Share

MODELO UNO SERIES 1 : THE KARMA OF HER DREAM
MODELO UNO SERIES 1 : THE KARMA OF HER DREAM
Author: MISSPANDA

PROLOGUE

"ARE you sure that's what you're planning to do Jamella?" Tanong ni Bellenda ang kababata at bestfriend niya.

"Oo nga Bellen ang kulit mo rin eh paulit ulit na lang iyang tanong mo." Pairap niyang sabi.

"Kasi naman eh, ako ang kinakabahan sa kabaliwan mo."

"Bakit ka kasi natatakot? Ako naman ang gagawa nun hindi ikaw kaya relax lang."

Sinamaan siya nito ng tingin. "Relax Sira kaba? This is not a joke Jamella hindi basta ang taong gusto mong lapitan at gagawan ng kalokohan, my god you are crazy! Nakakatakot ang taong gusto mong banggain! " Sermon nito ngunit tinawanan niya lang ito dahil sa pag he-hysterical nito.

"Grabe ka naman, siya ang babangga sa akin sasalubongin ko lang." A malicious smile flashed on her lips.

Naiskandalo naman si Bellen dahil sa sinabi niya. "Impakta ka talaga ang bastos mo!" And she spank her.

Tumawa ulit siya. "Anong bastos? Aba wala naman akong sinabi ah, ikaw lang itong nag iisip ng masama." Painosenting tugon niya ngunit binato siya nito ng unan.

"Kilala kita Jamella kaya huwag ako buwesit ka!"

"Huminangon ka na kasi dyan, isa pa best friend mo ako bakit hindi mo na lang ako suportahan?"

"Suportahan mo mukha mo! Tulad kanina ng sinabi ko kilala kitang bruha ka, alam ko kung ano ang nasa isip mo at galawan mo palang basang basa ko na."

Umirap siya. "Duh.! Magaaplay lang  naman ako ng trabaho hindi gagawa ng isang krimen."

"Sinabi ko ba na krimen ang gagawin mo? Hoy alam kong malandi ka at iyang utak mo alam ko na ang laman niyan tiyak na gagawa ka ng kabaliwan mo Jamella kaya please lang, kung ano man iyang pinaplano mo huwag mo ng ituloy dahil malabo ka nun magugustuhan dahil ikakasal na ang lalaking kinababaliwan mo. "

Napa buntong hininga siya. "Alam ko naman iyon eh pero mahal ko siya."

"Ang tanong mahal kaba niya? Kilala kaba niya? Hindi diba? Isa ka lang naman dakilang stalker ng Teodoro na iyon kaya stop na."

Inis niyang tinignan ito."Ang sakit mo naman mag salita best friend ba talaga kita?" 

Pinandilatan siya nito ng mata. "Oo best friend mo ako at wala akong pakialam kung masakit ako mag salita dahil nababaliw kana at sasabihin at sasabihin ko sayo kung gaano kana kabaliw sa lalaking hindi ka naman kilala, hindi ka papatulan nun."

"Maganda naman ako ah." Depensa niya.

"You are beautiful smart and talented of course best friend mo ako kaya alam ko iyon, pero ang tanong ka level ka ba nila? Sila langit ikaw impyerno!"

"Hayop ka!" Inis niyang asik dito saka bahagyang Sinabunutan ang kaibigan. "Impyerno talaga? Bakit hindi Earth?"

"Pasosyal kapang bruha ka." Bumuntong hininga muna ito bago nag patuloy sa sasabihin. "I'm just concern bestfriend kaya minumulat lang kita sa katotohanan dahil ikaw lang ang magiging kawawa dito sa huli kapag pumalpak ang kabaliwan mo, Isa pa walang tutulong sayo kapag nangyari iyon at maraming mamumuhi sayo lalo na iyong mga inggitera at chismuso chismusa dyan. Mahal kita kaya natatakot ako para sayo pero nandito parin ako at si mama hindi ka Iiwan."

"Kainis ka naman eh ang drama mo." Sabay hampas niya sa braso ni Bellenda bago niyakapa.

"Jamella kahit hindi ka namin kadugo pero tinuturing parin kitang tunay na kapatid at Anak ni Mama."

"Love you Kambal." Malambing niyang sabi.

"Love you too." Saka siya nito niyakap pabalik.

Ngumiti naman siya saka niya hinalikan ang pisngi ni Bellenda.

"Pero tuloy parin ang plano kong mag apply."

___________

"GOOD MORNING!" masiglang bati niya sa lahat ng katrabaho niya.

"Ang ganda natin ah." Mara said.

"Nagulat kapa Mara, malay mo balak niya talagang landiin ang CEO." Sabat ni Tina ngunit alam niyang Biro lamang iyon.

Tumawa siya but in her inner thought is Tina is right.

Isang buwan na simula ng makapasok siya sa trabaho bilang secretary ni Teodoro DeMarco na siyang CEO ng DeMarco Clothing Line at noong ikalabing limang araw niya sa trabaho ay doon na niya sinimulan ang pasimpleng pangaakit sa binata.

"Tingin niyo magugustuhan niya rin kaya ako?" Saka siya kumindat at nag post na kunwari ay isa siyang modelo.

"Kung walang fiance ang boss natin baka sakali." Tugon ni Tina." Pero huwag ka ng mag ambitious girl baka makarma ka lang."

"Ito naman Biro lang eh." Pairap niyang sabi. 

"Totoo nga kasi girl, isa pa alam mo naman na masama ang ugali ng boss natin kunting mali lang manganganib na ang buhay mo tapos dagdagan pa ng fiance niyang ay Iwan basta iyon na iyon jusko! Buti na lang mataas sila mag pasuweldo." Sabi naman ni Mara saka sila Sabay humagikhik ni Tina.

"Tingin niyo sino mas maganda sa amin ng Fiance niya?" Bigla na lang niyang natanong sa dalawa at huli na para bawiin iyon kaya nagkunwari na lamang siya na joke lang.

Nagkatinginan sina Tina at Mara bago bumaling ang mga ito sa kanya.

"Maganda ka at mas maganda ka kaysa doon sa Impakta na iyon, ang kinaibahan lang baboy ang katawan mo at siya ay sexy, sosyal at sophisticated lang tignan kasi anak mayaman Pero kung sa ganda ang labanan ay teh, mas lamang ang ganda mo promise.!" Mara said.

Tumango si Tina  "Correct ka dyan, pariho din kayong matankad pero lamang ka rin ng kunti."

Abot taynga naman ang ngiti niya dahil sa sinabi ni Mara maliban sa sinabing baboy ang katawan niya pero pinalampas na lamang niya iyon.

Ngumisi naman si Tina. "Oh siya pag pinatulan ka ng big boss huwag mo kaming kalilimutan ah? Bigyan mo kami ng balato." Saka Nag apir ang dalawa na tila nagkasundo samantalang siya ay napahagalpak ng tawa. 

"Mga sira, Oh siya bye na at akoy may aakitin pa." She joked kahit totoo naman.

Napailing na lang ang dalawa saka siya itinaboy dahil baka daw maabutan din sila ng kanilang supervisor kaya umalis na rin siya at nagtungo sa opisina ng future husband niya.

Pagdating niya sa floor kung saan ang opisina ng big boss nila ay agad siyang kumatok bago sinilip ang loob upang e check kung naroon na ba ito oh wala, madalas kasi ay mas maaga ito kaysa sa kanya na pumasok lalo na't may kuwarto rin ito sa sariling opisina.

Minsan ay natutukso siyang pasokin ang kuwarto ng boss niya kaso sumusubra naman yata iyon isa pa may limitasyon pa rin naman siya sa kanyang sarili lalo na't privacy na iyon ng binatang boss niya.

Isa sa siyang klase ng babaeng ambisyosa ngunit kahit ganun ay alam parin niya ang dapat iwasan maliban sa pangaakit niya sa kanyang boss, baka hindi na niya ito makita ng forever kung sakaling lumampas siya guhit ng patakaran at ikmamatay talaga ng puso niyang malandi.

Sa isang buwan niyang pag tatrabaho dito ay nakuha niya na kaagad ang ugali ng boss niya at alam na alam niya kung ano ang gusto nito at ayaw nito idagdag pa ang pang e stalk niya dito noong nasa high school pa lamang sila at ito ay nasa fourth year at siya ay nasa first year high school pa lamang.

Nag kahiwalay lamang sila kunu ng love of her life niya ng mag aral ito sa America para mag koleheyo, Masakit man dahil na iwan siya sa pilipinas ay tiniis niya pero kahit ganun ay hindi niya ipinag palit sa iba ang pag ibig niya sa binata nanatili ang royalty ng puso niya dito ngunit hindi ibig sabihin ay wala na siyang mga crush, goodness sa dami ba naman nag guguwapohang mga actor jusko maakit talaga ang puso niya lalo na sa mga crush niyang Holly wood actor.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status