Share

Chapter 25

“Teka lang po. Baka ngkakamali kayo ng sinasabi,” ani Katie.

Tumawa ang emcee at mga bisitang naroon. “Ano ka ba naman, Ma’am Ganda. Ganoon talaga ang patakaran noon pa. Saka, kung girlfriend ka naman mam ni Sir Pogi, walang problema. Hindi ba, sir,” wika pa ng emcee.

“Yeah! And this is only a game, right?” game na sagot ni Zach.

Sumama naman ang loob niya sa sinabi nito. Paulit-ulit iyong nag-echo sa tenga niya. Kaya sa inis sinagot niya ito. “Okay! Game lang naman pala ang lahat, eh. Let’s do it!” Sarkastiko ang tinig niyang iyon.

Kumunot ang noo ni Zach, pagkuwa’y ngumiti.

Pinanood nila ang ginawa nina Mavy at Cassey. Nag-toast ang mga ito at kumain ng cake. Sumunod naman sila.

Matapos iyon, nanlaki ang mga mata niya sa sunod na ginawa ng bagong kasal. Ang garter na hawak ni Zach ay ilalagay sa legs niya gamit ang bibig.

“Teka lang! Sandali!” Napatayo siya nang nasa may paa na niya iyon.

Malakas na tawanan ang pumuno sa paligid. Sinabayan pa iyon ng hiyawan nina Tolentino at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status