Share

Chapter 5

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2022-05-22 14:53:04

Five

ANG kanyang paningin ay medyo nanlalabo na dahil sa matinding pagkahilo dahil sa alak na ininom niya sa bar. Kaninang bago siya umalis doon ay hindi pa naman ganun ang pakiramdam niya.

Ni wala nga siyang nararamdaman na hilo kanina kaya nagtataka siya kung bakit ganun na lamang katindi ang hilo niya ng mga oras na iyon. 

Pilit niyang tinitingnan ang kanyang suot na relo upang tingnan kung anong oras na nga ba, ngunit kahit anong pilit niyang tingnan ay hindi na niya makita pa iyon ng malinawag dahil malabo na nga ang kanyang paningin nang mga oras na iyon.

Habang nakahawak ang isa niyang kamay sa manibela ay napahawak naman ang isa sa kanyang sentido upang hilutin ito upang maibsan man lang sana ang pagkahilong nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapamura dahil sa nararamdaman niya. Hindi siya ganun kadaling malasing at alam niya iyon sa sarili niya kaya nasisiguro niya na may sumabutahe sa ininom niya kanina.

Sa isip isip niya ay malamang na ang babaeng umupo sa tabi niya ang gumawa nito dahil sa kadesperadahan na makuha siya nito. Sa malamang ay isa lang itong babaeng gold digger na naghahanap ng isang lalaking mahuhuthutan pagkatapos nilang magniig.

Hindi niya namalayan na naipikit niya pala ang kanyang mga mata habang nagmamaneho siya, ramdam na ramdam niya ang pagkirot ng kanyang ulo nang mga oras na iyon at bago siya magmulat ng kanyang mga mata ay napamura na naman siya.

Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay tinapakan niya agad ang kanyang preno dahil kahit nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa sobrang pagkahilo ay kitang - kita niya ang isang babae na bigla bigla na lamang tumawid at hindi na rin siya nito napansin pa.

Ilang beses siyang bumusina ngunit naging huli na ang lahat. Sobrang diin ang tapak niya sa kanyang preno upang hindi niya mabangga ang babaeng nasa gitna ng daan na napatigil din sa paglalakad dahil sa sobrang pagkagulat. Hindi na rin ito gumalaw pa pagkakakita sa kanyang sasakyan na sasalpukin siya.

Hindi niya tuloy matukoy kung sadya ba itong tumawid upang magpakamatay na. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang pagkauntog niya sa steering wheel ng kanyang kotse at narinig niya ang malakas na pagkalabog mula sa kanyang harapan at ang pagkabasag ng salamin.

Nahihilo siya ng mga oras na iyon. Hindi pa rin nawawala ang kanyang pagkahilo, idagdag pa ang pagkakauntog ng kanyang ulo sa manibela ng sasakyan. Iniangat niya ang kanyang ulo, basag na harapan ng kanyang sasakyan ang bumungad sa kanyang nanlalabong mga mata at ang usok na nagmumula din sa kanyang makina.

Dahan - dahan siyang gumalaw upang sumandal sa sandalan ng kanyang inuupuan at pinapakiramdaman ang kanyang sarili kung may iba pa bang napinsala sa kanya, wala naman siya maramdaman kundi tanging pagkahilo lamang kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na lumabas upang tingnan ang babaeng nasa harapan niya kanina.

Dahan - dahan siyang bumaba mula sa kanyang sasakyan at dahan - dahan din ang mga naging paggalaw niya dahil nga nahihilo pa rin siya ng mga oras na iyon.

Agad siyang nagpunta sa harap ng kanyang sasakyan at doon niya nakita ang nakahandusay na katawan ng babae.

"Shit!" He cursed under his breath, at pagkatapos ay mabilis na umupo upang tingnan kung may pulso pa ito. Napamura na naman siya ng makita ang pag - agos ng dugo mula sa ulo nito.

Napahinga siya ng maluwag nang maramdaman pa ang pulso nito. Mabilis niya ito binuhat upang ipasok sa kanyang sasakyan. 

Pagkababa niya rito ay mabilis siyang pumunta sa upuan niya upang itakbo ito sa ospital. Hindi naman ganun katigas ang puso niya para hayaan na lamang ito doon na maubusan ng dugo kahit pa kasalanan din naman nito kung bakit niya ito nabunggo. 

Napahigpit ang kapit niya sa kanyang manibela. Ang kaninang pagkahilong nararamdaman niya ay tila nabawasan nang makita niya ang dugo na dumadaloy mula sa ulo nito.

Wala na itong malay ng mga oras na iyon at hindi niya na naman mapigilan ang sariling mapamura habang tinitigan ang babaeng nakahiga sa likod ng kanyang sasakyan. 

Napakarami niya pang problema at ngayon ay dumagdag pa ito sa mga problema niya. Hindi pa nga niya nareresolba ang problema niya sa last will and testament na iniwan ng kanyang Ama ay meron na naman siyang bagong problema.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   End

    I can feel the breeze from the afternoon wind from the sea. Niyakap ko ang tuhod ko at tumanaw sa dagat. I closed my eyes and feel the fresh air, at ngumiti sa kawalan.Tumayo ako at lumakad papunta sa dalampasigan. Hinubad ko ang aking sandals at hinayaang abutin ng tubig ang aking mga paa.Lumingon ako sa aking dinaan at nakita ko kung paano tinangay ng alon ang marka ng aking mga paa.Sana ganun din kadali makalimot ang tao na sa isang iglap ay wala na agad.Itinuloy ko ang ang aking paglalakad hanggang umabot sa ako sa isang malaking bato na nasa tabing-dagat din. Sumampa ako doon at tahimik na umupo at pinanuod ang papalubog na araw. Ang ganda, ang ganda ng kulay ng araw at ang ulap na nakapaligid dito pati na rin ang kumikintab na dagat na nagkukulay orange.Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga.I closed my eyes. Its been 6 months, yeah six hell months. Bigla nanamang uminit ang gilid ng mga mata ko.He's gone for six months. I don't know where is he if he died or what. Hin

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 25

    Nagising ako na nakatali ang mga kamay at nakatali sa isang upuan. May panyo rin sa aking bunganga kaya hindi ako makapagsalita.Nakita ko si Ivan sa harapan ko na kasalukuyan nilang binubugbog. Gusto ko man sumigaw ay hindi ko magawa kaya napaiyak nalang ako.Tulungan niyo kami.Nakita kong dumura ng dugo si Ivan at binitawan nila ito. Naiwan siyang nakalugmok doon.Iniwan nila kaming dalawa roon at lumabas sila. Narinig ko ang kalansing ng mga kadena sa labas. Kumawag-kawag ako para sana makaalis ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin.Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Sino sila?Sino ang mga taong may gawa nito?Kahit hirap siyang bumangon ay pinilit pa rin niyang tumayo upang puntahan ako. Mas lalo akong napaiyak nang masubsob siya sa mismong mga hita ko. Putok ang labi, may pasa sa pisngi at may umaagos na dugo sa kanyang kaliwang kilay.Tumingala siya sa akin kahit na alam kong sobrang sakit ng katawan niya ay ngumiti siya sa akin."Don't cry babe..." Marahang bulong n

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 24

    Nakatingin siya sa kanyang repleksiyon sa salamin. Nakasuot siya ng tan gown at kitang kita ang hubog na kanyang katawan. Hindi daring ang tabas nito dahil ayaw ni Ivan ng ganun. Ito rin ang pumili sa damit niya, isinuot niya na ang kanyang kwintas na binili rin nito at ang pares na hikaw. Nakangiti siya ng mapagmasdan ang sariling repleksyon.Perfect!Narinig niya ang katok sa pinto."Lalabas na ako." Sigaw niya at pinulot ang kanyang purse ng bumukas ang pinto at pumasok si Ivan.Napatitig siya rito dahil ang gwapo nito sa suot niyang coat and tie.Ngumiti ito sa kanya kaya sinuklian niya rin ito ng isang ngiti."You are so beautiful babe." He said while his eyes is twinkling."And you are so handsome." She said and walk towards him."Lets go?" Tanong niya at bilang sagot ay itinaas nito ang braso kayat kumapit naman siya agad dito.Sabay silang lumabas ng silid at bumaba."Bagay na bagay talaga kayo." Nakangiting sambit ni Nana Yuling. Ngumiti naman kami pareho at nagpaalam na dit

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 23

    Hindi mapakali si Via sa kanyang kwarto. Agad siyang umakyat pagkatapos nilang kumain ng agahan. Kinakabahan pa rin siya. Tumayo siya at palakad-lakad sa harap ng kanyang kama ng malingunan ang kanyang cellphone.Anong gagawin ko? Tatawagan ko ba si Nate? Argh!Naisabunot niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Nafru-frustrate na siya. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.May gustong pumatay kay Ivan. Sino kaya ito at ano ang motibo? Hindi kaya isa sa mga kakomptensiya niya ito sa negosyo?Naupo siya sa kanyang kama at huminga ng malalim. Kailangan malaman ito ni Nate.Saktong pagtayo niya ay ang pagbukas naman ng pinto ng kanyang silid. Sumungaw doon si Ivan na naka walking shorts at naka V-neck na T-shirt.Pumasok ito sa kanyang silid at sumandal sa pintuan. "Magbihis ka at may pupuntahan tayo." Seryosong sabi nito."Sa-saan?" Nauutal niya namang tanong."Sa isang boutique. Kailangan nating pumili ng ating isusuot sa engagement party natin bukas."Bukas na pala iyon.Isang tan

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 22

    Nakadulog na si Via sa lamesa at si Nana Yuling ay naghahain na ng almusal. Nangalumbaba siya habang nakatingin sa nakatalikod na matanda habang nagsasandok ng sinangag.Humikab pa siya at napapikit saka isinandal ang ulo sa upuan. Inaantok pa ako. At muli siyang humikab ulit."O mukhang puyat na puyat ka ah." Puna sa kanya ng matanda kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niyang ibinaba na nito ang sinangag sa lamesa at ang pinirito nitong itlog, hotdog at bacon. Nalanghap niya kaagad ang mabangong amoy ng sinangag."Ah hindi naman ho pero parang kinulang parin ako sa tulog." Lie. Sagot niya rito. Ang totoo napuyat talaga siya dahil sa bruhong lalaki paano ba naman hindi na ito matanggal sa isip niya. Sa kanyang pagpikit ay mukha nito ang nakikita niya kaya imbis na matulog siya ay nanatili siyang gising na gising. Nakaidlip naman siya pero nagising din siya kaagad dahil umaga na pala. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumangon dahil ayaw niya namang tanghaliin ng gising

  • MONTEFALCO SERIES 1: OLIVIA MONTEFALCO   Chapter 21

    Nakatanaw si Via sa dagat habang nakaupo sa buhanginan. Katatapos lang nilang kumain at talaga namang busog na busog siya. Sa totoo lang ang dami niyang nakain at hindi niya malaman kung saan niya inilagay ang lahat ng mga iyon. Hindi niya rin maimagine sa sarili niya na ganun siya kalakas kumain. Para bang hindi siya kumain ng isang dekada. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Lets swim." halos masigaw siya dahil sa pagkagulat. Masama niya itong tiningnan. Nasapo niya tuloy ang kanyang dibdib. "Wag mo nga akong ginugulat. Gusto mo naman na ata akong mamatay sa gulat." "Sorry." mahinang usal nito at umupo sa tabi ko. "Maligo tayo." at tumingin siya sa akin at ang mga mata niya ay tila may ibang kislap, kasiyahan o kapilyuhan? Aba ewan. "Ayoko." Nakangusong sagot ko at saka humalukipkip. "Ayaw mo?" "Oo ayaw ko." Sagot ko at tumayo na siya. Napangiti naman ako ng lihim. Hindi dahil sa ayokong maligo. Ayoko lang talagang maligo sa dagat natatakot ako baka malunod

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status