Share

CHAPTER 25

NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa. 

“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.

“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay—”

Mas lalo niyang nilapitan ang lalaki. “At bakit naman ninyo gagawin iyon? Bakit kayo mag-a-adjust sa isang katulad ko na kahit kailan ay hindi ninyo nagustuhan sa bahay na iyon? Si Joacquin lang ang may gusto sa akin.” 

Tahimik na nakikinig lang si Joacquin sa kanila habang pilit siyang kinukumbinsi ni Jake na bumalik sa bahay ng dalawang matanda. Hindi niya alam kung anuman ang iniisip nito lalo pa at nalaman na ng lalaki kung bakit nandito siya sa Iloilo. 

“Maliyah will stay in my available condo unit,” biglang sabat ni Joacquin na akala niya ay hindi na iimik since kilala niyang tahimik na tao si Joacquin. “She will be fine with my help.” Kung sana ay may gusto siya kay Joacquin or pagnanasa man ang tawag doon, baka kinilig na siya sa linyahan nito. Joacquin is handsome and she is attracted to him but not to the point that she is imagining him as her boyfriend. 

And for Pete’s sake, she suddenly stared at Jake’s wet lips. May sira na nga talaga siya sa ulo. Akala ba niya hindi siya affected sa nangyaring h***kan? Bakit kung makaarte siya ay para bang nami-miss niya ang h***k nito?

Bago pa siya sumang-ayon kay Joacquin ay mabilis na binitbit ni Jake ang kanyang maleta at tinalikuran sila. Maging si Joacquin ay napatingin lang dito pero walang ginawa. What is happening?

Mahina niyang tinapik sa balikat si Joac quin. “Hello? Joacquin, kinuha ng mokong na iyon ang maleta ko. Wala kang gagawin?” tanong niya. Mas lalo lang siyang naguluhan nang magkibit-balikat ang lalaki na para bang wala ng choice dahil nabitbit na ni Jake ang kanyang dala. 

“Mas mapapanatag ako kung malalaman ko na nasa poder ka ng dalawang matanda habang wala ako. Hindi rin ako makakalma knowing na titira ka sa condo ko nang mag-isa. I would still give you the money, don’t worry.” 

“And it’s not about the money anymore, Joacquin. Buo na ang desisyon kong gumawa ng plano nang mag-isa. Hindi ko na kailangan pang bumalik sa bahay na iyon.” 

Tiningnan siya ng lalaki. “May magagawa ka pa ba? Nandoon na kay Jake ang mga gamit mo. Either you walk away without it or live in that house again.” 

“Exactly! Help me. Pakiramdam ko mas madali akong makakagalaw kung wala ako sa bahay na iyon. Wala na rin naman akong perang makukuha sa dalawang matanda,” reklamo niya. Pero ang totoo ay panay lingon siya kung sakaling bumalik si Jake bitbit ang kanyang mga gamit. 

Wala siyang pera at wala pang ibinigay si Joacquin. Baka kapag nagmatigas siya ay mas lalong hindi na siya nito tulungan sa kanyang mga plano. 

“Should we just hire a private investigator? Sino ba kasi ang hinahanap mo para naman mas madali na lang kaysa gumalaw kang mag-isa. Hindi mo alam kung nasaan ang taong iyon.” May kaba siyang naramdaman sa bosese ni Joacquin. Ang concern nito ay kung paano nga naman niya mahahanap ito o kung talaga bang nasa Iloilo ito. Hindi niya alam. Basta ang alam lang ni Maliyah ay kahit kaunting clue kung saan ito nakalugar. Kahit saan pang lupalop ng mundo iyon ay hahanapin niya ang taong iyon. 

If only she had met that guy when she was young, she would’ve had the idea where he could be, what his weaknesses are, what his likes are. 

Ngayon nga, may pera na siya, may tutulong sa kanya kapalit ang pera pero ang tanging pinanghahawakan niya ay ang pangalan lang naman nito na ilang taon na niyang pilit pinaghahanap pero hindi niya makita sa kahit saan. If only Joacquin knew how much she had spent just to look for that certain person. No private investigator had any lead where this person is. If he changed his name, it would be possible to be traced, but no! No one knew about his background or whatever! It is making her crazy. 

Joacquin looked at her seriously. “You should go back to that house and live there. Ayusin mo na muna ang gusot ninyo ng dalawang matanda saka ka na umalis. They have been waiting for you for a long time.” She can see the honesty in his eyes. Pero kung matagal na siyang hinihintay ng mga ito, bakit hindi niya maramdaman? Bakit hindi niya ramdam na tanggap siya ng kanyang lola? 

Laglag ang balikat ay napatingin siya sa exit ng lugar kung saan mismo lumabas si Jake. Should she go back? Wala si Rezel sa bahay ng dalawang matanda kaya naman makakahinga na siya nang maluwag. Ang problema naman niya ngayon ay paano pakikitunguhan ang dalawang matanda matapos niyang umalis tapos babalik din naman? Ano na lang ang sasabihin ng mga ito? Na wala siyang mapupuntahan o hindi niya kaya kung kaya’t bumalik siya sa poder ng mga ito? 

Kaya bang ibaba ni Maliyah ang kanyang pride para sa taong hinahanap niya ng ilang taon na? 

“Bahala na,” aniya at nagpaalam kay Joacquin. Agad niyang nakita ang ngiti sa labi ng lalaki. He must be happy to know that she is coming back. Para bang nandoon ito, e aalis din naman. Maiiwan na naman siya kasama ang dalawang matanda, si Alden, si Daniel, at ang hindi maalis sa isip niya kahit ano`ng gawin niya… si Jake. 

Truth be told, it was not her first kiss! Jake is never her first kiss and she was never affected just because of a mere kiss! Pero bakit pagdating kay Jake ay hindi niya ito maalis sa kanyang isipan? Jake could be more handsome than Joseph but… Joseph has been with her for years. They kissed and cuddled and had sex but she was never like this! Maybe because Jake is different?

“How different exactly, Maliyah?” tanong ng isip niya. "You like his kiss more than you liked Joseph's," dagdag pa ng utak niya. 

"This is stupidity!" sigaw niya habang binabaybay ang daan papuntang sakayan. Wala na siyang choice kundi ang maghanap ng masasakyan at makabalik sa bahay na iyon. Saka na iisipin ng dalaga ang magiging resulta kapag nandoon na siya mismo. 

IT’S been a few minutes, and Maliyah is still standing outside of the house. Kaharap ang kinakalawang na gate ay hindi niya alam kung papasok ba o ano. Ang init-init pa dahil tanghaling tapat. Si Aling Milay ay kanina pa siya inuudyok na pumasok dahil nga mainit o `di kaya ay doon na lang sa kainan nito pero sa dami ng mga taong nandoon, mas pinili na lamang niyang huwag na. 

“Pumasok ka na sa loob,” kalmadong boses at mukha ni Jake ang sumalubong sa kanya. Walang pang-itaas ang lalaki at halatang kagagaling lang sa loob ng kwarto dahil gugulo-gulo pa ang buhok nito. Pinilit pala talaga siyang tiisin ng lalaki at tiningnan kung kaya niyang magtagal sa labas na sobrang init. 

Hindi na siya umangal. Siguro dahil sa tagal niyang nasa labas at sobrang init pa ay nawalan na siya ng ganang makipag-away. Pagtapak pa lang ng mga paa niya papasok ng gate ay nai-imagine na ni Maliyah ang imahe ng kanyang kwarto. Gusto na lamang niyang mahiga at hindi na muna mag-isip ng kung ano-ano. Kaya lang, ilang hakbang pa lang ang kanyang nagagawa nang matigilan siya. Paano kung nasa loob ang dalawang matanda? Ano`ng mukha ang ihaharap niya matapos naglakas-loob na umalis pero babalik din naman? 

Naramdaman niya sa kanyang likuran ang lalaki. “Walang tao sa loob,” sabi nito tila ba alam ang laman ng kanyang utak. “Kung gusto mong kumain, mayroon sa loob ng ref. Initin mo na lang,” dagdag pa nito at nilampasan siya. Ganoon na lamang ang pagpasada niya ng tingin sa matipunong katawan ng lalaki kahit pa nakatalikod ito at unti-unting pinagpapawisan dulot ng init. 

“Wala naman akong pakialam kung nandiyan sila. Apo pa rin nila ako kaya may karapatan ako na pumasok dito,” aniya at sumunod kahit pa hindi umimik ang lalaki sa kanyang tinuran. 

Paakyat sila ng hagdan at hindi maalis ni Maliyah ang kanyang tingin sa nakatalikod na si Jake. What the f*ck is happening to her? She has seen countless of naked bodies at the beach and some pool parties she has been and that was f*cking normal to her! How come this man has a great effect on her? Ni hindi pa nga niya nahahawakan ang likod nitong namamawis. Paano na lang kaya kung magkasama sila sa iisang kama at hawak niya–

Kaagad na nasampal ni Maliyah ang sarili dahil sa naisip. “What the hell?!” sigaw niya. 

“What?” Bumalik na naman ang supladong awra ng lalaki dahil sa kanyang nasabi na hindi niya alam na naisatinig niya pala. It was supposed to be just in her thoughts! 

“W-wala,” sambit niya. Umiwas siya sa mga tingin nito at hinintay na bumalik ito sa paglalakad bago siya sumunod at binilisan ang lakad para makapasok sa kanyang kwarto. Ano`ng kabaliwan na naman ba ang pumapasok sa kanyang utak at naiisip niya ang mga bagay na iyon? She has never fantasized about any man in her life! No one passed her standards! She never had any crush when she was still in her high school and university years. May mga nagpapalipad-hangin pero alam ni Maliyah na iba ang habol ng mga ito sa kanya. It might be because her parents are influential and she’s wealthy. Everyone knows how successful her parents’ businesses are. They can even fly anywhere in the world and just come back if they want to. But that didn’t happen. Her parents are too busy to travel and relax. 

Their business involved real estate and deluxe bars where influential people can have the membership. That’s what she knew since she was never interested in her parents’ business since she was just after the money in reality. Pera lang ang habol niya sa mga ito at kaya lang niya isiniksik ang sarili sa mga ito ay dahil siya lang din ang sasalo ng lahat ng mga pera pero nang mangyari ang trahedya, nawala lahat. Walang cash o maging ang dollars account at iba pa ay walang laman. Her parents mentioned about them and Maliyah feels like the money and the property just vanished in just a blink of an eye. 

“Hindi ka pa papasok sa kwarto mo?” Bigla na namang sumilip mula sa sariling kwarto ang lalaki at iniistorbo siya. 

“Can you please stop talking to me? I need some personal space,” mataray niyang sabi at agad na naglakad papasok sa kanyang kwarto. It wasn’t just about it. What if someone knows about her parents’ wealth? Paano kung may ibang pinagkatiwalaan ang kanyang mga magulang pero hindi lang niya alam kung sino? Sino-sino nga ba ang mga tao sa kanilang bahay noong nabubuhay pa ang mga ito? Posible kayang isa sa mga alalay ng mga ito? Malabo. Mukhang hindi naman mapagkakatiwalaan ang mukha ng mga iyon. At bakit hindi niya naisip na baka mayroon nga? Kung hindi man iniwan dito ay baka ninakaw nito! 

Maliyah just made up her mind. She will be looking not only for one person but for other people as well. Baka kasi hindi lang iisa ang may kinalaman sa nawawalang yaman ng kanyang mga magulang. She needs to find out. Buti na lang hindi siya umalis muna ng Iloilo. She will be breathing the same air for a long time. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status