Share

CHAPTER 11

"WHAT are you doing here?" Masungit na bungad ni Yna kay Mirka nang pagbuksan niya ito ng pinto nang gabing 'yon.

"Sungit naman. Gusto mo?" Sabay taas ng dalawang bote ng coke na dala-dala nito. Mayroon din mga sitsiryang nakaipit sa kili-kili nito.

Base sa ngiti ni Mirka, alam na alam na ni Yna ang gusto nito - ang makitsismis sa kaniya at paniguradong kukulitin na naman siya nito tungkol sa mga tanong nito kanina sa mansion ng mga Decker.

"Pasok." Tsaka siya nagpatiunang umupo sa upuang kahoy sa kaniyang maliit na sala.

Nalukot ang ilong ni Mirka, pagkakita sa ayos ng bahay-kubo ni Yna. "Grabe. Naglilinis ka pa ba ng bahay mo?" Usisa nito.

"I have no time." Pero ang totoo ay wala talaga siyang hilig sa paglilinis ng bahay dahil nga hindi naman siya nasanay, maging sa sarili niyang silid sa Spain ay iba ang naglilinis.

"Pero sa pagpapaganda sa gabi bago matulog may time ka, ane?" Sabay upo sa may hindi kalayuan kay Yna.

"Ofcourse!
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status