Share

CHAPTER 2

Penulis: Author Lemon
last update Terakhir Diperbarui: 2023-09-23 14:25:26

      NANG hindi na matiis ni Adalina ang gutom, lumabas siya ng kubo at tinignan kung nasaan ang ginang na kumausap sa kaniya kanina. Natanaw niya ito sa hindi kalayuan, nakaduyan sa may ilalim ng puno na nasa solar din ng bahay kubo ng mga ito. Agaran niya itong nilapitan.

     "Aling Prangka!" Tawag niya rito. She is not sure kung tama ba ang pangalang tinawag niya sa babae.

     "Oh, ikaw pala. Bakit?" Nakangiting usisa nito na tumayo mula sa pagkakaduyan.

     "I'm hungry," aniya sa babae.

      Natawa ang ginang. "Sabi na nga ba at gugutumin ka, halika sa loob at para makakakain ka. Naku, oras na," sabi ng ginang na nagpatiuna nang pumasok sa loob ng bahay at sumunod naman si Adalina.

      Nakita niyang nakahiga sa sala ang dalagang anak ng ginang na Mirka ang pangalan kung hindi siya nagkakamali.

      "Anong meron 'nay? Bakit nandito ang mestizang 'to?" Usisa ni Mirka sa ina. Sumunod din ito sa kanila sa kusina.

      "I'm hungry," sagot ni Adalina na wala mang bahid ng hiya sa mukha.

       Napangiwi si Mirka. "Ay, ganoon? Eh, bakit dito ka kakain na para bang hindi mo kami sinungitan kanina?"

     "Mirka, ano ka bang bata ka!" Saway ng ginang sa anak.

      Tinignan ni Adalina ang dalaga. Mukhang magka age lang silang dalawa. "Babayaran ko naman, ah?" Mataray niyang sambit sa babae.

    "Hindi kami karinderya!" Angil ni Mirka.

    "What's karinderya?" Adalina frowned.

    "Hay naku, tumigil kayong dalawa. Heto na at kumain ka na rito, hija." Sabay pinaghila pa nito ng upuan si Adalina.

    "What's this, Aling Prangka?" Usisa pa ng dalaga nang makita ang mga pagkain na nasa mesa.

     "Hoy mestizang bangus, hindi Prangka ang pangalan ng nanay ko!" Sabat na naman ni Mirka.

     "Whatever!" Malditang sagot ni Adalina sabay irap kay Mirka na may inis sa mukha.

"D***g bangus 'yan. Hindi ka ba kumakain niyan?" Usisa ng ginang.

      Nalukot ang mukha ni Adalina. "Do I have a choice?" Bulong niya at nagsimula nang kumain dahil gutom na talaga siya. Napapangiwi siya sa bawat subo dahil hindi siya sanay sa lasa ng kaniyang kinakain.

     "Tama ba ang hinala ko, anak ka nga ba ni Almira?" Hindi napigilang muling usisa ni Aling Prancia sa dalaga. Umupo pa ito sa extrang upuan na naroon.

     "Yes," tipid niyang sagot at nasa hinihimay na bangus ang pansin.

     "Sabi ko na nga ba at anak ka niya! Parehas kayong maganda!" Wika ng ginang na hindi maitago ang saya sa mukha.

     "Pero hindi parehas na mabait." At siyang muling pagpasok naman ni Mirka at sinambit ang mga katagang 'yon.

      Hindi kumibo si Adalina dahil ninanamnam niya ang kinakain. Hindi naman pala masama ang lasa nito gaya ng iniisip niya. Bigla niyang naalala na ilang beses niyang nakita ang ina noon na ganoon ang inuulam paminsan-minsan kapag namiss nito ang pagkaing pinoy.

     "Kumusta na si Almira? Matagal na siyang hindi nagagawi rito." May pananabik sa boses ni Aling Prancia.

     Napabuntong hininga si Adalina.

    "She's in Spain. Ipinatapon lang nila ako rito," tila walang anuman na sabi nito.

      Nagkatinginan ang mag-ina, pagkatapos ay muling tumingin sa dalaga.

    "Ganoon ba?" Tanging nasambit na lamang ng ginang. Hindi kasi ito makapaniwala sa sinambit ng dalaga.

    "Yes." Binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. "I'm full. And by the way, is there any store here? I want to buy something."

     Tumingin si Aling Prancia sa anak. "Samahan mo nga ito, Mirka. Isang sakayan lang naman ng jeep mula rito."

   "Ba't ako?" Inis na sabi ng dalaga.

    "Sige na, anak." Pagkatapos ay hinarap nito si  Adalina. "Sasamahan ka ng anak ko." Ngiting-ngiting sabi nito sa dalaga.

    "Okay." Tsaka na tumayo si Adalina. "Let's go," aya nito kay Mirka at nagpatiuna na sa paglalakad na akala mo ay prinsesa kung tumindig at maglakad.

     Itinulak naman palakad ni Aling Prancia ang anak upang makasunod kay Adalina. Hindi maipinta ang mukha ni Mirka na sumunod na lamang.

    "Where's the car?" Usisa ni Adalina kay Mirka paglabas nila ng bahay.

     "Oy, mestizang bangus, wala kaming kotse. Magj-jeep tayo," ani Mirka na hinila nito sa braso ang babae na akala mo ay wala ng dugo sa sobrang puti.

     "Ouch!" Maarteng hiyaw ni Adalina at hinila ang braso mula kay Mirka. Sumunod na lamang siya sa babae.

      Hapon na pero masakit pa rin sa balat ang sinag ng araw kaya mamula-mula tuloy ang dalaga, pinagtitinginan sila ng mga tao na akala mo naman ay noon lang nakakita ng maganda. Sanay na siyang makatanggap ng mga ganoong klase ng titig noon pa man kaya hindi na siya naiilang pa.

      Pumara ng jeep si Mirka at pinasakay ang dalaga na halos masuka sa amoy ng mga taong nasa loob ng jeep dahil halu-halo na ang amoy doon. Lihim na natawa si Mirka sa reaction ni Adalina na halatang hindi pa nakasakay sa jeep.

     "Sabihin mo, 'para po'." Utos ni Mirka sa dalaga.

     Dahil sa kagustuhang makababa na sila sa jeep na 'yon ay sinabi na niya ang 'para po' sa slang way na ikinatawa ng mga taong sakay ng jeep. Adalina rolled her eyes bago bumaba.

     "Ayun ang store, bilhin mo na ang mga kailangan mo, bilisan mo!" Taboy ni Mirka sa babae at balak na hintayin na lamang ito sa labas.

      Pagkauwi nila, nabanggit niya kay Aling Prancia na naghahanap siya ng trabaho. Kailangan niya ng trabaho para mapanindigan niya ang hindi paghingi ng pera sa kaniyang ama.

Hindi na niya kailangang hintayin pa na maubos ang perang ibinigay sa kaniya.

    "Mayroon akong alam hija, kaso..." Tila nag-alangan pa itong sabihin ang trabahong alam nito.

     "What is it? Tell me!" Pilit niya kay Aling Prancia.

      "Gusto mo bang maging katulong? Naghahanap kasi ang mayordoma namin ng puwedeng maging personal maid ng amo namin."

      Napangiwi siya. Seryoso ba ito? Tatanggi na sana siya nang marinig muli ang sinabi ni Aling Prancia.

     "Malaki ang sahod, hija..."

      Nagningning ang mga mata ni Adalina. Malaking sahod means magkakaroon siya ng maraming pera na puwedeng pagsustento sa mga luho niya rito sa Pilipinas.

    "I will grab it!" Excited niyang turan.

     Nagulat si Aling Prancia. "Naku, seryoso ka ba? Hindi basta-basta ang aalagaan mo, sinasabi ko na sa'yo," paalala ng ginang.

     "No me importa, basta kailangan kong kumita ng pera," tugon niya na desidido na.

     "Sige at sasabihan ko si Mirka na isama ka bukas sa hacienda ng mga Decker..."

      

  

       

         

       

     

     

         

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 14

    NANG marinig ni Yna ang sinabi ni Liam ay natigilan siya. Ganoon ba kamahal ang batong 'yon? Nagkamali ba siya ng pagkilatis sa value ng bato? "M-mahal ba 'yan sobra?" Natitigilang usisa niya sa binata. Hindi nagbabago ang madilim na mukha ni Liam na nakatitig sa dalaga. Wari bang isa itong mabangis na hayop na anumang sandali ay sasakmalin siya. Lalo tuloy nadagdagan ang kaba ni Yna, sa unang pagkakataon ay ngayon lang yata tila nanginig ang kaniyang mga paa. "Tinatanong mo gaano ito kamahal?" Pagkaraan ay tumawa ng may pagkasarkastiko ang binata. "Someone gave it to me, and you'll never know the value of this things to me, Yna. Dahil hindi ka naman marunong magpahalaga ng mga bagay-bagay na ibinibigay sa'yo ng taong nasa paligid mo, hindi ba?" Kailanman ay hindi naging sensitibo si Yna sa mga bagay na sinasabi sa kaniya. But what Liam said hits different. May kung anong natumbok ang mga salitang iyon sa parte ng kaniyang pagkatao na nagpakirot sa kani

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 13

    "GOOD MORNING!" Katulad kahapon, naging masigla rin ngayong umaga ang pagbati ni Yna kay Liam na nakaupo sa wheel chair nito at nasa loob lamang ng silid nito. Naisip ni Liam na nakuha pa nitong ngumiti ng ganoon, e ang late na nito sa pagpasok. Ni hindi nga ito ang nag-serve ng kape niya at almusal. "May dala ako para sa'yo," anang dalaga na lumapit kay Liam at iniaabot ang isang basket ng lansones na galing sa pananim na naroon din sa sakop ng hacienda ng mga Decker. Panandaliang natigilan si Liam at tinignan ang babae. For a moment, tila ba nakita niya si Raya sa katauhan nito. Maamo ang mukha at napakatamis ng ngiti. Madalas din siyang dalhan ni Raya noon ng lansones sa tuwing magtutungo ito sa mansion. May kung anong pinong kurot ang nadama ang binata pagkaalala sa dalaga. "Alam ko paborito mo ito," muling sabi pa ni Yna na todo ang ngiti. Ipinilig ni Liam ang ulo at nag-iwas ng tingin mula kay Yna. Pinanatili ang blankong ekspresyon ng mukh

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 12

    "RISE AND SHINE!" malakas na sabi ni Yna habang hinahawi ang mga makakapal na kurtina sa silid ni Liam upang makapasok ang sinag ng araw. "Damn it! What are you doing?!" Asik ng binata na nagising nang tumama ang sinag ng araw sa mukha nito. Tinakpan nito ang mga mata dahil nasilaw na ito. "Good morning, Sir Liam. It's time for your breakfast in bed," energetic na sabi pa ng dalaga. Kinuha nito ang pagkaing ipinatong sa glass table na nasa silid ni Liam. Inilapit niya ang pagkain na 'yon sa binata na hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkaistorbo mula sa pagtulog. Umayos ng upo si Liam, madilim pa rin ang mukha at halatang iritable. Pero hindi iyon pinansin ni Yna, desidido siyang magtagumpay sa mission niya sa binata. "What are you doing here?" Masungit pa rin ang tinig ng lalaki. Inayos ang puting t-shirt na suot. "Ipinagluto kita ng almusal," inosenteng sabi ni Yna na akala mo ay pagkabait-bait. Nangunot ang noo ni Liam. "It's su

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 11

    "WHAT are you doing here?" Masungit na bungad ni Yna kay Mirka nang pagbuksan niya ito ng pinto nang gabing 'yon. "Sungit naman. Gusto mo?" Sabay taas ng dalawang bote ng coke na dala-dala nito. Mayroon din mga sitsiryang nakaipit sa kili-kili nito. Base sa ngiti ni Mirka, alam na alam na ni Yna ang gusto nito - ang makitsismis sa kaniya at paniguradong kukulitin na naman siya nito tungkol sa mga tanong nito kanina sa mansion ng mga Decker. "Pasok." Tsaka siya nagpatiunang umupo sa upuang kahoy sa kaniyang maliit na sala. Nalukot ang ilong ni Mirka, pagkakita sa ayos ng bahay-kubo ni Yna. "Grabe. Naglilinis ka pa ba ng bahay mo?" Usisa nito. "I have no time." Pero ang totoo ay wala talaga siyang hilig sa paglilinis ng bahay dahil nga hindi naman siya nasanay, maging sa sarili niyang silid sa Spain ay iba ang naglilinis. "Pero sa pagpapaganda sa gabi bago matulog may time ka, ane?" Sabay upo sa may hindi kalayuan kay Yna. "Ofcourse!

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 10

    "WHEN Raya died, Liam locked himself in his own world. I feel like he's not my son anymore. Maraming pagbabago sa kaniya na lubos kong ikinalulungkot, hija." Tumingin kay Yna si Señor Renato at pilit na ngumiti. Pansin ni Yna ang lungkot sa mukha at mga mata nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit sinasabi ngayon nito ang mga bagay na 'yon sa kaniya, to think na ngayon pa lang sila nagkaharap. Napailing-iling ang ama ni Liam at sinabayan ng pagbuntong hininga. "Liam shut his world from us, mundong ginawa niya simula mamatay si Raya. My son, really love her to the point na kay Raya lang umikot ang mundo niya noong nabubuhay pa ito..." "Mawalang galang na, señor. Bakit niyo ho sinasabi ang mga bagay na 'yan sa akin? Do I have anything to do with that? I mean, ano ho ang nais niyong ipunto?" Ayaw pa naman ni Yna ang maraming paliguy-ligoy, dahil napakaikli lamang ng pasensya niya, bagay na namana niya yata sa kaniyang ama. Natawa ang kausap. There is a

  • MR. DECKER's MAID (tagalog)   CHAPTER 9

    DAHIL sa napakaiksi lamang ng pasensya ni Yna at talagang ipinanganak siyang maldita, nilapitan niya si Lizzy at hinila ang pulang buhok nito. Hindi na niya inisip ang magiging resulta ng ginawa niya. Galit siya at kailangan niya iyong ilabas. Nagsisigaw ang babae. "Sino sa atin ang tanga, ha?" Gigil na sabi ni Yna kay Lizzy at walang balak bitawan ang buhok nito. "Hey, stop!" Awat naman ni Liam sa dalawa. "Ouch! Let go of me, bitch!" Patuloy na sigaw ni Lizzy na hindi alam paano babawiin ang buhok. "Bitch pala, ah! Uunatin ko ang buhok mong kulot!" Lalong sinabunutan ni Yna ang buhok ng babae. Para kay Yna, nagkakamali si Lizzy ng binangga! "What is happening here?" Ang biglang pagdating ni señora na gulantang sa nakitang tagpo. Doon pa lamang binitawan ni Yna ang buhok ng babae na agad naman na parang batang biglang tumakbo at nagtago sa likod ng ginang. "Oh my gosh, Lizzy. Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni señora sa bab

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status