Four
DIS - oras na ng gabi ay dilat pa rin ang mga mata ni Via habang nakatitig sa kanyang kisame sa mga oras na iyon. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isip ang nalaman niya kanina lamang, hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya matanggap ang lahat.
Muli niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang dibdib dahil sa muli na namang pagsagi sa kanyang isip ng bagay na iyon. Hindi niya na rin namalayan na muli na namang nag - init ang sulok ng kanyang mga mata dahil dito.
Bakit ba kase kailangan pa na gawin iyon ng Daddy niya? Bakit kailangan na sila ang mamili ng taong pakakasalan niya?
Oo, alam niya na magulang niya ang mga ito at mas nakatatanda sa kanya ngunit ang pagpili ng taong makakasama niya sa kanyang buhay ay hindi na dapat pa nilang sinasaklaw dahil unang - una ay hindi naman sila ang makikisama sa taong pinili ng mga ito para sa kanya balang araw kundi siya, kaya napakalaking tanong sa kanyang isip kung ano ang pumasok sa isip ng Daddy niya sa pakikipagkasundo nito para sa taong sinasabi nito na dapat niyang pakasalan sa tamang oras na sinasabi ng kanyang Ama.
Napadako ang kanyang tingin sa maletang nasa tabi niya at nakapatong sa kanyang kama. Hindi niya gustong sundin ang sinasabi ng kanyang Ama kaya kaninang pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang silid ay agad niyang ini - empake ang kanyang mga damit sa kanyang maleta.
Aalis siya, lalayas siya sa bahay nila kung iyon lamang ang magiging daan para hindi matuloy ang kasal na sinasabi nito dahil sa nakikita niya kanina sa mukha ng kanyang Ama ay desidido talaga ito na ipakasal siya.
Sinalungat niya ito ngunit nagalit lamang ito sa kanyang ginawa kaya labis - labis ang naging kanyang pag - luha.
Tila ba siya isang bata na sinesermonan dahil sa paglalaro niya. Pakiramdam niya nang mga oras na sinabi nito na ipapakasal siya sa taong sinasabi nito ay tila siya walang kwenta, tila ba wala na siyang silbi sa mga ito at tila ba nagsasawa na ang mga ito sa kanya noong oras na iyon.
Sa pagkaalala ng mga ito ay muli na namang nangilid ang kanyang mga luha na kanina ay wala na. Muli na naman ang pagkirot ng kanyang dibdib dahil sa sakit na dulot ng pagkakasundo sa kanya na ikasal sa taong ni hindi niya man lang kilala.
Ang bata niya pa para sa kasal, twenty two pa lamang siya. Wala pa sa kanyang isip ang pag - aasawa, hindi niya alam kung bakit nga ba talaga ginawa iyon ng kanyang Ama. Alam niyang may mas malalim pang dahilan at kung ano man iyon ay hindi siya papayag na basta - basta na lamang siyang ikasal.
Wala pa sa bokubolaryo niya ang salitang kasal dahil masyado pang maaga. Hindi niya pa nagawa ang lahat ng gusto niya, ni hindi pa nga siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil tumigil siya ng dalawang taon dahil na rin sa hindi niya gusto ang kursong ipinakuha sa kanya ng mga magulang niya.
Gusto niya pang i - enjoy ang buhay niya kasama ang mga kaibigan niya dahil hindi pa siya handa sa mga ganuong klaseng responsibilad. Ni ang paghalili nga sa kanyang Ama sa kanilang mga negosyo ay hindi niya pa tinanggap kahit na napakatagal na siya nitong pinipilit na halilihan na siya, mabuti na lamang at naroon ang kanyang pinsan na lagi siyang ipangtatanggol.
Basta ang lagi niya lamang sagot dito ay hindi pa siya handa. Alam niya naman na walang ibang aasahan ang kanyang Ama sa kanilang mga negosyo kung hindi siya lamang dahil nag - iisa lang naman siya at wala siyang kapatid.
Iyon kaya ang nasa isip ng kanyang Ama? Iyon kaya ang dahilan kaya pilit siya nitong ipinagkasundo sa isang taong hindi niya pa naman nakikilala upang magpakasal?
Natatakot kaya ito na mawala lang sa lahat ang pinaghirapan nito dahil sa nakikita niyang pag - uugali niya na akala mo walang ka inte - interes sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila? Iyon kaya?
Napakagat - labi siya. Napakababaw naman ng rason ng kanyang Ama kung iyon nga ang dahilan nito dahil hindi ba nito maintindihan na hindi pa talaga siya handa na i - take over ang pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.
Oo, alam niya na tumatanda na nga ang mga ito pero paano naman siya?
Sa mga oras na iyon ay parang gusto niyang sisihin ang mga ito kung bakit hindi na lamang siya nila dinagdagan para hindi siya inoobliga ng mga ito na katulad ngayon.
Kung meron lamang sana siyang kapatid edi sana ay hindi siya nila kailangang ipagkasundo pa dahil ang kapatid na niya ang bahala sa lahat.
Napapikit siya, kung sana ay naging kapatid na lamang sana niya ang kanyang pinsang si Nathan na anak ng kapatid ng Daddy niya e di sana ay wala siyang pinoproblema na katulad nito.
Muli siyang napamulat ng kanyang mga mata at napatingin sa kanyang wall clock. Mag - aala una na ng madaling araw.
Napabangon na siya mula sa kanyang pagkakahiga at humugot ng isang malalim na buntung - hininga. Kailangan niyang umalis sa bahay nila bago pa mag - liwanag.
Tumayo na siya at hinawakan ang kanyang maleta. Napatingin siya sa kanyang mga atm na nakapatong sa side table ng kanyang kama. Iniwan niya ang mga ito dahil nasisiguro niyang kapag dinala niya ang mga ito ay mahahanap at mahahanap nila siya. Nasisiguro niyang ipapa - trace siya ng kanyang Ama kung saka - sakali kaya napagdesisyunan na lamang niya na iwanan ang mga ito.
Total ay meron naman siyang pera na cash galing sa mga ipon niya. Isa pa ay nagdala siya ng ilang pirasong alahas niya upang kapag nawalan siya ng pera ay meron siyang maibebenta.
Maging ang kanyang cellphone ay iniwan niya dahil ayaw niyang matawagan siya ng mga ito. Buo na ang loob niya na umalis doon dahil ayaw niyang sundin ang mga ito sa gusto nila na magpakasal siya.
Muli siyang napahugot ng isang malalim na buntung hininga bago niya hinawakan ang kanyang maleta at dahan dahan na naglakad papunta sa kanyang pinto.
Binuksan niya ito ng napakamalumanay upang hindi ito gumawa ng anumang ingay.
Sumilip muna siya sa labas ng kanyang pinto at nang makita niya na wala ni isang tao na naroon dahil nasisiguro niyang tulog na ang lahat ay tuluyan na siyang lumabas sa kanyang silid at dahan - dahang inumpisahang maglakad bitbit ang kanyang maleta.
Ingat na ingat siya na hindi makagawa ng kahit anumang ingay na makakasanhi ng pagkagising ng mga tao sa kanilang bahay.
Nakahinga siya ng maluwag nang payapa siyang makalabas ng kanilang bahay na wala manlang nagigising na kahit sino.
Pagkasarado niya ng kanilang gate ay napalingon muna siya sa kanilang bahay at napapikit ng mariin bago tuluyang tumalikod na at nag - umpisa ng maglakad palayo sa bahay nila.
I can feel the breeze from the afternoon wind from the sea. Niyakap ko ang tuhod ko at tumanaw sa dagat. I closed my eyes and feel the fresh air, at ngumiti sa kawalan.Tumayo ako at lumakad papunta sa dalampasigan. Hinubad ko ang aking sandals at hinayaang abutin ng tubig ang aking mga paa.Lumingon ako sa aking dinaan at nakita ko kung paano tinangay ng alon ang marka ng aking mga paa.Sana ganun din kadali makalimot ang tao na sa isang iglap ay wala na agad.Itinuloy ko ang ang aking paglalakad hanggang umabot sa ako sa isang malaking bato na nasa tabing-dagat din. Sumampa ako doon at tahimik na umupo at pinanuod ang papalubog na araw. Ang ganda, ang ganda ng kulay ng araw at ang ulap na nakapaligid dito pati na rin ang kumikintab na dagat na nagkukulay orange.Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga.I closed my eyes. Its been 6 months, yeah six hell months. Bigla nanamang uminit ang gilid ng mga mata ko.He's gone for six months. I don't know where is he if he died or what. Hin
Nagising ako na nakatali ang mga kamay at nakatali sa isang upuan. May panyo rin sa aking bunganga kaya hindi ako makapagsalita.Nakita ko si Ivan sa harapan ko na kasalukuyan nilang binubugbog. Gusto ko man sumigaw ay hindi ko magawa kaya napaiyak nalang ako.Tulungan niyo kami.Nakita kong dumura ng dugo si Ivan at binitawan nila ito. Naiwan siyang nakalugmok doon.Iniwan nila kaming dalawa roon at lumabas sila. Narinig ko ang kalansing ng mga kadena sa labas. Kumawag-kawag ako para sana makaalis ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin.Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Sino sila?Sino ang mga taong may gawa nito?Kahit hirap siyang bumangon ay pinilit pa rin niyang tumayo upang puntahan ako. Mas lalo akong napaiyak nang masubsob siya sa mismong mga hita ko. Putok ang labi, may pasa sa pisngi at may umaagos na dugo sa kanyang kaliwang kilay.Tumingala siya sa akin kahit na alam kong sobrang sakit ng katawan niya ay ngumiti siya sa akin."Don't cry babe..." Marahang bulong n
Nakatingin siya sa kanyang repleksiyon sa salamin. Nakasuot siya ng tan gown at kitang kita ang hubog na kanyang katawan. Hindi daring ang tabas nito dahil ayaw ni Ivan ng ganun. Ito rin ang pumili sa damit niya, isinuot niya na ang kanyang kwintas na binili rin nito at ang pares na hikaw. Nakangiti siya ng mapagmasdan ang sariling repleksyon.Perfect!Narinig niya ang katok sa pinto."Lalabas na ako." Sigaw niya at pinulot ang kanyang purse ng bumukas ang pinto at pumasok si Ivan.Napatitig siya rito dahil ang gwapo nito sa suot niyang coat and tie.Ngumiti ito sa kanya kaya sinuklian niya rin ito ng isang ngiti."You are so beautiful babe." He said while his eyes is twinkling."And you are so handsome." She said and walk towards him."Lets go?" Tanong niya at bilang sagot ay itinaas nito ang braso kayat kumapit naman siya agad dito.Sabay silang lumabas ng silid at bumaba."Bagay na bagay talaga kayo." Nakangiting sambit ni Nana Yuling. Ngumiti naman kami pareho at nagpaalam na dit
Hindi mapakali si Via sa kanyang kwarto. Agad siyang umakyat pagkatapos nilang kumain ng agahan. Kinakabahan pa rin siya. Tumayo siya at palakad-lakad sa harap ng kanyang kama ng malingunan ang kanyang cellphone.Anong gagawin ko? Tatawagan ko ba si Nate? Argh!Naisabunot niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Nafru-frustrate na siya. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.May gustong pumatay kay Ivan. Sino kaya ito at ano ang motibo? Hindi kaya isa sa mga kakomptensiya niya ito sa negosyo?Naupo siya sa kanyang kama at huminga ng malalim. Kailangan malaman ito ni Nate.Saktong pagtayo niya ay ang pagbukas naman ng pinto ng kanyang silid. Sumungaw doon si Ivan na naka walking shorts at naka V-neck na T-shirt.Pumasok ito sa kanyang silid at sumandal sa pintuan. "Magbihis ka at may pupuntahan tayo." Seryosong sabi nito."Sa-saan?" Nauutal niya namang tanong."Sa isang boutique. Kailangan nating pumili ng ating isusuot sa engagement party natin bukas."Bukas na pala iyon.Isang tan
Nakadulog na si Via sa lamesa at si Nana Yuling ay naghahain na ng almusal. Nangalumbaba siya habang nakatingin sa nakatalikod na matanda habang nagsasandok ng sinangag.Humikab pa siya at napapikit saka isinandal ang ulo sa upuan. Inaantok pa ako. At muli siyang humikab ulit."O mukhang puyat na puyat ka ah." Puna sa kanya ng matanda kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niyang ibinaba na nito ang sinangag sa lamesa at ang pinirito nitong itlog, hotdog at bacon. Nalanghap niya kaagad ang mabangong amoy ng sinangag."Ah hindi naman ho pero parang kinulang parin ako sa tulog." Lie. Sagot niya rito. Ang totoo napuyat talaga siya dahil sa bruhong lalaki paano ba naman hindi na ito matanggal sa isip niya. Sa kanyang pagpikit ay mukha nito ang nakikita niya kaya imbis na matulog siya ay nanatili siyang gising na gising. Nakaidlip naman siya pero nagising din siya kaagad dahil umaga na pala. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumangon dahil ayaw niya namang tanghaliin ng gising
Nakatanaw si Via sa dagat habang nakaupo sa buhanginan. Katatapos lang nilang kumain at talaga namang busog na busog siya. Sa totoo lang ang dami niyang nakain at hindi niya malaman kung saan niya inilagay ang lahat ng mga iyon. Hindi niya rin maimagine sa sarili niya na ganun siya kalakas kumain. Para bang hindi siya kumain ng isang dekada. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Lets swim." halos masigaw siya dahil sa pagkagulat. Masama niya itong tiningnan. Nasapo niya tuloy ang kanyang dibdib. "Wag mo nga akong ginugulat. Gusto mo naman na ata akong mamatay sa gulat." "Sorry." mahinang usal nito at umupo sa tabi ko. "Maligo tayo." at tumingin siya sa akin at ang mga mata niya ay tila may ibang kislap, kasiyahan o kapilyuhan? Aba ewan. "Ayoko." Nakangusong sagot ko at saka humalukipkip. "Ayaw mo?" "Oo ayaw ko." Sagot ko at tumayo na siya. Napangiti naman ako ng lihim. Hindi dahil sa ayokong maligo. Ayoko lang talagang maligo sa dagat natatakot ako baka malunod