로그인Hi mga mahal kong readers! 🤭 Grabeee, konting kembot lang, 2k followers na tayo! 😍 Hindi ko alam kung dapat mag-celebrate o magtangis sa sobrang excitement, pero sige, dance mode muna tayo! 💃✨ Salamat sa lahat ng nagbabasa, nagko-comment, at nag-a-add sa library—kayo ang rason kung bakit tuloy-tuloy ang kwento natin dito. 🫶 Kung bago ka pa dito, welcome sa family! Huwag mahiya, magparamdam sa comments, chika chika tau CHARROOOTT😂 O siya, balik na sa kwento, pero tandaan niyo—konting kembot, malaking saya! 🥳
THIRD PERSON:“Mira…” mahinang tawag niya, pilit pinapakalma ang boses.Pinunasan ni Mira ang luha niya, umiwas pa rin ng tingin.“Dominic… hindi ko alam kung kakayanin ko pang tanggapin iyang tulong niyo ni Ma'am Celestine-”“Makikinig ka muna sa akin,” mariin ngunit banayad na sabi niya.Natigilan si Mira at napatitig sa kanya.Saglit na katahimikan.Hanggang sa nagsalita ulit si Dominic.“Naasikaso na ni Mom ang lahat.”Nalilitong napatingin si Mira sa kanya.“A-ano?”Tumango si Dominic.“Ang flight, clearance, lahat ng kailangan para sa paglipat ni Aling Carmen… nakaayos na.”Sandaling hindi nakagalaw si Mira.Parang hindi agad nag-sink in sa kanya ang narinig.“Paparating na rin ang mga doktor na hahawak sa kanya,” dagdag pa ni Dominic, nanatiling seryoso parin ang tono. “Specialists sila na hindi basta-basta.”Napahawak si Mira sa dibdib niya.“Pero… Dominic…”Umiling siya agad, pinutol ang sasabihin nito.“Walang pero.”Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Mira.“Hindi ito
THIRD PERSON:Pagdating nina Felix at Dominic sa ospital, agad nilang tinungo ang labas ng Emergency Room, yung hanay ng upuan kung saan naghihintay ang mga bantay ng pasyente.Doon niya natagpuan si Mira, basang-basa, nanginginig sa lamig, at halos ubos na ubos, parang anumang oras ay bibigay na, habang katabi si Aling Marlyn na marahang hinihimas ang likod nito, pilit siyang pinapakalma.“Si-Sir Dominic…” ngatal na tawag nito, pilit pang tumatayo kahit halatang nanghihina.“Anong—”Hindi na niya natuloy ang sasabihin.Mabilis na lumapit si Dominic,at hinubad ang suot niyang business coat at agad itong ipinasuot kay Mira.“Naabutan po kasi ako ng ulan sa labas…” mahina nitong paliwanag.Nanatiling tahimik lang si Dominic.Pero sa paraan ng pagtingin niya mabigat at puno ng hindi masabing galit at awa. Galit sa nangyayaring pilit sinisira ng publiko kay Mira. At awa, dahil alam niyang kahit gaano katatag si Mira, may mga laban na hindi kayang harapin nang mag-isa… at ngayon, kitang-k
Dominic’s POVHindi pa tapos ang video pero pinatay ko na ang TV.“Sir—” nag-aalangan si Felix.Napadaan ang kamay ko sa buhok ko, pilit pinapakalma ang sarili. Pero hindi ko mapigilan ang bigat sa dibdib ko.This isn’t just gossip.This is targeted.“Find out who released that,” mariin kong sabi, malamig ang tono ngunit halatang pigil ang galit. “I want names, Felix. The reporter, the source, everyone involved.”“Yes, sir.”“And do it now,” dagdag ko, mas mababa ang boses. “I don’t care how much it costs. I want this traced, immediately.”Saglit akong napapikit.Mira.Bigla akong tumayo.“Asan si Mira?” mabilis kong tanong.“Nasa staff floor po yata, sir—”Hindi ko na hinintay ang kasunod.“Keep me updated every minute,” utos ko bago tuluyang lumabas.Kailangan ko siyang mahanap.**********Mira’s POVBigla akong napahinto nang marinig ang pag-vibrate ng cellphone ko.Nanginginig parin ang kamay ko habang tinititigan ang screen.Tita Marlyn.Agad ko itong sinagot.“Hello, Tita—”“Mi
THIRD PERSON: Tahimik ang loob ng isang exclusive conference room sa pinakamagandang ospital sa lungsod.Hindi ito pangkaraniwang meeting. Ang mga nakaupo sa mesa ay mga kilalang doktor, mga espesyalista sa operasyon, internal medicine, at critical care. Halatang sanay sa mga kasong life and death.Ngunit sa harap nila, hindi simpleng tao ang kausap nila.Si Doña Celstine Villaruel Lim.Nakaupo siya nang diretso, elegante ang postura, ngunit ramdam ang bigat ng kanyang awtoridad. Isang simpleng galaw lamang ng kamay at ang marahang paglagitik ng kanyang mga kuko sa ibabaw ng mesa ay sapat na para patahimikin ang buong silid.“I want things to be very clear.” malamig pero matatag ang boses niya. “Si Aling Carmen ay hindi basta pasyente.”Nagkatinginan ang mga doktor.“Doc, pwede ba siyang ilipat sa mas kumpletong facility? Gusto ko ng full equipment, complete surgical support, ICU readiness, lahat.”Isang doktor ang nagsalita, ngunit maingat.“Doña Celstine, feasible po ito, pero kai
MIRA POV:Nananatiling nakatutok ang mga mata ko sa tsekeng inilapag ni Mr. Adrian sa harapan ko.Parang masyadong mabigat iyon para hawakan.Hindi dahil sa halaga kundi sa ibig sabihin nito.Dahan-dahan akong napatingin kay Dominic.Hindi ko alam kung bakit, pero parang sa kanya ko hinahanap ang sagot. Kung tama bang tanggapin iyon o hindi.Tahimik lang siya.Ngunit nang maramdaman niya ang tingin ko, marahan niyang hinawakan ang kamay ko, mahigpit at may mainit na pahiwatig.Saka siya bahagyang tumango. Isang simpleng pagsang-ayon, na para bang sinasabi niya na anuman ang piliin ko ay tama iyon.Napayuko ako.Hindi dahil ayaw ko kundi dahil nahihirapan akong tanggapin.Dahil laging ganito ang nararamdaman ko kapag pera na ang usapan.Noon pa man ayokong tumanggap ng pera na parang naaawa lang sila sa akin.Masakit iyon sa pride ko bilang anak.Mas gusto kong paghirapan ang lahat.“Hindi ko po… kailangan—” mahina kong tanggi, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.Ngunit na
THIRD PERSON:Pumasok sina Mira kasama ang grupo sa meeting room.Sa loob, naroon na sina Mr. Adrian at Dominic.At sa sandaling magtama ang paningin nina Mira at Dominic parang huminto ang paligid sa pagitan nilang dalawa.Isang tingin lang.Ngunit may kung anong hindi maipaliwanag doon, parang may lungkot, pag-aalala, at pag-unawang tahimik na hindi kailangan ng salita.Napansin iyon ni Mr. Adrian.Agad siyang napangiti nang may pilyang aura.“Ehem,” pigil niyang tawa, sabay tingin kay Dominic. “Mr. Villaruel… tama na ‘yang titig mo kay Mira, baka matunaw na siya.”Biglang nag-iwas ng tingin si Dominic, halatang nahihiya.Habang si Mira naman ay bahagyang yumuko, pero kita pa rin ang pagod sa kanyang mukha.Isa-isa nilang inilapag ang mga dala nila sa mesa.Ngunit bago pa man magsimula ang usapan huminga nang malalim si Mr. Adrian at itinuro ang mga kahon sa harap nila.“Well,” mahinahon niyang sabi, “kaya ko kayo pinatawag ngayon… dahil ‘yang mga kahon na ‘yan, ibibigay ko na sa in
THIRD PERSON: Unang hakbang pa lang ni Mira sa loob ng engrandeng department store ay tila nanikip na ang kanyang dibdib. Kumikinang ang bawat sulok—mula sa malalaking chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa sahig na parang salamin kung saan malinaw na nakikita ang kanyang repleksyon. Hindi
THIRD PERSON:Tahimik ang opisina. Tanging tunog ng click, click, click ng ballpen ang maririnig—paulit-ulit na pinipindot ni Dominic habang nakakunot ang noo, tila ba gusto nang butasin ang lamesa sa inis.Nakatitig siya sa kawalan, puno ng lalim at hindi mapakali. Halatang wala sa ayos ang isip.
THIRD PERSON;Dahan-dahan pang binuksan ni Mira ang pinto, alam niyang nagpapahinga ang kanyang ina sa mga oras na iyon. Bitbit niya ang isang paper bag na puno ng pagkain. Nang nasa kusina na siya para ilapag ang mga dala niya sa lamesa saka niya narinig ang tinig ng kanyang ina.“Mira, anak, ikaw
THIRD PERSON:“Good afternoon po, Ma’am Celestine.” bati ng isa sa kasamahan ni MiraBahagyang natigilan ang manager ng resto nang makita kung sino ang bagong pasok na customer. Isang ginang na may dalang kakaibang presensya—magarang damit na halatang designer piece, perlas sa tainga, at postura na







