Share

Chapter 18

Ang akala ni Via ay dadalaw lang sila roon. Pero laking gulat niya ng tumambad sa kaniya ang dalawang maleta sa sala ng town house ni Ivan. Punong-puno ang mga iyon ng mga gamit niya. Anong binabalak ng mga magulang niya? Napasalampak siya sa sofa.

"Nako e, kanina pa ang mga iyan rito hija. Ipinahatid daw ng mga magulang mo."

Nasapo niya ang kanyang mukha. Ano ba ang tingin sa kanya ng mga magulang niya? Bakit pakiramdam niya ay ipinamimigay siya ng mga ito.

Tiningnan niya ng masama si Ivan. Ano ba ang ipinakain nito sa kaniyang mga magulang para pagkatiwalaan siya ng mga ito ng lubos?

Tumayo siya at nagmartsa papunta sa kwartong o-okupahin niya. Isinunod ni Ivan ang mga maleta niya at walang salita ring lumabas agad sa kaniyang silid.

Agad siyang nagbihis. At humiga sa kama. Ano ang balak ng mga magulang niya at dinala rito ang mga gamit niya? Hindi niya namalayan sa ka-kaisip niya ay nakaidlip pala siya.

Pasado alas kwatro na ng magising siya. Saktong nagpanhik naman si Nana
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status