Hello po, slow update po muna ako dito. Pero sa August po ay magiging daily update na po ito. Sobrang busy ko lang po this month. Thank you po at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
MIREYA'S POVNapabalikwas ako ng bangon. Wala akong nakikita kundi kadiliman. Masakit ang buo kong katawan. Bigla akong binalot ng takot. Hindi ko alam kung nasaan ako. Naalala ko na-aksidenti pala kami ni Xandro. Pero nasaan siya? Bakit ako nandito? Nasaan ba ako? Mga tanong na hindi ko alam ang sagot.Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Nakakaramdam na ako ng lamig. Nilalamig ako, kaya napayakap ako bigla sa katawan ko. May narinig akong yabag ng paa. Hanggang sa biglang bumukas ang ilaw. Ngayon ko malinaw na nakikita ang buong paligid. Kahit na nasisilaw ako ay pinilit kong idilat ang mga mata ko. Nasa isa akong bodega. May mantsa pa ng dugo ang gamit ko. "Miss, lilinisin ko po kayo. Kailangan niyo po magbihis ng damit." Biglang sabi sa akin ng isang babae."Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya."Hindi ko po alam, utusan lang po ako dito." Mahinang sagot niya sa akin."Paanong hindi mo alam? Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ko sa kanya."Marami pong bantay at gustuhin niyo man po ay
MIREYA’S POVLumipas ang maraming oras o baka mga araw na. Dahil hindi naman ako sigurado kung anong araw na ba. Paulit-ulit lang ang mga nangyayari sa akin dahil nandito pa rin ako sa lugar kung saan nila ako ikinulong. Hindi na muling bumalik si Dahlia kaya nag-alala ako bigla sa kanya. Halos bago na ang lahat ng mga pumunta sa akin dito. Walang may gustong kumausap sa akin. Lahat sila ay tahimik maliban sa lalaki na sa tingin ko ay tauhan ni Gavin.“Loewi, sa tingin mo nasaan na si Dahlia?” Tanong ko sa alaga kong pusa.Simula noong napadpad ako dito ay itinuturing ko ng pamilya si Loewi. Siya ang karamay ko, siya ang nakakaalam sa sakit na nararamdaman ko at sa pangungulila ko sa asawa at pamilya ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak, matapang ako pero unti-unti ng humihina ang pananalig ko na makakaalis ako dito. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na makakaalis pa ako dito. Nang may marinig akong yabag ay inayos ko ang sarili ko. Kagaya ng laging nangyayari ay iniiwan lang ni
MIREYA’S POV “Ikaw? Paano–” Hindi ako makapaniwala na siya ang nakikita ko ngayon. Natulala ako pero mabilis rin akong naglakad papunta sa kanya. “Xandro,” mabilis akong lumapit sa kanya at yayakapin ko sana siya pero may humarang na mga lalaki. “What’s the meaning of this?” Naiiyak na tanong ko sa kanya. Naguguluhan ako dahil bakit ayaw niya na yakapin ko siya. Hindi siya sumasagot at nakatingin lang siya sa akin. Malamig ang uri ng tingin niya sa akin. Hindi ko ma-process sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. Pero base sa tingin niya sa akin ay unti-unti ko ng nauunawaan ang mga nangyayari. “Sino ka ba talaga Alexandro? Ikaw ba si Gavin?” Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin. Sa tingin ko ay wala siyang balak na magpaliwanag sa akin. “Hindi ka ba sasagot!” Sigaw ko sa kanya. “Yes, I am Gavin Alexandro Santillan.” Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya. Naikuyom ko ang mga palad ko sa g
MIREYA’S POVNapabalikwas ako dahil naalala ko ang nangyari sa akin kanina. Wala na ako sa kulungan at nasa isang silid na ako. Hindi ko alam pero nasa maayos na akong lugar. Unang hinanap ng mga mata ko si Loewi. Nasaan kaya siya? Sana ay wala silang gawin sa pusa ko. Bumukas ang pintuan at pumasok si Axel. Masamang tingin kaagad ang ibinigay ko sa kanya. Pero para siyang walang pakialam sa akin.“Bakit niyo pa ako nilipat dito? Diba gusto niyo na mahirapan ako? Sana hinayaan niyo na lang ako doon.” Galit na saad ko sa kanya.“Kumain kana, kung talagang gusto mong makaalis dito ay sundin mo ang mga sinasabi ni Kuya.”“Huwag mo ng bilugin ang ulo ko. Dahil alam ko na papahirapan niyo lang ako,” saad ko sa kanya.“Kumain kana dahil baka makita ka pa ni mommy na ganyan at malalagot na naman kami. Sana magpasalamat ka na lang dahil nasa maayos ka ng kalagayan.”“Wala akong dapat ipagpasalamat sa inyo. Dahil kinamumuhian ko kayong lahat! Lalo na ang kuya mo! Mga h*yop kayo!” Sigaw ko sa k
MIREYA'S POVBinalot ng takot ang buo kong katawan. Bakit nandito ang larawan niya? Naglakad si Xandro at kinuha ang frame. "H-Huwag kang lumapit! H-Huwag! Ilayo mo sa akin 'yan!" Sigaw ko sa kanya. Nagpapanic na ako dahil bigla akong natakot.Pero patuloy siyang lumalapit sa akin. At nasa kamay niya ang larawan ng lalaking matagal ko ng gustong kalimutan. Ang bangungunot sa buhay ko. Ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko."Kilala mo ba ang daddy ko?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin."D—Daddy? S—Siya ang daddy mo?" Nanginginig ang boses ko habang tinatanong ko siya."Yes, daddy ko siya." Ngayon ko lubos na naintindihan kung bakit ganun na lang ang galit niya sa akin? Pero inosente ang pamilya ko. Kaya pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko. "Nang dahil sa pamilya niyo kaya nasira ang pamilya namin. Nakulong si daddy at worst namatay." Puno ng galit na saad niya sa akin.Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at galit. Pero ano bang kasalanan ko? Wala akong kasalanan. Da
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! MULI PO AY PINAPAALALA KO NA ANG STORY PO NA ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG PO. MAY MGA EKSENA PO NA MAAARING HINDI PO NINYO MAGUSTUHAN. MAARI PO NINYO ITONG I-SKIP. THANK YOU PO.MIREYA'S POVNanatili akong nakaupo sa tapat ng bintana. Simula kagabi ay nandito lang ako. Tahimik ang buong paligid at nakatulala lang ako. Hindi ko magawang tumayo. Hindi ko magawang humiga sa kama. Dahil wala akong lakas na kumilos. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Napalingon ako sa pintuan dahil biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Xandro na may dalang pagkain."Kumain kana," utos niya sa akin pero hindi ko siya pinansin ibinaling ko ulit sa labas ang tingin ko. Pero hindi siya tumigil at paulit-ulit siyang nagsasalita.Blankong tingin ang ipinukol ko sa kanya nang tumingin na ako sa kanya.. Tuwing nakikita ko siya ay umaahon ang lahat ng galit sa dibdib ko pero pinipilit ko lang na maging mahinahon. Naglakad siya palapit sa akin at pwersahan niya akong pinatayo."Ano ba?
WARNING: YOU CAN SKIP THIS CHAPTER PO. DAHIL MAY MGA EKSENA PO NA MAAARI NIYONG HINDI MAGUSTUHAN. THANK YOU PO!***MIREYA'S POVUnti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ang kisame kaya alam ko na nandito pa rin ako sa silid na kinaroroonan ko. Pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nataranta ako dahil nakita ko na nakagapos na ang kamay at mga paa ko. Bumalik rin sa alaala ko ang gamot na pinainom niya sa akin kanina.Tumulo ang luha ko. Wala silang mga puso. Sobrang sama nila. Hindi ko talaga naisip na darating ang oras na gagawin ito sa akin ni Xandro. Gusto rin nila akong matulad sa mommy ko. Ang gamot na pinainom nila sa akin ay kagaya lang ng gamot na pinainom nila kay mommy noon. Ang sakit ng puso ko dahil 'yon ang naging dahilan kung bakit ako muntik ng mawala sa mundo. At ngayon ay nangyayari na rin sa akin.Gusto rin niyang sirain ang buhay ko. Gusto rin niya akong pahirapan ng sobra. Saksi ako sa lahat ng hirap ng mommy ko. At ngayon ay parang mangyaya
MIREYA’S POVPuting kisame ang bumungad sa akin. Wala na ako sa dating silid na pinagkulungan nila sa akin. Nakaramdam rin ako ng pagkauhaw. Kaya sinubukan kong bumangon.“Thank God you're awake, Ate.”Tumingin ako sa gilid ko at si Dahlia ang bumungad sa akin. “Nasaan ako?” Tanong ko sa kanya.“Nasa bahay ka pa rin, ate. Tatlong araw kang nakatulog.” Sagot niya sa akin.Biglang nanubig ang mga mata ko nang maalala ko ang nangyari sa akin. Pero kaagad ko ring pinunasan ang mga luha ko. I scanned myself. Ang kaliwang kamay ko ay may swero at nag-iiba na ang kulay ng balat ko. I want to see my face pero wala namang salamin dito. Siguro ay pangit na ako dahil bumagsak na ang katawan ko. Humaba na ang mga kuko ko. Ibang-iba na ako sa dating Mireya. “Dahlia, nauuhaw ako.” Sabi ko sa kanya habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.Mabilis naman siyang tumayo at kumuha ng tubig. Pinainom niya ako. Pinunasan rin niya ang mga luha ko.“Huwag ka ng umiyak, Ate.” aniya sa akin.“Dahlia,