man lang siya natuwa. Wala siyang balak i-explore ang Iloilo at kahit kailan ay hindi niya na hinangad kasi iba nga ang kanyang pakay sa lugar. 

Bago pa siya lampasan ni Joacquin sa paglalakad ay agad niya itong pinigilan. “Wala na akong time para mag-chill, Joacquin. I need the job and the money to be able to stay here,” seryoso niyang pahayag at kumunot-noo ang lalaki na tila nahihiwagaan kung bakit ganoon na lang ang interes niya sa lugar samantalang hindi naman pala ang mga kamag-anak niya ang kanyang pakay. 

“I am currently looking for someone.” Iyon ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. She was not supposed to say those words but she did. It was a secret and that was meant only for her. Baka nga talagang kailangan nang malaman ni Joacquin para tulungan siya nito. He has the money. She can borrow from him to pay that ex-convict and get what she wants. 

Tahimik na napaatras si Joacquin at sumandig sa pintuan ng kanyang store nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Maliyah. She is currently looking for someone? Who? Kaya ba ayaw nitong umalis ng Iloilo ay dahil sa may hinahanap itong tao? Fiance ba nito? 

Ang daming tanong sa kanyang isip pero hindi siya pwedeng magtanong. Maliyah would never answer his questions anyway. Nakilala na niya ang Maliyah na noon ay malayong-malayo sa batang nakalaro niya noon. Noon na halos ayaw siyang hiwalayan at ngayon naman ay halos ayaw siyang makasama kung wala lang itong choice. 

“Pero since aalis ka na rin naman, ako na lang ang bahalang hanapin siya. Pera na lang ang kailangan ko at makikita na siya,” seryosong sabi ng kaibigan at mas lalo lang siyang napaisip kung sino ba itong hinahanap ng dalaga na nagsayang ng oras papunta ng Iloilo at makipaghalubilo sa mga hindi nito kasundo para lang mahanap ang taong ito. 

“How much do you need?” That’s what he blurted out after seeing the sincerity in the woman’s eyes. He can offer her money if she really needs it. Joacquin is only spending his money on himself after his girlfriend broke up with him. If he is still with that woman, most of his money would be spent by her through shopping and vacations everywhere. And now, his money is all his. He can’t even spend it on himself because he has everything… except for one person. 

Tiningnan siya ng dalaga na para bang hindi makapaniwala sa kanyang nasabi. It was not his plan to ask her the amount. He was supposed to tell her that he would help but his lips just said it. Mas mabilis pa ang kanyang bibig kaysa sa kanyang utak. Dito talaga siya laging nagkakamali. 

“Are you serious?” tanong ng dalaga na itinango niya. “You’re not trying to prank me right now, right? I mean, I really need the money, Joacquin.” 

“Sino ba kasi ang hinahanap mo?” lakas-loob niyang tanong kahit pa hindi siya sigurado kung sasagutin ba iyon ng babae o hindi. “Kasi kung ganoon ka ka-desperada na mahanap siya, hindi na ako aalis. Tutulungan na lang kita.” Joacquin is willing to leave or disregard everything if it is for Maliyah. They were friends for years and he promised to help her no matter what. Kung hindi man talaga sila nagkita sa Iloilo ay nakaplano na siyang hanapin ito matapos niyang marinig ang nangyari sa mga magulang ng dalaga. All these years, Joacquin was thinking about the woman everyday. He was hoping she would just pop out anywhere in his sight and he could hug her. Nobody knows how he fell in love with Maliyah since they were kids. 

“Pera lang ang kailangan ko, Joacquin. Huwag mo nang dagdagan ang utang na loob ko sa `yo,” matigas na sabi ng dalaga matapos marinig ang kanyang sinabi. “I just need your money. Hindi mo pa ba naiintindihan? Kaya nga ako nandito sa lugar na `to ay dahil sa pera na gusto kong makuha sa dalawang matanda na iyon—” 

“Stop being someone you’re not, Maliyah. I know you are here not just for the money. Why do you have to be like this?”

“Like what?”

“You are acting like everyone owes you something.” 

“Tutulungan mo ba ako o hindi? Kasi kung hindi, hayaan mo na lang ako na maghanap ng sarili kong paraan.” 

Sa sinabing iyon ng dalaga ay wala na siyang nagawa. “Sige, ibibigay ko sa `yo mamaya ang pera pero kailangan mo munang sumama sa akin ngayon.” 

“Hindi siya sasama sa `yo, Joacquin.” Pareho silang napalingon ni Maliyah sa nagsalita. Nang

lingunin nila ay si Jake iyon at seryosong nakatayo mismo isang metro mula sa kanila. Hindi man lang nila naramdaman na nakatayo na ito roon. “Hindi sasama si Maliyah sa `yo at pinababalik na siya ng dalawang matanda sa bahay.” 

Agad na pumagitna si Maliyah sa kanila. “Mas lalong hindi ako sasama sa `yo at bumalik sa bahay na iyon hangga’t hindi umaalis si Rezel doon!” Binitiwan ng babae ang maleta nito para lang mameywang sa gitna nila ni Jake. 

“Wala na si Rezel sa bahay,” agad na sagot ni Jake. Hindi alam ni Joacquin kung ano ang sasabihin. “You can come back,” sabi nito na biglang lumambot ang anyo habang nakatingin sa babae. Do they like the same woman? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status