MasukTHIRD PERSON:Mula roon, tanaw ang buong lungsod, kumikislap ang mga ilaw na parang bituin na bumaba sa lupa.Marahang humakbang si Mira palapit sa railing, habang ang malamig na hangin ay humahaplos sa kanyang mukha at belo.Maya-maya, naramdaman niya ang mga braso ni Dominic na marahang yumakap sa kanya mula sa likuran.“Happy, my wife?” bulong ni Dominic sa kanyang tainga.Napahawak si Mira sa mga braso nito, bahagyang ngumiti habang nakatanaw sa city lights.“Sobra…” mahina niyang sagot.“Ang ganda talaga nilang pagmasdan, ‘no?” sabi ni Mira habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa ibaba.Ngumiti si Dominic habang nakasubsob ang baba malapit sa balikat niya.“Mas maganda ka diyan.”“Uy, ikaw talaga…” natatawang sagot ni Mira habang bahagyang umiiling. “Puro ka pambobola.”Mahinang natawa si Dominic bago mas hinigpitan ang yakap sa kanya.“Hindi ‘yon bola,” seryoso niyang sabi. “Katotohanan ‘yon.”Sandaling katahimikan.Tanging hangin at mga ilaw ng lungsod ang nakapaligid sa kanila.H
THIRD PERSON:Tahimik ang bridal room.Tanging malambot na ilaw lang ang umiilaw sa buong paligid, sapat para magbigay ng init sa malamig na katahimikan.At sa gitna naroon si Mira.Nakasuot ng puting wedding dress. Simple, elegante… pero sa paningin niya, para itong isang tanawing hindi mo dapat masyadong titigan nang matagal, dahil baka mas lalo lang sumakit ang dibdib mo.'Ang ganda niya…mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Mula sa gintong gown, ngayon naman ay puting gown pang kasal....ouccchh parin!!' sa isip niyaNgunit mabilis din niyang pinigilan ang sarili. Hindi na pwede ‘yan, Cyrus.Kaibigan lang.Kaibigan na lang dapat.Dahan-dahan siyang lumapit, pilit pinapakalma ang sariling ekspresyon.“Ano, musta? Maganda ba?” pilit niyang biro habang nakangiti.Napatingin si Mira sa kanya at ngumiti.“Napaganda..... Ang galing talaga mag-design ni Mr. Adrian, ‘no?”“Ikaw talaga!” natatawa niyang sabi, sabay kunwaring aakmang hahampasin ang hangin sa harap niya. Muntik pa siyang matawa,
THIRD PERSON:Nasa loob ng kwarto si Mira habang ka-video call si Monica.Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakangiti habang hawak ang phone.Sa screen, kita si Monica, simple lang ang itsura pero halatang pagod at nahihiya.“I’m so… sorry talaga, Mira,” mahinang sabi ni Monica. “Hindi ako makakapunta.”Agad namang umiling si Mira kahit hindi siya nakikita nang personal.“Okay lang,” malambing niyang sagot habang nakangiti pa rin. “Alam ko naman na busy ka.”Tahimik sandali si Monica bago muling nagsalita.“Pero ‘yung cake n’yo… darating daw ng 7AM. Ako ang bahala ro’n, promise.”Napangiti si Mira.“Thank you, Monica.”Makikita sa kanilang dalawa na hindi na sila katulad noon.Wala na ang tensyon.Kundi kapalit ay respeto at unti-unting nabubuong pagkakaibigan.Ngunit bago pa makapagsalita muli si Monica may kumatok sa pinto ng kwarto.“Mira?” tawag ni Dominic mula sa labas.“Sandali lang, Monica,” mabilis na sabi ni Mira sa video call. “Tinatawag ako ni Dominic.”“Ah, sige,” sagot ni Mo
THIRD PERSON:Sa loob ng buong hotel ay tila sumabog ang malakas na alon ng kaba, excitement, at matinding taranta. Dahil bukas na bukas na ang kasal nina Dominic at Mira, ang pinaka-inaabangang okasyon na kailangang maging perpekto sa bawat detalye.At dahil sa engrandeng okasyong iyon, mas lalo pang nagdagsaan ang mga VVIP guests, malalaking negosyante, kilalang personalidad, at iba’t ibang taong may matataas na koneksyon mula sa iba’t ibang bansa. Halos mapuno ang buong hotel ng mga banyagang delegado, bodyguards, assistants, at mamahaling sasakyang sunod-sunod na dumarating sa entrada.Kaya naman doble ang tensyon ng lahat ng empleyado. Bawat kilos ay kailangang maayos, bawat utos ay kailangang masunod agad, at kahit pinakamaliit na pagkakamali ay hindi puwedeng mangyari. Para sa kanila, hindi lang ito basta kasal, isa itong engrandeng okasyong pag-uusapan ng maraming tao.“Bilisan n’yo! Bilisan n’yo!” sigaw ni Felix habang tumatakbo sa corridor na may hawak na checklist. “Hindi i
THIRD PERSON:Magkahawak-kamay na naglalakad sina Mira at Dominic sa tahimik na kalsada pauwi sa bahay nila.Mahina ang ihip ng hangin habang ang malamlam na ilaw ng mga poste ay tumatama sa kanilang dalawa.Tahimik lang si Mira habang naglalakad sa tabi ni Dominic, ngunit halata sa mukha niyang may iniisip.Samantalang si Dominic naman ay panay ang sulyap sa kanya, may bahagyang ngiti sa labi na para bang aliw na aliw sa reaksyon nito.“Excited na ba ang future wife ko?”Agad na napatingin si Mira sa kanya.At gaya ng dati mabilis na naman siyang namula.“D-Dominic naman…”Mahina lamang siyang yumuko habang pilit pinipigilan ang kilig na gustong kumawala sa dibdib niya.“Hmm?” nakangising tanong pa ni Dominic habang mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.“Uhm…”Bahagya lang tumango si Mira habang pilit nagtatago ng ngiti.Dahil doon ay lalo namang napangiti si Dominic.Ngunit maya-maya biglang huminto si Mira dahilan para mapahinto rin siya.“Kaso lang…” sabi ni Mira habang bahagyan
THIRD PERSON:Abalang-abala si Dominic sa pagpirma ng mga papeles sa ibabaw ng mesa niya nang marahang sumilip si Felix sa pintuan ng opisina.“Sir…”Hindi agad nag-angat ng tingin si Dominic.“Hmm?”Dahan-dahang pumasok si Felix habang napapakamot sa batok.May kakaiba na naman itong ngiti na agad nagpahula kay Dominic na may kalokohan na naman itong sasabihin.“Uhm…” paikot-ikot pa si Felix sa harapan ng mesa habang pilit nagpapapansin.Nanatiling tahimik si Dominic habang patuloy sa pagpirma.Hanggang sa si Felix na mismo ang hindi nakatiis.“Wala ho ba kayong…” unti-unti pa niyang pinaglaruan ang mga daliri niya na para bang may hinihintay tanggapin. “Alam n’yo na…”Saka pa siya ngumisi nang malaki.“Successful po kasi ‘yung mission ko.”Doon na bahagyang napaangat ng tingin si Dominic.“Mission?”“Opo!” proud na proud na sagot ni Felix. “Eh kung hindi dahil sa akin, baka hanggang ngayon hindi pa rin kayo ni Mira. Mag-iisang buwan na rin kayong magkasintahan ngayon.”Lalo pa itong
THIRD PERSON:Tahimik ang apat.Nakaumpok sila sa isang gilid ng convenience store, pare-parehong mga nakayuko. Paminsan-minsan ay nagbubulungan at nag sisikuhan, tapos sabay-sabay pang napapatingin kina Mira at Dominic, agad ding iiwas kapag nahuhuli.Si Mira naman ay tahimik lang sa tabi, pero h
THIRD PERSON:Kakababa pa lang ni Cyrus sa kotse nang biglang may dalawang lalaki ang lumapit sa kanya.Sa una pa lang, may masamang kutob na siya, dahil sa kalsada pa lang, pakiramdam niya ay sinusundan na siya ng mga ito.Di nga siya nagkamali, siya ang pakay ng mga ito.“Te-teka… sino kayo?” tan
DOMINIC POV:Hilot-hilot ko pa ang noo ko, dama ko na ang bigat sa ulo ko. Kung may sakit na mas malala pa sa migraine, siguro ito na ’yon, sakit sa puso.Kulangan sa tulog.Overthinking.Zero reply from Mira.Perfect combo for mental breakdown.Napabuntong-hininga ako nang biglang may kumatok.“Pa
THIRD PERSON:Ngayon tatlong pares na ng mata ang nakatitig sa dalawang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng mesaHabang si Dominic naman ay hindi mapakali sa kinauupuan, paalog-alog ang tuhod at halos makagat na niya ang kuko ng hinlalaki sa sobrang pagpipigil ng tensyon.Napabuntong-hininga si Doña







