LUMULUHA ng dugo ang bilog na buwan nang isilang ang isang sanggol. Umalingawngaw ang iyak niyon sa katahimikan ng gabi.
“Babae ang anak mo, Rebecca,” nakangiting sabi ng komadrona habang maingat na hawak nito sa mga kamay ang sanggol.
Hinang hina si Rebecca at sa namimigat na mga mata ay sinilip ang kanyang anak na ibinalot ng komadrona sa malinis na lampin. Pagkatapos sumulyap siya sa direksiyon ng bintana ng maliit na silid sa lying-in center na iyon. Nakasara iyon at nakatabing ang mga kurtina. Pero alam niya kung ano ang makikita niya sa madilim na kalangitan kung sakali mang nakabukas ang bintana at kaya niyang tumingala.
Blood Moon. Laman iyon ng mga balita sa nakaraang mga linggo. Ang dahilan kung bakit gusto sana niya na huwag sa araw na iyon manganak. Pero hindi rin talaga nadaan ni Rebecca sa pakiusap at dasal ang lahat. Mismong sandali pa na sigurado na pulang pula ang bilog na buwan sa kalangitan napiling lumabas ng kanyang anak.
Lumapit sa kama ang komadrona kaya nawala ang tingin niya sa bintana. Malinis na ang sanggol at huminto na sa pag-iyak. Maingat iyong ibinaba ng komadrona sa tabi niya. Tumulo ang luha ni Rebecca habang pinagmamasdan ang payapa at inosenteng mukha ng kanyang anak. Hindi iyon luha ng kaligayahan kung hindi luha ng hinagpis at takot.
Bakit kailangan ngayon ka pa ipanganak anak ko? Kung ilang linggo ang nakararaan ka lumabas o kaya ay sa susunod pang linggo, kapag hindi na bilog ang buwan at hindi iyon pula na tulad ngayon, mapapanatag na sana ako na magiging normal at tahimik ang magiging buhay mo sa hinaharap.
“Rebecca? Tatawagin ko na ang asawa mo. Sigurado akong gusto na niya kayong makita na mag-ina niya,” sabi ng komadrona bago naglakad palayo sa kama at patungo sa pinto ng silid.
Hindi siya nag-angat ng tingin at patuloy lang tinitigan ang sanggol. Kahit hindi pa rin bumabalik ang kanyang lakas kumilos si Rebecca hanggang sa mailapit niya ang mukha sa kanyang anak at hinalikan ito. “Po-protektahan kita kahit anong mangyari. Hindi ko hahayaang matagpuan ka nila,” determinadong bulong niya.
Noon pumasok sa silid ang asawa niya at humahangos na lumapit sa kama. Naluluha at halatang manghang mangha ang lalaki habang pinagmamasdan ang sanggol. Tiningnan nito si Rebecca at masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Nakangiting hinalikan siya ng lalaki at ganoon din ang ginawa nito sa kanilang anak.
“Napakagandang bata,” usal ng asawa ni Rebecca.
“Ano ang pangalang ibibigay niyo sa kaniya?” nakangiting tanong ng komadrona.
Tumingin sa kaniya ang lalaki at hinintay siyang magsalita. Pinagmasdan ni Rebecca ang kanyang anak at masuyong ngumiti sa kabila ng pag-aalala na namamayani sa puso niya. “Ayesha. Siya si Ayesha.”
(Ayesha) MARAMING pangyayari sa nakaraan ang matagal nang nabura sa kasaysayan. Ang mga alamat akala ng lahat kathang isip lang. Pero walang kuwento na purong gawa-gawa lang. Kahit na ang mga bagay na akala mo malabong may katotohanan siguradong may pinanggali
(Ayesha)KUMPARA sa mga State University at Colleges sa siyudad hindi hamak na mas maliit ang kolehiyo sa aming bayan – ang Abba College. Ayon sa kasaysayan ng kolehiyo na iyon na kahit maliit ay halos pitongpung taon na mula ng itatag, ang pangalan daw na Abba ay sinaunang tawag kay Bathala. Dati daw isa
(Ayesha)PAGKATAPOS ng klase nagpaalam na si sir Angus sa amin. Bumaling siya sa akin para ibilin ang test papers. “Hihintayin kita, Miss Querol,” nakangiti pang sabi niya bago tuluyang lumabas ng classroom.
(Ayesha)CREW SA isang fastfood chain sa sentro ng Tala ang part-time job ko. Malapit lang iyon sa campus kaya convenient para sa akin ang mag trabaho doon. Iba-iba ang oras ng shift pero palagi eksaktong limang oras dapat kada araw. Iba pa iyon sa trabaho ko kapag summer vacation at Christmas vacation. Kapag kasi mahaba ang bakasyon nagtatrabaho naman ako sa nag-iisa at pinakamagandang tourist attraction sa Tala– ang Hidden Paradise resort na matatagpuan sa kabilang bundok at nakaharap sa dagat. Halos tatlumpung minuto ang layo
(Cain)Isang araw ang nakakaraan… “Master Cain, pinapatawag kayo ng Elders. Importante
(Cain)“What?” manghang bulalas ko. “Iaasa ninyo sa desisyon niya ang kinabukasan ng pamilya natin?”“Ganoon din naman. Siya naman talaga ang pag-asa ng pamilya natin, Cain,” seryosong sabi ng aking ama.
(Ayesha)“YOU heard me. I am going to be your husband. Itinakda na iyon sa araw pa lang ng iyong kapanganakan. You cannot run away from your destiny, Ayesha.”
(Ayesha)Huminga ako ng malalim. Professor ko naman siya. Mapagkakatiwalaan ko naman siguro siya. “Okay,” nasabi ko na lang. Ngumiti si sir Angus at tinapik ang ulo ko. “Good.” Napasinghap ako nang lumapat ang palad niya sa likod ko at itinulak niya ako papasok sa apartment complex.