Maraming mga sikat na tao ang naroroon sa party na iyon ni Laura Silva. Mula sa mga negosyante, mga may katungkulan sa lipunan, artista, modelo, at kung sino-sino na halos ikalula ni Katie. Habang maingat siyang inaalalayan ni Zach, nakasalubong nila ang isang may-edad na lalaki at babaeng sa tantya niya ay nasa twenties pa lamang. Agad na lumapit sa kanila ang pareha. “Hijo, you look great tonight!” wika ng may-edad na lalaki. “Tito Frank! How are you po?Kailan pa kayo dito sa Pinas?” Nakipagkamay si Zach dito na halata ang pagkagulat sa mukha. “Kahapon lang, hijo. Dito na kami for good!” Bina lingan nito ang katabing babae. “This is Camila. Remember her? Siya iyong kalaro mo noong nasa militar pa kami ng daddy mo,” anito. Tumango si Zach at sinulyapan ang babae. “Hi, Camila! Big girl ka na!” masayang wika nito. “Hi, Zach! I’m not a girl anymore!” Inirapan nito ang lalaki bago nakuhang yakapin. “I missed you. Ni hindi ka man lang nagpaparamdam kahit sa F* o I*******m,” nakasima
Napatingin si Katie sa labas ng tumigil ang sasakyan. Nasa opisina sila ng lalaki. “Why are we here?” hindi nililingong tanong niya sa lalaki. “Just get down,” mariing utos nito. Halatang galit pa rin. “At anong gagawin natin dito? Bakit hindi na lang sa condo mo ako inihatid?” inis na sagot niya. “Bababa ka ba o bubuhatin kita?” Padarag na mabilis na binuksan ni Katie ang pintuan ng sasakyan. Pabalabag niya ring isinara iyon. Walang lingong-likod siyang nagmartsa papasok sa opisina nito. Hindi pa man niya naisasara ang pintuan ay pumasok na roon ang kasunod ding lalaki. Agad siya nitong hinaklit sa bewang. “Ano ba, Sir!” Nagpumiglas siya pero hindi siya nito pinakawalan. Matagal siyang tinitigal ng lalaki. Larawan sa mga mata nito ang pinaghalong galit at pag-aalala. Muli niya itong itinulak, pero hindi ito nagpatinag. “Ano bang ginagawa ninyo? S—” Hindi na niya natapos ang sasabihin. Agad na sinalikop ni Zach ang kaniyang mga labi sa mapagparusang halik. Nanlaki ang mga ma
It was Sunday. Day off niya. Patamad siyang bumangon sa kama at dumeretso sa banyo. Inayos niya ang sarili. Suot pa rin niya ang malaking T-shirt ni Zach pero hindi na ang boxers nito. Nagpalit na siya kagabi ng undies niya. Masyado namang halata kung hindi niya papalitan ang pang-ilalim na iyon ng lalaki. Itinali niya ang buhok saka lumabas ng banyo. Maghahanda pa siya ng kaniyang makakain. May niluto siyang adobo noong nakaraang gabi na inilagay niya sa ref. Siguradong okay pa iyon. Magpiprito na lang siya ng itlog at magtitimpla ng kape. Magsasaing na rin siya nang marami para abot na hanggang hapon. Pagbukas niya ng pintuan ng kaniyang silid ay napaawang ang kaniyang mga labi. Bahagya rin siyang napaurong nang makitang may kasama siya roon na naka-pajama lang at walang pang-itaas! Napalunok siya. Parang sa anyo pa lang na iyon ni Zach ay busog na busog na siya. Tahimik niya itong pinagmasdan. Nakatikod ito sa kaniya habang nagkakape kaya hindi siya nito nakikita. Noon niya napa
“Sir, sorry. Mukhang nakaabala po yata kami sa pagtulog ninyo,” wika ng taong pinagbuksan niya. “Next time, just send me a notice. Para ako na lang ang maglalabas nito.” Iniabot niya ang basura sa dalawang lalaking kaharap. Napayuko ang mga ito. “Sorry po talaga. Pero binigyan na po namin noong isang araw si Ma’am Ganda. Ang sabi po niya kapag hindi niya nailabas ang mga ito ay mag-door bell na lang daw ho kami,” anang sa tingin niya ay mas batang lalaki. “Whatever!” Marahas siyang napahagod sa batok. Mas lalo siyang nainis nang makitang lumabas na si Katie sa kaniyang silid. “F*ck!” mahinang mura niya. Napatingin siya sa ibabang bahagi ng katawan na hindi naman yata marunong sumuko sa laban. Tayong-tayo pa iyon kahit na nga naunsyami siya kanina. “Sige po, Sir. Pasensya na po ulit.” Hindi na siya sumagot pa. Tinalikuran niya ang mga ito saka isinara ang pinto. Kahit kailan talaga may mga istorbo sa kaniyang ginagawa. Nakapamewang na bumalik siya sa kusina at nakuha na lang ligpi
Naabutan ni Katie ang mga kasama na nakaupo na sa mahabang table. Sampu silang myembro nang operasyon na iyon kasama si Zach, Mavy, Leigh, at anim pang lahat ay walang itulak-kabigin sa kanilang kaguwapuhan na mga sundalo. Sina Sgt. Tolentino, Sgt. Moreno, Sgt. Ramos, Sgt. Salazar, Sgt. Cruz, Sgt. Escobar at siya. Akala nga niya papalitan na siya ni Zach. Mabuti at hindi siya nito inalis. Napangiti ang mga ito nang pumasok siya at sumaludo. Mas mataas pa rin kasi ang katungkulan ng mga ito sa kanila ni Leigh. Ang apat sa mga ito ay may asawa na malikay kina Sgt. Tolentino at Sgt. Escobar. Parehong single ang dalawa sa pagkakaalam niya. “Pvt. De Guzman, baka dapat kami na ang unang sumaludo sa iyo. Tama ba mga kasama?” wika ni Sgt. Salazar na pinaka-bully sa grupo. Nagtawanan ang mga ito habang nakangiti lang si Leigh. Hindi tuloy mapigilang mag-init ng magkabilang niyang pisngi. Hindi pala nakaligtas sa mga ito ang ibinibigay na atensyon sa kaniya ng makulit nilang superior. Napati
Nasa kampo sila kasama ang mga bagong trained cadet. Isinama si Katie roon ni Zach kahit alam niyang wala naman siyang gagawin doon. “Nakita mo ba si General Silva? My God! Kahit anakan na lang niya ako solve na ako,” narinig niyang wika ng isang kadeteng kinikilig sa likuran niya. “Gwapo nga, suplado naman! Kung makatingin parang kakainin ka ng buhay,” wika naman ng isa. “Eh, ano naman? Mas bagay nga iyon sa kaniya. Iyong tipong badboy look, pero goodboy deep inside. Pero mas okay na sa akin ang badboy pati sa kama. Mas may thrill. Iyong yayakapin ka pa lang para ng nalaglag ang panty mo,” anang isa pa. Nagtawanan ang mga ito habang kilig na kilig. Napailing siya at hindi na lang pinansin pa ang mga ito. Umikot siya sa bandang kaliwa malapit sa firing range nang biglang magsalita muli ang babaeng nasa unahan nila. “Naku, huwag na ninyong pangarapin si General Silva. Ayon sa bulong-bulungan dito may nililigawan na siya. Nakita nga siya kahapon ng ilang kasamahan natin sa isang mal
VILLA CIUDAD. . . Napatingala siya sa arko na nakalagay sa labas pagkababa nila sa chopper. Labas pa lang iyon, pero kitang-kita na niya kung gaano karangya ang buong paligid. What more pa kaya pagdating sa loob? sa loob-loob niya. May mga ilang yacht na nasa wharf. Mayroon ding naggagandahang mga kubo sa tabi ng dalampasigan. At ang mas nakamamangha ay ang mala-palasyong hotel sa di-kalayuan. May nakaukit iyong malaking letra na ZS na nasa gitna ng drawing na hawk eagle. Pagpasok nila, sinalubong sila ng nakalululang karanggayaan ng hotel. Pang-five star talaga ang dating niyon. Naglalakihan ang chandeliers na nakasabit sa mataas na kisame. Mayroon iyong waiting lounge, lobby, may pool area, entertainment area, restaurant, at iba pang amenities na tiyak na ma-e-enjoy ng mga bisita. The place is a private property. Mayayamang tao lang ang sa tingin niya ay tinatanggap na guests doon. Napangiti siya sa gandang nakikita. The freshness of the air that slightly brushed on her ski
Dahan-dahang itinulak ni Zach ang pintuan ng silid ni Katie. Hindi niya gustong abalahin ang dalaga. Alam niyang natutulog pa rin ito sa mga sandaling iyon. Maingat siyang humakbang palapit sa kinahihigaan nito. He stared at her angelic face as she sleeps. She really looks like an angel. An angel that was brought upon him. He slowly sat on the bed. Masuyo niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mamula-mula nitong pisngi. Walang mababakas na kalungkutan sa mukha nito na madalas niyang nakikita sa tuwing pinagmamasdan niya ang babae. He always wondered the reason behind it. Pero iisa lang naman ang rason na laging pumapasok sa kaniyang isipan. It was because of her parents. Wala naman ng iba pang dahilan bukod doon. Kaya nga disidido rin siyang matunton ang may dahil noon, bukod sa sarili niyang dahilan. Alam niyang isa rin iyon sa rason kung bakit nanatili ito sa loob ng kampo—kung bakit ito naging isang sundalo, gayong maganda naman ang karerang naghihintay rito sa