Share

Chapter 1

Author: Tin Gonzales
last update Last Updated: 2022-08-20 20:59:32

Sampal ng malakas na hangin ang sumalubong sa kaniya mula sa kinatatayuan. Tumingin siya sa baba nang kinaroroonan niya. Tingin niya may taas na eight thousand feet iyon mula sa helicopter na sinasakyan niya. Iyon ang huling training niya para maging isang ganap na First Scout Ranger Regiment specializing in anti-guerrilla jungle warfare, raids, ambushes, close quarters combat, urban warfare and sabotage.

Tumingin siya sa mga kasama niya. Nagbigay ng go signal ang leader nila.

“Jump de Guzman!” malakas na sigaw nito.

Lakas loob siyang tumalon mula sa helicopter. Kasabay niyon ang malakas niyang sigaw na pumailanlang sa malawak na himpapawid.

After what happened, she entered the military. Iyon lang ang naisip niyang paraan para makita ang mga taong nasa likod ng pang-ambush sa kanila ng kaniyang mga magulang, apat na taon na nakararaan.

Hindi napatay ang lalaking may tattoo. Malakas ang kutob niyang gumagala pa ito at nambibiktima. Alam rin niyang malaking sindikato ang kinabibilangan nito.

Paglabas niya noon ng ospital, dinala nga siya sa isang safe house. Hiningian siya roon ng statement sa nangyari. Ngunit, sa hindi malamang kadahilan, tanging ang lalaking may tattoo na iyon ang hindi niya ibinigay sa kinauukulan.

Sa safe house, doon niya nakilala si Sgt. Mavy Felipe, isang scout ranger. Ito ang naka-assign sa kaso ng mga magulang niya. Hiniling niya ritong matuto ng self-defense upang maprotektahan ang sarili.

Hindi naman siya nabigo. Dahil alam nitong isa siyang doctor at kailangan ang kaniyang kakayahan sa ganoong klase ng trabaho nila. Nag-aral siya ng self-defense sa kampo, habang ipinagpapatuloy ang propesyon niya roon.

“de Guzman! Malapit na tayo sa ground! Ang parachute mo, ilabas mo na!” sigaw ng ka-body niya na nagpabalik sa kaniyang isip sa kasalukuyan.

Mabilis niyang pinindot ang button sa kaniyang bandang may balikat. Agad iyong bumukas at tinangay-tangay ng hangin. She perfectly maneuvered it. Hanggang sa unti-unti siya noong dinadala sa kalupaan.

Inihanda niya ang sarili para sa paglapat ng dalawang paa niya sa lupa. Nakaabang lahat ng mga leaders at ibang mga sundalo roon. Mabilis na tumakbo sa kaniyang harapan ang lalaking may dalang medical kit. Wala iyong iba kundi si Sgt. Mavy Felipe.

“Congratulations, de Guzman! Isa ka ng ganap na scout ranger.” Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Nasaktan ka ba? May gagamutin ba ako sa ’yo?”

Natawa siya nang hawakan nito ang mukha pagkuwa’y ang kamay niya. inawakan nito mukha na at kamay. “Sgt. Mavy Felipe, huwag kang OA masiyado. Alam kong wala sa kalingkingan ang training ko sa naging training mo noon, pero salamat pa rin sa lahat. Dahil sa iyo, naririto ako ngayon,” sabi niya at yumakap dito.

Nakitawa ito sa kaniya. Gumanti rin ito ng yakap.

“Ehem! Ikakasal ka na Sgt. Felipe, pero may

kayakap ka pang iba rito,” singit ng isang lalaki.

Mabilis itong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at agad na sumaludo sa nagsalita. Siya naman ay nakatingin lang dito, kaya siniko siya ng lalaki at sumeniyas na gayahin ang ginawa.

“Lieutenant General Silva!” malakas na wika ni Mavy, pero hindi ito pinansin ng lalaki. Tuloy-tuloy itong naglakad sa tapat niya.

Napatanga na lang si Katie sa lalaking kaharap. Napakagwapo kasi nito kahit seryoso. Bukod sa malaki at malapad ang pangangatawan, hindi maikakailang maraming babae ang napaiiyak nito.

Tinitigan siya ng lalaki gamit ang mala-agila nitong mga mata na kasing-itim yata ng uwak. Halos manuot sa kaloob-looban niya iyon. Kaya hindi niya napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso.

Kumunot ito. “Tsk! Woman!” narinig niyang bulong nito.

“de Guzman!” siko ni Mavy sa kaniya

Doon siya natauhan. “Sir!” Sumaludo siya sa lalaki.

Pero muli na nitong binalingan si Mavy. “Sgt. Felipe, give me one hundred push-ups!” madilim ang mukhang saad nito, bago siya binalingan. “And you, new scout ranger. Nasa gitna ka ng training pero anong ginagawa mo? Fifty push-ups!” dugtong nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano iyon? Wala naman silang ginagawang mali. At saka, normal lang naman na magyakap sila dahil magkaibigan sila ni Mavy.

Hindi gumagalaw na tumingin siya sa paligid. Halos lahat ay masaya maliban na lang sa lalaking kaharap niya.

Napaawang ang mga labi niya nang makitang nakatingin na ang lahat sa kanila. Nakita niyang nag-umpisa ng mag-push up si Mavy. Wala siyang nagawa kundi ang mapamura sa sarili. Tiningnan niya muna nang masama ang lalaking walang kangiti-ngiti, saka ito sinunod.

Halos sabay silang matapos ni Mavy. Lumingon sa officer nila ang lalaki habang nakasaludo.

“Sa susunod na makita ko pang hindi niyo seneryoso ang training na ito, hindi lang iyan ang aabutin ninyo. Now, move!” Sabay talikod nito.

Napalingon siya kay Mavy na umiiling.

“Okay ka lang?” Lumapit ito sa kaniya.

“Ops! Baka makita ulit tayo ng unggoy na ’yon. Ayoko na maparusahan.” Mabilis siyang umiwas dito.

Natawa naman si Mavy, kaya nakitawa na rin siya.

Biglang nag-ring ang bell hudyat para sa pagliligpit ng kanilang mga gamit. Lahat sila ay may hawak na baril at bag na halos limang kilo yata ang bigat. Kahit pagod ang katawan niya ay hindi siya nagreklamo. Natatak na sa isip niya kung para saan ba talaga ang ginagawa niyang iyon. Kaya walang hindi siya kakayanin. At bukod sa pagiging sundalo, isa na rin siya ngayon sa doctor ng kampo. She became their military doctor. Ipinagpapasalamat na rin niya iyon dahil kahit papaano, nagagawa niya ang tungkulin.

Malaki ang ipinagbago ng kaniyang sarili simula nang maging magkaibigan sila Mavy at makapasok siya kampo. Noong una-una, akala niya talaga susuko na siya. Hirap na hirap ang katawan niya noon na mag-adjust sa training, dahil ibang-iba ang ginagawa ng mga naroon kumpara sa normal na basic training ng self-defense. Doon, hangga’t hindi ka natututong disiplinahin ang iyong sarili, mas lalong bibigat ang ipagagawa sa iyo. Kung hindi matibay ang isip, katawan at loob mo, laglag ka.

The camp taught them how to handle guns, knives and explosive devices. Tinuruan din sila roon ng martial arts at kung ano-ano pang kaalaman para madepensahan ang sarili laban sa mga masasamang tao at kaaway ng lipunan. They also taught them survival techniques. Dahil once na may mangyaring masama habang nasa field ka, you could survive on your own.

Habang lahat ng mga bagong kaalaman na iyon ay inaaral niyang mabuti, naghahanda rin siya sa malaking laban ng kaniyang buhay. Isinara na kasi ang kaso ng kaniyang mga magulang sa pag-aakalang patay na nga ang lider ng nang-ambush sa kanila.

But they were wrong. Dahil siya mismo ang tatapos niyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
congrats Katie Ang galing mo naman Doctor kana at Scout Ranger pa
goodnovel comment avatar
Criselda Malakas
exciting ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MILITARY LOVE   Chapter 78

    Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an

  • MILITARY LOVE   Chapter 77

    Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis

  • MILITARY LOVE   Chapter 76

    Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani

  • MILITARY LOVE   Chapter 75

    Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a

  • MILITARY LOVE   Chapter 74

    Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani

  • MILITARY LOVE   Chapter 73

    Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status